"Mrs. Miller is Four weeks pregnant"
"Mrs. Miller is Four weeks pregnant"
Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi kanina nung doktor. My mom is pregnant. How? Bakit? Umaasa ako na maaayos pa ang pamilya namin pero bakit naman ganito? Handa na sana akong patawarin sya para mabuo na ulit ang pamilya namin. I wasn't expecting her to get pregnant. Bakit ngayon pa? Hindi pa ako handa.
Gusto kong magalit, sigawan sya pero hindi ko kaya. Bakit kaylangang humantong kami sa ganitong klaseng sitwasyon. All I want is to have a complete and a happy family. I never asked for this. Bakit? Bakit lagi na lang sakin pinagkakait ang mga mahal ko sa buhay.
Walang direksyon akong naglakad. I feel numb. Nanghihina ako sa mga nalaman ko. Gusto ko ng buong pamilya. Gustong gusto ko. Ramdam ko ang sunod sunod na patak nang luha ko. Pinagtitinginan narin ako pero wala akong pakialam. Namanhid nako sa lahat ng sakit. Hindi ko na maramdaman ang sarili ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap yakap ni Ane. Doon na ako tuluyang umiyak. Niyakap ko din sya pabalik.
"I'm here, I'm always here" she whispered at niyakap pa ako lalo. Umiyak lang ako ng umiyak. Ilang minuto muna kami sa ganung posisyon bago naming napagpasyahang bumalik na. Stable na daw ang lagay ni Aiah, nasalinan narin sya ng dugo.
"She fine now. But she need to rest. That's what she need. Upon checking her a while ago I noticed that she have some bruises in her body, puro peklat din ang katawan nya. Those scar are not just an ordinary one. Ano bang pinagkakaabalahan nya?" paliwanag ng doktor.
Tinitigan ako ni Cal, I feel guilty kaya ako na ang unang umiwas. I bit my lower lip. Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig nya. I just wish na gumaling agad si Aiah, hindi ko alam kung makakaya ko pang magsinungaling Kay Cal.
Cal is smart. Alam kong nagdududa na sya ngayon pero ayaw nya lang magsalita. But I know him too well, alam kong sya mismo ang gagawa ng paraan para malaman ang totoo. He has the power. In just a snap pwede nya ng malaman ang katotohanan.
"We'll asked her right away kapag nagkamalay na sya" Cal answered while staring at me.
"Okay. Babalik na lang ako dito mamaya" doctor Chavez said at tuluyan na kaming iniwan.
Umalis muna si Lust para bumili nang pagkain, sumama din si Ane. Kaya kaming dalawa ni Cal ang naiwan. Ramdam ko ang pagtitig nya sa akin pero binalewala ko lang. Kinakabahan ako pero ayaw kong magpaapekto. Nangako ako Kay Aiah na wala akong pagsasabihan. And I will keep that secret as much as I can.
Ngayon ko lang nakita ng buo ang mukha nya simula kagabi. Mas nahabag ako sa itsura nya ngayon. May pasa sya sa gilid ng labi. May cut din ang bandang kilay nya. May iilang pasa at sugat sa braso nya.
"What happened?" Cal said in a cold tone.
Humigpit ang pagkakakapit ko sa kamay ni Aiah.
"I-I-I don't know, basta tinawagan nya na lang ako. She's asking for my help kaya pinuntahan ko sya. And then natagpuan ko na lang sya na puro s-sugat d-dun sa w-warehouse"
Sh*t. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko sinalubong ang tingin nya baka kasi makahalata lalo.
"I really hate liars, Nyx. Alam mo yan"
Napapikit na lang ako sa sobrang kaba. I don't know kung pano 'to malulusutan. Buti na lang dumating agad sila Ane at Lust. Damn, that was close.
Months passed at mabilis namang nakarecover si Aiah. Nabanggit ko na rin yung mga nangyari habang wala pa syang malay. She thanked me for keeping her secret.
