Nakarating naman ako ng bahay. Tama nga si Lilly may bisita ng ang mommy niya apat na luxury car ang nakita ko sa labas ng bahay mukang may party party sila dito. at bawal ako makit.
lumampas ako ng mga tatlong metro mula sa bahay at sa tabing kalsada ako nag park.
aakyatin ko talaga ang bahay para lang makapagpahinga wala pa akong pera para mag hotel. nag lalakad na ako papunta sa bahay sinigurado kong walang makakapansin sakin. kundi malilintikan nanaman ako.
nakarating ako sa may likod ng bahay ng ligtas at walang nakakapansin at yun ang akala ko nakita ako ngnisang batang babae akala ko ay siya lang ang makakita saakin pero dumating ang dalawang mag tao malamang na hinahanap nila ang batang ito.
"Cassandra there you are. kanina ka pa namin hinahanap ng mommy mo." sabi nito sa batang babae naka tayo lang ako at pinapanood sila hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko ngayon at patuloy silang pinapanood.
"Daddy i saw her sneaking around. baka bad siya Daddy." tumakbo naman sa likod ng lalaki ang batang babae para mag tago.
wow bad huh? ginawa pa akong akyat bahay aba! minsan talaga sarap manakit pasalamat siya at bata pa. mumultuhin na lang kita!
"Hey miss who are you? ngayon lang kita nakita dito" sabi ng lalaki sa harap ko.
sasagot na sana ako ng mabigla ako ng makita kung sino ang paparating. My father at ang asawa niya. shit nalintikan na.
Mabilis naman silang nakarating sa harapan.
"Luis" tawag nag tatay ko sa lalaking nasaharap ko. lumingon naman yung Luis sa tatay ko.
"Hey Martin. thanks for inviting" aniya. di parin talaga ako makaalis sa kinatatayuan ko parang nag yelo na ang paa ko.
"You guys are always welcome here Luis" sagot naman ng tatay ko
"By the way Martin kilala mo ba siya" itinuro pa niya ako. napatingin naman ang tatay kk at asawa niya saakin. yung tingin na may ibigsabihin 'Lagot kang bata ka'
"Yes. anak siya ng isa sa mga tagapag silbi dito sa bahay." sabi ng tatay ko. well anong bago never naman niya akong itinuring na anak di ko nga rin alam kung bakit niya pa ako pinatitira dito eh plano din pala niya akong itago malaki ata salting ng tatay kong to.
"Pasensya na po Sir Marquez may inutos lang po si Aling Felicia . babalik na po ako sa kusina" pag sakay ko sa sinabi niyang anak ako ng katulong. nag bow pa ako bago ko tinahak ang daan papunta sa bintana ng kwarto wala akong pakeelam kung nakita nila akong daan papunta sa kusina ang dinaraan.
Pagod na ako. nakarating naman ako sa ibaba ng bintana ko nasa ikalawang palapag ang kwarto ko kaya kailangan kong umakyat mabuti na lang ay may malaking puno na malapit sa may bintana ko.
Tinanggal ko muna ang sapatos ko para hindi ako madulas pababa ay pinag buhol ang dalawang dulo ng dalawang sintas at saka isinbit na parang sling bag sa leeg ko.
masasabi kong expert na ako sa pag akyat ng punong ito dahil dito ako palagi dumadaan sa tuwing may mga bisita sila. feeling ko ginawa talaga tong puno na to para maging daan ko. joke.
Bumuwelo muna ako bago sumampa sa puno.
sa awa ng Diyos at talent ko dito naka sampa naman ako at dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para abutin ang isang matibay na sanga humawak akong mabuti sa sanga at maingat kong iniangat ang aking katawan ang aking paa naman ay naka apak sa isapang sanga palipat lipat ako ng sangang kinakapitan hanggang nasa tapat na ako ng aking bintana inabot ko naman ang railing ng bintana ko saka isinampa ang aking paa sa bintana And finally!! naka rating ako sa kwarto ko. i miss my bed. binuksan ko ang bintana at pumasok sa loob. Agad naman akong humiga.
tulala lang ako sa madilim kong kisame. I'm starting to overthink everything again. Everytime i went to bed, i thought of being dead in my comfortable bed would be good.
Hindi ko alam na may ilang butil na ng luha ang pumapatak sa mata ko.
"Oh God, why does it hurt so bad?"
"Mom, once again you left me alone"
bulong ko sa sarili. patuloy parin ang luhang pumapatak sa aking mga mata hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mata hanggang sa makatulog na ako.
4am.
Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko may tumatawag. kinapa kapa ko naman sa paligid ang aking phone at naalala kong nasasaloob pa pala ito ng bag ko kaya tumayo ako at kinuha ito. ng makuha ko ay agad ko naman tinignan kung sinong sira ulong tumatawag ng ganitong oras. Oh great sira ulo nga
'Kulugong Chand🌟 is Calling.'
Ano bang problema ng baliw na to. napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis. i know this day will be worst wala pa nga araw mag ng gugulo na agad. sinagot ko na lang ako tawag niya.
