Chapter 09

[ "hey! Andyan ka pa ba?" ]

Humiga ulit ako at nagtalukbong. Hindi ko alam ang isasagot ako. Handa na ba ako? I don't know.

[ "Pag isipan mo muna yung mga sinabi ko. Sige na, inaantok na'ko" ]

"Bye! Ingat ka. Love you" pinatay ko agad ang tawag. Humiga ako sa kama at inalala lahat ng nangyari. Tama ba'tong ginagawa ko? Meron pa bang ibang paraan para mahalin nya ako? Hindi ko malalamam kung hindi ko susubukan. Bahala na.

Kinaumagahan, maaga ulit akong gumising. Nag-prepare muna ako ng breakfast bago umalis. Mabilis na lumipas ang oras. Gaya ng dati hindi na ako umuwi sa bahay para magbihis, dumiretso agad ako sa ospital. Mas lalong lumalala ang kalagayan ni Camille. Lagi syang nakahiga, sobrang payat nya narin. Madalas din ang pag dugo ng ilong nya.

Araw araw kong nakikita syang nahihirapan kaya kahit sabado ay pinupuntahan ko parin sya. Buti na lang nasa America sila Lewis, bakante lagi ako tuwing sabado at linggo. Next month pa ang balik nila.

"Pagod na daw sya" malungkot na sabi ni tita Bea. Nakaupo sya sa tabi ni Camille. Habang ako naman ay nakatayo sa tabi nya. Mahimbing na natutulog si Camille, aakalain mong wala syang sakit na dinaramdam.

"A-Ayaw nya ng l-l-lumaban, Nyx. P-pagod na daw sya" tahimik na umiyak si tita Bea. Hinaplos ko ang likod nya hoping na mapapagaan ko ang pakoramdam nya. Pero hindi alam kong kulang yun, kulang ang haplos para maibsan ang sakit na nararamdaman nya. Kung kaya ko lang pawiin ang sakit ni Camille, gagawin ko.

Pumikit ako para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak pero sa huli ay hindi ko rin ito napigilan. Ngayon pa lang nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag iniwan na talaga kami ni Camille, makakaya ko kaya?

"A-Ano ka ba tita, k-kaya nya yan" pagpapalakas ko ng loob nya. Umiling sya. " H-Hindi mo naiintindihan, Nyx. Kahapon ang sabi ng doktor h-hindi na daw sya magtatagal. Ang katawan n-nya na mismo ang sumusuko. Kunting oras na lang ang meron sya Nyx. Malapit na nya tayong iwan"

Niyakap ko si tita Bea. Ang makita syang nahihirapan ay masakit din para sa'kin, para ko na rin syang nanay. Kaya doble ang sakit na nararamdaman ko kapag umiiyak sya.

"Hindi ko k-kakayanin, hindi ko kaya. Ayaw ko Nyx, ayaw ko...." Niyakap nya ako mg mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak.

"M-Ma, ate N-Nyx" humiwalay kami sa pagkakayakap ng marinig ang boses ni Camille. Agad kong pinunasan ang luha ko ganun din ang ginawa ni tita.

"Nak, nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? May masakit ba sayo?"

Umiling lang si Camille, ngumiti ako ng tumingin sya sakin. "Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?" Tanong ko. Umupo ako sa tabi nya at saka hinawakan ang kamay nya. Ayaw ko syang bitawan.

"Nyx, bibili lang ako ng pagkain" aniya bago umalis. Nagligpit muna ako bago bumalik sa tabi ni Camille. Ang laki ng ibinagsak ng katawan nya. Mas lalo rin syang namutla. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang makita syang ganyan.

"Ate Nyx, p-pwede po bang mag request?" She asked.

"Oo naman. Ano ba yun? Dapat yung madali lang ah"

She smiled. "Napanood k-ko po kanina na may meteor shower daw po mamaya. Gusto ko po sanang pumunta sa rooftop"

"Ahmmm. Baby, hindi ako sure kung papayag ang doktor mo since ang sabi nya ay magpahinga ka lang"

Unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nya mula sa masaya ay naging malungkot ito. Na-guilty tuloy ako.

"Camille sorry, yun kasi ang sabi ng doktor mo. Pero kung gusto mo talaga, gagawan ko ng paraan. Okay?"

