Halos matunaw ang puso ko sa mga binitawan nyang salita. Ngayon lang sya naging ganito kaseryoso, mas lalo ko tuloy syang nagustuhan. There's something on him that's makes me go crazy.
Simula nung natuto akong magpinta, pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari never kong ibebenta ang mga ito. Every time na nakakakita ako ng mas magagandang paintings hindi ko maiwasang pagduduhan ang sarili kong kakayahan. I feel so insecure. Pakiramdam ko basura yung mga pinipinta ko.
Ang hirap ng ganito ka lang, andaming kulang. Minsan own expectations mo pa yung nananakit sayo. But Graunt made me realize that I'm more than that. He made me feel so special. Sobrang thankful ako na bumalik sya. I just wish na dito na lang sya, sana hindi na kami bumalik sa dati. Yung dati na lagi nya akong sinisigawan at pinagtatabuyan. Ayaw kong bumalik kami sa dati. Hindi ko kaya lalo pa ngayon, ngayon na pakiramdam ko unti-unti nang natatanggal yung invisible barrier sa pagitan namin.
The next day, maaga akong nagising. Three pa lang ng umaga ay gising na agad ako kahit pa mamayang eight pa ang pasok ko. Ngayon kasi ang dating nila Cleinpanget at napag utusan ako ni tita Lea na sunduin sina Lewis sa airport. Nasa Davao si tita Lea because of some business matter at kaya hindi nya masusundo ang mga anak nya.
Gustong kong mainis kay Clein alam kong sya ang may pakana nito para inisin ako. Kaya naman nyang makauwi sa bahay nila kasama si Lewis. Bakit kaylangan pa silang sunduin? Wala ba silang mga paa? And the last time I checked tutor ako hindi maid.
"Ate Nyxieeee!", agad na tumakbo papunta sa'kin si Lewis. Kahit makulit sya hindi ko parin maiwasang ma-miss sya. Lumuhod ako upang yakapin sya. Pasipol sipol naman si Clein habang nakatingin sa'ming dalawa ni Lewis na magkayakap. Naka shades pa ang sira ulo kala mo naman ang gwapo nya tingnan sa itsura nya.
"I miss you, ate Nyx" Lewis said. Pinisil ko ang pisngi nya.
"I miss you too, baby" sagot ko. Tumaas ang kilay ko ng biglang lumapit sa'kin si Clein habang nakangiting aso. "Problema mo?" tanong ko.
"Ouch! Ang hard mo naman sa'kin loves, wala bang yakap at I miss you too jan?" humawak pa sya sa tapat ng puso nya na parang nasasaktan talaga sya.
"Ha! Asa ka! Loves mong mukha mo. Kahit sa panaginip never kong sasabihin na na-miss kita. Nek-nek mo" mataray kong saad. Tumawa naman sya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Abnormal!
"Ang sakit mo naman magsalita, loves. Ang sakit mo magmahal pero kahit ganyan ka... Mahal na mahal parin kita. Pa-kiss nga" ngumuso sya at umaktong yayakapin ako. Partida may pagpikit pa syang nalalaman.
Pinalo ko sya sa tyan pero ako lang din ang nasaktan. Ang tigas! Ramdam ko yung mga pandesal nya. He chuckled. Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang sya.
May biglang nagflash na camera sa'ming dalawa ni Clein. Nilingon ko ang babaeng matanda na may hawak ng camera. Lumapit sya sa'min ng nakangiti. Kinuhanan nya kami ng litrato kanina?
"Ang cute nyo namang mag-asawa. Ganyan na ganyan kami ng asawa ko noon. Asar dito, asar doon pero kahit ganun mahal na mahal parin namin ang isa't-isa" aniya.
Napangiwi ako sa sinabi nya. Napagkamalan pa tuloy kaming mag asawa. "Naku, nay hindi po kam-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sumabat na agad si Clein. Hindi na'ko nakapalag ng hilahin nya ako papalapit sa kanya at inakbayan ako.
"Ayieeeee" Lewis said, teasing us. Clein wink at me.
