LOKI
"Do I really need to transfer, sir? I've been tracking her down for years at wala namang problema. She still doesn't know anything and probably wasn't interested in it anymore. Siguro tanggap na niya na yun nga talaga ang nangyari ng gabing iyon. Gano'n parin naman siya kahit pa hindi kami magkapareho ng paaralang pinapasukan" pagpapaliwanag ko dito. Why would he force me to transfer when everything's going just fine?
"You don't get it. I'm afraid kapag umandar ang kanyang kyuryosidad ay baka siya na mismo ang maghahanap nang paraan upang malaman ang totoong nangyari" pagmamatigas na saad nito, bakas ang pag aalala ngunit pilit na pinapakalma ang pananalita.
"Hindi ba't limang taon na ang nakalilipas? Kayo ang ma's malapit sa kaniya, nagpakita ba siya ng mga sinyales na may bumabagabag sa kaniya? Ibig sabihi--
"Damn it! Stop blabbing nonsense and just transfer already! I can't gamble my business partners the instant na malaman niya ang lahat! Alam mong hangga't hindi pa nawawala sa isipan niya ang taong nakita niya noong gabing iyon ay hindi siya matatahimik! Alam ko ang abilidad nya." Nanginginig akong pinakinggan ang mga sinasabi niya. Nasundan naman ito nang isang malalim na buntong hininga na nanggagaling mismo sa kabilang linya ng telepono. Gusto ko pang mabuhay.
Napatingin ako sa isang repleksyong nakatitig sa'kin mula sa salaming kaharap ko ngayon. Mga mapupungay na mata noo'y napalitan nang mga namamagang tila ba'y isang linggong walang tulogan. Mga labing kulay rosas, ngayo'y uhaw na uhaw hindi sa tubig, kundi sa oras na gusto pang igugol sa mundong kinalakihan. Halos di ko na makilala ang sarili ko.
Bakit ganito kalupit ang tadhana?
"Ok sir, I will process my papers para sa pag transfer" I replied as calm as possible. Sure enough, nakasalalay ang buhay ko sa mga salitang binibitawan ko. Yes! Threats are what I eat each and every day of my miserable life.
"Good! Now tell me if makita mo na siya, don't say anything or else, alam mo na ang kapalit."
The call ended with a loud thud.
Maraming mga tanong ang muli't muli ay bumabagabag sa'king isipan. Bakit ngayon pa niya naisipang kabahan gayong matagal na ang aksidenting iyon? Ni hindi man lang siya nataranta noong isa o dalawang taon pa lang ang nakalilipas, tapos ngayon.....
Could it be that she's starting to ask questions about her mom's death? What was it that had triggered her?
Iilan lang yan sa mga tanong na gusto kong hanapan ng sagot. I'm tired. Matagal nakong pagod sa pagiging utusan. Utang na loob ang buhay ko sa pamilya Ramós kung kaya't di ko magawang sumuway sa kanila.
If rules are meant to be broken,
Then loyalty is meant to be tested.
Hayst! Ayoko! Ayokong makonsensya dahil sa hindi pagtulong sa kanya. Gusto ko pang mabuhay kaya mananatili akong tahimik sa lahat. Bahala na.
Today is the sixth day of June, one and a half hour waiting for approval at finally, tinawag na din ako.
"Your classroom is in Building Carmillo. You can find it there at the corner right of the rectangular, the farthest building. Here are your forms, go to the Dean's office and the Dean will be the one to guide you to your classroom." Iniabot nang isang babaeng guro ang forms na finill-upan ko na tapos na din niyang aprobahan.
Chill! This is just another plain task.
• DEAN'S OFFICE •
Kalma! You just have to give these forms to him at siya na ang bahala.
Tinulak ko nang dahan dahan ang pintuhan. I was greeted by the coldness of the surroundings coming from the air-conditioning. Awards, medals, and trophies are neatly arranged in an array of glass tables. This school was after all, a one-of-a-kind school.
