Bumangon ako at kumuha ng tubig sa ref. 2 am na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Punyeta! Pano ako makakatulog? Bakit ba kasi tatlong anak lang ang gusto nya eh lima nga ang gusto ko. Kainis.
Tumambay lang muna ako sa kitchen at nag isip isip. Simula nung umalis ako ng condo nya hindi na ako mapakali. As in lutang talaga ako. May parte sakin na nagugustuhan ko yung mga nangyayari pero mas nangingibabaw parin yung takot. Graunt is so unpredictable.
Ang gulo nya. Noon, lagi nya akong sinisigawan, pinagtatabuyan pero ngayon parang... Basta! Ang gulo. Nakakainis.
The next day, naging busy ako dahil ang dami ng pinapagawa ng mga prof namin. Not that I'm complaining pero ang dami lang kasi talaga. Nakakabangag. Last subject na namin kaya nagpapetiks petiks muna ako.
Akala ko tuluyan na akong makakahinga ng maluwag but I was wrong. Our last prof gave us an activity and I need to do it in the library.
Here in LPU-C this is one of my favorite spot, the library. Andami lagi ng estudyante rito hindi dahil may gagawin sila pero gusto lang naman nilang tumambay. If you're looking for place to chill, sa library ka pumunta.
Mabilis na lumipas ang araw. Sunday na.
From:Lustingot
"SM dasma. 1:00pm. Don't be late babe"
I rolled my eyes. Laging "babe" ang tawag nya sakin kapag sa text pero kapag sa personal hindi. Abnormal. Kanina pang 12 o'clock natapos ang pagtuturo ko. And thankfully wala si Clein dun para maghasik ng lagim.
Me:
"On the way na"
Natawa na lang ako sa text ko sa kanya. On the way? Wala pa nga akong ligo. Wala pang ayos ayos. Agad naman syang nagreply.
From: Lustingot
"Liars go to hell"
I smiled and texted him back.
Me:
"I'll see you there then"
Natawa na lang ako sa reply nya.
From:Lustingot
"Awww u hurt me ah"
Napailing na lang ako at hindi na sya nireplyan. Nag ayos na ako para hindi naman ako ma late. Sa mall lang naman kami kaya hindi na ako masyadong nag ayos. Well naka black dress lang naman ako with high heels at naka light make up. Simple lang.
"Limoooo" I shout ignoring the people around me. He smiled and ran to me. I kissed him on the cheeks. He hugged me back. Hinawakan ko ang kamay nya at sabay na tinungo ang kinaroroonan nila Aiah.
"Sana hindi ka na pumunta" Ane said at binawi sakin ang pamangkin nya. Agad naman itong sumama sa kanya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"You're 30 minutes late, Nyx" Ane said. I smiled at her. Lumapit ako sa kanya at umambang yayakap ngunit umiwas lang sya. Tinawanan nya naman ako. I made face.
"Hindi ako late" Lustin said while playing his car keys. Habang ang isang kamay naman nya ay may hawak na burger. We just ignore him at nagsimula ng maglakad papasok sa SM.
Pumunta kami ng Bench dahil may bibilhin daw ang kambal hinayaan lang namin sila. Hawak hawak ko naman si Limo na kumakain ng burger, Lustin gave it to him.
"Asan si kuya Kevin?" I asked Ane. Ipinakita nya sakin ang dalawang klase ng crop top.
"May date sila ni ate Ella. Kaya ako muna ang bantay"
Tinuro ko ang yung hawak nya sa kaliwa. Yun ang mas bagay sa kanya.
"Ikaw ang pinapabantay pero kami ang tinawag mo. Nice" Aiah sarcastically said. Ane rolled her eyes at her.
"Duh! What are friends are for. Dapat Eat Bulaga"
Nagkatinginan kami ni Aiah.
"Anong connect?" takang tanong ko.
Ane smirked. "One for all, all for one"
Tumawa lang si Aiah sa sinabi nya at nakipag apir kay Ane.
"Linya ko yun" sabat ko at tinarayan sya. Echoserang frog. Lumabas na ang dalawang kambal pero wala ni isang dalang paper bag.
"Asan ang mga pinamili nyo" Aiah asked. Umiling lang ang kambal.
"Wala kayong binili?"
"Wala" they said in chorus.
