#4 Sun

I woke up feelings empty. I've gotten used to this feeling where everyday feels the same.

its just everyday becoming harder and harder to survive. kahit sa panaginip nararamdaman mo parin ang bawat sakit.

why do i have to feel this way?

parte ba ito ng pagiging tao? kung parte nga ito.

i think i had enough gugustuhin ko na lang maging baboy or kambing at least pag namatay sila may mabubusog naman sila.

tulala lang ako sa kisame ng maputol ang pag iisip ko dahil sa pag tunog ng phone ko.

mula sa pag tingin sa kisame ibinaling ko ang aking paningin sa maliit na lamesa kungsaan naka patong ang aking phone.

tumayo naman ako sa aking pag kakahiga at inabot ang phone. Nakita ko sa screen ang isang Unknown number na tumatawag.

sinagot ko na lang bibihira lang may tumawag sakin. i don't have friends anyway. boss ko lang at ilang mga staff ang tumatawag sakin. yeah minsan yung tatay ko pero pag may iuutos or mang sesermon lang.

"Hello? sino to?" sabi ko ng masagot ko ang tawag.

"Goodmoring Lumie! oh si Chand to." masiglang sagot niya.

wow ha feeling close agad tong baliw na to. may patawag tawag pa nalalaman.

"Morning. bakit ka naman napatawag? ano kailangan mo?"

walang kagana gana kong sagot sa kanya.

"Hey chill Lumie girl, Gusto lang kita i-greet ng magandang umaga. also wala ka na magagawa friends na tayo." aniya

kelan ba ako sumangayon para maging kaibigan tong baliw na to.

"Since when naman ako pumayag na maging kaibigan mo ha?" tanong ko.

"Since kahapon na pinuntahan mo ko dahil humingi ako ng tulong sayo i know na busy ka sa buhay mo pero pumunta ka parin. and i considered you as my friend!" aniya.

hindi ba nauubusan ng energy tong tao na to parang lagi na lang siya ganito ka saya.

"sigh. Fine! may magagawa pa ba ako? eh parang di mo ko titigilan hanggang pumayag ako." pagsuko ko

narinig ko naman ang masayang pag tawa niya sa kabilang linya. ganun ba talaga kasaya mag karoon ng kaibigan? i dunno i never had one before kahit nga sarili ko di ko na consider as friend.

" Talaga!!!! yey wait wait!!! can i call you hmmmm. Sun?" aniya.

"Sun? ang corny mo naman" sagot ko

"Sorna. hmmm kasi your name reminds me of something bright. so yeah Sun!!" aniya

"Ang corny talaga" napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Anyway Sun kumain ka na ba ng breakfast? don't skip it okay?" aniya.

"Sobrang aga pa po Tito Chand" sagot ko

"Tito? seriously? di ba pwede tatay na lang kesa tito pinag muka mo kong sobrang tanda ah" natatawa niyang wika.

napangiti naman ako sa reaksyon niya sa sinabi ko. mag sasalita na sana ako ng marinig ko ang mom niya na tinawag siya.

"Chand anak? nainom mo na ba yung mga gamot mo?" sabi ng nanay ni chand.

"Yes mom kanina pa" sagot ni Chand.

nalilito naman ako sa pinag uusapan nila kaya naitanong ko sa kanya.

"Gamot? may sakit ka?" may halong pag tatakang tanong ko.

"Ah wala noh Vitamins lang yun. you know healthy living iwas sakit." tumatawa pa siya

okay? pinag sa walang bahal ko na lang muna ang narinig ko. napatingin naman ako sa wall clock ko 9:30am na kailangan ko na mag ayos para sa part time job ko absent na nga ako kahapon.

" oh sige bye na muna chand may gagawin pa ako. " pag papaalam ko

"Sige sige Sun bye talk to you later. wag ka mag papalipas ng gutom ha take care my Sun!" aniya.

iniend call naman agad ang tawag ay nag madaling tumayo at kinuha ang tuwalya saka nag tungo sa banyo para maligo na.

10min lang akong naligo dahil malalate na akk sa trabaho ko. simpleng white shirt at jeans lang ang isinuot ko. sininuot ko na rin ang puting converse kong sapatos. sinuklay ko na rin ang aking buhok maya maya ko na lang ito itatali dahil basa pa.

