Nakakapagod ang araw na ito. Di ko inexpect na ganito ako kapagod ngayong araw. Aside sa project ko ay inepalan naman ni Jared nang mga gagawin. Isasama niya daw ako sa Boracay next week para sa appointment niya. Parang ginawa niya naman ata akong secretary sa sitwasyong ito.
Humiga ako sa kama ko pagkatapos kung maligo at magblower nang buhok. Mabuti nalang at natapos din ang iba kung trabaho. Nag-aya na nga yung mga kaibigan ko na maglakwatsa bukas. We agree to have a night out tomorrow. Birthday din kasi ni Lorraine at samahan pa natin nang broken hearted na si Shane.
Kinuha ko yung phone ko and I checked my instagram.
@Jarrredddd followed you
Nagulat ako nang finollow niya ako. Hindi ko siya finollowback pero tiningnan ko yung profile niya. Nasa beach siya, kitang kita yung mga pandesal niya dahil naka white beach short siya at may sunglasses siya. I checked his posts and tags. Wala siyang masyadong posts pero maraming nagfofollow sa kanya nang mga iba't ibang sikat na tao.
Nakita ko rin na finollow nina Megan at Shane si Jared at nililike yung mga tag pictures niya. Hanep talaga ang dalawang to. Basta makitang gwapo 'Go lang sila nang Go. Pero hindi ko naman sila masisi sa ginagawa nila.
Habang nagsoscroll ako sa IG, tumunog yung cellphone ko dahil may natext.
Jared: Hey, still up?
Dumapa ako sa kama ko at nagtapik nang irereply sa kanya.
Ako: Yeah ; )
Jared: Did you eat your dinner?
Ako: Hindi pa. Hindi na siguro ako kakain.
Jared: Wanna eat outside?
Gusto ko din yung idea niya. Bigla nalang akong nakaramdam nang gutom sa tiyan ko.
Ako: Sure!
Jared: Give me your location. I'll pick you up.
Binigay ko naman yung location nang condo ko. Nagpalit ako nang damit. Nagsuot lang ako nang ripped jeans, off shoulder tsaka tinucked-in ko and white sneakers. Naglagay din ako nang blush on at tint sa bibig. Okay naman yung kilay ko kaya kinuha ko na ang pouch ko sa umalis.
Paglabas ko ay naghintay ako nang mga 5 minutes bago dumating si Jared. Binuksan niya ang shotgun seat at doon ako umupo.
"Sorry, I'm late. Medyo traffic." He said.
"No, it's is okay. Mabilis lang talaga akong magbihis." Sabi ko naman.
It is my second time riding his car. Yung amoy niya talaga ang naiiwan sa loob nang kotse. Its so manly. Nakamustard plane shirt siya then slacks saka naka Nike Air force. Ang hot kahit siguro basahan yung ipasuot mo sa kanya paniguradong maganda sa kanya.
"Where do you want to eat?" Tanong niya nang nakapasok ako sa kotse niya.
"Anywhere, basta yung walang lason. " Sabi ko
"Are you sure? What about McDo?" He suggested . Tumingin naman ako sa kanya kung seryoso siya.
"Hindi halatang kumakain ka sa fastfood ha?" I giggled.
"Mukha ba akong maarte sa pagkain?" Sagot naman niya. Tiningnan ko siya.
"Hmmm yung ilong mo sinasabing Oo, pero yung bibig mo sinasabi namang hindi. Nakapagtataka lang naman kasi." Sagot ko
"It looks that way but I'm not like that. " Sabi niya naman.
"Date ba to?" Nasabi ko nalang. Gusto ko lang klaruhin baka bigyan ko nang malisya.
"Depende sayo."
Natatanaw ko na ang board nang McDo. Pagdating namin ay bumaba agad kami saka nag order. Doon kami ang nagpwesto malapit sa pinto. Kaya lahat nang mga papasok ay napapatingin sa kasama ko. Sino nga ba naman ang hindi.
Jared looked so handsome that everyone could recognize. Well, all girls treat him as the rarest bachelor and prince charming. Hindi ko naman pinagkakaila iyon. Kahit nga ako nasturstruck.
"How's work?" Tiningnan ko naman siya nang masama.
"Kasalanan mo to. Marami yong galit ngayon sakin sa opisina. " Reklamo ko sa kanya. Natawa naman siya.
"I should've talked it with you before I went out there. Besides, it's okay palagi kitang makikita." Sabi naman niya.
Why's my heart beating faster.
Dumating na yong order namin. Tae, napakarami naman ata itong inorder niya.
"Sabihin mo nga sakin. Pinaplano mo bang gawin akong mataba?" Ang dami talaga nang inorder niya. Parang buong menu na yung binili niya. Pero mukhang nagwawala na yong mga alaga ko sa tiya kaya panigurado mauubos ko to.
"I will take out the others. Bibigay ko sa mga walang makain sa labas." Sabi niya at ngumuya na nang burger.