"My wife and I really loves teasing each other. Pero kahit ganito po yung asawa ko, nay. Mahal na mahal ko po sya. Right, wife?" he asked.
Nginitian ko sya ng peke. Gustong gusto ko na syang sapakin. Nakakailan na sya ngayong araw. Malapit ko na talaga syang banatan. Masyado nya nang sinisira ang araw ko. Idagdag pa na gumising ako ng maaga para lang sunduin silang dalawa.
"Ang swerte mo naman sa asawa mo, iha. Wag mo ng pakakawalan yan, ah"
Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko upang itanggi na asawa ko ang Cleinpanget na'to pero tinakpan agad ni Clein ang bibig ko. Pilit ko itong tinanggal pero masyado syang malakas.
"Syempre naman po hindi na'ko pakakawalan ng asawa ko. Patay na patay po sa'kin 'to eh. Sige po, una na po kami. Nice meeting you po. Lewis let's go" pagpapaalam nya.
"Oh sige na. Mag iingat kayong dalawa. At kahit mag asawa na kayo ay wag parin kayong masyadong gumawa ng lagim. Mahirap ang madaming anak" payo nya bago tuluyang umalis.
Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi nung matandang babae. Anak? Lagim? Jusko kahit imagination hinding hindi mangyayari ang sinabi nya. Hindi naman kamiag asawa ni Clein. Lalong hindi ko anak si Lewis. Tinanggal ni Clein yung kamay nya sa bibig ko nung wala na yung matanda.
"Aray! Sag-. Nyx masaket" reklamo nya. Pinagpatuloy ko lang ang panghahampas ko ng bag ko sa mukha nya. Panay naman ang iwas nya. Nakakainis talaga sya. Nakakabweset! Ng dahil sa kanya napagkamalan pa kaming mag asawa. Yak! Kadiri!
"Bweset ka! Nakakainis ka talaga! Ng dahil sa'yo napagkamalan pa tayong mag asawa. Nakakainis ka!" sigaw ko. Wala na'kong pakialam kung pinagtitinginan kami. Hinuli nya ang mga kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya. Kinabahan ako sa posisyon naming dalawa.
"Isang hampas pa hahalikan na talaga kita. Don't try my patience, Nyx. I can kiss you kahit pa sa harap ng maraming tao", tiningnan nya ako sa mata bago bumaba ang tingin nya sa mga labi ko.
Tinulak ko sya palayo bago inayos ang aking sarili. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Nauna na'kong naglakad papunta sa kotse. Nakasunod lang sya ng tahimik. Walang nagsasalita sa'ming dalawa.
"Give me the keys. I'll drive" he said. Hindi na'ko umangal pa at binigay ko agad sa kanya ang susi. Agad na nakatulog si Lewis sa biyahe. Binuhat na lang sya ni Clein nang makarating na kami sa bahay nila.
I kissed Lewis bago lisanin ang kwarto nya. Naabutan ko sa sala si Clein. Umiwas ako nang magtama ang aming mga mata. Parang biglang naging awkward ang lahat sa'min. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sya pakikitunguhan.
"Yung susi asa'n na? Aalis na'ko may klase pa'ko mamaya" inilahad ko ang aking kamay sa harap nya. Kumunot naman ang kanyang noo.
"You mean the keys?" Paglilinaw nya. I rolled my eyes. Bingi ba sya? Gusto nya talaga yung paulit ulit.
"Oo! Yung susi, in English KEYS!. Ayan trinanslate ko na sa Tagalog at English para mas maintindihan mo"
He chuckled. Kinuha nya ang susi sa bulsa nya at inabot sa'kin. Kinuha ko ito agad. "I thought your talking about the kiss. Mali pala. Willing pa naman akong bigyan ka ng halik" he said.
Tumaas ang kilay ko. "Yak! Mandiri ka nga!" sagot ko.
Umalis na'ko agad baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa. Sabog akong dumating sa classroom namin. Hindi na ako nakapag focus sa sobrang puyat ko. Buti na lang ay naipasa ko ang surprise quiz ng prof namin. Maswerte pa rin ako kahit papaano.