"Tang*na nyong dalawa, pinaghintay nyo pa kami dito wala naman pala kayong bibilhin" reklamo ni Aiah habang naka hawak pa sa noo nya. Si Ane naman ay masama ang tingin sa kambal habang tinatakpan ang magkabilang tenga ni Limo. Ayaw nyang matutong magmura ang pamangkin nya.
Hinatak ni Aiah ang kambal.
"Ane tayo naman ang mag window shopping, ibigay mo yan si Limo dito sa kambal. Sila ang pagbantayin mo"
"Luh? Hindi ako marunong mag alaga ng bata. Baka umiyak lang sakin yan" Lustin said.
"Wag kang mag alala,.paiiyakin din kita kapag umiyak si Limo para quits" Ane said at binigay na si Limo sa kambal. Agad namang nagpabuhat ang bata kay Cal. Buti na lang Cal like kids kaya kahit may kabigatan si Limo ay binuhat nya parin ito.
"Bye baby, stay with kuya Cal and kuya Lustin muna. Okay?"
"Yesh" Limo said. Natawa na lang ako sa pagkakabigkas nya. Three years old pa lang sya kaya medyo bulol pa. Nag usap usap kami na sa tapat ng Jollibee magkikita kita. Pumayag naman ang kambal.
"Watson muna tayo"
"Let's go" I said at nauna ng pumasok sa loob ng Watson. Wala na akong cleanser kaya yun ang una kong hinanap. Pumipili naman si Ane ng lipstick sa make-up section. While Aiah was busy calculating her bills. May ugali syang i-compute muna yung bibilhin nya bago pumunta sa counter para magbayad. Iwas hassle daw.
Bumili na din ako ng liptints.
"Ako nga try ko sayo" Ane suggested. Humarap naman sa kanya si Aiah. Kinilayan ni Ane si Aiah. I bit my lower lip to stop myself from laughing nang makitang sobrang kinapalan ni Ane ang kilay ni Aiah.
Kinuha ko ang salamin at tinago yun sa likod ko at inihalo sa mga mask sheets na nakadisplay para hindi makita ni Aiah ang mukha nya.
"Perfect!" Ane proudly said.
"Let me see. Asan na yung salamin?" she said at hinanap ang salamin.
"Wag na pinantay ko naman eh" Ane said. Pumunta na kami sa counter. Napangiti na lang ako nang mapansin na pinagtitinginan si Aiah ng mga kasabay namin. Yung iba pa ay tumatawa ng palihim.
Kumunot naman ang noo ni Aiah. She look at me. I just shrugged. Narinig kong may nagsabe ng "panget" kaya napalingon agad ako sa likod. I started to panicked when I saw Aiah was heading to the chubby girl. Sya ata yung nagsabi ng "panget".
Nilapitan nya yung babaeng chubby. Namaywang sya sa harapan nito. Matangkad si Aiah while the girl is just 5'1 lang ata. Kaya kitang kita mo kung sino ang lamang sa kanilang dalawa.
"Oh! Tingin-tingin mo?"
Hinatak ko si Aiah papalapit sakin ng makita Kong aawayin nya yung babae. Ayaw ko ng away ngayon masasayang yung make-up ko. "Ano?" inis na tanong ni Aiah.
"Chill ka lang ang init ng ulo mo" I said.
Tinarayan nya lang ako at tinabig ang kamay ko. Pinuntahan nya ulit yung babaeng sinungitan nya kanina.
Tang*na. Kapag nalaman nya yung ginawa namin sa kanya ni Ane sigurado akong hihilahin nya ang buhok ko. Gosh. Nag curl pa naman ako. Bweset bahala na nga.
"Eh, ano ngayon kung makapal ang pagkakakilay sakin? Kahit mawalan man ako ng kilay, sis, maganda parin ako. Eh ikaw? Hindi pa man din pinapapanget yang mukha mo, panget ka na talaga" Aiah said while pointing the chubby girl na naka-croptop. Shocks. Bakit nandito si Winnie-the- Pooh.
Hinawakan ko sa braso si Aiah pero hindi naman nya ito pinansin. Si Ane naman ay pumipili ng liptints. Nginitian nya pa ako at kinindatan, she acted like she's not bothered about Aiah's condition. Ako rin naman hindi naba-bother kaso baka kasi sipain ni Aiah yung kaaway nya. Mahirap na.
