09

"What's up party people?" bungad ni Amere nang pumasok sila nila Aple, Lianne at Stella. Andito na kameng lahat bukod kay April na may inaasikaso daw. Kaya di na namin pinilit.

Inirapan ko lang si Amere "Ingay mo gago" pang-aasar ko

"Oh talaga? Kamusta yang bunganga mong parang megaphone?" pambabara niya

Binelatan ko nalang siya dahil ayokong makipag-away sa baliw na 'to. Napansin kong kanina pa naka-tulala si Apollo, kaya nilapitan ko siya

"Hey!" bati ko kaya nagulat siya "Ang OA ah" pagbibiro ko

"Sampalin kita ng tsinelas, nakita mong nananahimik ako eh" bawi niya sa biro ko, tumawa kame

"May problema ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo diyan eh" palit ko ng topic at dahil curious ako

"Uhh" tinignan niya saglit si Damien na tumatawa kasama sila Aple "Wala, just random stuff" ngumiti nalang siya at ininom ang juice na hawak niya.

Nanood kame ng Netflix dito sa kwarto ko kase its weekend din naman kaya free kameng lahat except kay April na laging busy.

Hindi kame nag-sleepover, sadyang tumambay lang kame tapos umikot ng Villa. Nang ma-bored kame we decided na pumuntang Lulu or ilaw-ilaw kung tawagin namin. The lights here always lifts up our mood, walang masyadong tao kaya mas relaxing. We took photos of the city lights and of us.

"Sobrang relaxing sana kaso ang ingay niyo" reklamo ni Stella

Matalim ko siyang tinignan "Ayos ah, kame lang?"

"Oo" sabi niya na tila nang-aasar

"Baka gusto mong bugbugin kita, gangster ako!" pabirong sabi ko na parang nang-hahamon talaga.

"Edi wow, si Ate Lianne ang gang member dito. Kotongan kita ih!" sabi niya na parang aambahan talaga ako ng paltok sa ulo

"Inaano ko na naman kayo" sabi ni Lianne ng marinig ang pangalan niya at naka-pamewang pa

"Luh sino ka? Hanggang dito lang oh" pagku-kunwari kong gumagawa ng linya sa pagitan namin. Inirapan lang niya ako at tinulungan si Aple sa pag-kuha ng pics.

After namin sa ilaw-ilaw, umuwi na kame kase lumalalim na ang gabi. Although, wala lagi parents namin. We're still responsible enough to know our limits.

Pag-dating sa bahay ay humiga agad ako sa kama ko dahil sa pagod. Lakarin ba naman namin yon kahit malapit lang ang ilaw-ilaw pero nakaka-pagod pa din.

Napa-tingin ako sa side table ko nang mag-bukas ang phone ko, notifying me na nagcha-chat ang tropa ko sa GC

[Olympus WALANG TITIBAG]

Damien:

Oy jogging tayo bukas

Beatrix:

Ano oras gigising?

Aphrodite:

Potangina hindi ba kayo nakakaramdam ng pagod?

Stella:

HAHAHAHAHAHAHAH ayaw ata ni Ate Aple

April:

Sama ako bukaaaaas

Zachary:

Yeheyyy sasama si April

Lianne:

Yeheyyy mag-gogoto hehehe

Beatrix:

Puro pagkain ampota

Lianne:

Pake mo? Edi wag ka kumain ng goto

HAHAHAHAHAHAHA

Damien:

4:30 a.m gising na tas alis tayo ng 5 a.m

Aphrodite:

Sige na nga

Amere:

Sige gisingin niyo nalang ako

Beatrix:

Tatawag ako dito sa GC para magising kayo.

WALANG MAGPAPATAY NG WIFI PAPATAYIN KO KAYO!

Apollo:

Ampota bat ka galet? Sampalin kita ng sapatos eh

Beatrix:

Luh di mo nako love?

