Chapter 11

Humigpit ang hawak ko sa aking dress. Nakatitig lang kami sa isa't-isa, walang nagsasalita. Umiwas ako ng tingin nang maalala ang sinabi nya kanina. Ako daw ang "type" nya. Ako talaga? Seryoso?

I laugh bitterly before shaking my head. "Bolero! Tara na nga..bumalik na tayo baka hinahanap ka na nila"

Nauna na akong lumabas ng kwarto at iniwan sya sa loob. Yun ata ang storage room. Sumunod naman agad sya. Tahimik lang kaming naglibot. One of the staff of this event told me that the all of my paintings were already sold out. Nakaka proud na may nagtitiwala sa mga pininta ko. Gusto ko tuloy maiyak sa tuwa.

Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang matandang babae. Sh*t. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? Kasama ko pa naman si Graunt baka kung ano ang sabihin nya.

"Graunt, restroom lang muna ako ah", aalis na sana ako pero huli na ang lahat dahil hinatak na ako nung matandang babae. Kaasar!

"Ikaw nga! Yung babae sa airport, tama ba?", tanong nya. tuwang tuwa sya dahil nakita nya ako samantalang ako ay para ng matatae. Bakit ngayon pa? Apaka malas ko naman! Kaasar!

Ngumiti ako ng alanganin. Kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ni Graunt. Huhuhu. Patay talaga ako nito. "Ako nga po... Ang galing dito pa po talaga tayo nagkita. Small world.."

"Oo nga eh. By the way ano nga palang pangalan mo hija? Nakalimutan ko kasing itanong sa'yo nung nakaraan" she asked. Napatingin ako kay Graunt nang bigla syang tumikhim.

"Nyx po ang pangalan ko at ito naman po si Graunt ka-"

"Kapatid mo? Nice to meet you hijo. You can call Mrs. Dee" she cut me off. Tinanggap ni Graunt ang pakikipagkamay nya.

"Anyway, asan ang Asawa mo hija? Bakit hindi kayo magkasama? Pati yung anak mo hindi mo rin kasama.."

Talagang inakala nya na mag asawa kami ni Clein. Gosh! Pa'no ko'to lulusutan. Tinaasan ako ng kilay ni Graunt. I'm sure kung ano ano na ang iniisip nya ngayon.

"Mrs. Dee! Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Hinahanap ka ni Mr. Mendez may sasabihin daw sya sayo..", one of the staff said.

Lumapit ang isang babaeng staff sa kanya. "Oh! Oo nga pala. Nyx, I have to go. Ingat kayo!", nakipag beso sya sa'kin ganun din kay Graunt bago umalis.

Hindi na naman ako nakapag paliwanag sa kanya. Bakit kasi lagi na lang may sumisingit. Nakatingin sa'kin si Graunt.

"Kapatid pala ah. Nice! Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala ako.." he sarcastically said.

"No way! Hindi mo'ko kapatid! She just assumed na kapatid kita" I answered.

"Yeah, and she also assumed na may asawa at anak ka na!?" He raised a brow.

"At naniwala ka naman? Wala akong asawa, hell! lalong wala akong anak!"

Kung magkakaroon man sisiguraduhin kong anak namin yun. I can't see myself marrying someone else other than him.

"And you expect me to believe in you?"

My lips parted in shock. Wow! So wala syang tiwala sa'kin? Ganun ba?

"Bakit hindi? Nagsasabi naman ako ng totoo", medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya may iilang tao ang napalingon sa amin. This is so frustrating. Nagsasabi naman ako ng totoo pero ayaw nya akong paniwalaan. Mukha ba akong may anak na? Geez. Ang bata ko pa kaya.

He shook his head. "Let's go. Umuwi na tayo" he said before walking away. Sumunod na lang ako sa kanya. May contact naman ako sa ibang staff na nandito kaya kahit umalis kami malalaman ko parin kung anong nangyayari. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Walang gustong magsalita. Nababahala ako sa mga inakto nya kanina.

Iniisip nya talaga na may anak ako? Virgin pa'ko 'no! Boyfriend nga wala asawa pa kaya. Hindi ko alam kung anong pininggagalingan nya. Naiinis ako gusto ko syang sapakin, murahin, tadyakan, halikan. Halikan!? Umiling ako. Kulang lang siguro ako sa tulog.

