C H A P T E R 04

Heave's POV

Sabado.

Review Day daw sabi ni Mom.

'Tinatamad ako..'

"Mom, mag tu-tutor ka pa ba sa lunes?" Tanong ko sa kanya.

Actually, si Mom din ang lecturer ko sa bio--Lecturer sya ng seniors.

Hindi sya terror.

Kapag magtuturo sya, sisiguraduhin nyang matututo ka talaga.

"Nope. Sabi kasi ng mother ng tinuturuan ko ay sa school na daw sya mag aaral.. That girl..."

Pagbibitin nya.."Ang talino nya.."

"Hahaha! Mom, gan'on din naman ako eh. Matalino.." Biro ko.. bumungisngis sya..

"Hahaha.. She's different, son. Yung IQ nya, pang malakasan.. Alam mo yun? Para bang lahat ng itanong mo sa kanya ay masasagot nya.."

"Oh really? Kahit po itanong ko sa kanya yung mga tinatanong mo sa akin during science class?" Manghang tanong ko.. Na agad naman syang tumango..

'Malaki siguro ulo n'on kaya maraming alam HAHAHA!'

Sam's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos. Feeling ko talaga.. Bawat sulok ng kwarto ko ay may mga matang nakatingin sakin!

'Baka naman napapraning lang ako sa dami ng nabasa at napanood kong horror story..'

Bumangon ako at tiningnan ang digital clock sa table, katabi ng kama ko.

By the way, itong kwarto ko ay puro blue...

Space theme.. I really love blue..

Share ko lang.. Bawal?

'9:13 am??'

Usually, 6am pa lang gising na ako..

'Hay grabe ang kapraningan mo, Sam..'

Agad akong bumangon para mag sipilyo at maligo..

Ilang minuto pa ay nag bihis na ako..Blue Over-sized t-shirt at leggings ..

Di ko na inayos ang buhok ko.. Yaan mo nang magulo yan! Tsk.. di naman ako rarampa eh..

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta kay Manang..

Nakita ko naman syang nag va-vaccum ng carpet namin sa sala..

Hinanap naman ng mata ko si Mama pero wala sya..

'Asan kaya sya?'

"Ah.. Manang?" Tanong ko kay Manang habang nasa likod nya ako..

"Oh.. Gising ka na pala? Bakit ngayon ka lang nagising? Tanghali na ah?"  Sabi nito habang tinatanggal ang saksak ng vaccum saka sya humarap sa akin.

"Ah Manang di kasi ako makatulog.."

"Bakit naman? Ano-ano ba ang iniisip mo't di ka makatulog? Hm?"

"W-wala naman po.. Sadyang di po ako makatulog.."

"O sya, kumain ka na dun.. Habilin ng nanay mo sa akin na h'wag ipahawak sa iyo ang cellphone mo.. 'Asan na nga pa iyon?"

"Ah nando'n po sa ilalim ng unan ko. Si Mama po? Nasan?"

"Ah umalis.. Ewan ko dun kung san papunta yung nanay mo.. At may dala syang bag.. Nagmamadali sya eh.."

'Eh? Sana ng punta nun?'

Sabado ngayon.. At Day off ni Mama..

Marami kaming Hotels And Restaurants na pagmamay ari namin. Ang Hotel ay si Dada daw ang nag suggest na i-negosyo namin, nung buhay pa sya.

Nung mamatay si Dada, mina-nage ni Mama yung Hotels namin. Nung naging sikat, lumaki ang kita, at naging marami ang pumupunta sa Hotel na yun, nagtayo si Mama ng Restaurants dito. Malapit sa simbahan..

Bahay namin,then.. Gubat... Pagkalabas ng gubat, may kalsada... Pa-kanan ang punta ni Mama pag sa Hotel sya pupunta.. Pa-kaliwa naman pag simbahan.. Sa kanan naman ng simbahan, ay yung restaurant namin...

Kung sa school naman ang punta.. Hm.. Nakalimutan ko na yung daan.. 12 years old pa lang kasi ako nung pumunta ako sa school.. At 2 times lang ako pumunta nun..

Tanda ko pa nun, ang we-weird ng mga tao dun.. Well, lahat naman para sakin ay weird HAHA!

Di ko namalayang nasa taas na pala ako't nagbabasa..

"Sipag ah.."

Halos mahulog ako mula sa swivel chair na kinauupuan ko sa biglaang pag salitang iyon ni Ley.

Umalalay sya sa akin kaya di ako nahulog..

'Gentleman.. Mahghad.. I love you na ata, Ley HAHAHAHAHAHAH!'

"I love you too, Sam-sam.." Malambing na sa--WHAT THE??

"Whuuuuut?!" DI TALAGA MAKAPANIWALANG SABI KO!

'Nyemas para akong kinikilig na natataeng ewan! amputchiii! Ackk!'

"Wala ..sabi ko ang gwapo ko.. Wag mo masyado pakatitigan at baka mahulog ka.." may ibinulong sya pero di ko narinig..

"H-Huh?? May s-sinasabi ka ba, Ley the mind-reader??" Sabi ko pero tinawanan lang ako ng potching inang towww!

Manang Eya's POV

Kasalukuyan akong tumataas  ng hagdan papunta sa kwarto ni Sam-sam..

Kakatok na sana ako nang marinig ko ang sigaw nya na para bang di makapaniwala..

"Whuuuuut?"

"H-huh?? May sinasabi ka ba, Ley the mind-reader??"

Sigaw nya..

'Teka, sino naman kaya ang kausap nito?'

Ah baka may kausap lang sa telepono..

Ley's POV

"Wala.. Sabi ko ang gwapo ko.. Wag mo masyadong pakatitigan at baka mahulog ka.." sabi ko.."Pero sasaluhin kita.." Na hindi naman ata nya narinig dahil bumulong ako sa gilid ko..

"H-huh?? May sinasabi ka ba, Ley the mind-reader??" Sabi nya at tinawanan ko lang sya..

'TEKA, SINO NAMAN KAYA ANG KAUSAP NITO?'

Dinig kong usal ni Manang sa kanyang isipan.

"Ah mag-aral ka na jan para bukas, Sam-sam.. paka-bait ka ah?" Sabi ko at hinalikan sya sa ulo..

Baka kasi pumasok sya rito.. At makita nyang may kausap si Sam-sam.. Na baka akalain nyang buang..

Iniwan ko syang tulala don.. At naglaho sa paningin nya..