Maaga ako ngayon dahil mag rereview kami para sa quiz namin sa math..medyo mahirap kasi yung math namin at second period pa sa umaga.
Pagdating ng room ay naglinis mona kami at inantay yung mga kaibigan naming kasama naming magreview..okay lang din naman sa adviser naming magreview mona kami.
"Flow start na tayong magreview" sabi ni Jouana tumango na lamang ako rito, inayos ko mona yung mga gamit ko at kinuha ang math notebook at tumabi kay Nianel
"Ynesha ikaw yung magtanong" sabi ni Amethist..kinuha naman ni Ynesha yung notes nya at hinalungkat ang laman non
Si Ynesha yung first honor namin mula grade 7 hangang ngayong year, second naman si Dsyree. At minsan ay kung hindi si Ynesha yung first ay si Dsyree..
Hindi man sa pagmamalaki peru halos lahat kaming mag kaibigan ay palaging nadadala sa with honors or exelence awardee..
"Okay what is the square root of 150?" Tanong ni Norene nauna namang tumaas ng kamay si Dsyree
"12.247?" Sagot ni Dsyree
"Your--" "huy kayo dyan maglinis din kayo uy" naputol ang sasabihin ni Ynesha ng magsalita yung kaklase naming diba-diba..kahit kailan talaga ang baklang yan bwesit sa life
"Tapos na kaming maglinis noh" mataray na sagot ni Nianel..palagi silang magkaaway..well kahit sino naman eh kaaway ng baklang yan..bida-bida kasi tas sip-sip pa
Ewan ko ba dyan yung ibang mga bakla mababait naman at friendly bakit yang baklang yan trouble maker?
"Sabi nga kasi ni sir!" Sigaw nito makasigaw naman kala mo kung sino
"Sinabihan na namin si sir na magrereview kami noh kaya wag kang epal" sagot din ni Ynesha kayat inirapan nya kami
"Palibhasa kasi sip-sip at kung sino makaasta kasi president" pagpaparinig nito at tumalikod sabay flip hair
Palagi nya kaming sinasabihang sip-sip peru the truth sya naman talaga yung sip-sip tas palagi pang nag paparinig kasi natalo sa class election
At makaflip hair naman kala mo may buhok. Tsk
"Tara na nga mag linis na lang tayo baka ano pang masabi nang baklang yun at maupakan ko sya" inis na sabi ni Ynesha at binitbit ang notes
Kaya sumunod nalang kami baka mapagalitan pa ni Bakla
Yan ang buhay namin mahirap lang kami kayat palaging inaaliposta..hindi sya namin pinapatulan kasi mahirap na marami pa namang kampun ng kalandian yun...
********
8:00 na ng matapos kami sa paglilinis..hindi tuloy kami nakapagreview. Patay talaga kami nito kay maam eh..medyo may pag ka teror kasi si maam...mabait sya sa mabait, sobrang talino ni maam kaya idol ko sya parang easy easy lang sa kanya yung klase namin ..eh syempre sya yung teacher eh, maraming nagsasabing mga fellow teachers nya na nong mga kapahunan nila ay palaging nageexcell si maam..
"Pasok na kayo sa loob class maglilibot lang ako para echeck yung mga trash cans ng every room" sabi ni sir at umalis na dala-dala yung record notes nya
Nakaasign si sir na mag check ng proper trash cans and right place ng mga garbage. Para mapanatili ang cleanlyness ng school.. And zero waste nadin ...isa rin si sir sa pinakamagaling na teacher sa school namin, mabait din sya at mataas magbigay ng grades
Ng makapasok na kami ng room ay agad na nagingay yung mga kaklase namin....naisipan ko monang magreview para sa quiz namin..sobra akong nahihirap ngayong year sa math subject namin..minsan kasi hindi talaga ako nakikinig, kahit naman kasi makinig ako ay parang wala parin akong maintindihan.
"Flow nakagawa ka naba ng essay" kalabit sakin ng kaklase at seatmate kong si Aliyah..
"Oo tapos na kahapon pa" sagot ko rito at muling tinuon ang pansin sa pag-aaral
"Buti kapa ako hindi pa kasi eh" nakangusong sabi nito..
"Dont worry matatapos mo din yan" ngiting sabi ko rito kaya napangiti narin ito
"Flow pwede bang magpagawa ng essay"sabi sakin ng kaklase kong si Athena..tsk lalapit lang pag may kailangan, pag wala kala mo kung sinong matalino kung mangaliposta
"Sige na pls." Pa-awa effect nitong sabi dabang hawak sa kamay ko
"Oo na" sagot ko kaya agad na nagliwanag yung mga mata nito..hindi naman ako ganoon ka sama para hindi tulongan yun no...well kahit na palagi nya kong inaayaw hindi ko parin ma atim na mabagsak sya, mag kamaganak din naman kami.
"Thank you talaga" saad nito tanging tango lang ang isinagot ko rito masaya naman itong bumalik sa kanyang upuan..