She didn't elaborate what happened on that night so I didn't bother to asked her. Since malapit na ang pasko ay malapit narin akong mabaliw. Andaming activities ang pinapagawa samin. Halos hindi na ako natutulog, sobrang nakaka-stress pero alam kong worth it lahat ng 'to. This is my last year in college kaya natural lang na madami talaga ang ginagawa.
"I heard the news. You should congratulate your mom" dad said.
Napatigil kaming dalawa ni Wayne sa pagkain. Parehas kaming apektado sa pagbubuntis ni mom. Iniisip ko kung pano na ang magiging sitwasyon namin. I stared at Erwan. Sya ang pinaka apektado sa lahat ng 'to.
"Sa susunod na lang dad madami pa kasi akong ginagawa" I said in a cold tone.
Na-guilty ako sa paraan ng pagsasalita ko Kay dad. Naiinis ako sa sarili ko. Of all people bakit kami pa. Sigurado naman akong walang ginawang masama ang kahit na sino sa amin except kay mom, she cheated. I was idolizing her for being a strong woman before but now I don't think so. She's not the woman I used to know. Everything changed when she open up to dad about,her, falling out of love to him. I was young, 16, and I don't know how to handle that kind of situation. I end up crying, doing nothing.
Litong lito ako nung mga panahong yun, di ko alam kung pano ako magsisimula.Sometimes I envy dad. How can he act like its fine when its really not.
"I'll take care of Erwan" seryosong saad nya at tinuro kaming dalawa ni Wayne. "And for the both of you, Sunday bukas kaya puntahan nyo ang mom nyo, dalhan nyo narin sya ng paborito nyang bulaklak and congratulate her. Understand?"
Wala na kaming nagawa ni Wayne kundi ang pumayag. Kapag si dad ang nagsabi kaylangan talagang sundin. I just hope na masurvive ko ang pakikipag plastikan sa kanya. The next day, maaga kaming nagising ni Wayne. Ngayon pa lang kinakabahan na ako paano pa kaya kapag nagkaharap na kami.
Tahimik ako buong biyahe ganun din si Wayne. Sa sobrang kaba ko namamasa na ang palad ko. Agad kaming pinapasok ng maid. For the second time, nakatungtong ulit ako sa bahay na'to. I admit maganda talaga ang pagkakadesenyo ng bahay. Halata rin na puro mamahaling materyales ang ginamit.
Bitbit ko ang isang bouquet ng pink tulips, mom's favorite. Dad didn't let Erwan come with us, masyado kasing matanong si Erwan.
"Ang ganda sana nitong bahay may demonyo nga lang na nakatira. Sayang" sabi nya habang umiiling pa. Akala mo talaga nanghihinayang talaga sya.
"Shhhh! Baka marinig tayo" sabi ko. We both laughed. Ilang minuto na kami rito pero wala parin ang hinahanap namin. "Nauuhaw na'ko te, punta lang ako sa kusina" pagpapaalam nya. Tumango lang ako. I can't take this anymore kung hindi sya magpapakita, ako na lang ang hahanap sa kanya.
Pumunta ako sa second floor. Halos mahilo ako sa dami ng pasikot-sikot. Kahit ganito kalaki at kagara ang bahay ko kung ganito naman katahimik wag na lang. Wala man lang kabuhay buhay. Ang ganda ng interior pero ang lungkot ng atmosphere. Pano sya nakakatagal sa ganitong klase ng paligid. My mom is so sweet and talkative, ayaw nya sa tahimik na lugar. Naiinis daw sya.
Sa dulo ng hallway ay may nakita akong kwarto. Nakabukas ng kaunti yung pinto. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako pero sa huli ay pumasok na lang ako. Sumalubong sakin ang pamilyar na amoy. Its my mom's perfume. Hanggang ngayon hindi parin sya nagbabago ng pabango nya.
