We remained in our position, feeling each others body heat. I bit my lower lip. I can still feel his breathing in my neck. Kung may makakakita samin ngayon sigurado akong iisipin nila na may ginagawa kaming himala.
"I-I think w-we need to go back" napapikit na lang ako sa sobrang kaba. Tang*na ka Graunt. Anong ginagawa mo sa sistema ko? Unti unti syang tumayo nang maayos at tinitigan ako.
"Do you know him?" tanong nya. His eyes were bloodshot. Halata mo ang pagkairita sa mukha nya. Umiling ako. He stared at me before pulling me closer to him. Tinanggal nya ang coat nya at ipinatong ito sa aking balikat upang matakpan ang nakabalandra kong likuran.
"Bumalik na tayo" he said. Tumango ako at bumalik na kami sa venue. Taas noo kong sinalubong ang mga mapanuring tingin ng mga bisita. I don't care about them.
Umupo sa tabi ko si Graunt ngunit umalis din nang may tumawag sa kanya. Tinaasan ko ng kilay si Ane. Problema nito?
"Nag sex kayo noh?" tanong nya habang may mapang asar na ngiti. Hinampas ko sya. Alam kong pawisan ako pero grabe naman sya mag isip.
"G*go, hindi.... Hindi pa" I said while grinning.
"Talandi ka talaga" sabi nya sabay hampas. Hindi ako umiwas, hindi naman sya masakit manghampas eh.I smirked. Umayos ako ng upo nang makitang papalapit na is Graunt.
"Ikalma mo yang perlas mo paparating na ang mananakop" she said, teasing me. "G*go" I said and rolled my eyes.
"You okay?" tanong nya at tumabi sakin.
Tumango ako.
"Ikaw ayos ka lang? Sorry nga pala dun sa nangyari kanina" tumango lang sya at itinuon ang pansin sa stage. Back to zero na naman ba kami ulit? Bakit ang cold nya ngayon?
"Galit ka ba?" I said softly. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong mali sa kanya. Parang nung nakaraan lang magkasama kami.
May pa "stay with me, Nyx" pa nga sya eh.
"You look good together. Bagay na bagay kayo" he sarcastically said.
Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Nagseselos ba sya?
"Nagseselos ka ba?" I asked while smiling. He just gave me a bored look. Bakit ang gwapo nya parin? Parang gusto ko tuloy magpalahi.
Pumalakpak ako matapos tawagin ang pangalan ng aking ina. Ngumiti sya ng malawak at umakyat sa stage. Naramdaman kong tinapik ni Ane ang likod ko pero hinayaan ko na lang.
"Why would I? Alam kong sakin parin naman ang bagsak mo" he said with a smug look paste in his face. I rolled my eyes.
"Kapal" I said. I heard him chuckled.
"Thank you so much for coming. I just wanted to say thank to all of you, alam kong pare-parehas tayong busy but you still manage to come here. Thank you everyone and most especially to my beautiful daughter....."
Bigla akong kinabahan ng tumingin sya sakin. Lumipat sakin ang spot light at narinig ko ang palakpakan ng mga bisita nya. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti.
"Nyxie, anak... Come here" she said while smiling. Humigpit ang hawak ko sa aking gown. Lahat sila nakatingin na sakin. Hinihintay ang pag akyat ko sa stage. Graunt suddenly hold my hand encouraging me to go.
Graunt smiled at me before he encircled his arm around my waist. Nagtataka man ay sumunod na lang. Inalalayan nya ako paakyat sa stage. Aalis na sana sya pero pinigilan ko sya.
"Stay, please" I begged. Hindi ko alam kung paano haharapin ang aking ina.
He licked his lower lip.
"You don't have to beg, Nyx. " he said at ipinulupot ulit ang kanyang braso sa bewang ko. I kissed my mom's cheeks bago tumabi sa kanya. Lahat ng guests ay nakatuon ang atensyon sa akin, sa amin. Pero wala dun ang focus ko. Dahil ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa paraan ng paghawak ni Graunt sa bewang ko.
Ramdam ko ang milyong-milyong boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Feeling ko anytime babagsak ako.
"Ladies and gentleman, I want you to meet my beautiful daughter, Nyx Mania Real...." she said proudly as if there's nothing wrong going on between me and her. I faked my smile.
She offer me the mic but I shook my head. We're not okay, we will never be. At isa pa wala namang akong ibang sasabihin bukod sa "happy birthday".
Pagkatapos nya akong ipakilala ay bumaba na agad ako ng stage.
Nahagip ng mga mata ko yung lalaking kasayaw ko kanina. Pupuntahan ko sana sya pero pinigilan ako ni dahil sa nangyari but then I remembered, he deserve it.
