After the years

"Ma." Tawag ko sa kanya na nakalatay sa ICU ngayon.

"Ikaw ba yan Iza?" Dumilat siya. Tumulo yung luha niya nang muli niya akong nasilayan. It's already five years since I saw her. "Nasaan yung mga apo ko?" Tanong niya.

"Bawal pong magdala nang bata dito sa loob kaya naiwan siya doon kay papa sa labas. Ma, magpaopera ka na. Nandito na kami." Pagmamakaawa ko sa kanya. Namayat din siya at sobrang putla na nang mukha niya ngayon.

"I'm just waiting for you to come home, Iza."She hold my hand. "I'm happy that you are already home." Humikbi siya. Takot na kasi siyang mawalan pa nang isang anak kaya nang nasa Korea kami ay maya't maya lang ang pangangamusta niya sa amin ni Felix. "Can you stay here for good?" I nodded at her. Ngumiti naman siya.

Nagpaschedule na ako nang operation ni Mama at mabuti nalang dahil marami ang doctor na available ngayong buwan. Naiuwi ko na din yung kambal sa bahay namin. Pero nanibago ako dito dahil pinarenovate ito nang mga magulang ko gamit ang design ko.

"Bakit ang liit lang nang dala niyo?" Tanong ni Patrick na hila-hila yung mga maleta namin.

"Si Felix na daw ang bahalang magpackage noon." Napa 'Ahhh' nalang si Patrick. Tinulungan ko siya sa mga gamit namin na iakyat sa itaas habang si Faith ay nakikipaglaro sa kambal.

Nagulat din kasi sila dahil umuwi kami dito nang walang pasabi. I explain to them what happen to my mother in chat. So, all of them plan to visit me here tomorrow ,since it's saturday at walang mga trabaho. Mabuti din iyon para makilala nang mga anak ko yung mga tito at tita nila. Dito nalang kami magkikita sa bahay at mag o-overnight .Nasabihan ko din si Faith at Patrick na dito nalang sila matulog.

Nagpa-add ako nang four rooms, so specifically may seven rooms na dito sa bahay. Isa sa akin, kay Zarex, kay Alex at sa mga magulang ko. Tapos yung natira ay ginawa naming guest room at gaming room. May veranda na din sa second floor. Nagamit ko yung pera nang pag-oonline sell at the same time nag apply din ako sa isang Engineering company sa Busan.

Binibigyan din ako nang pera ni Felix at nang mga grandparents niya pero sabi ko sa mga anak ko na lang igastos. Kaya nabibigay namin ang lahat sa kambal.

"Izaaa!!! " Sigaw agad ni Shane nang makapasok sa bahay. Hindi ko agad siya nakilala dahil mas humaba yung buhok niya. Tumakbo sila sakin ni Megan at niyakap agad ako. "Ang ganda mo parin kahit nanay ka na! Ako, kahit walang anak ang pangit parin." Naiiyak na sabi ni Shane.

"Grabe namiss ka namin!" Aniya ni Mega.

"Parang hindi tayo nagkita nang pasko." Sabi ko pa.

"Magkaiba parin iyon. Nasaan na yung kambal?" Nilibot niya ang paningin sa bahay at agad siyang naglakad papunta sa kambal na kumakain sa hapag kasama si Patrick at Faith. "Buraot ang dalawang ito oh! Hindi man lang nagpasabi na dito matutulog." Reklamo ni Megan. Binelatan naman siya nang dalawa.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko kay Shane na nagtetext sa cellphone.

"Tinetext ko nag kung saan na sila. Si Lorraine at Zac ay nakasunod lang samin kanina. Baka may dinaanan lang at sina Zem naman ay malapit na daw." Tumango naman ako sa kanya.

Lumapit ako sa dining table. "Zarex, did you miss Tita Megan?" Pacute na tanong niya.

Zarex nodded. "But where is Tito Jake?" Tanong nang anak ko habang ngumunguya pa nang bacon. Si Alex naman ay tahimik lang kumakain katabi yung Tito Patrick niya.

Namutla naman si Megan sa tanong. Si Jake kasi ay dinala niya nang pumunta sila sa Korea at pinakilalang asawa sa mga bata. Kaya siguro niya hinahanap. "He is with another woman Zarex. Don't mind him. He's an as-" Agad siyang binatukan ni Faith.

"Sige, ituloy mo yung sasabihin mo." Napahawak naman si Megan sa ulo niya.

