Bagong araw na naman, maaga akong pumasok muli ng school ayaw ko kasing malate nagiging center of attraction ka kasi pag late ka.. Yung nga kaklase naman naming palaging late parang model o sikat na artista sa tuwing dadating kasi sya lahat ng mata na aagaw nya.
"Benedict" sigaw ko ng makita si Benedict sa di kalayuan peru hindi man lang ito tumigil at nag aksaya ng oras na lingonin ako..ganon na ba ako ka walanv halaga sa kanya na kahit simoleng lingon ay di nya magawa. Hindi na talaga sya ang bestfriend ko.
Madalas na nag "gogood morning" sa tuwing dumadating nakikipagkwentuhan sakin pag wala pa si maam. Madalas naming pagkwentohan noon ang mga pamilya namin.
Hindi din kami madalas mag away. At kung nag aaway man ay makalipas ang ilang sandali ay mag kakabati narin ng wala man lang binibitawang salita.
Peru teka itinuring nya ngaba akong bestfriend? Para kasi sakin bestfriend ko sya eh, pery mukhang isang hamak nya lamang akong kaibigan!
Malungkot akong nagpatuloy sa paglalakad. Ng makarating ako ng room namin ay wala pang masyadong tao. Mga 7:00 kasi ang datingan ng mga yun. At 6:30 palang.
"Good morning sir, good morning classmates" kadalasan kong bungad at pagbati sa aming guro at sa mga kaklase ko tuwing umagang dumadating ako
"Good morning din" sagot naman ni sir at nagpatuloy sa pagaayos ng lesson plans
"Hi Flowrence good morning" masayang sabi ni Aliyah habang may hawak-hawak na walis. Isa si Aliyah sa mga classmates kong maagang pumapasok
"Hello too Aliyah and good morning" sabi ko at inilagay sa table ko ang aking bag
"Pakiss" pacute na sabi nito at humalik sa pisngi ko, nasanay narin ako sa kanya napakasweet nya, palagi nya kong kinikiss pagpasok ko tuwing umaga maging ang iba naming kaklaseng babae
"Flowrence pakidiligan nong bago nating tanim na hanging flower" utos ni sir
"Okay po sir" sagot ko
Maraming bulaklak si sir sa bahay nila kaya pati dito sa school at lalong-lalo na sa class room namin ay marami kaya nga nahilig na din ako sa bulaklak eh. Merun kaming nakaasign na garden every group with 5 members. Isang garden lang dapaf every group peru 4 na garden ang binigay ni sir samin kasi daw magaling kaming magalaga ng tanim. At totoo naman yun sa lahat kasi kami ay samin yung pinakamaraming tanim na bulaklak at magaganda pa.
Yung iba kasi pinapabayaan nila dinidiligan lang pag nandyan si sir tas pag wala eh minsan nilalaruan pa o di kaya inuupoan kaya nasisira at na mamatay.
Kumuha ako ng tubig sa gripi sa bandang likod ng room namin at nagumpisang dilugan ang mga bulaklak. Napakaganda nilang tingnan napakaaliwalas at napakapresko ng hangin. Well presko naman talaga ang hangin sa probinsya.
Ng matapos ko ng diligan ang mga tanim ay binalik ko na sa lagayan yung balde at pumasok na sa loob, nagsidatingan na rin yung mga kaklase namin. Mag ststart na rin yung english class namin.
"Okay class makinig muna kayo merung pinadalang announcement yung devesion office" sabi ni sir ng makaupo na kaming lahat, merun itong hawak na papel
"Sinabi ng devesion office na magkakaroon tayo ng global hand washing day tomorrow kaya hindi mona tayo mag kaklase ngayon sa halip ay maghahanda tayo para sa hand washing bukas"
"Okay sir" sabay-sabay na sagit naming lahat
"At isa pa magoobserve yung mga tauhan nila kaya dapat malinis yong room natin at wag nyo ring kalimutang magsuot ng complete school unifrom" dag-dag pa ni sir. Merun kasing mga estudyanteng matitigas yung ulo, na kahit sinasabing always ware your complete uniform ay palaging nakasevelian parin. Na parang mga tambay.
"And one more thing great our visitors by using and showing the magalang bow"
Nakasanayan na rin yan ng mga estudyante ng pa-aralan naming mag magalang bow pag nakakasalubong ang mga teachers or visitors.
Ngunit hindi din maiiwasan ang mga estudyanteng hindi maruning sumunod sa mga alituntonin ng pa-aralan.
"Okay thats all maglinis na tayo" sabi ni sir at nag palak-pak kaya nag madali na kaming mag linis.
