08

"Putcha, ang hirap naman neto" I crumpled the scratch paper at tinapon lang kung saan. Kahit kailan talaga hindi ko na-appreciate ang Math! Letcheng Calculus toh, di ko magets shemay

I sighed at sumandal sa swivel chair dito sa kwarto ko, tinitigan ko lang ang assignment ko na yon at nang tamarin ako,

bumaba nalang ako para kumain since nakapag-luto na yung maid namin.

Habang kumakain ako bigla nag-ring ang phone ko.

[Atty. Reinhart] nakaka-kilig daw kase pag-future profession namin ang naka-save sa contacts

Sinagot ko yon habang kumakain

"Oh, problema mo?" pabalang na tanong ko agad kay Lianne

"Ganda ng hello mo ah. Anyway, nasa bahay ba namin si Kuya?"

"Ewan ko, siguro. Baket?"

"Di sinasagot yung phone kailangan ko siya ngayon sa School"

"Pota baket nga?" sinapo ko ang noo ko

"Na-guidance kase ako!" sigaw niya through the phone

Muntik ko nang madura ang pagkain ko nang marinig yon. Si Lianne? Ang Miss 'That's wrong' ng tropa, na-guidance? HAHAHA gago saya naman non

"Ano ba ginawa mo? siraulo ka" tumatawang tanong ko

"Basta, paki-puntahan nalang si Kuya at papuntahin mo dito sa School"

"Sige, paka-bait ka diyan ha" pang-aasar ko pa

"Kingina mo!" pikon na sabi naman niya

Tumayo na ako nang matapos ako kumain at pumunta sa bahay nila Lianne para sabihan si Steven na yung napaka-bait niyang little sister ay nasa guidance

Nakita ko si Steven sa may harap ng bahay nila at may kausap sa phone.

"Then find out kung sino din yon! We can't have loose ends." rinig kong sabi niya sa kausap niya "Ayokong madamay masyado dito ang kapatid ko pati na ang mga kaibigan niya" ano kaya ibig sabihin ni Steven?

Pagka-baba niya ng phone ay tsaka lang ako nag-patuloy na mag-lakad papunta sa kanya.

"Oh, hey Bea" bati niya at kumaway saken

Kumaway din ako "Hey Steven, tumawag si Lianne. Pumunta ka daw sa School niya kase nasa guidance daw siya" at pabiro ngumiti

"Ha?! Baket daw?!" kita sa muka niya ang pag-aalala at inis

Nag-kibit balikat ako "Ewan, basta sabi niya puntahan daw kita kase di ka niya ma-reach"

Tumango siya "Salamat Bea, ano kaya ginawa ng bonak na yon" sumakay na siya sa motor niya then waved goodbye at me

Bumalik na ako sa bahay at umakyat sa kwarto ko para tapusin yung assignment ko kahit labag sa loob ko. Sanaol matalino sa Math, gosh!

Pero pagka-upo ko sa swivel chair pumasok agad sa utak ko yung narinig ko kay Steven. Mas inalala ko pa yon kaysa sa Solution sa math. What loose ends? Bakit parang ayaw ipaalam sa kapatid niya? Putcha, nag-ooverthink nanaman ako.

Tinapos ko nalang muna ang Math ko dahil may Essay pa ako na isusulat para sa English. Its about the Importance of Friendship. Mas bet kong gawin yon kase madali at inspired ako na isulat yon dahil sa mga kaibigan ko.

Nang matapos ko din ang Essay ko, I finished it with a quote 'A strong friendship can't be measured nor can be parted by anything.'

Naniniwala kase ako na mas matatag ang pagka-kaibigan namin kaysa sa kahit anong problema o bagay na pwedeng humadlang sa amin. I value everything I have, especially my friends. To be honest, I love them more than my family. Lalo na ngayon, sila ang naging pamilya ko, kung wala sila di ko na siguro alam ang gagawin ko.

I slept after I finished my boring homework para naman mapahinga ko din ang isip ko saglit.

I woke up at 5pm, evening na kaya bumaba na ulit ako pero umupo lang ulit ako sa couch dahil wala naman akong magawa. Nanood ako ng Netflix at tinapos ang ibang series na matagal nang pending sa recently watched ko.

Mas mahilig ako sa rom-com or horror, Unlike ng mga tropa ko na ang hihilig sa Sci-fi, Mystery at Murder Movies. Ang bibitter porket walang mga jowa charot wala din pala ako non.

Habang nanonood ako ay may kumatok sa pinto. Tamad kong binuksan yon at nagulat nang makita si Kandrei doon na naka-ngiti na nang makita ako.

"Hey" kumaway siya saken

"Oh, ginagawa mo dito? its 5:30 pm na ah" naguguluhang tanong ko, may ibang oras kanina para pumunta siya jusko paramg ewan ah

"Wala naman, binisita ka lang ulit at para iinform ka sa nalalapit na Trial ng parents mo" Nga pala 'no sa susunod na araw na pala yon, hays.

"Ah, yun ba. Sige pupunta ako" bored na sagot ko

"By the way." tinaas niya ang mga dala niyang plastik na may pag-kain kaya ngumiti ako dahil syempre pag-kain yon, libre pa.

Pumunta kame sa counter sa kitchen at nilapag niya ang mga pag-kain doon

"Salamat sa food" ngumiti ako at agad niyang binawian ng ngiti din yon

"So, may naganap daw na incident dito? Specifically, sa harap daw ng bahay ng best friend mo?" tumingin siya saken at nag-aabang ng isasagot ko

Tinaas ko ang kilay ko at tinignan di siya "How'd you know about that?"

"Someone told me" and then he gave me a smile

Umupo ako sa upuan kaya naharap ako sa kanya "Yeah, someone got shot and it was a member of a gang. So, i don't care na."

Tumango lang siya at kumain na din ng chicken wings na dala niya. Sarap nung wings shet. After namin kumain ay nag-paalam na din agad si Kandrei dahil may pupuntahan pa daw siya.

Umupo nalang ulit ako sa couch at nanood ulit ng Netflix habang kumakain ng fries, pizza at milktea na dala din ni Kandrei. Tataba ako dahil sa mga kaibigan ko neto eh. Habang nanonood ako at kumakain ay sumagi ulit sa isip ko ang trial ng parents ko, pinag-iisipan kung pupunta pa ba talaga ako o hindi na dahil alam ko na din naman ang mang-yayare.

Nalibang ako kakanood ng kung ano-ano nagulat ako ng makita mag-aalas tres na pala ng umaga "Fuck" tumayo na ako sa couch at niligpit ang pinagkainan ko dahil tulog na ang maid ko

Pumasok na ako sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama ko, sa pagod siguro ng mata ko ay naka-tulog na din agad ako

----------

Third person's POV

"Pag-nalaman ko na kung ano ang papel ni Lianne sa Serpent Gang, I swear na pagsisisihan niya na naging member siya ng gang na iyon" sabi ko habang naka-tingin kay Lianne na galit na galit at nanlilisik ang mata sa kaklase niya na halatang takot sa babaeng naka-hawak sa kwelyo niya.

I smirked out of nowhere "How far can you go Lianne Reinhart?"