"Salamat ate Nyx" Niyakap ko sya. Lumabas agad ako ng ospital para hanapin ang doktor ni Camille. Gusto ko syang pagbigyan, aaminin ko natatakot ako. Natatakot ako na baka ito na ang una at huling hihilingin nya. Kaya hanggat maaari ay gusto kong tuparin lahat ng hiling nya. Kahit man lang sa ganitong paraan mapasaya ko sya.

Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman na nag vibrate ito. Halos mapunit ang mukha ko sa sobrang lawak ng ngiti ko. Nag text si Graunt.

From: Graunt

"Where are you?"

Me:

Hospital, punta ka na lang dito

Agad naman syang nag reply.

From: Graunt

"On my way"

Hindi na ako nag reply. Hinanap ko muna yung doktor ni Camille, hindi naman ako nahirapan na hanapin sya. Nung una nag alangan pa sya pero sa huli ay napapayag ko rin sya. Yun nga lang hindi kami pwedeng magtagal.

"Hey!" I greeted him. Sabay na kaming naglakad papunta sa room ni Camille. "You okay?" He asked. Gusto kong sabihin na hindi pero ngumiti na lang ako. Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari samin kahapon. Hanggang ngayon sariwa parin sakin ang lahat. Ehem! Yung kiss, isang beses sa isang araw daw. So nasaan na?

"Kuya Graunttttt", agad na lumapit si Graunt para yakapin si Camille. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng bata nung nakita nya si Graunt. Hindi naman nya siguro crush si Graunt noh? Sana hindi dahil ayaw ko ng may kaagaw. Pwede namang share.

"So, are you ready?" aniya bago tumingin sa'kin. Nasabi ko na sa kanya habang papunta kami dito kung ano ang magiging set up mamaya. Bigla tuloy akong na excite.

"Saan po?" Litong tanong nya. Ngumiti lang ako bago lumapit sa kanya para lagyan syang ng piring. Nagpaalam na'ko Kay tita Bea at pumayag din sya kaya wala ng problema. Inilagay sya ni Graunt sa wheelchair. Ako naman ang nagtulak habang si Graunt ay nakasunod lang sa likod.

"Ate Nyx, papanoorin po ba natin yung meteor shower?"

"Yes baby, kaya chill ka lang. Kami bahala sayo ni kuya Graunt mo", tumingin sa'kin, nginitian nya ako.

"Yes baby, kami bahala sayo ni mommy" he smirked. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Pa-fall! Akala mo naman sasaluhin nya talaga ako kapag nahulog ako. Kaasar.

"Heh!"

Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Tumawa sya sa ginawa ko. Hinayaan ko na sya ang magtulak Kay Camille. Bahala sya! Kinikilig pa ako. Kaasar yung mga banat nya, banatan ko sya eh.

Napayakap ako sa aking sarili. Lumapat sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Ready na ang lahat, may naka set up ng mga gamit. Ako na ang naglatag habang si Graunt naman ang nag aayos ng mga pagkain. Eight pa lang kaya mahaba pa ang oras na hihintayin namin. Bandang ten pa yung meteor shower.

Tinanggal ko na ang piring ni Camille. Agad naman nya akong niyakap. "Thank you ate Nyx. Sobrang saya ko po ngayon. Salamat din kuya Graunt"

"Anything for my baby" he said then kissed Camille's forehead. I raised a brow. " Anything for my babyyy" panggagaya ko sa sinabi nya kanina. Tumawa naman si Camille sa narinig nya. "Jealous?" he said, teasing me.

"Never!" matapang kong saad. He chuckled. Kumuha ako ng piatos sa loob ng basket at nagsimula ng kumain. Nanatili lang akong nakaupo habang pinagmamasdan silang dalawa. Panay ang ngiti ni Camille. Nagku-kwento siguro si Graunt. Kumunot ang noo ko ng sabay silang lumingon sakin. I raised a brow. So ako ang pinag uusapan nila? Lumapit ako at hinarap si Graunt.

"Ako ba pinag-uusapan nyo?"

They both laughed. "Secrettt"

I just rolled my eyes. Kung ano man yun bahala sila jan. Nakakaasar! Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang kalangitan. Sobrang payapa ng pakiramdam. Napangiti ako ng marinig na humiyaw si Camille. Nagsimula na yung meteor shower, may ilan na rin akong nakita. Napalingon ako kay Graunt nang maramdaman na nakatitig sya sa akin.

Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nahiya kaya ngumiti na lang ako. He smiled at me before shaking his head. Ano naman yun? Para saan yun? I looked at Camille when she held my hand. Ganun din ang ginawa nya kay Graunt.