Ane gave me a meaningful look nang makabalik na kami sa table. " What?" bulong ko. Lumapit naman sya sakin.
"Ang sweet nyo namang dalawa. May paghawak pa sa bewang. May label?"
tanong nya habang nakataas ang isang kilay. Tinarayan ko sya.
"Ang mahalaga gusto ko sya"matapang kong saad at tinaasan din sya ng kilay. Di ako papatalo.
" Gusto ka ba?" she said, grinning. Hinampas ko sya pero tinawanan nya lang ako. Nakakaasar talaga sya minsan. Magsama sila ni mayor. Kaasar.
"Tea" I simply said. Kumunot naman ang kanyang noo. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Teangina mo" I whispered. She just shook her head and raised his hands like she's surrendering. I smirked.
Nagpatuloy lang ang kasiyahan hanggang sa natapos ang event. Sadly, hindi si Graunt ang naghatid sakin. Bigla na lang syang nawala sa kalagitnaan ng kasiyahan. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Mukha syang busy sa mga bisita nya kaya hindi ko na inabala pa.
Si Lustin ang naghatid sakin pauwi. Binalik nya na din yung cellphone ko.
Hinatid ako ni Graunt. Kinabukasan, hindi muna ako pumasok. I decided na bantayan si Camille. I miss her so much. Feeling ko ang tagal naming hindi nagkita.
Natutulog pa si Camille pag pasok ko kaya naghintay muna ako na magising sya. When she finally awake ay nagsimula agad akong turuan sya. Medyo nanghihina pa sya pero kaya pa naman daw nya.
I admire her for being strong. Kung ako ang nasa sitwasyon nya for sure hindi na'ko lalaban pa. What's the point? Kamatayan parin naman ang kahahantungan ko kahit lumaban pa ako.
Hindi naman ibig sabihin na kapag sumuko ka eh duwag ka na. Minsan mas magandang wala ka na lang gawin kesa lumaban ka pa. Kasi sa huli iisa lang naman ang magiging resulta. Talo. Talo ka....
"Ate Nyx I want to be a doctor" she said all of a sudden. I smiled. Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya.
"If you really want to be a doctor then kaylangan mong labanan yung sakit mo. Magpagaling ka para makapasok ka na sa school" I stroke her hair.
Umiling sya.
"I'm tired. Pagod nako ate Nyx" she said honestly. Parang may nagbara sa lalamunan ko dahil sa sinabi nya. Ngayon lang sya nagsabi na pagod na sya. Parang dinurog ang puso ko ng makitang ngumiti sya kahit pa may namumuong luha sa gilid ng mga mata nya. Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kanyang kamay. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Normal lang ang mapagod, okay? Pwede ka namang magpahinga saglit pero dapat pagkatapos mong magpahinga dapat lumaban ka ulit" pagpapalakas ko ng loob nya.
Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa mga mata nya. Ayaw kong mawala sya sakin. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaylangan nyang lumaban kasi andito pa kaming mga nagmamahal sa kanya.
"I-I can f-feel it ate. I'm al-lmost there"
Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I'm aware about her condition. At alam kong alam nya rin na hindi na sya magtatagal. Pero bakit ang sakit parin? Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa mga mangyayaring hindi maganda. Bakit pakiramdam ko hindi pako lubusang handa? Ganun pala talaga no' kahit kagaano ka pa kahanda , masasaktan at masasaktan ka parin kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak.
Nagpapaalam na ba sya? Ayaw ko pa. Hindi ba pwedeng lumaban pa sya? Hindi ko kakayanin kapag nawala sya. Lalo akong naiyak nang yakapin ako ni Camille.
"I want to rest, ate Nyx" she said while hugging me from the back. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiling. Ayaw ko pa. Hindi ko pa kaya. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak habang yakap yakap nya ako. Napagod siguro si Camille kaya nakatulog sya habang yakap yakap ako mula sa likuran. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sya inihiga ng maayos. Pinunasan ko ang buong mukha nya. Sigurado akong natuyo na ang mga luha nya. Hinintay ko munang bumalik sila tita Bea bago ako umuwi.
Pagdating ko sa bahay ay nagbihis agad ako ng pangtulog. Inaantok na ako pero hindi parin ako natulog. Tinapos ko muna lahat ng gawain sa school before I did my skin care routine. I rolled my eyes nang may makitang pimple malapit sa kilay ko. Buti na lang isa lang sya. Sana lang hindi sya dumami.
I was about to sleep because its already two am when I received a message from Aiah. Dali Dali akong nagbihis. Kumuha narin ako ng extrang jacket.
