Ilang minuto na akong nakatayo rito pero hindi parin ako umaalis. Na-blangko ang utak ko. Pilit kong isinasaksak sa utak ko na wala lang ang sinabi nya. Niyakap ko ang aking sarili nang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin.
Lutang man ay pinilit ko paring pakalmahin ang aking sarili. Pumasok na ako sa loob at hinanap si Graunt. Ang laki ng museum na'to. Bawat lingon ko napapaligiran ako ng mga magagandang puzzle.
I stopped in the front of the second largest jigsaw puzzle. The details are so clear, ilang puzzle pieces kaya 'to?
"Ayy palaka!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Graunt sa likod ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Mamatay ako ng maaga kapag kasama ko si Graunt.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at inabot ko sa kanya. Na-gets naman agad nya kaya sinimulan nya na akong kuhanan ng litrato. Napatigil ako sa pag-pose nang may dumaan na lalaking gwapo. Matangkad sya, maputi at matangos ang ilong. San kaya sya nakatira?
"Eyes on me, Nyx" Graunt said in a cold tone. Madilim ang aura nya at umiigting ang panga. I can see anger in his eyes. Galit sya? Wala naman akong ginawa. Wala nga ba?
Kinabahan ako bigla kaya agad kong sinunod ang sinabi nya. Kinuhanan nya lang ako ng isang litrato bago binalik sakin ang phone ko. Nauna na ulit syang naglakad. Walk out king. Umiling ako.
Diba babae dapat ang tinotoyo? Bakit parang si Graunt lagi ang tinotoyo sa aming dalawa? Kainis. There's a kiosk outside the souvenir shop at dun ako dinala ni Graunt. Nagtataka lang ako kung bakit parang kabisado nya yung place.
Umupo ako sa mahabang upuan habang nasa likod ko naman ang ibat- ibang jigsaw puzzle collection.
Pinicturan nya ako at umalis saglit. Pagkabalik nya ay hawak hawak nya na ang isang kwadro na jigsaw puzzle. Napangiti na lang ako ng makitang larawan ko habang nakaupo ang nakalagay sa puzzle.
Naglibot pa kami bago umuwi. Natikman ko rin ang pinagmamalaki nilang coconut cream pie. Sobrang soft nya sa bibig, yung cream nya ay hindi masyadong matamis, sakto lang. Babalik ako dito for sure.
Natulog agad ako pagdating ko sa bahay. Nakita ko pang umiinom ng tubig si Wayne sa sala pero hindi ko na lang pinansin. Nakaka-drain ng energy ang araw na'to pero masaya naman. The next day, maaga akong nagising.
I hate mondays sana kayo rin. Kagaya ng mga nakaraang araw ay wala naman masyadong nangyari. Except sa mga pinapagawa ng mga prof. Pumasok na ako sa banyo upang maligo.
Ginawa ko na rin ang morning routine ko. Nag liptint lang ako bago pumasok. After class ay dumiretso agad ako sa Cafe tribu. Lustin wants to see me at dito ko sya pinapunta dahil free WiFi dito.
I ordered Hot chocolate and Red Velvet. Nag-picture muna ako bago ginawa ang research ko. I rolled my eyes. Nag-comment si Ane sa pinost ko. Nasan daw ako. Nag-comment muna ako bago pinagpatuloy ang ginagawa ko.
After thirty minutes ay dumating narin si Lust. Umorder muna sya bago umupo sa tabi ko.
"Miss mo'ko noh?" I asked him. Tiningnan nya lang ako na parang may sinabi akong nakakasuka. Humawak pa sya sa tyan nya. Kahapon mag kasama pala kami. Masyado akong na-busy kaya nakalimutan ko.
"Mag kasama kayo kahapon?"
Kumain muna ako bago sya tiningnan.
"Nino?" pagmamang -maangan ko. Hindi ko binanggit sa kahit na sino yung nangyari kahapon. Aasarin lang nila ako kapag nalaman na magkasama kami ni Graunt kahapon.
At isa pa hindi naman talaga big deal sakin yun. Though, may parte sa isip ko na nagsasabing may something na kami. Mahirap umasa lalo na pagdating kay Graunt.
