07

After the day of the incident, tinawagan kame ni Lianne para pumunta sa bahay nila dahil may nalaman daw ang mag-kapatid. Pumunta ako kasama sila April, Amere at Stella, mag-kakasama naman sila Aple, Damien at Apollo.

Pumasok kame at nakitang nasa sala yung mag-kapatid, "Upo kayo" pag-alok ni Lianne, we did what she told us

"What's up, Li?" agad na tanong ni Damien

"May problema nanaman ba Ate? Kuya?" tanong ni Stella

Nag-lapag si Steven ng picture ng isang babae, tiningnan namin yon at nanlaki yung mata ko.

"OMG! yan yung babaeng nakita kong kasama nung lalakeng nabaril sa harap ng house niyo" at linilingon ko silang lahat

"There's your answer Kuya"seryosong sambit ni Lianne

"What do you mean?" curious na tanong ni Apollo kaya lumingon din kame sa kanila cause we're all dying to know kung ano yon

"That's Zoey Balthazar" panimula ni Lianne

"Wait, that girl whose been a bitch to you?" tanong ni April

"Apparently, she's not just a girl who is being a bitch to Lianne" tumayo si Steven at pina-krus ang mga braso niya

"Oh lemme guess" pag-singit ni April "She's a member of the Murderous gang?" dagdag niya

"She's not just a member" sagot bigla ni Lianne at tiningnan si Steven "She's the Leader of the Murderous gang" napa-nganga kame sa sinabi nila

Tumayo sa pagkaka-sandal si Damien "Wait wait wait" tuloy-tuloy na sabi niya habang naka-turo sa kung saan "As far as I know, puro lalaki ang gang na yon" patuloy niya

"Yeah, we don't know much yet or how she is the leader of the gang. My point here is to be careful about them" nag-aalalang sabi ni Steven

"Uhh, kame? Steven, they're after you and Lianne" sarcastic na sagot ni Amere

"We have the Serpents, you also have us pero most of the time wala kame kaya mag-ingat pa din kayo. They play dirty, so it's not impossible na baka idamay nila kayo dito" paliwanag pa ulit ni Steven

Napansin ko na parang walang reaksyon sa mga nangyayari si Aple. May alam kaya siya tungkol dito? Gaano na kadami ang alam niya? Ano pa ang nalalaman ng mag-kapatid?

Andami kong tanong ngayon pero alam kong sasabihin din nila yon pag-pwede na at okay na ang lahat.

After naming pumunta kila Lianne ay umalis ako dahil imemeet up ko ang Lawyer namin. Pumunta ako sa isang café kung saan kame mag-kikita

Umupo ako sa harapan niya "Good day Ms. Lewis" at nakipag-hand shake saken

"May problem po ba sa kaso ng parents ko, Mr. Miller?" agad na tanong ko

"Not at all Ms. Lewis, I just wanted to inform you about the charges that will be given to your parents" nag-labas siya ng papers sa bag niya at inabot saken

"As you can see, it says that they will be sentenced by 12-20 years in jail for violating the Republic Act 9165 or the Dangerous drugs act of 2002. I did my best to make sure that's the only charges they'll get" paliwanag niya

Hinilamos ko ang muka ko "Thanks for the update about my parents Mr. Miller" kinuha ko ang bag ko at palabas na sana

"Bea, Are you okay?" tanong niya "Kandrei is a bit worried about you considering that you've been good friends"

I smiled "Please tell him I'm okay" then umalis na ako

Pag-uwi ko, I changed my clothes and rest for awhile. Buti nalang wala na yung mga pesteng reporters sa bahay. Edi napagod din sila, parang ex ko charot wala ako non

Kinuha ko phone ko at nag-order ng food online kase nagke-crave ako ng Milktea at Doughnuts kaso nakalimutan kong bumili on the way home

Pagka-order ko ay biglang may nag-doorbell. Nang buksan ko ay nanlaki saglit ang mga mata ko nang makita kung sino yon

Ngumiti siya saken "Hi, I'm Zoey Balthazar" at nakikipag-kamay sana pero tiningnan ko lang yon

"So?" pabalang na sagot ko at binalik ko ang tingin ko sa kanya

Nag-iba agad ang awra ng muka niya nang sabihin ko yon

"I heard na friend ka daw ni Lianne" ang pabebe naman ng boses neto, sarap hambalusin ampota

"Oh, pake mo?" pananaray ko

Inirapan niya ako pero ngumiti ulit siya "I want to know paano siya naging Serpent even without doing their initiation"

Naalala ko bigla na wala nga palang may alam na Kuya ni Lianne ang Leader ng Serpents

"Aba malay ko, member ba ako para tanungin mo?" pambabara ko

"Ugh! Bastos ka?" galit na sabi niya kaya nainis din ako kase ayokong tinataasan ako ng boses

"Listen bitch, get out of my house kung yan lang pakay mo!" bwisit na sabi ko at hinatak siya palabas

Hinawi niya ang kamay ko "I can walk duh" pag-tataray niya

"Oh I'm sorry, I thought all you can do is to bitch and moan" pasigaw na sabi ko kaya umalis na siya

Pagka-alis niya ay saktong dumating ang Delivery ng food ko kaya pumasok na ako sa bahay. Kinuha ko phone ko at chinat kay Lianne ang nangyare

(Future Attorney na gago)

Me:

Oyy! Jusko may chika ako!

Lianne:

Dakilang chismosa ka talaga. Ano yon?

Me:

Gaga, pumunta dito sa bahay ko yung Zoey

Lianne:

Oh ano sabi?

Me:

Tinanong kung paano ka daw nakasali sa Serpents, sabi ko idk kase alam kong di pa revealed ang true position ng kapatid mo

Lianne:

Ampota yari saken yan. Sige, thanks sa heads up Bea

Me:

Okie okieee, welcome

Kumain na ako kaso bwisit pa din ako sa Zoey Balthazar na yun, hatawin ko siya ng dos por dos eh

Pero ano kaya yung sinasabi niyang initiation? Anong mangyayari kay Lianne kung kinalangan pa niya non?

Never mind, Lianne's already a Serpents kaya wala na din silang magagawa. Advantage niya na din na kapatid niya si Steven. Pero is it really possible na may gagawin pa silang initiation kay Lianne?