Home Visit

Hindi parin mag sink in sa utak ko na itong matandang ito ay Lolo ni Jared. What the hell, so it means na Big Boss namin to? As in si Chairman. Marami na atang nangyayaring hindi maganda ngayon. Nandito na kami ngayon sa bahay ng lola ko at hinayaan ko munang magpahinga kami dito. Nakakahiya din naman kasi na hindi ko pa sila pinatuloy. Binigyan ko sila ng inumin at ginagamot na ni Jared ang mga sugat ng lolo niya..

Well dito pa din ako sa harap ng mokong na to at mukhang alala sa lola niya. While looking at him. Almost perfect na ang mukha niya pero yung ugali lang talaga niya ang epal. Hindi ko maisip na ang lalaking ito ang naka una sakin.

Don't get me wrong pero iyon ang totoo.

"Baka naman matunaw ang apo ko sa katitinig mo Iha." nabigla ako sa sinabi ni Chairman kaya napaiwas ako ng tingin.

"Naku po naaaliw lang akong tingnan kayong dalawa. Mukha kasing close talaga kayo." Tugon ko naman.

"Are you sure that you don't want to treated in hospital? Mas mapapadali ang paggamot sa sugat mo." Sabi naman ni Jared

Napakamot naman ang lolo niya.

" Kung doon mo ako dadalhin. Mas mabuti pang iuwi mo nalang ako." Sagot naman ng lolo niya. Napakunot naman ang noo ni Jared sa tugon ng lolo niya.

"Di ba kayo nahihiya? Baka naabala na si Iza sa ginagawa niyo." biglang sabi niya at tumingin naman silang dalawa sakin.

" Naku po, hindi po. Wala naman po akong ginagawang importante."

"Iyon naman pala Blaze. Sige na ipatuloy mo nalang ang paggamot sa sugat ko."

Pagkatapos ng mahabang view. Bigla kong naalala yong pamilya ko at matagal na talaga mula nong nakabisita ako sa kanila. Close talaga ako pagdating sa parents ko. Pinalaki nila akong matapang at may takot sa Diyos. Kahit suplada at walang galang din ako minsan hindi ko maipagkakailang may mga mabuti akong magulang.

Higit na mas masaya kapag nagkasama sana kami ngayon. Pero mukhang hindi pa ako makakauwi sa sitwasyong ito lalo na may trabaho pa akong dapat tapusin.

"Iha, bakit mukhang malalim ang iniisip mo?" tanong sakin ng lolo ni Jared

"Wala po, namimiss ko lang sina mama. Matagal na din kasi akong hindi nakakadalaw sa kanila. "

"Bakit hindi mo sila bisitahin ngayon? Magpasama ka dito kay Jared total may dala naman akong kotse at may driver."

"Naku huwag na po. Nakakaabala na yata ako saka may trabaho pa ako bukas."

"You can file a live. I will talk to your manager. Huwag kang mag alala ayoko ko lang magkaroon ng utang na loob sayo. "

"Huwag na po baka marami pang gagawin si Jared at isa pa may dala naman akong sasakyan."

"Hindi ako tumatanggap ng hindi Iza. You can go now. Right Jared?" tapos tiningnan ko naman si Jared.

"Ano pa bang magagawa ko." sabi ni Jared

"After this pwede na kayong umalis. Mag ingat kayo sa biyahe ha."

Pagtapos non ay umalis na ang lolo ni Jared. Madami din kaming napag usapan at isa na doon ay tungkol sa parents ko. Kilala pala ni Sir Roy sina mama at ganoon na din si lola.

"I can go on my own. Pwede namang hindi kana sumama."sabi ko kay Jared at tiningnan niya lang ako.

"Nakapag- oo na ako kay lolo kaya konsensya ko lang pag may nangyaring masama sayo."

"Nakapagtatagalog ka din pala ng diretso. Ang arte pa-english-english ka pa." Sabi ko naman sa kanya at tiningnan nya ako ng masama.