"How dare you insult me huh?" lumapit naman si Winnie-the-Pooh at tinulak si Aiah. Napasinghap na lang ako sa sumunod na nangyari.
Si Aiah, sinapak nya sa ilong si Winnie-the-Pooh.
Nagkagulo na sa loob ng Watson after sapakin ni Aiah yung babae. Naalarma na rin si Ane kaya sinenyasan nya ako na lumabas na kasama si Aiah. Si Ane naman ang nakipag usap sa babaeng nasapak. Halos mahimatay yung babae nang makita nyang dumudugo ang ilong nya.
Inabutan ko agad ng wet wipes si Aiah. Pinanlakihan nya muna ako ng mata bago nilinis ang sarili nya. "Sorry" I sincerely said. Tinarayan nya lang ako at hindi pinansin ang sinabi ko. I pouted. Si Ane naman may pakana nun eh! Hindi naman ako. Kainis.
"That was fun actually"
I chuckled. "Gaga ka talaga"
"Wow! Ako talaga? Sino kaya ang baliw na nagtago ng salamin kanina?"
"Alam mo?" I shockingly asked. She nodded. "Baliw ka! Bakit hindi mo sinabi? Nasapak mo pa tuloy si Winnie-the-Pooh" I said.
Aiah rolled her eyes. "Walang thrill kapag sinabi ko agad"
"Ayos na?" I asked Ane.
"Yup. Pero pinagbawalan na tayong pumunta sa Watson" she answered.
"Ayos lang yan kesa naman ipa-banned nila tayo sa SM diba" I said. Pumunta na agad kami sa jollibee para puntahan ang kambal at si Limo.
Pagkarating namin ay nakita ko agad ang kambal. Lustin looks so bothered while Cal was so tensed.
"Asan si Limo?"
"H-He's gone" Cal said.
"Anong gone? Cal, asan sya?" pasigaw na tanong ni Ane.
"I don't know, hawak lang namin sya kanina tapos bigla syang tumakbo"
We started to get panicked. Tumawag narin ng security si Ane. Kinabahan ako bigla. Paniguradong magagalit si kuya Kevin. Bigla na lang humawak si Ane sakin ng mahigpit, nagulat na lang ako ng mahimatay sya.
"Sh*t"
Binuhat naman sya ni Cal. "Let's go dalhin natin sya sa ospital" Aiah said in a calm voice. "Just go. Ako na ang bahala dito. Tatawagan ko na rin si Kuya Kevin" I said.
"Diba nahimatay lang naman sya?"
I stop from walking. Pinakinggan ko ang usapan nila. "Oo nga, nahimatay sya diba" turo ni Aiah kay Ane.
"Diba dinadala lang yung pasyente sa ospital kapag emergency? E nahimatay lang naman sya e," Lustin said.
"San ba dapat?" Cal said habang buhat si Ane sa bisig nya.
"Sa clinic kaya?" Aiah asked Cal as if matinong yung kausap nya.
"Pwede, kaso check-up lang sa clinic diba?" Kunot noong tanong ni Lust.
"San natin sya dadalhin?" Cal asked. Halatang nabibigatan na sa pagbuhat kay Ane.
"Nyx, diba sabi mo sa ospital sya dalhin?", Aiah asked me. Tang*na. Hindi ko alam kung pano ako nakasurvive na makasama sila sa loob ng maraming taon
"Final na? Sa ospital natin si Ane dadalhin?", Tanong ni Lust.
Nahampas ko na lang ang noo ko. Hindi ko alam kung nasan ang utak nila. O kung meron ba sila nun. I took a deep breath.
"Sa ospital. Nyo. Dalhin. Si. Ane", I said, emphasizing every word. Para mas maging malinaw sa kanila. Buti na lang at agad silang sumunod.
Naitawag ko na kay kuya Kevin ang nangyari. Nagalit sya pero sa huli ay inintindi na lang kami dahil nahanap naman agad si Limo. Pagka uwi ko sa bahay ay pagod na pagod ako. Feeling ko ang dami nang ginawa ko buong araw.
Because of boredom ini-stalked ko na lang si Graunt. Inuna ko muna ang Instagram nya. Upon stalking him I accidentally heart his old posts. I was shock when I received a message from him.
From: Graunt
Still awake?
I smiled. I was about to reply when I received another message from him.
From:Graunt
Can't sleep, again?
Me:
Yes, I think I need a kiss right know
Pumunta ako sa balcony para magpahangin.
