Nagmadali akong lumapit sa kanila para kunin yung anak ko. He was surprised when he saw me. Pero agad kong hinatak si Zarex.
"Mama." Hindi ko pinansin yung tawag nang anak ko.
"Hey! Wait!" Tawag niya. Napatigil naman ako nang hinatak niya yung kamay ko. And after five years I felt the warmth of his hands.
"Mama, he looks like my papa. Right? " I was surprised when Zarex said that as if all my blood went up my head. Humarap naman ako sa anak ko at tumingin siya sakin na walang kaalam alam.
"No, Zarex. He's not your father." Matigas kung sabi.
"But he looks like the man on the billboard." Malungkot niyang sabi at hinigpitan yung hawak sa kamay ko.
"Is this your child?" Tanong niya. Nabaling naman ang tingin ko sa kanya.
Gago ka. Anak mo din yang punyeta ka.
I faced him. "Yes." I said sparingly.
Sobrang marami yung nagbago sa kanya. Sa itsura at pangangatawan niya dahil sobrang pumayat siya. Pero siya parin yung lalaking nakilala ko noon at ama nang mga anak ko.
"Mag-usap nga tayong dalawa." Seryoso niyang sabi.
Bigla naman ako nakaramdam nang takot. I do not know what to do first in front of him. Honestly, I missed him so much but I can't put my emotions first. "Ano pa ang gusto mong pag usapan natin? Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Sinabi ko na dati palang na hindi na ako magpapakita sayo diba?"
Kumunot yung noo niya. "Why Kennedy is the surname he uses?" Natameme ako sa tanong niya. Hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko. "Is this my child?" Nanlamig ako sa tanong niya.
Parang gusto ko nang lamunin nang lupa nang mga oras na ito. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin sa kanya. Dahil natatakot ako sa mga bagay na malalaman niya. "It's not your child." Mahina kong sabi. He pulled me closer to him kaya nabitawan ko ang pagkakahawak kay Zarex.
"Are you sure? Hindi ka makakatago nang sekreto sakin panghabang buhay man Iza." Mariin niyang sabi. Tinulak ko siya at agad na binuhat si Zarex saka nagmadaling naglakad paalis. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang lahat-lahat.
"Mama." Zarex called me sweetly.
"It's okay baby." Nakarating kami sa kwarto ni Mama at binaba ko na si Zarex saka umupo.
"Iza!" Mukhang nakahinga naman nang maluwag si Mama nang nakita niya ang apo niya.
"Anong nangyari anak?" Tanong ni Papa. Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap ."Pa, nakita ni Jared si Zarex. Tinanong niya sakin kung anak ba talaga niya ito. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang lahat-lahat." Naiiyak kong sabi sa mga balikat ni Papa.
Hinagod niya ang likod ko. "Tama yung ginawa mo anak. Kung hindi kapa handang sabihin sa kanya. Huwag mo na munang isipan ang mga bagay na iyon. May panahon para sa lahat nang bagay." He stated.
"Mama, are you hurt?" Malungkot na sabi nang anak ko. Umupo ako para maging kalevel ko siya. Umiling ako sa kanya. "I'm okay baby." I hug him.
"Next time, don't talk to others without my consent okay?" He nodded to me.
Lumabas muna ako sa kwarto ni Mama para pumunta sa counter habang kumakain si Zarex kasama nila. Agad naman akong nagtago nang lumabas si Jared sa isang room. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako maglakad. Tiningnan ko kung saan siyang nanggaling.
Cardiologist.
Basa ko sa plate na nasa labas nang pinto. Bakit naman siya pupunta sa isang doctor kung saan mukhang malusog naman siya.
Napatigil naman ako.
Heart disease?
Yung sakit ni Alex ay namana niya at wala naman sa pamilya namin ang may sakit sa puso. Hindi kaya kay Jared niya iyon nakuha? Nanerbyos ako sa sarili kong pag iisip. Kumatok ako sa pinto kung saan lumabas si Jared kanina bago pumasok.
I greeted the doctor and nagulat ako kung sino yung nasa loob.
"Jass?" Sabi ko.
"Iza! Kamusta ka na?" Siya yung isa sa mga kaibigan ni Jared at Zem. Pero hindi kami masyadongnagkikita. "Bakit na napadito?" Tanong niya.