Lianne:

Puta ayan nanaman sila. Tutulog nako, maglandian na kayo. Goodnight! Love y'all

Ganyan kase kame mag-biruan kahit magto-tropa lang kame. Pero mahal naman talaga namin ang isa't isa through thick and thin. Sadyang bitter si Lianne because of her past

Natulog na kameng lahat para magising kame mamayang 4 a.m yawa ang aga.

Nagising ako sa alarm ko, and as usual ako ang unang nagising saming lahat. Kaya pina-ring ko mga phone nila at tumawag sa GC. Unang nagising si Lianne at kaya tinawag nalang namin yung iba sa bahay nila.

Umakyat kame papuntang Timberland, yung bundok na malapit dito samin.

Pabalik na kame sa Villa, pero naabutan namin ang Kuya ni Lianne na pauwi palang

"Uy diba Kuya mo yon?" gulat na sabi Amere kaya napatingin si Lianne sa kanya

Kaya mas nag-madaling umuwi si Lianne. Pag-uwi ko naman ay naligo ako dahil sobrang sweaty ko na, nag-pahinga din ako saglit. Napatayo ako nang maalalang trial pala today ng parents ko.

I immediately got up and changed my clothes at nag-drive papuntang Supreme Court, medyo na-late ako ng konti dahil sa Manila pa mismo naka-locate ito.

Pag-pasok ko ay tinignan ako ng ibang tao, nagulat na naka-rating ako. Dahil sa past interview saken ay sinabi kong hindi ako sure at parang ayaw ko. Napa-ngiti saken ang Mommy at Daddy ko kaya nginitian ko lang din sila at umupo na ako sa dulong seat at pinanood ang trial na nagaganap

Tumulo ang luha ko nang marinig ang tanong ng Judge sa parents ko "How do you plea, Mr. and Mrs. Lewis?"

My Dad sighed heavily "We plea guilty, Your Honor" nahihirapang sagot ng Dad ko. Napa-takip ako ng bibig ko para pigilan ang hikbi ko at pag-tapos ay pinunasan ang luha ko. Ngumiti ako sa parents ko para malaman nilang okay lang ako kahit ganto ang nangyayari, I'm glad that they admit their mistake and didn't use any illegal ways to escape from the fact that they're drug dealers.

After the trial, I stopped by at Min's Cafe, the cafe of Lianne's Mom. I stared out of nowhere, nabalik lang ako sa realidad nang ilapag na ng waitress ang inorder kong iced coffee at pastries. After kong kumain ay nag-palipas pa ako ng konting oras sa cafe. My phone suddenly notified me, Aple texted me

[Dra. Lestrange]

"Hey, Reinhart Serpents has information."

Yun lang ang naka-lagay, I got my handbag and went out the cafe to go home.

"Hey, wha--" di ko natuloy ang sinasabi ko nang makita si Kandrei dito sa bahay nila Lianne, his arms are crossed and he's smirking at Steven and Lianne. "What the hell is going on here? Kandrei, what are you doing here?"

Tiningnan niya lang ako at walang sinabi, kaya tinignan ko si Steven

"So you know this asshole" he smirked "Well, Your so called friend here was trying to break in our home to find information about me and Lianne" sabi niya with a sarcastic tone at tinaasan ako ng kilay.

Binalik ko ang tingin ko kay Kandrei at sinamaan siya ng tingin "What the fuck were you trying to do?" galit na tanong ko. Hindi siya sumagot kaya lalo akong napikon, ayoko ng ini-ignore ako

Nagulat ako nang biglang hatakin ni Steven ang damit nito at nilapit sa kanya "Who are you working for?" matigas na tanong ni Steven na parang alam niyang may kasabwat si Kandrei

"I work for myself" walang buhay at expression na makikita sa muka ni Kandrei pero hindi satisfied si Steven sa sagot nito pati si Lianne at ako. Nag-tinginan kame na tila alam at ramdam namin na hindi yon totoo.

What was he trying to confirm? Baket niya ito ginawa? Sino ang nagpa-gawa nito sa kanya? Posible kayang....