I'm so touch. May puso din naman pala siya. He doen't talk too much but I find him sweet. I get some fries and I dipped it to the sundae. Matagal na akong hindi kumakain dito. Puro kasi lutong bahay ang kinakainko. Pero hindi ako marunong magluto.
Tiningnan niya ako na para bang nakagawa ako nang krimen.
"Anong problema mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"Masarap ba?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Ako?" Sagot ko naman. Tumawa ulit siya. Kitang kita ko talaga ang magaganda niya ngipin at dimple niya.
"Silly girl. I mean masarap ba yung fries na lagyan nang sundae?" Sabi niya.
Yung utak ko na naman. May problema ata ito.
"Try mo kaya hindi ka naman mamatay." Sagot ko habang ngumunguya.
Kumuha naman siya nang fries at nilagyan nang sundae. Nginuya niya at mukhang satisfied naman siya sa naging lasa. Yung tao naman dito sa McDo parang sarap na sarap hindi sapagkain kundi kay Jared. Marami na ngang tao yung pumasok dito. Pwede na ata maging endorser ang isang ito.
"Its good. I never tried these one."
"Rich kid ka kasi." Mabilis kung sagot habang inaabot yung fried chicken.
Kumuha ako nang isa at hindi ko namalayang nakaka-apat na pala ako. Napansin ko namang tumitingin sakin si Jared. Tumingin naman ako sa mga brown niyang mata. He is addicting. All of him is addicting.
"Ineenjoy mo din namang kumain. Nagreklamo ka pang marami yung inorder ko." Napanganga naman ako.
"Yan na ata ang pinakamahaba mong sinabi ngayong araw. " Tawang tawa kung sabi sa kanya.
"Mabilaukan ka sana." Asar niyang sabi. I see him too often already and I realized his actually kinda cute.
Tumingin siya sa relo niya.
"Wan't to go with me after this? I'll gonna show you something." Sabi niya.
"Saan?" Tanong ko
"You'll know later. "
Nagpatuloy kami sa pagkain. Si Jared na rin ang nagbayad nang bill namin. Nang lumabas kami ay tinitingnan ko lang si Jared habang nagpapamigay nang mga take out namin kanina. Saya naman ang nakita ko sa mga mata nang mga taong binibigyan niya.
Malaking bagay na yan sa iba.
Umalis na kami at hinayaan ko kang siya dalhin ako sa sinasabi niya. Wala nang masyadong bahay dito. Pero mas lalong gumaganda ang mga tanawin. Tumigil naman kami sa isang garden. Marami siyang magagandang bulaklak. May mga alitaptap din na lumilipad. Kitang kita ko ang langit.
I felt so relaxed here.
Lumabas kami at nilanghap ko ang masarap na hangin dito. Nagulat naman ako nang may naglagay nang jacket sa balikat ko.
"It's cold here." Sabi naman niya.
I was speechless. Ngayon ko lang naexperience yung ganito at sinabayan pa nang malamig na hangin.
"Ang ganda dito." Tiningnan ko na manghang mangha parin.
"Oo, ang ganda nga." Sabi niya naman at tumingin sakin.
I felt awkward.
"This is my comfort zone. Tuwing may problema ako dito lang ako pumupunta." Narinig kong sabi niya.
"You deserve the happiness you keep trying to give everyone else. " Sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.
"Ikaw? Are you happy right now?" Tanong niya sakin.
Tumingin lang ako sa langit.
"Yes, I'm happy." I said it with a bittersweet feeling. Mukhang hindi niya binili yung sagot ko sa kanya.
"Tell a lie once again and all your truth will became questionable." He said. Sumandal ako sa kotse niya.
"I lie to myself all the time." Sabi ko.
Screw it. Nag iiba ata attitude naming dalawa kapag kasama namin ang isa't isa. Tumingin na lang ako sa paligid. Kinuha niya naman amg phone niya saka pinicturan yung view. Ganoon din ang ginawa ko. Mapost nga ito sa IG mamaya. Pinicturan ko din siya nang stolen habang nakatalikod. Pati yung likod niya ang ganda parin samahan mo pa nang wavy niyang buhok. He's almost perfect. I don't have any hopes. We both agree in this arrangement so we need to follow the rules.
Ang ganda nang shots ko.
"I like the view ." Sabi habang tinitingnan ang mga kuha ko. Ngiting ngiti ako dahil kita yung mga star sa langit. Mayroon din na nakatalikod at kumukuha si Jared nang picture gamit ang cellphone niya.
"You're the best view."
Mahina yung pagkasabi niya kaya hindi ko siya masyadong narinig. After that we decided to go home. Hinatid niya ako.
"I think I'll call it a day." Sabi niya
"Salamat talaga nang marami." Hindi parin siya umaalis.
"Pumasok kana. Malamig dito sa labas." Sabi niya naman.
"After, I see you go." Sagot ko
"Alright, see you then." He smiled saka umalis na.
Nagbihis naman ako pagdating sa condo at inisip ang mga nangyari kanina.
It was a nice day with him.