Natawa naman ako sa naging asta nila. Pagkatapos kumain nang nga bata nang hapunan ay pinatulog ko na silang dalawa sa mga kwarto nila. I went down stairs and I saw them talking below with Kuya Zac. Napatingin naman sila sakin kaya lumapit si Lorraine.

"I miss you Iz." Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"Mas lalo kang gumaganda. Nasaan si Kate?" Tanong ko.

"Iniwan nalang namin kay Mama dahil umiiyak. Wala ata sa mood." Kuya Zac answered. "Kamusta si Tita?"

"Nagpaschedule na kami sa operation niya. Mabuti nga at pumayag naman." Singhap ko.

"Eh yung kambal? Gusto ko sana silang makita." Sabi ni Lorraine.

"Natutulog na sa mga kwarto nila. Pagod parin kasi matapos yung byahe. Alam mo naman unang sakay palang nila iyon." Aniya ko.

May tumigil na kotse sa harapan nang bahay namin at nakita ko namang lumabas si Princess na may dalang mga paperbag. Niyakap ko siya pati na si Zem. Medyo umuumbok yung tiyan niya dahil 3 months na din siyang buntis. "Congratulations!" Sabi ko sa kanila. "Namiss kita. Sorry hindi ako nakasama sa Korea." Ngumiti ako kay Princess. "I understand you." I said.

Busy din kasi siya sa mga show noon and modeling. Mas lalo na ngayon na buntis na siya. Kailangan na niyang magpahinga.

"Mas lalo ka atang gumanda ngayon. Ito nga pala, bumili kami nang mga makakain at alak. Sina Zac kasi iniwan pa sa amin. " Asar na sabi ni Zem.

Tinulungan ko naman sila sa mga dala nila at pumasok sa loob. Nagkasigawan naman agad dahil panay congratulate sila sa kay Princess at Zem. Umupo kaming lahat sa at nakapalibot yung sofa habang may malaking table sa gitna.

"Ito na yung pinabibili mo." Tinapon ni Zem yung isang supot kay Kuya Zac. "Thank you Zem. "

"Ulol. May bayad yan."

"Sa wakas at nakumpleto na ulit tayo matapos yung ilang taon." Masayang sabi ni Patrick. Doon lang kami nag inuman sa sala para malayo sa mga kwarto nang nga bata. "Bakit pala hindi sumama si Felix?" Nasamid naman ako sa tanong ni Patrick.

Binaba ko yung iniinom ko na heneken. "He said that he's letting me go already. I don't know what's the reason but he said that before we fly back here." Mahina kong sabi.

Natahimik naman sila. "Magkapatid ba talaga sila ni Jared?" Shane ask out of the blue. Tumingin naman kaming lahat kay Zem.

"Bakit sakin kayo nakatingin?" Tanong niya na kumakain nang almond.

"I thought you're bestfriends?" Sabat ni Faith.

Zem rolled his eyes. "Hindi na kami masyadong nagkakasama. Kung may mga gathering lang. Alam niyo naman ang lalaking iyon na hindi nagkwekwento tungkol sa pamilya niya. Hindi nga kami nakakapasok sa condo noon palagi." He explained. Napaisip naman ako sa sinabi ni Zem.

"They are real brothers. Yung mansyon na iyon ay sa kanila , sa grandparents nila. Sila mismo yung nagpatunay sa akin." Sabi ko.

"Ang liit naman nang mundo." Kuya Zac stated.

"Hindi mo parin ba sinasabi sa kanya ang about sa mga bata?" Napatingin ako kay Lorraine na nagtanong.

I sigh. "I don't know. He might reject the kids. Ayaw ko naman na ganoon yung nangyari at isa pa they already knew that Felix is not their real father. I'm sure magtatanong sila sakin at magtatanong."

"You're kids are brave. They will undersand it." Sabi ni Faith.

"He is to busy for his company. Sobrang successful na niya ngayon sa buhay pero wala parin siyang asawa." Sabi ni Megan.

Inubos ko na yung natitira kong alak sa can at kumuha ulit nang isa sa mesa. Parang ayaw ko ata siyang pag usapan ngayon dito. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanilang nag uusap.

"Si Jane ay totoong may gusto kay Felix at hindi kay Jared. I don't know, he might just done it on purpose." Kibit balikat na sabi ni Lorraine.

Kinuha ko na yung phone ko saka nagcheck nang messages sa instagram account ko para sa mga confirmation nang mga pending business sa Korea. Nagulat ako kung ano yung nabasa ko. Bakit siya nagpaparamdam ngayon na halos limang taon na kaming hindi nagkikita.

