Affected

Nagising ako nang dahil sa masamang panaginip. Umaandar na naman ang Anxiety ko. Napatalon ako sa kama ko na nakita kung kumukulog na naman. I check my phone and its just 2 a.m in the morning. Sumasakit ang dibdib ko dahil sa takot.

I tried to text my friends. Pero lahat sila hindi nagrereply. Tiningnan ko din mga social media account nila at nagbabakasakali na baka online sila pero wala talaga. Hindi na ako ulit makakatulog nito kapag wala akong kasama. Parang iiyak na ako dahil sa sobra takot. Hindi ako makahinga nang maayos at natatakot ako na tumayo mag isa.

Should I text him or not?

Me: Can you come to my condo? Please :(

After 2 minutes nakita kong umilaw yung phone ko. Hawak ko parin yung dibdib ko at minamassage ito.

Jared: Alright, I'll be there.

Tinext ko naman sa kanya ang password nang condo ko. Gusto ko sanang patayin yung aircon pero natatakot talaga ako. Narinig ko naman na bumukas yung pinto nang condo ko. Pumasok si Jared sa kwarto na mukhang hinihingal pa at basa yung hoodie niya. Kitang kita ko na mukhang bagong gising lang siya dahil mapungay parin yung mga mata niya at medyo magulo pa ang buhok niya.

"What's wrong?" Sabi niya na hinahabol parin yung hininga niya.

"Natatakot ako." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak nalang habang yakap ang tuhod ko.

Lumapit siya sa akin at pinapatahan niya ako. Hinihimas niya ang likod ko at pinunasan ang mga luha ko. Sinandal naman niya ang ulo ko sa balikat niya at nilagay niya naman yung left hand niya sa waist ko. Amoy ko pa rin yung perfume niya. Napapansin ko namang medyo matigas parin yung paghinga niya.

Pagkatapos nang ilang minuto ay medyo kumakalma na yung dibdib ko.

"Humiga ka na. Have a rest first." sabi niya

"Ayaw ko. Natatakot parin ako." Tumayo naman siya at binuksan yung TV. Pumunta siya sa Netflix at hinanap yung How to Train your dragon.

"Nanunuod ka din niyan?" Sabi ko sa kanya. He smiled and sat beside me. Fan ako nang HTTYD at Jurassic Park. Gusto ko lang silang panoorin.

"Nagustuhan ko yan dahil paborito nang gusto kong babae." Sabi niya. Tinitingnan ko naman siya at talagang gusto niya talaga yung movie.

Paborito din siguro panoorin ni Jane ito.

Sumandal kaming dalawa sa head nang kama ko at busy na nuod nang How to train your dragon. Ito yung 'The hidden world'. Tapos yung 'Jurassic Park :The Fallen kingdom naman'. Mula bata, ito na talaga yung pinapanood ko. Curious lang talaga ako sa mga dinasour.

Wala paring may nagsasalita sa aming dalawa. Busy din kami pareho sa kakapanuod nang HTTYD. Nandoon na kami sa part na maghihiwalay na si Toothless at Hiccup. Ito yung pinakamasakit na part na after how many years kailangan na nilang maghiwalay. Masakit parin talaga isipin kaya di ko maiwasan na maluha.

"Wait, are you crying?" Bigla ko namang pinunasan yung luha ko.

"No, napuwing lang ako. Di pa kasi ako nakakalinis nang condo."

Pagrarason ko naman sa kanya. Tiningnan naman ni Jared ang kabuoan nang kwarto ko.

"Maganda naman itong kwarto mo. You have an aesthetic theme here. At mukhang malinis naman." Sabi naman niya habang tumitingin padin sa paligid

"Nevermind." Sabi ko.

Nakatulog nalang ako dahil sa pagod na rin. Nagising nalang ako na wala na si Jared sa condo pero he left a note.

I'm going to an appointment. Don't skip your breakfast. :)

Jared

He comforted me last night. He felt my loneliness. I know what we are and I don't need to put ideas into it. Napasinghap nalang akong mag isa. Ang malas ko naman ata sa buhay.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko at ngayon ko palang nakita ang mga reply nang mga kaibigan ko.

Shane: Bakit sis? Maaga akong natulog kagabi.

Faith: Anong problema Iz? Okay ka lang ba?

Megan: Nandito pa ako sa Makati. Mamaya pa ako uuwi.

Lorraine: Sorry ngayon palang ako nakareply. Tulog kasi ako nang nagtext ka.

Faith: Uyy Alexandra anong nangyari?

Nireplayan ko naman silang lahat na okay lang ako. Bumangon na ako at naligo. Nagluto muna ako nang lunch dahil anong oras na din ako nagising. Naglinis muna ako sa condo at ngulat nalang ako nang may kumatok sa pinto.

"Okay ka lang ba?" Bungad agad sakin ni Faith nang binuksan ko ang pinto.

"Ayos naman, sumakit lang yung dibdib ko kagabi." Sagot ko sa kanya.

"Inatake ka na naman ba nang Anxiety mo? Pagod din kasi ako kagabi kaya hindi na ako nagising sa text mo." Sabi naman niya.