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang pamilyar na painting. Nakalagay ito sa taas ng headboard. Nag init ang sulok ng mga mata ko. Yun yung painting na niregalo ko sa kanya kapalit ng pananatili nya. Magulo na ang relasyon nila noon kaya naisipan kong ipinta sya, nagbabakasakaling sa pamamagitan nun maawa sya at piliin nyang hindi kami iwan.
Sobrang saya nya ng malaman nya na ipininta ko sya. Akala ko hindi na sya aalis pero mali ako. Iniwan nya parin ako, iniwan nya parin kami. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na puro picture ko at ng mga kaptid ko ang nakalagay.
Puro nakaframe ang mga pictures namin. Hindi ko na napigilang maiyak nang makita ang picture ko nung graduation. Wala sya nung highschool graduation ko dahil yun din ang araw ng kasal nya sa ibang lalaki, tanging si dad lang ang kasama ko nun. How come na meron sya nito?
Tama ba na magalit parin ako sa kanya? Kaylangan ko na ba syang patawarin? Sobra ko na ba syang nasasaktan? Nasasaktan din naman ako.
I act as if I don't care but deep inside I really want to hug her and to tell her how much I love her. Nasasaktan akong makitang nakakaya nya akong tiisin habang pinipilit ko rin yung sarili ko na tiisin rin sya.
"I'm glad your here"
Hindi ako gumalaw o kumilos man lang nang marinig ang boses nya. Ayaw kong makita nya na umiiyak ako.
"Utos ni dad. Anyway, congratulations, magkakaroon na naman ako ng kapatid. Ang saya.. Nilagay ko dun sa sala yung paborito mong bulaklak. Sana magustuhan mo. Yun lang aalis na'ko.."
Yumuko ako para hindi nya makita ang mukha ko.
"Hanggang kaylan mo ba ako titiisin? Nyx, I'm sorry, alam kong mali yung ginawa ko per-"
"Pero ginawa mo parin. Nangako ka na hindi mo kami iiwan. Nangako ka kay dad na dapat sya lang...." umiiyak kong sabi. Wala na akong pakialam kung makita man nya akong umiiyak.
"Gusto k-k-ko lang naman ng buo at masayang pamilya pero pinagkait mo samin yun p-para lang sumama sa iba...."
Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Hindi na ako nag abala pang punasan pa ang mga ito. Umiiyak din sya, lalapitan nya sana ako pero umiwas ako. Gusto ko syang sumbatan sa pang iiwan nya samin pero wala na akong lakas.
Agad akong lumabas ng kwarto. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba.
"Uminom lang ako tapos pagbalik ko wala ka na... Teka umiiyak ka ba?" Wayne said at inilapit ang mukha nya sakin. Iniwas ko ang aking tingin.
"Let's go may pupuntahan pa ako" I said. lumabas agad ng bahay. Sumunod naman sya.
"Agad? Kadarating lang natin" reklamo nya. Hinarap ko sya at namewang sa harapan nya.
"You can stay here if you want" masungit kong saad. Ngumiti naman sya at umakbay sa akin ng may ngiti sa labi. "Ayaw ko rito ate, alam mo namang sayo ako eh" pang uuto nya. I rolled my eyes. He just laughed.
Mina, my classmate, invited me to a foam party in their house. Pumayag agad ako since this week nga is sobrang stressful kaya I need to chill. This is my last semester kaya hanggat maaari gumagawa ako ng paraan para ma-enjoy lahat.
Nakasuot ako ng high waist denim shorts at black na backless push up bra. Nag heels na rin ako. Nagbaon din ako ng extrang damit. Nag taxi lang ako papunta sa bahay nila Mina.
Papasok pa lang ako ay rinig na rinig ko na agad ang maharot na musika. Ang daming pamilyar na mga mukha ang nakikita ko. Sinalubong ako ng isang maid at sinamahan ako papunta sa pool side. Hinanap ng mata ko si Mina kumaway agad sya nang makita ako.
