Grandfather?

Matapos ang nangyaring yon ay marami akong naging realization sa buhay lalo na sa sarili ko. I will never be like them. Nakatulog ako kagabi dahil sa sobrang pagod inside and outside. Di na nga akong nakapag isip kumain kaya ngayong pagkagising ko nakaramdam ako ng gutom. Antok na antok pako kaya pumasok ako sa bathroom na lutang.

Ginawa ko na ang dapat kung gawin at kung ano kailangan kung ipalabas. Hindi ko lang talaga maisip isip kung anong kagaguhan ang ginagawa ko sa buhay ko. Di ko alam kung tama pa itong ginagawa ko o talagang ito lang talaga ang nakatadhana sakin. Ano ba naman ang magagawa ko kung ito ang binigay ng Diyos sakin.

At salamat sa diyos kasi Sunday ngayong araw at magagawa ko na ang mga bagay ng payapa. So nagbihis ako ng komportable. Nagsuot ako ng leggings, dri-fit at saka nag rubber shoes. Gusto ko lang mag jogging doon sa lugar ng lola ko.Nakakamiss lang din kasi maging bata ulit. Malapit lang naman iyon at saka may kotse naman ako. So I checked my phone at alas 5 na ng umaga. Timing ito para mabisita ko na rin ang bahay ni lola. Matagal na din akong hindi nakapunta doon dala na din ng busy sa trabaho. Isa pa wala akong planong gumala doon dahil naalala ko lang ulit yung mga nangyari.

Naglakad na ako sa labas ng condo at sumakay sa kotse ko.

Naglagay ako ng earphone at pinatugtog yung paborito kung music, ang Love yourself Well kahit 22 years old nako. Fan girl padin ako ng boy band na BTS. Grade 8 palang ako umpisa ng humanga sa kanila. At isa na din si Megan sa nang enganyo para mapamahal na din sa BTS. Matagal ko na ding gustong manuod ng concert nila. Di ko din magawa dahil bweset na trabaho yon. At mukhang tatanda muna ako bago ako makapanuod nito.

Nagdrive ako papunta sa destinasyon ko. Umabot ng 30 minutes ang biyahe ko. Tumigil ako sa tapat ng bahay ni lola. Hindi naman masyadong kalakihan pero tama lang siya. Wala ng masyadong mga bahay dito kasi nasunugan na ito dati. Matagal na ding walang tumitira dito siguro dahil na rin sa nangyaring trahedya 10 years na ang nakalipas. Maliit pa ako noon at walang kamuwang muwang.

Pagbaba ko ng kotse nakita ko si tagapangalaga ng bahay. Si Aleng Nene. Nagwawalis siya sa bakuran ng bahay sa ganitong oras.

"Aleng Nene!" Tinawag ko siya.

Hinanap naman niya kung sino ang tumawag sa kanya kaya napalingon siya sa paligid at nakita niya ako. Ngumiti ito at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang hirap talaga kapag malayo ka sa nakalakihan mo.

"Alexandra ikaw pala yan. Mabuti naman at nakadalaw ka dito." sabi niya at mukhang masayang makita ako. Simula bata si Aleng Nene na ang naging tagapangalaga ng bahay dito ni lola. Malapit kasi siya sa pamilya namin kaya nong buhay pa si lola ay siya parati ang kasama nito.

"Hindi na ako masyadong nakabisita dito kasi busy na po ako sa trabaho. " pagpapaliwanag ko naman sa kanya kaya mukhang nakumbinsi naman siya sa naging sagot ko.

Nagkuwento kami ng ilang minuto at nagpaalam na ako para mag jogging.

"Sige na po. Mag jojoging lang ako dito at babalik don dahil dito ko nalang ipapark yung sasakyan ko."paalam ko

"O siya sige mag ingat ka ha." at bumalik na siya sa pagwawalis.

Dahan dahan muna akong naglakad habang nagstrestretch ng katawan. Nakakamiss ng gumanito. Matagal na din akong hindi nakakapaglaro ng volleyball. Simula ng tumuntong ako sa trabaho ko bilang Engineer wala na akong masyadong nagagawa sa dati kung mga hobby. Puro nalang trabaho ang inatupag ko. Minsan nga wala nakong oras para bisitahin sina mama at papa.