Hindi naman namin kailangan maglinis ng matagal, malinis na din naman kasi yung class room namin eh halos lahat rin naman ng mga class rooms eh. Peru kailangan paring maglinis at mag prepara.
Merun kami kanya-kanyang gawain na inaatupag. Merung nagwawalis, nagpupunas ng bintana, nagdidilig , at marami pang gawain.
Sa buong period ng class namin ay yun lang ang ginawa namin. Sinabi na rin ni sir na hindi kami papasok ng half day bali ngayong umaga magreresume na lang daw yung klase ngayong hapon. Para makapagpahinga ang mga estudyante.
Merun pa kaming dalawang oras bago mag lunch time. Kaya naupi mona kami sa mga benches sa harap ng class room namin yubg iba namab ay pumunta ng canteen oara daw mag break, pumayak naman si sir.
"Uy Nian diba sabi mo kachat mo kagabi yung crush mo?" Tanong ni Ynesha
"Ayie lomalove life na sya" tukso naman ni Stephen
"Sino yan Nian" gatong naman ni Earl. Mukgang si Nianel ang mapagtutulongan ngayon uh
"Basta" sabi ni Nianel.
"Sino na kasi Nian"
"Nian sabihin mo na"
"Nga naman Nian hindi naman namin ipagkakalat eh"
"Oo na, oo na , atat na atat eh" inis na sabi ni Nianel. Wala naman kasi syang takas sa mga to eh, hindi titigil ang nga yan hangang hindi nila nalalaman
"Oh sino na nga?" Tanong ni Amethist kaya agad na lumapit kina Stephen maliban kay Alex na busy sa pag seselpon
"Si ano si.." Parang gusto na nitong magpalamon sa lupa hindi lang masabi kung sino yung crush nya
"Sino!" Atat na sabi ni Dsyree at neyog-yog si Nianel
"Si yun oh" sabi nito at tinuro ang isang dereksyon kaya sinundan namin iyon peru wala namang tao. Ng ibalik ba namin kay Nianel yung tingin namin ay wala na ito..ayun na tumatakbo pa layo
"Habulin nyo!" Sigaw ni Ynesha, kaya ayun naghabolan na naman sila. Naiwan naman ako ritong nakaupi mag isa
Nag tingin-tingin na lamang ako sa paligid. Napawi ang mga ngiti ko ng makita sina Benedict mula sa malayo. Masaya itong nakipagkwentohan sa mga kaklase.
"Huy" napaigtad naman ako ng gulatin ako ni Miguel. Isang grade 7 student minsan magkaibigan kami minsan naman magkaaway. Kasama nito si Jensen kaibigan nya, nasa star section naman si Jensen.
"Ano ba Miguel mamatay ako nito sa gulat eh" bulway ko sa kanya peru ang miking tawang-tawa pa
"Haha na-hhaa ka-hahaha" hindi ko na maintindihan ang sinasabi nito pano ba naman kasi tawa sya ng tawa.
"Huy Miguel mag tigil ka nga" sabi ni Jensen dito at binatukan kaya agad na natahimik.
"Anong kailangan nyo?"tanong ko, hindi naman pupunta yan dito pag walang kailangan eh lalong-lalo na ang Jensen na yan. Kaya hindi kami nyan close eh
"Hinahanap namin si sir"
"Nasaloob sya"
"Sige salamat"tanging sagot ni Jensen.good for him marunong nang mag pasalamat.
Palagi akong binubully ni Jensen kaya mas lalong hindi kami close
Ng mag ring ang bell ay kinuha ko na ang mga gamit ko at sinukbit ang aking bag, hindi parin nakakabalik yung mga kaibigan kong naghabolan. Kaya iniwan ko nalang yung bag nila don, baka pagdinala ko hanapin nila kaya mabuti nalang na iwan don.
***********
Hapon na at tapos narin yung class namin nandito ako ngayon sa lubrary magbabasa ng novels about the world o di kaya solar system.
Mag isa lang akong nandito wala kasing librarian, mga teacher lang na walng advisory class ang nagbabantay nitong library. Peru wala sila ngayon dito.
Kinuha ko yung science book, mahilig ako sa science peru minsan hindi din. Nagagandahan kasi akong basahin yung solar sestyms and body circulatory systems at iba pang avout science
Tahimik lang akong nagbabasa ng marinig ko ang bulong-bulongan ng mga students mula sa labas ng library, merung katabing class room ang lubrary kaya mga estudyante sigurong nagmula sa katabing room ang nag bubulong-bulongan.
Hinayaan ko na lamang yun at nag patuloy na sa pagbabasa. Mga past 5 na ng mapagdesisyonan kong lumabas at umuwi.