Napatong ang kamay ni Graunt sa kamay ko while Camille's hand is on top. "Kuya Graunt, don't ever let go of ate Nyx's hand, okay?" Camille said. Tumango naman si Graunt.

"Promise?" I looked at him, waiting for his respond. He stared at me.

"I won't. Never. I promise" he said while staring at me. Umiwas ako ng tingin. Shocks! Pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa sinabi nya.

"May lakad ka pa ba?" He asked.

"Wala naman. Bakit yayain mo ba ako ng date?",ngumisi ako.

Tumawa sya at umiling, nakatuon parin ang atensyon nya sa pag drivnga "Mamaya na'ko uuwi. Condo mo muna tayo. Ipagluluto kita, hindi ka pag nagdi-dinner diba?" tanong ko. Busog pa naman ako pero gusto ko lang talaga syang makasama pa ng matagal.

"Yeah. Hindi pa nga" sagot nya. Agad akong bumaba ng makarating kami sa condo nya. Ganun parin ito, malinis at maayos. Sya kaya naglilinis ng condo nya? Hindi na ako nag abala pang maglagay ng apron.

"What do you want for dinner?"

Umupo sya at nagkunwaring nag iisip. He's cute. "Kahit ano, basta masarap" sagot nya, walang pakialam kung ano man ang lutuin ko. Kumunot ang noo ko.

"Ano nga? Hindi ko naman pwedeng lutuin yung sarili ko"

His lips slowly formed an amuse smile. "Bakit masarap ka ba?" he asked innocently. Aba, sinusubukan nya talaga ako ,ah! I leaned closer to him. "Oo, gusto mo'kong tikman?" matapang kong saad.

Tumawa sya. Halos maduling ako ng ilapit din nya ang mukha nya. Our lips are just an inches away. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko. I closed my eyes as he closed the distance of our lips. Akala ko hahalikan nya ako but I was wrong, lumihis ang mukha nya papunta sa leeg ko. I groaned as he sucked and licked my neck. Damn! Sigurado akong may iniwan syang marka dun. Ramdam ko ang pag ngisi nya sa leeg ko.

"You're right, masarap nga", he smirked.

Tumalikod agad ako at nagpanggap na busy. Ngayon lang nag sink in sa'kin yung ginawa nya kanina. Kainis! Wala pa naman akong ayos ayos at talagang yung leeg ko ang pinapak nya, ah. Sana yung lips ko na lang. Sayang.

"Magluluto na pala ako", kumuha na ako ng mga ingredients, hinugasan ko narin.

" Are you sure? Hindi ka ba nabitin?"

"Hindi. Kaya wag kang magulo. Magluluto na'ko" sagot ko. Sinimulan ko ng magluto. Adobo na lang ang lulutuin ko. Lihim akong napamura, nanginginig yung kamay ko. Kaasar! Pinilit kong matapos ang niluluto ko kahit pa alam kong bawat galaw ko ay pinagmamasdan nya, mali pala, tinititigan nya. Mas lalo akong nahirapang magluto. Kumuha na ako ng plato at nagsimula nang mag-sandok.

"I have a friend and her father will plan an exhibit before Christmas. Do you wanna go? I mean, I heard your painting skills is good. You should join or try them",aniya.

Inayos ko muna ang upo ko. "No. I'm not interested. Hobby ko lang naman ang pagpi-paint, at isa pa, ayaw kong ibenta ang mga artworks ko" sagot ko.

"Why not? Half ng kikitain ng exhibit na yun ay mapupunta sa charity works. Don't worry I'll be with you. Sasamahan kita"

Tinitigan ko sya. "Graunt, there's nothing special with my works at isa pa, sure akong puro bigating painters ang nandoon. Hindi ko ata kaya-"

"Who told you that? The fact that the painting was made by you makes it even more special for me. Kaya wag mong sasabihin na walang espesyal sa mga paintings mo"

He looks so serious. Gusto kong maniwala sa sinasabi nya pero natatakot parin ako. What if failed? Paano kung walang bumili ng paintings ko kasi hindi naman ganun kaganda? Mapapahiya lang ako.

"Para sayo maganda yung paintings ko paano naman yung iba? What if hindi nila magustuhan?" I said.

He raised a brow. "Don't think about them, I'm here. Focus on me. Susuportahan kita kahit ayaw nila. I'll be with you every step of the way"