Ready na akong umalis ng maka receive ako ng text mula kay Chand isinave ko na ang number niya "friends" na daw kami eh.

From: Kulogong Chand 🌟

Don't skip your meals.

Take care Sun. Keep Shinning. 🔆

Hindi ko na siya nireplyan at itinako na ang phone ko sa aking sling bag. lumabas at bumaba na akk ng kwarto at saka lumabas ng bahay.

Nag dridrive na ako patungo sa isang café na pinag tratrabahuan ko 3years na rin akong nag tratrabaho na café na yun maliit man ang suweldo napag kakasya ko naman siya sa pang araw araw. nag iipon na rin ako dahil ilang buwan na lang pasukan na ulit mababawasan nanaman ang working hours ko kaya bawas suweldo din.

Nakarating naman ako ng ligtas sa café.

Duneretso naman ako sa locker room ng café at isinuot ang apron ko simpleng brown na may logo ng shop sa gitna. itinali ko ang aking buhok at nag lagay ng konting pulbo at liptint para di naman ako mag mukang maputla sa harap ng mga costumers. ng makuntento ako sa aking itsura ay lumabas na ako sa locker room at dumeretso na sa counter para mag simulang mag trabaho.

"Lumie Buti pumasok ka na Josko halost dito na ako matulog kahapon.Bakit kasi nag kataoon pang sabay sabay kayong nag Absent. masisira Beauty ko dito"

Pag rereklamo ni Istel. Matanda lang ng dalawang taon sakin si Istel at siya parati ang nakakasabay ko sa duty. Medyo nahiya ako dahil biglaan naman ang aking pag Awol kahapon.

"Sorry Ate Istel may emergency lang kasi eh" paghingi kk ng paumanhin.

"Emergency? okay kalang ba? ano ng yari?"

hinawakan pa niya ang kamay ko at nicheck pa niya ang braso ko. medyo OA siya but it felt good na may nag aalala lng tao para sayo.

"Ah okay lang ako Ate. may tinulungan lang ako kasi kahapon." sabi ko sa kanya. binitawan naman niya ang pag kakahawak saakin at tinitigan ako ng liliit ang mata niya na para bang hindi kapanipaniwala ang sinabi ko.

"May tinulungan ka? wow ha superhero na pala peg mo Lumie ha. so lalaki ba yan tinulungan mo ha? pogi ba?" tinaas baba pa nito ang kanyang kilay.

"Yeah lalaki kasi baliw siya ate di ko nga alam kung bakit pinalabas ng mental yun eh" naiiling kong sagot. yun na lang sinabi ko para di na mapahaba ang kwentohan.

"Malay mo yun baliw na yun pala talaga destiny mo." kinikilig pa niyang pagkakasabi.

mabuti na lang at may dunating costumer kaya hindi na sundan ang pag aasar niya sakin.

Medyo kokonti palamng ang tao dito sa shop. mga taong may ka meet ang iba naman ay mga regular costumers na nag babasa ng libro.

Natigil ang pag oobserba ko sa paligid ng bumukas ang pintuan ng shop agad naman akong dumampot ng menu at lumapit sa dalawang taong kakapasok lamang. Nagulat naman ako ng makita kung sino ang taong kakapasok lang naka suot siya ng sky blue Sweatshirt na may cute na patatas design sa gitna naka pantalon din ito na tinernohan ng puting nike shoes.

Di ba uso sa lalaking to ang tshirt and init init ganito ang pormahan niya.

Agad naman sumilay ang mga ngiti niya ng makita ako.

"Lumie!!!!" sigaw nito may pag kaway pang nalalaman. di ba to marunong mahiya. nakakahiya sa mangulan gilang tao dito sa shop. lumapit naman ako sa kanila.

"Hello Welcome po. here's the menu"

iniabot ko na ang menu sa kanila naka ngiting tinitignan parin ako ni Chand.

"Hello Lumie notice me po" nag pa cute pa ang loko. sinamaan ko naman siya ng tingin

"Chand" malamig kong pagtawag sa kanya.

"Hi. so dito ka pala nag wowork" aniya

"yes" maikli kong sagot"

"Ay cold naman ni ati gurl. btw Lumie this is my brother. Kuya Anthony this is Lumie siya yung kinukwento ko sayo kagabi na babaeng marunong mag drive tapos may christmas tree siya sa kotse and yung gate sa bahay nila mas malaki pa sa bakuran natin." pag kukuwento niya with action pa. para talaga siyang bata. napailing na lang ako.

natatawa lang ang kapatid niya sa sinabi ni Chand.

