C H A P T E R 03

Ley's POV

'Gusto din kita, Sam-sam..'

Nandito na naman ako sa gubat.. Paikot ikot..

Hindi ko nababasa ang isip nya.

Naririnig ko iyon.

May mga katulad din ako dito sa gubat na 'to.

Simula nung ipanganak sya ay gusto ko na sya.

No. Mahal ko na sya nung una pa lang.

Mahabang Kwento kung panong 'sanggol pa lang sya' , gusto ko na sya.

She's right. I'm really a weirdo.

Si Manang Eya, di nya ako nakikita.

TANGING ANG MAMA NYA LANG AT SI SAM.

Heave's POV

EY YOW!

Kasalukuyan akong naglalaro ng basketball kasama ang kapatid ko.

"Kuya! Magpatalo ka naman, aba!"  Sabi ng eight years old kong kapatid. Na babae.

"Ha! Ayaw ko na.." sabi ko na hinihingal.."Bukas na lang ulit.." sabi ko at hinawakan ang buhok nya.. ngumuso lang ito sa akin..

"Heaveson! Di ka ba papasok?!"  Bulyaw ni Mom. Nasa harap sya ng compartment ng kotse nya.

"Eh Mom, w-walang teacher.. Kaya di muna po k-kami pinapasok.. But they give us some homeworks thru message, Mom." Sabi ko kay Mom. At totoo yun.

"Okay. If you say so.. Punta lang ako sa bundok.. Tutor ako, right?"  Sabi nya at walang gana naman akong tumango-tango.

"Well then.." Binuksan nya yung pinto ng Driver's Seat. "Bantayan mo yan si Ailyn." Mabilis syang pumasok dun at punaandar ang kotse nya..

'No choice.. Eh! Anjan naman si Ate lucy! Ba't ako pa magbabantay?? Sinabi nang may homework ako eh!'

Sam's POV

"Korina.. Payagan mo na ang anak mo'ng mag aral sa eskwelahan.. Aba eh simula ng elementarya, dito na yan nag aaral. Para naman magkaro'n sya ng mga kaibigan.."

Sabi ni Manang kay Mama.

"Manang, hindi pwede."

'Grabe.. gusto ata ni Mama na isa lang kaibigan ko.. tsk!'

"Hay.. Okay fine. Just promise me that you will don't hol--" bumubuntong hiningang sabi nya.

"Mom, Oo nga po. Di. Ko. Hahawakan. Ang kamay ng di ko kilala. P-R-O-M-I-S-E!" pag pipigil ko sa habilin nya sakin.

"Hm.. Bye muna.. Asikasuhin ko lang requirements mo.. Magbibihis lang ako.."  Parang walang magawang sabi ni Mama. Tumaas muna ito sa kwarto nya.

Sa totoo lang.. kahit di ako sa eskwelahan nag aaral, di ako ignorante ;)

At pamilyar din ako sa mga eskwelahan.

Lumalabas kasi kami ni Manang at Mama para mag simba o mamasyal.

Maya-maya..

Tumunog ang doorbell sa labas.

Lumabas kaagad si Manang.

Saktong pagbaba ni Mama ay dumating na si Manang..

Kasama si Ms. Lavistica.

"Oh.. Hello Miss. Ngayon na lang ho ang huling pag tutor nyo kay Sam. Sa school na kasi sya mag aaral."  Sabi ni Mama dito. "Tinext ko na rin ang ibang tutor nya about dun."

Araw ng byernes ngayon.. Bukas ay mag rereview ako para sa Entrance exam.

"That's good.. Mag review ka ng maigi tomorrow for you Entrance Exam, okay?" sabi nya at agad naman akong tumango.

'Excited na ako yieee!'

Wala dito si Mama. Nung magsimula ang klase ko ay  umalis na sya para asikasuhin ang requirements ko.

"Do you know what is plate tectonics?"

"It is from the deepest ocean trench to the tallest mountain, plate tectonics explains the features and movement of Earth's surface in the present and the past."

"Nice.. No wonder makakapasa ka sa exam bukas HAHA! Why are you so genius??"

"E-ehehehe m-medyo lang po M-miss.." Naiilang na sabi ko kay Miss sa pag puri nyang yun.

'Baka dahil nagrereview ako..'

Nagpatuloy ang pagtanong nya sa akin. Tanong na lang sya nang tanong.. Na nasasagot ko naman..

11:50 am naman nang dumating si Mama.

Kaya di na nakapagpaalam si Miss Lavistica kay Mama.

Alas diyes naman nang umalis na si Miss.

"Halina kayo sa kusina. Kakain na tayo.." Tawag samin ni Manang..

Pumunta naman sila Manang at Mama sa kusina at sumunod ako.

Habang kumakain..

"Kamusta ang pagtuturo ni Miss Lavistica, Sam-sam?" Si Mama.

"Nako, Korina. Ang galing talaga ng batang yan. Di ko alam kung pano sya nakakasagot ng ganon kagaling! Bilib na bilib talaga ako jan sa batang yan.." Bilib talagang sabi ni Manang habang hinihimay ang hipon.

"Manang, lahi na po ata namin yun.. Kaya wag ka na mabilib ng ganyan.. Hahahahaha!" Biro ko kay manang.

"Bukas na bukas, ayusin mo na yang buhok mo, Samorina." sabi naman ni Mama.

"Tss. Di naman pagandahan ang ipupunta ko doon, hindi po ba?" Walang ganang sabi ko habang nakayuko parin sa plato ko.

"Tong batang toh talaga.. Tingnan mo kaya yang buhok mo! Buhol buhol! Nagsusuklay nga, sa taas lang naman. Tsk tsk tsk.."

Tapos na kami kumain. Nasa taas ako ngayon. Sinimulan ko nang mag review kanina ng iba't ibang subjects.

Pero may napansin ako mula kanina hanggang ngayon..

'P-parang andaming nakatingin sa akin'