Nag isip naman ako sa mga sasabihin. Umupo ako sa upuan at humarap sa kanya. "Naadmit kasi yung mama ko at ooperahan this week. May tanong sana ko total nandito na ako, may anak kasi akong babae at may sakit siya sa puso. Sabi nang doctor sa Korea ay namana niya daw pero wala naman sa pamilya namin ang may sakit sa puso kay hindi ko alam kong saan nanggaling." Explain ko sa kanya.
"He might have gotten it from his father." Kinuha niya yung tumbler niya at uminom. "Sino ba yung tatay?"
"Si Jared." Muntik na niyang maibuga yung laman nang bibig niya.
"Ha? Ano-ng sina-sabi mo?" Utal niyang sabi. Nakaramdam naman ako nang kakaiba.
"Bakit nanggaling dito sa Jared sayo?" Seryoso kong tanong.
Umiwas naman siya nang tingin sakin. "Nakakain ka na ba Iza? Gusto mo bang mag meryenda muna?" Pag iiba niya nang usapan. "Nagtatanong ako sayo Jass. Bakit nanggaling dito sa loob si Jared?"
"Ofcourse, he is my friend. Bibisitahin niya talaga ako dito." Hindi ko binibili yung sinasabi niya. Natatakot naman ako sa kung ano man ang maari kong malaman.
"Tell me the truth Jass. Huwag mo akong niloloko, cardiologist ka. Doctor ka nang may mga sakit sa puso. Kung ang anak ko ay may sakit din sa puso at ang findings nang doctor sa Korea ay namana niya ito. Wala naman sa amin at sa pamilya namin ang may sakit sa puso. Maaring kay Jared niya ito nakuha. Sabihan mo ako nang totoo, Jass." Namutla naman siya sa sinabi ko.
"Baka naprapraning ka lang Iza sa sobrang kakaiisip mo." Sabi niya. Parang iniiwasan niya yung mga tanong ko.
"Kambal yung anak ko Jass. Yung babae lang ang may sakit sa puso imposible naman siguro na magkakaroon siya kung wala sa amin ang may sakit na ganoon." Galit kong sabi. Huminga siya nang malalim.
"Jared has a heart failure. He thought it was gone when he was seven years old but it came back last five years. Kaya palagi na siyang bumabalik dito sa akin dahil ayaw naman niyang mag paadmit at magpaggamot." Explain niya. Parang piniga yung puso ko sa nalaman ko. Last five years? Kami pa noon ha. "Nalaman niya lang iyon pagkatapos niyong umuwi galing sa Korea. Natakot siya na baka maaring malaman mo na may sakit siya at iwan mo nalang. He rejected and snob you on purpose. Nagpaggamot siya sa states last four years at binigyan nalang siya nang limang taon para mabuhay. Pero imbes na ipaggamot niya yung taon na iyon ay mas pinili ka niyang hanapin." Dumaloy na lahat nang tubig sa mga mata ko at halos hindi na ako makahinga nang maayos.
"Bakit hindi man lang niya sinabi sakin? He chose to let me go at grabe yung sakit na naramdaman ko dahil akala ko hindi niya ako ma-hal at pinag-tabuyan lang." Sobrang sakit sa dibdib.
"Sinundan niya kayo sa Korea. Pero bumalik siyang dismayado dito dahil akala niya kay Felix yung anak mo. " Nakikita kong sobrang nasasaktan din siya habang nagsasalita. Bakit Jared? Bakit? "Pero mas mabuti kong lahat nang mga katanungan mo ay siya yung sasagot." Sabi niya.
Pinunasan ko yung mga luha kong ayaw paring magpatigil sa kakadaloy. Nagpaalam na ako kay Jass at umalis na sa office niya. Pumunta muna ako CR at doon ko na binuhos lahat nang luha ko. I stalk him in his Instagram account. Marami din siyang pinost at hindi mo aakalaing ganon pala yung nangyari. Yung latest post niya ay ang mga bituin sa langit.
"Let's meet again in this place after this eternity."
That is the caption of his post. Napahawak ako sa dibdib ko. Naghilamos ulit ako bago ako bumalik sa kwarto ni Mama. Naabutan ko naman silang masayang naglalaro ni Mama sa higaan niya.
"How are you baby?" Bati ko sa anak ko.
"Lola taught me how to play close open." Nasilayan ko ang matatamis na ngiti nang anak ko. "Let's go home na anak. It's getting too late already." Nagpaalam na ako sa mga magulang ako umuwi na sa bahay namin.
Si Zarex ay nakatulog sa sasakyan kaya pinabuhat ko nalang kay Patrick nang makarating kami sa bahay. I check Alex on her bedroom. Naabutan ko naman si Faith na nandoon sa tabi nang anak ko at mukhang pinapatulog ito.