Pinasok ko muna sa loob ng garahe yong kotse ko dahil kay Jared na daw ang gagamitin. Well okay na yon siya naman ang mag dri-drive eh. Pero naka pang work out pa yong suot ko.

Naisip ko na mukhang ordinaryong tao lang yung lolo ni Jared. Mabait at hindi tumatapak sa ibang tao. Napahanga talaga ako sa kanyang inasal kanina.

"Jared pwede bang dumaan muna tayo sa mall? Wala kasi akong dalang damit."

"Your clothes are fine. I love the curves."

Nahiya naman ako sa sinabi niya. Utak ng lalaking ito puro kamanyakan. Bakit ba yon ang mga napapansin niya. Hinayupak nato.

" Ulol. Huwag mo kong ma manyak baka mabali yang buto mo sa katawan." sabi ko sa kanya then nag smirk lang siya.

Sumakay na ako sa sasakyan niya at nagmaneho na din siya. Ang bango sa loob ng sasakyan niya, amoy vanilla. Ewan ko ba kalalaking tao pero parang babae naka manamit. Sinulyapan ko siya at kitang kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Maganda din ang mga pilikmata at kilay niya. Yung lips arghhhhh

"Done checking my face?"biglang tanong niya

"Anong sinasabi mo?"

"Kanina ko pa nararamdamang nakatingin ka sakin. Well almost 30 minutes na siguro."

"Ambisyoso mo naman hindi porket apo ka ni Chairman ay gagalangin din kita. Mangarap ka." sabi ko naman.

"Baba na." sabi niya

"Bakit mo ako pinababa?Akala ko ba sasamahan mo ako? Saan na yong sinabi mo kanina?Kinain mo na ba?"

"You are too loud. We are already here in the mall. I thought you will buy a clothes?"

Napatahimik ako sa sinabi niya. Bat ba kasi ang ingay ko. Naku Iza kaya ka napapahamak .

Bumababa nalang ako ng mabilis at papasok na sa Mall. Nang nakita ko si Brett kasama ang mommy niya. Napaiwas nalang ako kaya bigla ko nalang bunggo si Jared. Ang bango din niya infairness.

"Jared pwede ba dito ka unahan? Nandito kasi si Brett at ang Mommy niya. Nahihiya ako. " sabi ko

"You can stay in the car ako nalang bibili ng mga damit mo."

"Can you do that? Thank you Jared." sabi ko at nag smile tapos bigla nalang siyang umalis.

Di ko na siya makita. Wala pa naman akong binigay na cash sa kanya. Bunalik ako sa loob ng sasakyan niya at binuksan ko ang radio at nagpatugtog.

Tiningnan ko ang buong kotse ni Jared. Mukhang bagong labas na ford itong sasakyan niya. Pwede naman siyang bumili ng ibang mamahaling sasakyan sa yaman nila. Pero maganda naman yong sasakyan niyang ito. Kahit pala mukhang suplado yung isang yon may tinatago din pala siya bait. Iba kasi yung first impression ko sa kanya kaya medyo tinatarayan ko.

After 20 minutes nakita kung pabalik si Jared na may dalang maraming paper bag. Kaya bumaba ako at tinulungan siya.

"Iza!" narinig kung may tumawag sakin at nakita ko ang mommy ni Brett na papalapit dito pero buti nalang hindi niya kasama si Brett. Phew

Ohh gosh

Lumapit siya dito na nakangiti. Nag beso siya sakin.

"I am with Brett right now Iha. Do you want to go shopping?"

"Sorry po tita kasama ko po kasi yung-"

" We meet again, Tita." Bigla nalang sumingit itong si Jared.

"Oh Its you Jared I did not see you this past few years." sabi Tita

I just remember na magkaibigan pala sila dati ni Phillip.

"I went to States po." sagot naman Jared

Mukhang nakumbinsi naman si Tita kaya nagpaalam nalang siya. Pumasok nalang din kami sa loob ni Jared habang hawak mga paper bags. Mamaya ko nalang titingnan to pagdating namin sa bahay.