"Good morning, sir. I was instructed that I should give this to you for verification," I handed him the white envelope, "I am a transfered student." I added. Tinignan niya naman ang mga papeles at saka tumanggo tanggo.
"Sure! Follow me." Tumayo ito at naunang lumabas papunta sa building kung saan nandoon din ang classroom ko. There's still few students na naglalakad at may iba namang nag uusap parin. They should be in their respective classrooms by now, why are they still outside? Come'on forget it!
2nd floor. Biglang tumigil sa paglalakad ang Dean at may tinawag siyang isang professor na busy sa pag le-lecture. Cool!
"He is a transfered student and here are his forms. There's no classroom available other than this section, others have already reached the maximum 42 students only, while this one have only occupied 40 students. You may want to welcome him here." Rinig kong sabi ng Dean doon sa professor, tumanggo naman ito at tumingin sa kinaroroonan ko. Umiwas naman ako nang tingin, instead, tumingin ako sa whiteboard.
"Mister Loki, you'll be under this section, Aurora Boreales, have a nice day meeting your classmates here." Huling sabi ng Dean sa'kin at saka ito tuluyang umalis. I didn't even get the chance to say thank you. Really?
"Attention Northern Lights students! So this is your new classmate, he's a transferee from San Mateo National High School, please welcome him. Kindly introduce yourself to the class, mister." Tumingin ang professor namin sa'kin habang hinihintay akong pumasok at magpakilala.
Nilibot ko muna ang mga mata ko...bakit di ko siya mahanap? Di naman ako pwedeng magkamali na Aurora Boreales din ang section niya.
Tumikhim muna ako at saka sinimulang magpakilala.
"Hi, I am Loki Gomez, 18 years old. I'm from San Mateo National High School. My parents want me to study here since they were assured that I'll be safe here than from my previous school. I'm looking forward to have you as my friends. Thanks!"
At sa wakas. Nahanap ko na din siya, nakaupo sa pinakadulong bahagi ng ikalimang hanay. Nakatitig siya sa'kin na para bang pinag aaralan ang aking hitsura. Ang mga matang iyon, mga matang hindi dapat makasaksi nang di kaaya aya. Mga matang naging dahilan upang maukit ang peklat sa aking mukha na kailanman ay naging dahilan upang masira ang aking mga pangarap. Parang isang lason na walang kahit anong gamot ang makakalunas.
Umupo ako sa panghuling upuan sa ikawalong hanay na lutang na lutang. Di ko na narinig pa ang sinabi ng professor namin kaya hinayaan na lamang ako nito. Ano ba ang gagawin ko?
Nilibot ko nang tingin ang classroom at ang mga estudyanteng patuloy na nakikinig sa aming guro. Siya pala iyong mag ha-handle ng Oral Communication.
*kringgg* *kringgg* *kringgg*
Breaktime na.
"That's it for today, again, proper discussion will be tomorrow, please bring wax paper for each one of you. Class dismiss" saad ni prof sabay bitbit ng folder niya at naunang lumabas ng classroom.
Agad namang nagsi tayuan ang mga kaklase ko habang siya naman ay busy sa pag aayos ng gamit sa kanyang bag.
Di ko namalayan ang pag idlip.
Everything is blurry. Nasa'n ako? Isang kwartong punong puno ng alikabok, isang babae ang nakahiga dito, ang likod niya'y nakaharap sa direksyon ko. Pilit kong kinukusot ang aking mga mata sa pagbabaka sakaling luminaw ang aking paningin ngunit wala namang nagbago. Nakasuot ng puting gown, nakapusod ang mga buhok, sino siya? Lumapit ako nang dahan dahan hanggang sa kaunti nalang ang natitirang distansya sa pagitan namin. Natatakot akong humawak, ngunit may kung ano anong bumubulong sa'kin na wala namang masama kung gisingin ko ang babaeng mahimbing na natutulog.
Nang lapitan ko na ito at balak sanang tapikin ay napatigil ako sa aking pwesto, mali akong mahimbing itong natutulog...humahagulgol...hirap na hirap sa paghinga...parang nakagapos ang kanyang mga leeg kaya tanging mahihinang tunog lamang ang kanyang nagagawa.
