Chapter 12

I don't know kung paano ako nakauwi basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na mag review feeling ko mawalan ako ng gana sa lahat. Daig ko pa ang namatayan. Huminga ako ng malalim I need to clear my mind. Ayaw kong isipin yung nakita ko kanina alam kong may malalim na dahilan kung bakit nandoon si Kiya sa condo ni Graunt.

Kagaya ng dati ay nagising ulit ako ng maaga. Nag ayos ulit kami ng stage actually okay na ang lahat. May banda na nakakanta, may mga emcee na, may mga activities na rin. Everything is under control now. Excited na'ko.

Five o'clock pa ang simula nung event pero four pa lang ay nag ayos na agad ako. Kaylangan kong maging maganda isa kasi talaga 'to sa mga inaabangan kong event. Talagang nilo-look forward ko'to every year. Binigyan ko ng ticket sila Lust para makapasok sila. Hindi ko nga lang sure kung makakapunta sila since may event din ata sa university nila. Pero sure akong makakapunta si Aiah at Cal.

Ewan ko pero mas gusto nila dito sa LPU. Sinabihan ko naman sila na lumipat na lang but they refuse. Bahala sila. Pagpasok ko pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay ng mga lyceans. Maliwanag pa pero medyo marami na agad ang tao.

"Bakla, sasayaw daw si Clein. Gosh! I'm so excited!" Mina giggled. I rolled my eyes. Nakalimutan ko na isang sikat na dancer pala si Clein. Minsan na rin syang nag perform dito. Hindi lang sya basta dancer dahil sobrang sikat nya sa buong LPU. Lagi syang iniimbitahan na mag perform dito pero minsan lang nya nagagawa dahil sa busy schedule nya.

I heard na may nag offer sa kanya noon na maging model pero tinanggihan nya for some unknown reason.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha nya? Geez. Hindi naman sya ganun kagwapo noh!"

Hinampas nya ako pero mahina lang naman. "Girl! Ikaw lang ang nagsabi nyan"

Umupo ako sa isang bench at nilabas ang phone ko para itext si Lust. "Syempre ako lang naman ang may malinaw na mata sa university na'to" mataray kong saad. Tumawa naman sya na parang may sinabi akong nakakatawa. May nakakatawa ba?

"Malinaw ang mata ko bitter ka lang talaga"

Tumaas naman ang kilay ko.

"I heard the news, sis. Kiya Mendez and Graunt Euler Laveda are reportedly dating. Kaya mukha kang pinagtaksilan diyan"

Tinago ko ang phone ko bago humarap sa kanya. "Sis, hindi pa confirm yun. Rumor lang yun at isa pa. Sis, hindi magiging sila . Dahil nag kiss kami 'no!" matapang kong saad.

Isa sya sa mga nakakaalam na gusto ko si Graunt. Mapagkakatiwalaan naman si Mina kahit pa medyo close sila ni Kiya. I trust her.

"Bakla, kahit mag sex kayo wala parin kayong label" puno ng sarkasmo ang boses niya. Tinarayan ko sya. Hindi ako umimik kasi tama naman sya. Kahit mag sex kami ni Graunt wala parin kaming label. Teka? Sex agad? Kiss tapos napunta sa sex? Abnormal talaga si Mina.

Lalong dumami ang mga tao pagpatak ng five o'clock. Halos maduling ako sa dami ng gwapong lalaki ang nandito. Gusto ko sanang lumandi kaso loyal ako sa crush ko eh so wag na lang.

Hindi rin nagtagal ay nag umpisa na ang event kaso puro speech pa lang ng mga profs at dean. Medyo boring kaya tumambay muna ako sa loob ng cafeteria. Takas lang habang wala pa sila Lust. Iniwan ko na si Mina sa boyfriend nya. Nawa'y lahat.

"Oh my gosh! We love you Clein!!!!"

"Clein!!Please!!! Anakan mo'ko"

"We love you Clein!!!"

Sabay sabay kaming nagtakip ng tenga nila Aiah. Nagsimula na kasing sumayaw si Clein sa stage. Sa sobrang dami nyang fans aakalain mong artista sya. Nailawan na yung giant Christmas tree kaya dumiretso na sa iba't-ibang programs.