"San ang lakad mo ngayon? At todo ayos ka. Anyway, ang ganda ng dress mo" Ane said. Bigla na lang syang sumulpot dito. Sunday ngayon kaya sure akong mag aaya sya ng inuman. Sayang lang dahil hindi ako makakapunta. Ngayon kasi yung exhibit na tinutukoy ni Graunt. Nandoon na rin sa venue yung mga ilan sa paintings ko.
Pinag isipan ko talaga kung alin sa mga pininta ko ang ibebenta ko. I made sure na may bibili nito ngayong gabi. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. I'm wearing an off shoulder floral dress partner with Black stiletto. Okay na siguro 'to.
"May event lang kaming pupuntahan ni Graunt" sagot ko.
Tumingin sya sa'kin ng may pagdududa pero ngumiti rin sa huli. She suddenly hug me. "Okay! Una na'ko baka maabala pa kita sa DATE mo!" pang aasar nya. Tinarayan ko lang sya at hinayaang umalis. Kinulot ko muna ang buhok ko bago napag pasyahang bumaba. Agad akong lumabas nang marinig ang pamilyar na busina ng sasakyan.
"Are you ready?" he asked. Tumango ako. "You should ako ang kasama mo eh" he smirked. Apaka yabang naman ata nya ngayon. Pagbigyan.
"Yabang" sagot ko. Tumawa naman sya. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa venue. Medyo nahiya pa'ko dahil nakita ko na ang iilang sikat na painter. Andito pa nga yung ibang mga artista. Napapalibutan ako ng mga matataas na tore.
"Mr. Mendez, nice to meet you" nakipag kamay si Graunt sa isang matandang lalaki. Parang pamilyar sya. Parang nakita ko na sya sa TV. Tama! Sya yung tatay nung sikat na singer na si Kiya Mendez. Hinawakan ako ni Graunt sa bewang at hinatak nya ako papalapit sa kanya. Isang alanganing ngiti ang naibigay ko dun sa kausap ni Graunt.
"By the way , this is my daughter. Kiya Mendez" pagpapakilala nya sa kanyang anak. Kinapa ko bigla ang aking dibdib. Anlaki kasi nung kanya bigla tuloy akong nanliit. Yung mukha nya sobrang kinis, yung katawan nya hubog na hubog. May hubog din naman yung katawan ko pero mas sexy sya. Ang ganda nya nakakainggit. Mukha ding gusto ni Mr. Mendez si Graunt para kay Kiya.
Napatingin ako kay Graunt nang hapitin nya pa lalo ako palapit sa kanya. Hindi nya inabot yung kamay ni Kiya, tumango lang sya. "Nice to meet you, Kiya. Mr. Mendez we'll go now may kaylangan pa kaming ayusin" he said.
"Oh! Okay, sige. See you around"
Tumango lang si Graunt at tuluyan na akong hinatak paalis. Napunta kami sa loob ng isang kwarto. Hindi ko alam kung nasaan kami basta napapalibutan kami ng ibat ibang painting. "Kanina ka pa tahimik. Do we have a problem?" tanong nya.
Umiling ako at nanatiling nakatingin sa heels ko. Halata na masyado na nagseselos ako? Nakakselos naman talaga. Alam ko namang wala akong karapatan pero hindi ko mapigilan.
"Ang ganda ni Kiya 'no? Maputi, matangkad, matalino, mayaman at talented pa. At malaki pa ang dibdib. Bagay kayo. Mukha ngang bet ka ni Mr. Mendez para sa anak nya" i said without looking at him.
Lumingon ako sa kanya ng marinig ang pagtawa nya. "I don't like girls with big boobs. Masyadong agaw pansin. I'm selfish when it comes to my property. Ang akin ay akin lang... Ayaw ko ng may tumitingin pang iba", he plainly said.
Kumonot ang noo ko. "Ano ba ang tipo mo?" tanong ko.
"Ikaw. You're my type, Nyx"