From: Aiahngot
"Nyx"
Its just a simple message pero kinabahan agad ako. I know the secret hidden message behind it. I grabbed my wallet and my car keys. Yes I have my own car but I don't want to use it. Mas kaylangan ni Wayne yun kesa sakin. Ngayong gabi ko na lang ulit 'to magagamit.
"Te, san ka pupunta?" hinila nya ako pabalik. Kita sa mukha nya ang sobrang pagtataka. Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya ngunit hinawakan nya lang ulit ako.
"Let me go, Wayne. Don't worry babalik din agad ako" I assured him. He loosen his grip at hinayaan akong makaalis. Ang bilis nang pagpapatakbo ko pero wala akong pake. Ang higpit nang kapit ko sa steering wheel. Tahimik akong nagdarasal na sana ayos lang sya. Ipinarada ko agad ang kotse ko sa tabi ng isang warehouse. Sobrang tahimik nang paligid na nakadagdag sa kaba ko. Tinungo ko ang direksyon patungo sa isang sirang kwarto. Madilim man ay naaninag ko parin si Aiah.
"Aiah. Sh*t. Ang daming dugo"
Nanghina ako sa nakita ko. Dumudugo ang tagiliran nya. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam ang gagawin ko.
"I-Im o-o-kay" she weakly said. Pinipilit nya pang makatayo. Tumulo ang luha ko nang makita kung gaano sya nanghihina.
"Hihingi ako ng tulong" I said at sinimulan nang tawagan si Lust.
"N-Nyx p-p-please wag na k-kaya ko pa"
"Utang na loob Aiah. Please kahit ngayon lang makinig ka naman sakin" pagmamakaawa ko. Hinawakan nya ang kamay ko ngunit hindi ako nagpatinag. Hindi sinasagot ni Lustin ang tawag ko kaya tinext ko na lang sya. Inalalayan ko si Aiah na makatayo. Nakaakbay sya sakin. Hinang hina sya kaya lahat ng bigat nya ay sakin napupunta.
"Aiah!"
Napaupo ako nang mawalan sya ng malay. Naiiyak na lang ako sa sitwasyong naming dalawa. Nanginginig kong tinapik ang mukha nya. Madilim kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha nya.
"Aiah! Ano ba gumising ka!"
Tinapik ko ang mukha nya ngunit wala parin syang response. Tuluyan na akong naiyak. Kanina si Camille ngayon naman si Aiah. Bakit ba sakin nangyayari 'to?
"Sh*t. Anong nangyari"
Nabuhayan ako ng loob nang makita si Lust. Thank god! Agad nyang binuhat si Aiah. Sa kotse na ako nagpaliwanag pero hindi ko sinabi ang sekreto ni Aiah. Tahimik lang syang nakikinig sa paliwanag ko. Alam kong galit sya, pero mas kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng kambal nya. Kung ako si Lustin ang boy bestfriend, si Luster naman ang boy bestfriend ni Aiah.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya kapag nalaman nya 'to. Sigurado akong magagalit sya. Sinalubong agad ng stretcher si Aiah pagkarating namin sa ospital. Nasa emergency room na sya. Tahimik akong nagdasal na sana maging maayos si Aiah, hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Nagpaalam ako Kay Lust na magc-C.R. lang ako. Tumango lang sya kaya umalis na ako. Natawagan nya na kaya sila si Ane? Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas.
Pabalik na sana ako nang mahagip ko ang isang pamilyar na bulto. Anong ginagawa ni mama dito? May sakit ba sya? Nagtago ako sa isang sulok, lumabas lang ako ng malampasan nya na ako. I got curious kaya pinuntahan ko yung silid na pinasukan nya. I knocked first before I enter.
"Hi" binati ko ang lalaking doctor. Anyway, gwapo sya.
"Yes" he smiled.
"Ahmmm. I'm Nyx, anak ako ni Chreate Miller. I just wanna ask kung may sakit ba si mama?"
I bit my lower lip. Sobra na ata 'tong ginagawa ko.
Umiling sya. Napakunot naman ang noo ko. Wala? Wala syang sakit?
"Wala syang sakit? Then, anong ginagawa nya dito?" I asked.
He smiled. "Well, I don't want to spoil you dahil baka surprised ang gusto ng mom mo pero andito ka na lang din naman edi sasabihin ko na"
Hinintay kong magsalita ulit sya.
"Congratulations! Magkakaroon ka na ng kapatid. Mrs. Miller is Four weeks pregnant"
Four weeks pregnant....
Four weeks pregnant...
******
Keep safe everyone.
Thank you for reading.
Adios!
Muah!