"Clein is handsome, smart and sobrang bait nya but I will never ask him to impregnate me. Pathetic!" Ane whispered. Cal suddenly look at Ane and smirked. "Don't be so sure, Ane. Baka kainin mo ang sinasabi mo",may ngiting mapang asar nyang saad.

Napatingin tuloy kami ni Aiah kay Ane. May something ba sila ni Clein? Bakit hindi ko alam? O baka wala naman talaga, abnormal lang talaga si Cal? I shrugged. Hindi ko ugali ang makialam sa mga love life nila kaya keribels na lang.

"Yak! Pwede ba stop shipping me to him. I have standards so please shut up" Ane glared at him. Umakto pa sya na parang diring diri kay Clein. Lalo tuloy akong nacurious kung anong meron sa kanilang dalawa.

Natapos ang pagsayaw ni Clein na puro away lang ang nangyari kila Cal at Ane. Medyo nakakahalata na ako dahil nakikita kong napapangiti si Ane kapag binabanggit yung pangalan ni Clein. Shuta! Ship ko silang dalawa.

"Angels, thank you so much for the love and for the support. The best kayong lahat. Thank you for having me here" pagpapasalamat ni Clein.

Angels ang tawag nya sa mga fans nya. Naghiyawan ulit ang crowd kaya nagtakip ako ng tenga. Sinilip ko si Ane sa likod, namumula yung pisngi nya. Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay agad syang umiwas. Confirmed! May gusto nga sya kay Clein.

"Wow! You just set the stage on fire, Clein. Well anyway, okay lang ba na mag tanong kami ng ilang questions. Don't worry tatlong questions lang naman 'to" sabi ng president namin na sya ring natoka maging emcee ngayong gabi.

"Please!!!!"

Agad namang nag ingay ang crowd. Tahimik lang akong nanonood sa mga susunod na pangyayari. Cal chuckled. "Yeah! Sure"

"Okay, first questions, is that true? Na may nag alok sayo na maging model but you declined it? Why"

Tumikhim muna sya bago sumagot. "Yes, that's true. I declined it. Why? Secret na muna. Sorry, angels"

"Awwwwww"

"Ang duga naman"

Agad namang nalungkot ang ibang fans nya. Yung iba nagpapapadyak dahil sa sagot nya. Naging controversial nga yung pagdeclined nya sa isang sikat na company na yun. Kaya naiitindihan ko kung bakit ang daming nadissapoint sa sagot nya. Pa mysterious masyado! Bakit ayaw nya na lang kasing sabihin? Pabebe masyado hindi naman sya yummy. Joke lang! Baka sapakin ako ng mga fans nya.

"Okay, calm down guys. Let's respect his decisions. For the second question, if ever maimbitahan ka ulit here in LPU, tatanggapin mo ba ulit?"

"Yesssss!" sagot ng crowd.

"He will accept it" Cal answered in a serious tone. Parang alam na alam nya talaga ang isasagot ni Clein. Magkakilala ba sila? Tumingin ako sa kanya nang maramdaman na nakatitig sya sa'kin. Bakit sya nakatingin sa'kin? May dumi ba sa mukha ko? Kinuha ko ang salamin sa sling bag ko. Wala naman akong dumi sa mukha. Umiling ako. Minsan weird talaga mag isip ni Cal.

"Oo naman. Bukod sa nandito yung ibang fans ko... May gusto rin akong makita" sinuyod ng mga mata nya ang buong crowd, may hinahanap sya.

"Ahhhhhhh"

"Oh my gosh! Ako yunnnn"

"Girl! Assume pa more, ako kaya yun"

Umingay ang crowd dahil sa sinabi ni Clein. Yung iba nagtatalo talo na. Akala mo naman sila talaga ang gsutong makita ni Clein. Assume pa more.

"Kinikilig ka 'no?" tanong ko kay Ane. Tinarayan nya ako. "Yak! No way!"

Tinawanan namin sya dahil sa reaksyon nya. Huling huli na ayaw pang umamin. Bumalik ang tingin ko sa stage. Isa isang pinagmasdan ni Clein ang mga audience. Napaatras ako ng dumako ang tingin nya sa'kin. Nakatitig na sya sa'kin ngayon. He's staring at me like he wanted to say something. I swallowed hard when I felt Ane's gaze. Nakatingin na din sya sa'kin ngayon.

I can't stand his stare kaya lumipat ako sa likod ni Cal. Ramdam ko parin ang paninitig ni Ane. Hell! Hindi ko alam kung bakit sya nakatingin sa'kin.