Umalis agad sya pagkababa ko ng sasakyan. Ganun talaga sya ka affected? Na hindi nya na nagawang magpaalam man lang. Alis agad? Iritado akong pumasok sa loob ng bahay. Hinubad ko ang heels ko at hinagis na lang ito sa kung saan. Hinagis ko rin ang sarili ko sa kama. Buti na lang malambot 'to kaya hindi masakit ang pagkakabagsak ko.

Nilakumos ko ang teddy bear na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Naiirita talaga ako. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. Napabangon ako nang maalala na niyayaya nga pala ako ni Ane kanina. Gusto kong mag inom ngayong gabi. Hinanap ko sa contacts ko ang pangalan ni Ane.

["Hello!? Oh! Bakit ka napatawag"] sigaw nya.

Nilayo ko ang cellphone ko sa aking tenga. Ang lakas ng boses ni Ane samahan mo pa ng nakakabinging ingay ng musika. Sure akong nasa bar sila.

"Nasa bar ka?" tanong ko.

["Oo! Kasama ko sila Lust... Pumunta ka rito. Andaming gwapo, text ko sayo kung nasaan kami"]

"Geh, magbibihis lang ako", I ended the call. Mabilisan akong nag ayos. Nagtaxi na lang ako papunta sa "The bar".

Wala pang kalahating oras ay nakarating agad ako. Pumasok na ako sa loob at hinanap ang mga kaibigan ko. Nakita agad ako ni Lust, kumaway kaway pa sya. Sira ulo talaga. Tumabi ako kay Cal since sa tabi nya lang may nakalaan na space. "Anong nangyari sa lakad nyo ni Graunt?" Aiah asked me.

"Wala. Walang nangyari" sagot ko. Binuksan ko ang can beer at nagsimula ng uminom. Kapag naiisip ko yun naiirita lang ako. Feeling ko kasi wala syang tiwala sa'kin.

"Alam mo kung ako sayo itatali ko na si Graunt para wala ng kawala.." Ane said while pointing me. Tinaasan ko sya ng kilay. "Pano ko naman gagawin yun?"

She smiled dangerously. Mariin akong pumikit. Kilala ko ang ngiting yan sigurado akong may pinaplano na naman syang hindi maganda.

"Kami na ang bahala basta ang gawin mo maghanda ka. Kasi one of these days magugulat ka na lang hindi na Real ang surname mo. Laveda na" mala-demonyo syang tumawa. Umiling iling naman ang kambal na parang alam na nila ang plano ni Ane. Nag apir pa silang apat. Nagtataka akong napatingin kay Aiah. She just shrugged while smiling like an idiot.

"Alam mo,Nyx. Ganito lang yan eh... kung hindi makuha sa santong dasalan-"

I raised a brow. Hinitay kong ipagpatuloy ni Lust ang sinasabi nya.

"Daanin sa marahas na paraan!"sigaw nilang lahat. They all laugh. Umiling lang ako sa kalokohan nilang lahat. I raise my can beer for a toast ganun din ang ginawa nila.

"Cheers"sigaw namin lahat. Napuno lang ng tawanan at asaran ang table namin. Kapag talaga kasama ko sila nawawala lahat ng stress at problema ko. They're not just my best friends they're family. Masaya ako at nakilala ko sila.

"Ang init naman dito. Ano ba Cal umusod ka nga!" reklamo ni Aiah. Sasakyan lang ni Lust ang dinala nila kaya ngayon nagsisiksikan kami sa iisang sasakyan. Sira pa yung aircon nitong sasakyan ni Lust. Kaya sobrang init buti na lang hindi gaanong lasing ang mga kasama ko kaya mabilis lang kaming makakauwi. Kung makikisama ang sasakyan ni Lust.

Wala pang isang oras ay tinopak agad ang sasakyan ni Lust, bigla na lang huminto. "What the f*ck! Anong nangyari? Bakit ka huminto?" tanong ni Cal kay Lust.

"Hindi ko alam. Wag na kayong bumaba. Titingnan ko lang yung sasakyan kung anong problema" sagot nya bago bumaba ng sasakyan.

"Mapapatay ko ang kambal mo Cal kapag hindi tayo nakauwi agad" pagbabanta ni Ane. Kanina pa sya nahihilo. Andami nya kasing ininom.

"Oh. Anong problema ng sasakyan mo?" tanong ni Aiah kay Lust. Sumimangot naman si Lust bago sinara ang pinto ng kotse nya. "Ayun parang si Nyx" sagot nya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Anong parang ako?" nalilito kong tanong.