Nag focus nalang ako biyahe kahit hindi ako yung nag dri-drive. Tiningnan ko si Jared na seryosong nagmamaneho. Mukha naman siyang normal sa paningin ko pero yung utak ko nagsasabing parang may iba.

I sigh

"I can read your thoughts Miss." nagulat naman ako nang biglang umimik si Jared.

Tumahimik nalang ako baka ano pa ang masabi ko. Mukhang malapit na kaming makarating sa bahay namin. I really miss my family. Thankful talaga ako dahil nakapagbisita ako kahit busy sa trabaho.

"Is this the right way?"

"Oo, pumasok ka nalang doon sa village namin."

Natatanaw ko na ang bubong nang bahay namin. Hindi naman siya gaanong kalaki pero okay na din. Its my definition of a humble house. Kapag nakapag ipon nalang, ako mismo ang rerenovate sa bahay namin. Tumigil na si Jared at alam niya kung saan ang bahay namin.

"How did you know that this is our house?" tanong ko sa kanya.

"Connections." maikli niyang sabi

Bumaba nalang ako at sumunod din si Jared bitbit ang mga paper bags na binili niya kanina. Gentleman naman pala ang kumag. Nag door bell ako at unang lumabas si papa.

"Papa!" Masayang bati ko at niyakap siya pagkabukas niya nang gate.

"Iza anak, nandito ka pala nakit hindi ka tumawag samin na bibisita ka dito?"

"Biglaan din naman kasi papa. Sorry po." sabi ko sakanya habang nag pepeace sign. Tumingin si papa kay Jared.

"Mukhang may kasama ka ha." sabi ni papa

"Si Jared po pala pa, uhmm kaibigan ko." Aww kaibigan.

Lumapit naman si Jared kay papa at kinamusta.

"Nice meeting you sir." sabi naman ni Jared sabay ngiti. Huwaww mukhang mabait siyang tingnan kung kaharap si papa ha. Nakakapanibago lang.

"Pumasok na muna kayo at mukhang uulan."

Pumasok kami sa loob at sinalubong naman kami ni Mama. Nagmano ako sa kanya at ganoon din si Jared. Tiningnan ako ni Mama nang nakakaloka.

"Sino naman ang gwapong binatang kasama mo anak?" tanong ni Mama

"I am Jared Maam, kaibigan ni Iza." sabi naman ni Jared

"Ganoon ba sige maupo muna kayo at magluluto ako nang hapunan." Umalis naman si mama at pumunta sa kusina.

"Dito ba kayo matutulog anak?" tanong sakin ni Papa

"Opo, dito na po ako matutulog."

"Paano naman itong si Jared. Mukhang malakas ang ulan sa labas dito ka na rin matulog Iho." sabi ni papa. Don't tell me gusto mo din! Wagggggg

Tiningnan ko si Jared nang masama at nginisian niya ako.

"Sige po." abat!

Tiningnan ko nalang siya nang masama. Binelatan ko siya pagkatapos umalis ni papa.

"Nalinis na nang ate mo ang kwarto mo kaso ginawa naming stock room ang guessing room anak eh. Pwede naman sigurong magtabi nalang kayo ni Jared malaki naman ang kwarto mo. " Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni mama ngayon mukhang binubugaw nuya ang sarili niyang anak.

Tiningnan ko si jared na mukhang masaya sa narinig niya.

"Pwede ka namang umuwi diba?" tanong ko kay Jared.

"You will let me leave after I drive you here for almost 3 hours?" Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Oo nga naman Iza may konsiyensiya kaba? Pinapaalis mo yung tao.

"O sige na nga. Dito ka muna ha magpapalit lang ako." sabi ko sa kanya at umakyat na sa taas.

Binitbit ko ang napakadaming paperbags na binili niya. Tiningnan ko ang isa isa.

Dafak! Tiningnan ko din ang mga price.

Holy shit!

Gucci???Chanel????

Isang buwan ko na atang sweldo ang presyo. Kakaiyak