Komplikado syang tao. Pabago bago lagi ang mood. Minsan sweet, minsan masungit. Sigurado ako na mas magiging komplikado ang lahat kapag binigyan ko lahat ng meaning yung mga ginagawa nya.
"Wag ako Nyx, nakita ko post nya kahapon. Magkasama kayong dalawa" he said, smiling. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Nag post si Graunt? Ang alam ko bihira lang syang mag post.
"Anong pinost nya? Anong caption?"
This time nakuha na nya ang buo kong atensyon. Nahihiwagaan ako sa pinost ni Graunt. Bihira nya lang yung gawin. Tatlong beses pa nga lang syang nagpost eh. He slowly put his Cappuccino on the table. Inubos nya muna ang burger nya bago ako hinarap.
Tang*na. San nanggaling yang burger na dala dala nya? Eh puro cakes ang nandito.
Ngumiti sya ng mapang asar.
"So inaamin mo na magkasama nga kayo kagabi?"
Bakit napaka chismoso nya?
"Oo na. Magkasama kami kahapon pero secret muna. Itahimik mo yang bibig mo Lustin Amaro, naiintindihan mo?"
Dinuro ko sya ng tinidor na hawak ko habang pinanlalakihan sya ng mata. Mahirap na madaldal ang isang 'to. Ayaw kong maglihim kila Aiah pero hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang tungkol samin ni Graunt.
He chuckled while raising his hands na parang sinasabi nya na suko na sya. Dapat lang noh! Saka ko na sasabihin sa kanila kapag kami na ni Graunt. Yes! I claim it magiging kami ni Graunt.
Not now but soon. Gagawan ko yan ng paraan. "Bakit hindi ikaw ang mismong tumuklas kung ano yung pinost nya?" nanghahamon na wika nya.
He has a point. I grabbed my phone. Dumiretso agad ako sa Instagram ni Graunt. Bago ko pa man makita ang post nya ay nahablot na ng makasalanang si Lust ang phone ko.
Hinampas ko sya pero hindi sya natinag at tinago ang phone ko sa bulsa nya. "Damn you, Lust. Akin na yan" pilit kong kinukuha sa bulsa nya ngunit tinabig nya lang ang kamay ko.
Naiinis na ako sa kanya. Hindi nya ba naiinitindihan na kaylangan kong makita yung pinost ni Graunt. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nakikita yun.
Nabitin sa ere ang kamay ko ng may ipinakita sya sa akin na invitation. I hands trembled. Kinuha ko ang invitation. Seryoso syang nakatingin sa akin. September na pala. Nawala sa isip ko.
Bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Taon taon namang nangyayari 'to pero hindi parin ako sanay. Siguro dahil hindi ko tanggap? Hindi ko matanggap na yung kaisa isang babaeng hinahangaan ko ang naging dahilan para mawasak ang pamilyang pinaka iingat ingatan ko.
Natahimik kami bigla ni Lust. Kita ko ang pagkaawa sa magaganda nyang mata. Umiwas ako ng tingin. Ayaw ko ng kinakaawaan ako. Feeling ko kasi sobrang hina ko.
"Ihahatid mo ba ako?" pag iiba ko sa usapan. Tinitigan nya muna ako saglit bago dahan dahang tumango. Nginitian ko sya. "Gusto ko ng umuwi"
Hindi na sya nagtanong pa at tumayo na. Niligpit ko muna ang gamit ko bago sumunod sa kanya palabas. Inilagay ko sa bag ko yung invitation. Magkakilala sila ni mom kaya laging si Lust ang nagbibigay sakin ng birthday invitation ni mama.
Taon taon din akong dumadalo. Hindi dahil gusto kong makisaya kundi dahil yun ang gusto ni papa. Magagalit daw sya sakin kapag hindi ako pumunta sa birthday ni mama. Labag man sakin ay pumupunta parin ako.
Ako lang ang pumunta hindi kasama ang mga kapatid ko. "Pupunta ka, ate?" Wayne asked. Tumango lang ako at dumiretso sa kwarto. Tinapos ko muna ang research paper ko bago binuksan ang invitation card.