"Hmmm. Sounds interesting. Dahil nabanggit mo na may gusto kang makita dito. Yun na lang ang huli kong itatanong. Sino ang gusto mong makita dito or ano yung relationship mo sa taong yun"

Umingay lalo ang mga audience pero hindi ko na ito napansin dahil mas nangibabaw ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba nang titigan ako ni Clein. Pumunta na nga ako sa likod pero nakita nya parin ako?

He licked his lower lip not breaking the eye contact. "I want to see this beautiful girl every single day. I like her but she don't like me" he answered honestly. Titig na titig sya sa'kin kaya mas lalo akong kinabahan. Ano ba? Bakit mo ba ako tinititigan? Nakakainis ka na ah!

Nagsimula nang tumingin sa direksyon ko ang ibang fans nya buti na lang hinarangan ako ni Cal. Lumingon si Ane sa direksyon ko pero agad din syang umiwas ng tingin. Puro mura at sumbat ang naririnig ko sa mga fans nya. Hello! Kasalanan ba nung girl na hindi nya gusto si Clein? Bakit nagagalit kayo sa kanya? At bakit ba ako nakikialam?

"Naku, mahirap yan. Umamin ka na ba? If you don't mind me asking" the emcee asked. Tatlong questions lang daw pero sumobra na sya. Chismosa lang?

Clein smiled bitterly. "What's the point? I will still end up with a broken heart anyway. I want to force her to like me back but that's a very selfish move..." He paused for a second. Gumilid si Cal kaya nagkaroon ng pagkakataon si Clein na masilayan ako. He smiled at me. Yung ngiting nasasaktan.

"I guess, that's how it goes, right? You don't end up with the person you want"

Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi nya. Pakiramdam ko kasi para sa'kin yung sinasabi nya. O baka naman nakakarelate lang ako? Baka nga, I feel you Clein. Parehas tayo ng nararamdaman.

After ng madamdamin nyang speech ay nagsimula ng tumugtog ang banda. Halos mabingi ako sa mga hiyawan nila. Nakisigaw narin ako ng magsimulang umalingawngaw ang paborito kong kanta.

"Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move

Got some words on cardboard, got your picture in my hand

Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Kahit hindi ganun kaganda yung boses ko ay nakisabay na din ako. I like this song it reminds me of someone. Someone from my past. I hope he's doing fine.

I know it makes no sense but what else can I do?

How can I move on when I'm still in love with you?

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you'll see me waiting for you on the corner of the street

Nakailang kanta pa bago natapos ang event. Akala ko makakapagpahinga na ako pero hindi pala. Paglabas pa lang namin ng LPU ay hinatak agad ako nila Aiah. Nauna ng umuwi ang kambal. Nung una pumalag pa ako pero sa huli ay hinayaan ko na lang sila. Siguro naman hindi nila ako ipapahamak 'no?

Relax na relax lang akong nakaupo sa likod. Tiwala naman ako sa kanila kaya keribels na. Payapa kong pinagmamasdan ang lahat ng nadadaanan namin. My lips parted in shock when I realized kung saan kami papunta. Sh*t! Pupuntahan namin so Graunt?

"Teka, anong gagawin natin sa condo ni Graunt?" taranta kong tanong. Ngumis naman silang dalawa.

"Aiah, the gun, please" utos ni Ane. Lumaki lalo ang mata ko sa sinabi ni Ane. P*ta bakit may baril? Humugot so Aiah ng baril sa loob ng bag nya. What the hell? Pano sya nakapasok ng LPU nang dala dala yan?

"Bakit kayo may baril? San nyo yan gagamitin?" sigaw ko.

"Chill babe, kaming bahala" Aiah assured me while grinning. May inabot sya saking papel at ballpen. "Marriage certificate? What the fuck! Anong gagawin ko dito?"

Hindi sila sumagot at hinatak na ako palabas. Bitbit nila ako papuntang condo ni Graunt. "Pasasalamatan mo kami ni Ane after this"

Nagdoorbell na si Ane. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na ng ipahawak sakin ni Aiah ang baril. Saktong pagbukas ni Graunt ng pinto ay naitutok ko sa kanya ang baril.

"Good evening lover boy. Its payback time" Ane giggled excitedly.

I'm doomed!