"Flat"

Hinampas ko sya ng malakas. Tawa naman ng tawa yung tatlo sa likod. I glared at him. Talagang dinamay nya yung dibdib ko ah!

"Bweset ka! Lumayo ka sa'kin nagdidilim ang paningin ko sayo" banta ko.

"Pa'no tayo makakauwi nito? Kaylangan ko pang magreview" Aiah said in frustration. Napailing na lang ako. Kaylangan kong pumasok ng maaga dahil sa department namin na assigned ang pag asikaso ng mga events para sa Christmas tree Lighting Ceremony. Every year nagkakaroon ng ganung event sa LPU.

"I'll call nay Uling to ask some help for us", nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Cal. Akala ko kasi kay Graunt sya hihingi ng tulong. Inabot kami ng 30 minutes bago nakahinge ng tulong. Sumakay na lang kami sa sasakyang dala dala ni nay Uling at iniwan ang sasakyan ni Lust.

Nakatulog ako agad pagdating ko sa bahay. Puyat man ay nagawa ko paring pumasok ng maaga. I know I have some dark circles pero keribels na lang kaya naman yang matakpan ng concealer. Pagkarating ko pa lang sa room ay nagkakagulo na agad sila.

Nagkaroon ng aberya tungkol sa banda na tutugtog. Next week na yun kaya sobrang nataranta rin ako. Buti na lang naassign lang ako sa pagdecorate ng stage hindi ang pag emcee. Grrrr. Medyo mahiyain pa naman ako. Slight nga lang.

This is one of the special events in LPU kaya kaylangan dapat lahat malinis at planado. First time na naassign sa department namin 'to kaya kaylangan talagang maging maganda ang resulta.

"Nyx! Doon mo ilagay sa gitna hindi diyan. Makinig ka kasi sa instructions ko!" sigaw ni Venus.

"Sorry. Hindi ko narinig eh", i said bago ko sinunod ang utos nya. Palihim ko syang tinarayan. Si Venus ang best friend ng president namin sa room pero kung umasta sya akala mo sya yung presidente. Daig nya Lea ( yung president namin ) kung maka utos. Wala naman syang tinutulong kundi ang sumigaw at utusan kami actually dapat wala sya dito eh. Dapat nasa mall sya ngayon dahil isa sya sa mga dapat bumili ng materyales para sa pagdecorate nitong stage.

"Kalma, bakla. Hayaan mo na bitter lang yan kasi iniwan sya ng jowa nyang mukhang halamang dagat " sabi ni Mina. I laugh at what she said. Certified laitera talaga 'to.

"Ang hard mo naman masyado. Mukhang halamang dagat agad? Hindi ba pwedeng mukhang lumot muna?"

"Laitera ka talaga" aniya habang inaayos ang kurtina.

"Myra" sagot ko at tinulungan sya. Tumaas ang kilay nya. "Anong Myra?"

"I know right", I simply said.

Buong araw kaming nag ayos ng stage. Balak ko sanang magpahinga na lang pagkauwi ko kaso naalala ko kaylangan ko pa lang kausapin si Graunt. Hindi nga kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Feeling ko kaylangan kong magpaliwanag sa kanya.

I'm tired pero ayaw kong palipasin ang araw na'to ng hindi sya nakakausap. Kaylangan ko syang makausap as in now na. Gusto kong malaman kung bakit ganun na lang ang reaksyon nya. Nag taxi na lang ako since gamit ni Wayne ang kotse ko.

Kung kanina excited pa'ko na puntahan sya ngayon hindi na. Parang tumigil ang mundo ko. Naninikip bigla ang dibdib ko. Gusto kong umalis pero ayaw makisama ng mga paa ko. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng lalaking pinakamamahal ko. Mula sa malayo kitang kita ko ang paglabas ni Kiya mula sa condo ni Graunt. Ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganun si Graunt. Mukha silang masayang couple.

Nakatayo lang ako, pinagmamasdan silang dalawa. Dapat umalis na ako pero parang tinakasan ako ng sarili kong lakas na ultimo pagpunas ng luha ko ay hindi ko na magawa.

Love is pain....

Are you ready to receive pain in return?

Pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ni Aiah noon. Love is pain. Tama sya kaakibat nga ng pagmamahal ang sakit. Ngayon alam ko na hindi ko pa pala kaya. Hindi ko pa kayang masaktan

ulit....