"Ingatan mo siya... Ingatan mo sya... Ingatan mo siya..."
Paulit ulit ang mga linyang sinasabi niya. Sino kaya ang tinutukoy niyang siya?
"Miss? Pwede ko bang malaman kung sino kayo?" Mahinahon kong tanong dito ngunit sa halip na ako'y sagutin, patuloy lamang ito sa pagbigkas ng mga katagang 'ingatan mo siya'
"Sino ba iyong tinutukoy ninyo? Anak niyo ho ba? Sabihin niyo po sa akin at nang matulungan ko po kayo." Muli kong pagtanong ngunit hindi parin ako nito pinapansin. Tumingala ako sa itaas ng kama at pinagmasdan ang isang litrato nang pamilyar na babae.
Bakit nandito ang litrato niya? Sino ba itong nakahiga na humahagul--
*kringgg* *kringgg* *kringgg*
Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang school bell. Anong oras na ba? Ano iyong napanaginipan ko?
"Hi! Loki right?" Tanong ng isang babaeng nakatayo sa harapan ko ngayon. Medyo malabo parin ang paningin ko kaya di ko agad nakilala kung sino ito. Si Dianna pala. "Ah oo haha" nahihiya kong sambit at napakamot nalang sa may batok. "Pwede ba'kong maupo sa tabi mo?" Tanong niya uli at tinapik tapik ang arm chair sa tabi ko. Powta. Ang bilis nang tibok ng puso ko. "Oo naman sure" tangi kong sagot at napaayos nang pag upo.
"May tanong ako sayo" seryosong sabi niya kaya napatingin narin ako sa kanya. Walang bakas nang pagbibiro kung kaya't medyo kinakabahan ako. Ano man ito, please lang, sana'y may maisagot ako.
...estar en silencio... Shyt.
"Sure, sige lang haha" saad ko at tumawa nang napaka peke mawala lang ang kabang namumuo sa bawat segundong lumilipas.
"Wag mo sanang mamasamain ha pero naguguluhan kasi ako, ano ba ma's masarap kainin, lumpia o toron?" POWTANGENA. Talaga bang mukha na'kong tindero ng toron? Buti nga toron, hindi tubig mani papkorn!
Napabuntong hininga nalang ako at napatawa nang bahagya. May pagka demonyo din pala itong akala ko'y puro seryoso lang.
"Joke lang! Pero eto seryoso na" she said, wearing the infamous mask, 'poker face'. "Sige, ano ba iyon" pagbaling ko ulit ng tingin sa kanya.
"What happened to that scar of yours?" Tanong niya habang nakatingin sa pisngi kung saan ito nakaukit.
For seconds, bumalik na naman ang mga ala alang nangyari nang gabing iyon.
"Hep hep! Okay lang na di mo sagutin, maganda lang kasi siya kaya ako napatanong" nakangisi niyang sabi na parang may assurance na okay lang na magkaroon nito.
Maganda? Hindi ba't ikaw naman ang nag ukit nito sa aking mukha kung kaya't iniiwasan ako nang mga kaibigan ko? Hindi ba't ikaw ang dahilan nang lahat ng kaletchehang nangyayari sa'kin?
"Hindi ba't ikaw ang puno't dulo nang lahat ng ito!?" Bigla kong sigaw na nagpaagaw ng atensyon ng lahat. Lahat ng mga mata'y sa'kin nakatingin. "H-ha? Anong ako?" Gulat na tanong ni Dianna sa'kin. Anong iniisip ko?
"Wa-wala naman haha. Pasensya ka na, madami kasi akong iniisip kaya't nasigawan pa kita" paghingi ko ng paumanhin at tuluyan nang tumayo para pumunta sana sa Canteen ng biglang tumikhim ang aming gurong babae.
What the fuck? So, nagle-lecture pala siya? Hindi ba't recess pa ngayon?
"Mr. Loki? Where do you think you're going?"
••••••••••