"Nandito ka na pala. Ayaw niyang matulog mag-isa hinahanap ka niy-" Niyakap ko si Faith at doon na ako umiyak. "Anong problema?" Mahina niyang sabi.
"Wala to Faith. May naiisip lang ako." Bigla ko namang natandaan lahat nang sinabi ni Jass sakin sa hospital. "Pwede mo naman akong pagsabihan, Iza." Sabi niya pa.
"Ang sakit sakit. Akala ko ay wala na siyang pakielam sakin pero tang ina Faith mas malaki yung galit nang mundo sa kanya. Akala ko ako lang yung nasasaktan sa amin dalawa pero mas nasasaktan pala siya. Yung akala kong ako lang yung nakakaranas nang hirap pero mas nahihirapan pala siya. "Hikbi kong sabi sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin Iza?" Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya.
"Nakuha ni Alex yung sakit niya kay Jared. Faith, bilang na yung mga araw ni Jared dito sa mundo. "Ang hirap na palang magsabi nang mga katagang iyon kapag sa bibig mo na mismo nang galing.
Kahit si Faith ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kung hindi pa siguro ako lumabas at nakita siya kanina baka hindi ko pa nalalaman hanggang ngayon. Bakit ganito sa amin yung mundo? Ano ba ang nagawa naming kasalanan para maramdaman namin ang hirap na ganito.
"Jared met Zarex earlier at muntik na niyang malaman na anak niya ito." I added.
"Karapatan niyang malaman iyon Iza." Hinimas niya yung buhok ko.
Sa sobrang iyak ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Alex. Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sa katawan ko.
"Mama wake up! Let's eat breakfast already." Rinig kong sabi ni Alex.
Hinatak ko siya at niyakap habang nakapikit parin ako. "Good morning baby girl." I greeted her. She kiss my lips even though I didn't toothbrush.
"Stand up Mama." Utos niya sakin.
Hinatak niya ako kaya napatayo naman ako. Pagkababa ko ay naabutan ko sila na nasa hapag at kumakain nang breakfast.
"Good morning Faith, Pat and Zarex. " I greeted. Humalik ako sa pisngi ni Zarex.
"Kain kana Iza." Aya ni Patrick.
"Wala ba kayong pasok?" Sabi ko sa kanila at kumuha na nang plato.
"Nandito yung boss ko. Bakit pa ako papasok?" Sabi ni Faith habang ngumunguya. Natawa naman ako doon. "Ulol." Sabat ni Patrick.
Bigla ko na namang naalala lahat nang sinabi ni Jass kahapon kaya nawalan na ako nang ganang kumain pa.
Nag aya naman si Faith na magmall kasama yung mga bata kaya pinaliguan ko na sila saka binihisan. "Mama, can you buy me a Sofia the First toy later?" Sabi ni Alex habang sinusuklay ko yung buhok niya.
"Ofcourse baby."
"Me too. I want Toothless." Ngumiti naman ako kay Zarex.
Mukhang naging paborito din nila yung mga movie na palagi kung pinapanood dati. "I will buy anything you want." Tumalon naman ang dalawa sa tuwa. Pagkatapos noon ay nagbihis na din ako.
Yung dalawang ay nagdala din nang sarili nilang kotse at ako rin kaya kasama ko yung mga bata. Nakita ko namang napatingin din si Alex sa malaking billboard na nadadaanan namin.
"Look at there Alex. Mama said that he is our father. "Masayang turo ni Zarex sa ate niya.
Napatingin naman doon si Alex. "He looks like Papa Felix." Narinig kong sabi niya.
"Because they are brothers." Sabi ko sa dalawa.
Nakarating kami sa Mall kaya nagshopping muna mami nang mga damit nang mga bata. Nabili ko na din yung gusto ni Zarex na How to Train your Dragon Merchandise. Yung gusto nalang ni Alex yung kailangan namin.
"Faith, sandali lang ha. May bibilhin lang ako, iwan ko muna ang mga bata sa inyo." Paalam ko saka naglakad na papunta sa Toy store. Tumango naman siya.
Namili naman ako doon nang mga laruan na alam kong magugustahan ni Alex. Mataas yung stuff toy na Sofia the First kaya pilit kong inaabot ito. Nabigla naman ako na may kumuha nito galing sa likod ko.
"Here." Humarap naman ako kung sino iyon.
Inabot niya sakin. "Jared." Sambit ko.