Bloody rose ang kulay ng invitation card kagaya nung nakaraang taon. Huminga ako ng malalim bago ito itinago. Pag iisipan ko muna kung pupunta ba ako. Siguro naman maiintindihan ni papa kung hindi ako pupunta this year.
"Gaga! Pumunta ka" Ane said habang pumipili ng gown na susuotin nya. May invitation din syang natanggap. Matic na yun. Humiga ako sa kama nya at nagtalukbong. Naguguluhan ako.
Ayaw kong pumunta kaso baka magalit si dad. Nakakainis! Ang hirap magdecide. "Aray!" sinamaan ko ng tingin si Ane. Hampasin ba naman ako? Sira ulo talaga.
"Wag kang mag inarte. Pumunta ka, pupunta rin ako" sabi nya at binigay sakin ang isang box na naglalaman ng gown na gagamitin ko. Kumain muna ako sa kanila bago umalis.
"Mrs. Chreate Miller, happy birthday"tawag ng isang lalaki. Nang makita sya ni mom ay pinuntahan agad sya nito. Nagbeso muna sila bago nagkwentuhan.
" Relax" Lustin whispered. Tumango lang ako at umupo na sa isang table. Nasa bandang gitna kami. Nakareserve kasi ang table na'to para sa family ng celebrant. Family? Nice.
Kahit saan ako tumingin ay puro kilalang tao sa larangan ng business ang nakikita ko. Nakita ko narin si tandang Luke. Step dad ko. Napangiwi na lang ako. Never ko syang magiging tatay.
"Natatae ako, Nyx" pagpapaalam ni Lust.
Pake ko?
"Edi tumae ka! Bakit nagpapaalam ka pa?"
"Baka mamiss moko eh"
Tinarayan ko lang sya. Agad naman syang tumakbo papuntang CR. Inilibot ko ang tingin ko sa buong mansyon. Ang saya siguro ni mom, nakabingwit sya ng milyonaryo eh.
Napalingon ako sa entrance nang makarinig ako ng bulungan mula sa likod. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nakatitig sa akin si Graunt. Anong ginagawa nya dito?
Umayos ako ng upo at nagpanggap na hindi sya nakita. Pinagpawisan ako bigla. Kanina pa ba sya dito? Bakit ngayon ko lang sya napansin. Napalingon ako sa lalaking tumabi sakin. Ngumiti sya at inabot sakin ang kanyang kamay. Sa kaba ko ay hindi na ako nakapag isip ng maayos kaya sumama na lang ako sa kanya. Dinala nya ako sa gitna ng dance floor.
"Mag isa ka lang?" he asked as he reached for my hands to encircled it around his neck. Bumaba naman ang kamay nya papunta sa bewang ko.
Ramdam ko ang matinding paninitig nya.
" No, I'm with my friend " I said at sumabay na lang sa agos ng pangyayari. Naalerto ako ng bigla na lang nyang hinaplos ang likuran ko. Naka backless ako kaya ramdam na ramdam ko ang ang paghaplos nya.
Alam kong nakita nya yun. Kaya mas lalo akong kinabahan. Kung nakakamatay lang ang titig sigurado akong kanina pa ako nakahandusay dito.
"Ahhh"
Napasigaw na lang ako sa gulat ng makitang nakahandusay na ang lalaking kasayaw ko. Ramdam ko ang galit ni Graunt kahit pa nakatalikod sya sa akin. Napaatras ako nang humarap sya sakin. Hinawakan nya ako at hinila palabas.
Binitawan nya lang ako nang makarating na kami sa tapat ng kotse nya.
"Graunt bakit mo nama-"
In one swift move ay naisandal nya na ako sa kotse nya. Halos kapusin ako ng hininga nang maramdaman ang hininga nya sa leeg ko. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Hawak nya ang magkabilang kong kamay.
Bago pa ako makapag salita ay inunahan nya na ako.
"Damn, Nyx. Please, stop torturing me"he whispered in my neck.
*******
Enjoy.
Adios!