From: Graunt
Nah. You just need a fresh air.
Me:
Can you be my fresh air then?
Natawa na lang ako sa sarili kong ka-kornihan.
From: Graunt
I'll give you fifteen minutes to fix yourself. Let's stroll around tagaytay.
Agad akong nagbihis. Its already 6:40 pm. Sh*t. Na-excite ako bigla. Nag pantalon at long sleeve shirt hooded sweatshirt top lang ako.
Tumakbo agad ako pababa ng marinig ang busina na sasakyan. Hindi na ako nagpaalam. Papaalam pa hindi naman ako papayagan, kaya wag na lang.
Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse. Nakarating agad kami sa Tagaytay ng wala pang isang oras. I scan the place. Hindi ako pamliyar sa daang tinatahak namin.
"San ba talaga tayo pupunta?" I asked. He look at me and just smile. Yan tayo e dinadaan na lang ako lagi sa ngiti. Hindi ba sya aware na pamatay yung ganyang ngiti. Kainis! Bakit kasi ang gwapo nya masyado?
"Puzzle mansion?" I asked him excitedly. I Got excited kahit nasa entrance pa lang kami. Ilang beses ko ng narinig ang tungkol sa Puzzle mansion. This is my first time here kaya sobrang naeexcite ako.
Malawak yung place at sobrang linis. Kahit pa gabi na andami ko paring nakikitang mga turista. Unang naming pinutahan yung garden sa tabi ng mansion. I saw different kinds of plants. Andami ring mga bulaklak.
Graunt picked a flower. Umatras ako ng bigla syang lumapit sa akin.
"Don't move" he commanded. I don't know what to do and what to react so I just follow what he said. I can feel my heart beat fast. I can now smell his manly scent. He stared at me before putting the flower in my ear.
"You're beautiful than that flower"
Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pag iinit ng pisngi ko. Masyado na nya akong pinapakilig. I heard him chuckled. Tinarayan ko lang sya. Sabi na eh pinagti-tripan nya lang ako.
Ang romantic ng place, perfect for a date. I smiled. Date na ba'to? Should I consider this as a date? Parang hindi eh. Pinagmasdan ko si Graunt habang kausap ang isang staff. May mga plants na for sale at sigurado akong may napili syang bibilhin.
Lalong lumawak ang ngiti ko ng mapansin na yung bulaklak na nilagay nya sa tenga ko ay yun din ang bulaklak na bibilhin nya. I shook my head. Dapat hindi ko binibigyan ng ibang meaning ang mga ginagawa nya. Sure ako wala lang yun sa kanya.
Number one rule don't assume. Para safe si heart.
"They also have a wishing well here, do you want to see it?"
"Sure" I said at nauna nang naglakad. Parang bigla na lang nagkaroon ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. Nakakabingi ang ganitong klase ng katahimikan.
Naiinis ako sa sarili ko. Masyado ko na atang ina-attach ang sarili ko sa kanya bagay na sobrang kinatatakutan ko. Tumakbo agad ako papalapit sa Wishing Well. Maganda sya kahit simple lang. Tumabi sakin si Graunt at inabutan ako ng barya.
Kinuha ko agad ito. Huminga muna ako ng malalim bago ipinikit ang aking mga mata. Bagamat ramdam ko ang pagtitig sakin ni Graunt ay ipinasawalang bahala ko na lamang ito. Tahimik akong humiling sa aking isipan.
Sana makahanap si Graunt ng babaeng mamahalin sya ng sobra, higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.
"Anong hiniling mo?" I asked him. Ngumiti lang sya sa akin, pagkatapos ay nagsimula na syang maglakad pabalik. Akala ko iiwan nya na ako but I was wrong. Tumigil sya nang ilang hakbang na ang layo nya sakin.
Humarap sya sakin. Seryoso ang mukha nya. Kung ano man ang sasabihin nya ay sigurado akong malaki ang magiging epekto nito sa akin.
"Hiniling ko na sana andito ka lang lagi sa tabi ko, dahil kailangan kita. I need you more than anyone else in this world... so please. Stay with me, Nyx", he said at tuluyan na akong iniwan.
*******
I do not tolerate Bullying, so please be responsible. Don't bully someone just because of the way they dress, their physical appearance, etc. Again, I do not tolerate bullying.
Be responsible.
Adios!