"Ang hot mo naman masydo" Mina said while staring at me from head to toe. I smiled at her.
"Shocks ngayon mo lang nalaman? Kawawa ka naman"
Tumawa naman agad sya at hinatak ako papunta sa mga nagkukumpulang mga kalalakihan. Ang daming gwapo. Dami ring blessings.
"Guys, this is Nyx. Single yan" pagpapakilala nya sa akin. Ngumiti naman agad ako at isa isa silang kinamayan.
"Gil" the man with a dimples said and offer his hand. Inabot ko ito at nakipag kamay rin.
Isang matangkad naman na lalaking chinito ang lumapit sakin. "Vin, nice to meet you" he said while staring at me.
"Nice to meet you,too" I smiled. Medyo nagutom ako kaya niyaya ko syang kumain muna. May mga pagkain naman pero mas madami paring Alcoholic drinks. Binabati ko lahat ng nakakasalubong ko at ganun din sila. Buti na lang puro taga LPU-C lang ang inimbitahan ni Mina.
Nagsimula na rin akong uminom kasama ang mga schoolmates ko. Gusto kong magpaka lasing ngayong gabi.
"Nice top"
Tumingin ako sa kanya at inilapit ang bibig ko sa tenga nya.
"Wanna tear it?" I said seductively. Medyo marami na rin ang nainom ko.I want to get wasted, kahit ngayong gabi lang. Gusto kong kong kalimutan ang lahat.
He stared at my lips. Lust is now visible in his eyes. I can feel his need for me. Tinatamaan na talaga ako ng alak dahil pakiramdam ko ay nag iinit rin ako. This is one of the reason kung bakit ayaw kong malasing ng sobra dahil nagiging maharot ako.
"Gladly, baby. But let me ruin your lipstick first" he answered as he lean closer to my face. Pumikit ako at hinintay na lumapat ang mga labi nya sa labi ko.
"How about ruining your face with my fist?"
Napadilat ako ng marinig ang boses nya. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot nya. Pero mas nagulat ako sa kalagayan ni Vin, nakabulagta sya at putok ang labi. Hawak-hawak nya ang kanyang tyan. Nasa likod ni Graunt ang mga pinsan nya. Anong ginagawa nila dito?
"Anong ginawa mo sa kanya?" I scolded him. Agad kong nilapitan si Vin. Halata sa mukha nya ang sobrang sakit. Tinulungan ko syang makatayo pero hinatak agad ako ni Graunt papalapit sa kanya. Tinulak nya si Vin papunta kila Lust at Cal.
"Ano bang problema mo!?" sigaw ko sa kanya. Lahat ng tao ay nakatingin na sa direksyon namin. Hinatak ako ni Graunt paalis sa lugar na yun.
"Good luck!" Cal shouted.
Binawi ko ang kamay ko kay Graunt dahilan para mapatigil din sya sa paglalakad. Galit ang mukha nyang humarap sakin. Ang sama nang tingin nya sakin kaya kinabahan agad ako.
He's mad. Really mad. But I don't care, naiinis ako sa ginawa nya. Nalapitan ko sya at dinuro duro ang dibdib nya.
"Anong bang problema mo? Ha? Bakit mo ba sakin ginagawa 'to? Bigla-bigla ka na lang susulpot tapos sasabihan ako ng matatamis na sali-"
Napatigil ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sakin. Naramdaman ko na lang ang malambot nyang labi. His kisses were full of anger at first pero kinalaunan ay naging mahinahon rin ito. I closed my eyes as I kissed him back with the same intensity.
His lips were soft that it drives me crazy. This is crazy. Parehas kaming hinihingal nang huminto kami sa paghahalikan.
He look at me with full of desire.
"Damn. I want to taste that lips again..."
*********
This is unedited version so please bear with the wrong grammars.
Nakakastress yung module sobra. Sana kinakaya nyo pa.
Fight lang.
Muah!
Adios