"Hello Sun!! GoodMorning!!!!" masiglang niyang bati saakin. di ba na lolobat tong tao na to
"Alam mo sarap mo sapakin ke aga aga tatawag ka" pag rereklamo ko
"Sorry na Sun. di ka kasi nag reply sa text ko eh ang dami ko kaya text sayo tapos nakalimutan ko pa mag unli. nag alala lang ako sayo. pero buti naman sinagot mo tawag ko naka hinga na ako ng maluwag" nag sigh pa siya. inalis ko naman muna sa tenga ko ang phobe ko at inicheck ang notification totoonga tinadtad ako ng text ng lokong to
78 messages. di ba napupudpod ang daliri nito sa pag tetext grabe ang dami naman. hindi rin naman ako sanay nag nag rereply sa mga nag tetext sakin kasi bukod sa wala naman nag tetext sakin wala din ako load pang reply.
"Oh yeah nakita ko nga. hindi ba napudpod yan daliri mo kakatext aber? saka na lowbat yung phone ko kaya di ko nakita agad" pag papaliwanag ko.
"Mukang hindi naman okay parin siya. Anyway Sun pwede mo ba ako samahan mamasyal? please! i mean sa day off mo please! sagot ko ang gas promise"
aba walang hiya ang loko. makiki free ride lang pala ang gusto. then tatawag pa siya ng alas kuwatro ng umaga aba aba.
"Nope" sagot ko
"Please? mag dadala ako ng pagkain! please pumayag ka na!" pagpupumulit niya.
"Still no" pag tanggi ko
"Please? hmm how about sasamahan mo ko then pwede mo akong utusan ng kahit ano. kahit mag linus ng kotse, bahay nyo, maglaba, name it i'll do it!"
Pang kukumbinsi niya saakin. pinag iisipan ko kung mag gagawin ako day off ko naman sa isang araw. sayang din ang free gas Hey be practical!.
" pag isipan ko" sagot ko
"Totoo ba yan? wala na bawiaan ha!" tuwang tuwa niyang sagot. naiimagine ko na ang reaksyo niya ngayon.
"Sabi ko pag iisipan ko. by the way bye na inaantok pa ako. " di parin ako sure kung sasamahan ko siya.
"Fine sana pumayag ka. Sleep well Sun" aniya.
pinatay ko naman ang tawag at sinubukang matulog muli.
Pinilit ko naman ulit maka tulog pero di talaga ako dalawin muli ng antok nag paikot ikot pa ako sama wala na talaga ang antok ko buwisit na Chand na yan. inabot ko na lang ang phone ko balak ko mag facebook na lang para maka update naman. nag login ako at bumungad saakin ang ibat ibang mga post ng friends ko sa facebook madami sa friend ko sa facebook ay mga nakilala ko lang din sa internet from different groups etc. habang nag scrolling ako na isip kong i search si Chand kung may facebook pa ang tukmol.
Chand Mercado :🔎
Maraming lumabas pero nakita ko naman agad ang profile nya. Binuksan ko iyon at tiningnan ang picture. Naka green hoodie at sa likod ay makikita ang view ng Bulkang taal. Malapad ang ngiti nya sa picture at makikitang sobrang saya nya sa oras na iyon.
'YOU CAN'T STOP LIVING. '
basa ko sa cover photo nya. Nag scroll pa ako sa timeline nya at nakita ang mga shared post nya tungkol sa buhay at ilang mga nakakatawang litrato.
Natigil ang pag sscroll ko ng maagaw ng isang letrato ang atensyon ko.
'21 and still living AF' caption nito.
Sa litrato, kasama nya ang kuya at nanay nya. Sya ang nasa gitna at pinapakita pa nya ang dextrose ma nakakabit sa kanyang kanang kamay.
Sakitin ata talaga itong si chand kaya kahit kaarawan nya nasa ospital sya. Napailing ako. Mukha namang masaya sila sa litrato, at tila pinagkakatuwaan pa ni chand ang nakakabit na dextrose sa kanya.
Sa hindi inaasahang pag kakataon ngyari ang pinaka kinatatakutan ng mga stalker sa social meadi na click ko like button. sa isang post niyang 1yr ago na "Shit" mura ko sa aking sarili mabilis ko naman na iniunlike. pero mas mabilis pala niyang nakita ang pag notify ng mailike ko ang post niya at nakapag text agad ang kulugo.
"Yieee iniistalk mo ko ha😉 crush mo ko noh."
nailing na lang ako sa message niya at aba may sumunod pa siyang text.
"Wag mas yadong mabilis Sun. pero kung pipilitin mo ko sige sinasagot na kita ☺️" loko talaga to. nag reply naman ako sa text niya.
"Tigilan mo kong kulugo ka" ani ko wala pang 20 sec nakapag reply agad siya wala ata talaga tong ginagawa sa buhay.
"So payag ka na samahan ako? Date?" aniya
"Pinag iisipan ko parin" sagot ko.
"Awit lods why naman so tagal mag isip. Yes or No lang Lumie eh" napailing na lang ako sa sinabi niya
"Bahala na si batman" ani ko
napabuntong hininga namam si Chand dahil sa sagot ko.
"Lumie naman eh please. I'll wait kung kelan ka free ha" sabi niya.
Di ko na siya nireplyan ibinaba ko na ang anking phone at tumingin na muli sa kisame.
"Weird bakit feeling ko may kakaiba kay Chand".