Tinago ko nalang mona sa bag ko yung math notes ko at kumuha ng yellow pad doon ko nalang isusulat yung essay ni Athena. About sa Education yung essay na pinapagawa ni sir nong last week pa yun sinabi ni sir. Mahilig kasi sila sa last minute, kayat palaging nagpapanic pag reporting na at nababawasan yung score o points kasi late na pinapasa
Makalipas ng ilang minuto ay natapos ko ng isulat yung essay ni Athena kayat nag lakad ako papunta sa table nito..special delivery pa
"Here Athena tapos na" abot ko sa kanya kayat na agaw ko ang atensyon nito mula sa pakikipagusap sa katabing si Nathalie
"Hehe thanks Flow"ngiting sabi nito at inabot yung papel, tumango na lamang ako at ngumiti tas bumalik na sa sariling table
" Flow nakapagreview kaba?"tanong ni Stephen ng makaupo nako
"Oo kunti lang"
"Pwede pa turo" pagak na ngiti nito
"K"
Lumipat ako ng table sa tabi nito at ng isa pang kaklase naming si Alex. Merung bakanting table don, table ko yun noon ng hindi pako pinalipat ni sir sa katabong table ni Aliyah. Pagbored ako don sa table ko ay dito ako umupo at nakikipagkwentohan kina Stephen
"Uy Flow dito ka sa gitna" aya ni Alex..lumipat naman si Stephen sa old table ko, ako naman ang naupo sa table nito
"Flow!" Sigaw ni Earl...ang hilig talagang sumigaw ng lalaking yan..ang lakas pa ng boses palibhasa kasi mataba
"Huy Earl wag kang sumigaw" saway sa kanya ni Jemuel at binatukan kaya masama nya itong tinititigan..
Palaging ganito sila kayat masaya akong sila ang naging kaklase ko nitong school year. Hindi sila bored kasama.hindi ka talaga maoop peru iwasan mo lang na mapagkaisahan..ikaw kasi ang tutuksohin nilang lahat, peru hindi naman gaanong masakit o subrang nakakapikon. Just for fun lang
"Classmate lipat na tayo sa next subject!" Sigaw ng little and cute naming class president si Nianel
"Eh hindi pa nga kami nakakapagreview eh" kamot ulong sabi ni Stephen
"Panalangin nyo nalang na wala si maam" natatawang sabi ni Nianel
Bumalik nako sa table ko at inayos ang mga gamit at naglakad na papunta ng canteen. Bago kasi pumupunta sa second class namin ay dumadaan mona kami ng canteen para mag break..
**********
Ng matapos nakong makabili ay naglakad nako papunta ng class room ng math teacher namin. Ng makasalubong ko kina Benedict at Agustin. Classmate ko si Agustin last year
"Hi Flow" masayang sabi nito at tumapit sakin...medyo close kami ni Agustin non, palagi kaming magkasama nina Dave
"Hello Agustin"
"San punta mo?" Tanong nito
"Sa math class namin..., kayo" tanong ko..hindi man lang ako kinakausap ni Ariel nitong mga nakaraang araw nakakatampo na talaga sya
"Sa canteen"
"Tara na Gus" aya ni Ariel kayat napatingin ako dito..wala paring pinagbago malalamig parin ang mga titig nito..hindi na sya ang Benedict na kilala ko. He really changes a lot.
"Sige Flow bye" sabi ni Agustin at nag wave ngumiti na lamang ako pagak..its hurt hindi man lang nya ako magawang kausapin..Hes not my bestfriend anymore..im nobody for him
Nagpatuloy na lamang ako sa pag lalakad ng makarating ako sa harap ng classroom ng math teacher namin ay walang tao don, kahit yung mga advisory class nya ay wala din.
"Wala ng pasok merung meeting yung mga teachers" sabi ng dumaang student, kaya tumango na lang ako at dumiretso na ng school gate uuwi nalang ako;
Pag dating ko ay nandon lahat ng mga classmates ko..hindi man lang ako sinabihang wala ng pasok.
"Uy Flow san ka galing?" Tankng sakin ni Dsyree.
"Sa math class natin" walang ganang sagit ko at naupo sa tabi nitong benches
"Wala ng pasok hinanap kita kanina peru hindi kita nahanap eh"
"Lets go na" aya ni Nianel
Sumakay na kami sa mga nakaparadang jeep sa loob ng school parking lot.
Hindi man malaki ang school namin peru merun silang nilagay na parking lot kung saan ay doon paparada ang mga sakayang jeep at mga sasakyan ng mga teachers and staff.
Para narin yun sa siguridad ng mga estudyante. Mahirap din naman kasing sa labas nakaparada yung mga jeek, marami kasing dumadaan na sasakyan. Tas nag uunahan pang sumakay yung mga esyudyante. Kaya pabor din saming dito sa loob ang mga jeep..