Umupo siya sa sofa. Pinatuloy ko parin yung pagwalis ko sa sahig.

"It's okay. Naiintindihan naman kita. And besides nandito naman si Jared kagabi." I said.

"Siguro ka ba sa arrangement niyong dalawa? Baka ikaw ang mahirapan." Sagot naman niya.

Pumasok ako sa kwarto para kunin ang mga labahan ko at ilagay sa basket. Hinihintay parin ni Faith kung ano ang isasagot ko sa kanya. I'm so lucky na mayroon akong mababait na kaibigan.

"Believe me. I can control my feelings." sabi ko naman sa kanya.

"I wish you could." Mahina niyang sabi.

"Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo? Ang strong ko kaya." Pagbibiro ko sa kanya pero binelatan niya lang ako.

"Wag ako, masyado na kitang kilala." Sabi naman niya.

Pagkatapos akong tulungan ni Faith na maglinis nang condo ay nagsidatingan narin yung iba ko pang kaibigan. Dito narin sila kumain. Si Shane at Megan naman ay hawak hawak ang cellphone nila habang kumakain habang kaming tatlo naman ay nagkwekwentuhan.

"Shane, natapos ko na ang budgeting para sa condo. Check mo nalang yung mga tiles at iba pang gagamitin." Sabi ko .

Hindi parin niya ako pinapansin at patuloy parin sa kakatitig sa cellphone niya.

"Hoy Shaneya Jade Dela Fuerte." Sabi naman ni Lorraine at siyang kinunot nang kilay niya. Tumawa naman kami.

Ang pinakaayaw niya kasi sa lahat ay ang tinatawag ang full name niya. Ang baho daw kasi pakinggan.

"Anong problema mo?" Galit na sabi ni Shane.

"Kinakausap ka ni Iza. Para ka namang tanga." Sagot naman ni Faith.

"Yung project ba? Okay na yung mga gagamitin. Kailangan nalang natin icheck ulit yung site. Kailan kaba free?" Tanong naman niya.

"This week nalang siguro. Isesend ko nalang yung files at blue print via email." Sabi ko

"Ano ba naman yan kahit dito ba naman. Trabaho parin yung pinag-uusapan niyo." Reklamo naman ni Megan. Nag asaran na naman kami sa hapag kaya puro tawanan lang, Nabilaukan tuloy si Lorraine.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta naman si Faith na maghugas nang pinggan .Yung iba naman ay hawak ang phone nila at may kanya kanyang mundo. Mamaya kasing 6 pm ay sabay sabay na kaming pupuntang bar. Mabuti na daw yung sabay sabay kaysa may maiwan.

Nagpaalam naman si Lorraine na uuna daw. Kailangan niyang iprepare yung bar para mamaya.

"IZA! Nacheck mo ba ang IG mo?" Sigaw na tawag sakin ni Shane. Napapikit naman ang mata ko sa gulat. Mauuna pa siguro akong mamatay kay Cardo nang wala sa oras.

Tangina naman.

"Kailangan ba talagang sumigaw ka? Ang lapit lang natin day." Sabat ko naman sa kanya. Hindi parin maalis ang gulat sa mga mata ni Shane.

"Buksan mo ang Instagram mong bruha ka. Bilisan mo." Sabi naman niya.

Hindi ko maintindihan kung anong reaksyon ang meron sila. Kinuha naman ni Faith yung cellphone niya.

"Jane de Guzman, break-up with her Showbiz boyfriend." Malakas na basa ni Faith.

Akala mo naman kung ano. Hindi ko na problema iyon kung naghiwalay sila. Alam naman natin na walang relasyon ang tumatagal nagbreak nga kami ni ano, sila pa kaya.

"Hindi lang yan ang tinutukoy ko. Yung tags ni Jared. Nakita daw na magkasama sila last 2 days. Kaya naghiwalay ang dalawa dahil may nakakita daw na lumabas si Jane galing sa condo ni Jared. Kaya ayaw ko sa showbiz . Walang privacy." Kumunot naman ang noo ni Faith nang narinig niya iyon.

"Diba ex-girlfriend din ni Jared itong si Jane? What a coincidence." Umiiling na sabi ni Megan.

Last 2 days. Iyon ba kaya hindi siya nagpaparamdam sakin dahil magkasama silang dalawa. Naisip ko na parang hindi patas iyon. I break ties with Brett para sa arrangement namin. Unfair naman ata sa side ko.

I forgot it is just because of the arrangement. Bakit ba kasi ako pumayag. Kaya pala mukhang busy itong si Shane kakalikot nang cellphone niya. May nsagap na palang balita.

"Anything else? That's all?" Sarcastic kung sabi.

"Bring your phone and see for yourself." Sabi ni Megan.

Kinuha ko naman yung cellphone ko na nakacharge at tiningnan yung IG. Papalabas nga sa condo ni Jared at naka black dress at nakashade si Jane. This man is handsome ,but his personality is nasty. I should stop overthinking. Kung anong mayroon na relasyon namin ngayon, iyon ay dahil sa pinag usapan namin. Walang labis, walang kulang.

But I felt sad.