" Pag pasensyahan mo na tong kapatid kong to lumie ha. ganito lang talaga to kakulit." aniya. tumango na lang ako bilang sagot.

"Kuya Order na tayo! gusto ko yung iniuwi mo sakin nung isang araw yung may parang foam ng sabon sa ibabaw tapos lasa siya chocolate"

ani Chand. natawa muli ang kuya niya sakanya.

"Ah sige sige. Isang Chocolate chip Frappuccino at isang Latte macchiato samahan mo na rin ng blueberry cheese cake please" Tumango ako at isinulat ang order nila. bakas na bakas parin ang kasiyahan sa muka ni chand na animo'y batang binilihan ng laruan.

bumik na ako sa counter para maiprepare na ni ate Istel ang order nila.  iniprepare ko naman ang cheese cake na order nila.

Nabasag ni Chand ang katahimikan ng shop na to tanging pag halakhak lang niya ang maririnig habang may kinukwento napapatingin naman sa kanya ang mga tao at medyo napapatawa rin sila sa kwento ni Chand na patungkol sa mga pusang nakita niya kanina dumagdag sa nakapagpatawa ang way ng pagkwekwento niyang with action pa.

"Kilala mo ba yung dalawang lalaki na yun dun sa table 5?" ani ate Istel.

"Ah yun ba. oo nakilala ko yung isip bata na yun kahapon siya yung tinulungan ko ang baliw diba?" naiiling kong wika.

natawa naman si ate istel sa sinabi ko.

"Mukang maayos naman siya ah Lumie ikaw talaga Judge ka naku. pero pogi ha. Pero bet ko yung kasama niya ano name nakuha mo ba?"  nag beautiful eyes pa siya.

i sigh "yeah Anthony daw kuya niya" kinilig naman ang babaeng ito ng nasabi ko ang panglan ng Kuya ni Chand.

"Ay josko Lord kahit pangalan ang pogi" kilig na kilig siya.

inilagay ko na sa tray ang order nina Chand at nag lakad na punta sa table nila. "Here's your Order" isa isa kong inilapag sa lamesa ang laman ng tray.. Nag mala star naman ang mata ni Chand ng makita ang pagkain sa lamesa.. "Wow Lumie mukang ang sarap neto" pumalakpak pa ito. bigla naman siyang natahimik at yumuko naguguluhan ako sa ginawa niyang yun ngunit ng isang segundo lang ay tumunghay muli it at nag Amen pa. sinimulan na niya ang pag kain sa cheesecake at panay ang puri kung gaano ito kasarap. halos lahat naman ng costumer sa shop ay natutuwa sa ka childishian ni Chand.

Tumagal sila ng 30min bago nag paalam na kailangan na daw njla umuwi daw hinahanap na sila ng nanay nila.. 

"Bye Sun see you when i see you." hanggang sa makalabas na itl ay di parin tinitigilan ang pag kaway niya..

7pm na ng gabi at tapos na ang duty ko inalis ko lang ang apron ko at inayos ang gamit ko para maka uwi na. nauna naman saaking umuwi si ate Istel may importante pa daw kasi siyang puntahan. isinukbit ko na ang bag ko sa aking katawan at lumabas ng locker room. nag paalam muna ako kay boss bago umiwi "Boss maam uwi na po ako"  busy naman siya sa pag tatype sa laptop niya at tanging tango lang ang isinagot niya saakin.

Nag dridrive na ako pauwi nag bahay narinig kong may tumatawag so inihinto ko muna saglit ang kotse sa tabi. well yeah gusto ko ng mawala pero wag naman kasama tong kotse ko na to sayang din. inabot ko ang phone ko at tinignan kung sink ang tumatawag si Lillian half sister ko. sinagot ko naman ito.

"Hello"

"Hello Lulu sa bintana ka dumaan may bisita sila mommy dito sa bahay or much better wag ka na muna umuwi k bye." aniya at pinatay na ang tawag.

okay so mag aala spiderman ako ngayon pagod na ako at gusto mo na matulog sa kwarto ko. at walang makakapigil sakin kahit mataas na pader pa yan.