Habang tumatagal yung pagtakbo ko palapit na ako sa dulo kung saan ako hihinto at babalik na sa bahay nina lola. Kahit papaano malayo nadin yung tinakbo ko. Sapat na siguro yon paramabawasan yung stress ko sa nangyari kamakailan lang. Natatanaw ko na ang poste sa dulo. Ilang hakbang nalang. Ang sarap ng simoy ng hangin dito hindi katulad doon sa city. Nang makatungtong nako doon sa poste bigla akong nakarinig ng kaluskos. Naging alerto naman ako. Tiningnan ko kung saan nanggaling yung tunog at saka ko naman nakita yung sa gilid ng bangin.

May bangin dito kasi pabundok na itong lugar nila lol. Matataas na din ang mga puno dito.

May nakita akong mukhang nalaglag na isang matanda at sugatan ito. Tiningnan ko ito at halatang nahihirapan siyang tumayo biti nga at hindi siya umabot doon sa dulo baka malaglag siya sa mismong bangin. Dahan dahan akong bumaba doon sa bangin. Kumapit ako sa mga sanga na andoon. Madulas din yung lupa kasi mukhang umulan dito kagabi. Bakit ang aga aga at mayroon ng tao dito dapat kasi sa mga oras na itong wala pang tao dito. Kasi hindi lang delikado dito mayroon din kasing aksidente na naganap dito noon.

Palapit na ako sa matandang lalaki sa ilalim. Mabuti nalang at hindi masyadong mataas ang bangin kaya kahit papaano ay hindi ako nahirap.

"Tu-l-long." sabi ng matanda at umuubo na din.

Nakarating ako sa pwesto ng matanda at agad ko namang nakita yung mukha niya. Mukha siyang mayaman pero bakit napadpad ito dito.

"Sandali lang po. Bubuhatin kita para makaakyat tayo." Sabi ko at saka inalalayan siya ng maayos.

Wala siyang gaanong galos pero parang may bali yung kaliwa niyang paa kaya hindi siya nakatayo agad. Matanda na din siya kaya siguro mas lalo siyang nahirapan.

"Aakyat po tayo ha. Umalalay lang po kayo para hindi tayo madulas." sabi ko at ginawa niya naman iyon. Nilagay ko ang baraso niya sa balikat ko at dahan dahan ko siyang inangat.

Nakarating kami sa taas at hinay hinay ko siyang pinaupo sa kilid ng karsada. "Ano po ba ang nangyari?" tanong ko sa kanya

"Nadulas yata ako sa sapatos ko. " at tiningnan ko na parang may galos yung mukha niya.

Mukha siyang ordernaryong matanda pero parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Isinantabi ko muna ang kacuriousan ko at inalalayan muna ang matanda. Dinala ko muna siya sa bahay ni lola. Habang naglalakad kami ,malalaman mo talagang nahihirapan siya sa paglalakad dahil pa ika ika siya ng paglakad. Naawa ako sa lagay niya.

"Baka gusto niyo po munang umupo? Mukhang nahihirapan kayo." sabi ko at tumigil sa paglalakad. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay siya naman yung nagtanong.

"Ano ang pangalan mo iha?"pabalik naman niyang tanong sakin.

" Iza po. Alexandra Eve Clataro." sabi ko naman at napangiti siya. Nakita ko na man kung gaano kaputi yong mga ngipin niya kahit matanda na ito. Ang gwapo niya din pala kahit may edad niya. Bigla ko nalang naalala ang mukha ni Jared. Kamukha niya itong matanda sa ibang anggulo eh.

"Kaya naman pala." sabi niya na mukhang may alam. Ano kaya ang problema nito? Tumayo na kami at naglakad na.

Habang papalapit na kami sa bahay ni lola may biglang tumigil na kotse sa gilid namin. Nang bumaba ang bintana ay nagulat ako sa nakita ko.

"So it's you again?" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Iniisip ko lang kanina ang mokong na to ah, bakit naman ata napunta ito dito. Infairness ang ganda ng kotse niya at mukhang mamahalin.

"What? Me?" sarcastic naman nitong sabi.

"Pati ba naman dito, susundan mo parin ako."

" Anong sinusundan?I have appointment here. " sabi naman nito at mukhang wala sa mood. Agang aga ito ang makikita ko

"Ehem." umubo yung matanda.

"Okay lang po ba kayo lolo?"

Binalewala niya ang sinabi ko at tumingin sa mokong. Napalaki naman ang mata niya at lumabas sa kotse niya.

"Lolo! What happened to you? I don't see your bodyguards here! At bakit may galos ka sa mukha?" sabi niya at may pag alala sa mukha.

"Maghihiking sana ako kaso mukhang umulan pala."

wait

did I heared it right?

What?

Lolo?