"I miss you." It's his comment to my picture in the plane.

Kumuha kasi ako nang litrato na nasa himpapawid kami pero tanging mga clouds lang ang makikita doon at ang ulo ni Zarex at Alex. Parang biglang bumalik lahat nang mga sakit na nahilom ko na sa Korea. Lahat nang masasakit na alaala ay biglang nagfaflash sa utak ko.

"Iza."

Natulala ako sa harap nang cellphone at inulit ulit na binabasa sa comment section. Parang ayaw masink in sa utak ko yung nakita ko. Bakit naman siya magcocomment nang ganito kung tinataboy niya lang ako dati.

"Iza."

Despite of everything he done. Parang natutunan ko din yung mga hindi ko pa nagagawa sa buhay ko. I hope he is just doing well. Kahit sobrang sakit nang ginawa niya sakin ay hindi ko parin madeny yung part na minahal ko siya at siya yung tatay nang mga anak ko.

"Huy Iza! Kanina pa kita tinatawag!" Sigaw ni Shane.

Parang nagising naman yung kaluluwa ko nang niyugyog ako ni Shane. Nakita ko naman na tumitingin silang lahat sakin nang nakakalola.

"Bakit?" Tanong ko.

"Parang timang to oh! Kanina ka pa namin tinatanong kung bakit ka nakatulala. Parang ka namang tae. Sino na naman yung iniisip mo?" Irita na sabi ni Megan.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "May nakita lang ako." I reasoned out.

Natawa naman yung iba sa naging reaction ko. "Ang lalim naman ata nang nakita mo." Pang aasar ni Zem.

"Wala ito. Checheck ko lang ang mga bata." Paalam ko sa kanila.

Tumango naman sila. Umakyat naman ako at dahan dahang pumasok muna sa kwarto ni Alex. Mahimbing nang natutulog siya katabi yung teddy bear na bigay ni Felix sa kanya nang birthday niya. Inayos ko yung kumot niya at pumasok na sa kwarto ni Zarex. Mukhang ayos naman silang dalawa kaya pumunta muna ako sa veranda nang bahay saka umupo doon.

Tumingin ako sa langit. Even the scars tat were formed from my mistakes are my very own constellations.

I closed my eyes and try to feel the fresh air touching my face. Nakakamiss ang lahat nang bagay sa Pilipinas, masasabi mo talaga that you're really home.

Pagdating nang umaga ay umuwi na silang lahat at si Faith at Patrick na naman ang naiwan dito kasama namin. Wala naman daw silang gagawin kaya dito na daw muna sila sa bahay. Mabuti na rin iyon dahil aalis ako ngayon papunta sa hospital at si Zarex nalang muna yung isasama ko dahil ayaw kong maexpose si Alex sa hospital. Nagpaalam na ako sa kanila.

"Faith, ikaw na muna bahala kay Alex ha. Yung gamot niya nasa cabinet. Be a good girl to your tita, okay?" Sabi ko kay Alex. Tumango naman siya at humalik na sa pisngi ko.

"Mag-ingat kayo." Sabi ni Faith saka pumasok na kami sa kotse.

"Mama, is lola going to be okay?" My little boy ask. Nilagyan ko siya nang seat belt.

"Ofcourse, Zarex. We just need to pray for her." Ngumiti ako sa kanya.

Mabuti nalang at hindi medyo traffic kaya malapit na kaming makarating sa hospital. Nakaagaw naman agad nang pansin sakin ang isang napakalaking billboard pagkababa palang namin sa kotse. He still looks handsome after this years. Sobrang successful na nga niya talaga.

"Mama, look. "Tinuro ni Zarex yung billboard. "He looks like Papa Felix but he also looks like me." Nagulat naman ako sa sinabi nang anak ko.

Lumapit ako sa kanya at nilagyan siya nang cap. "He is your dad, Zarex. His name is Jared. "Lumaki yung mata niya at ngumiti.

"He is our dad? " Masayang niyang tanong. I nodded at him.

Binuhat ko siya saka nilagyan nang face mask bago pumasok sa loob nang hospital. Mahirap na kasi at bata pa siya. Kahit sa loob nang hospital ay may mga poster din siya doon kaya panay ang tingin ni Zarex.

Naglakad ako sa kwarto ni mama at dinala doon yung anak ko. Naabutan ko naman si Papa na natutulog habang si Mama ay mukhang gising na. She slowly get up when she saw her grandson.

"Is this Zarex?" Masayang niyang tanong. Tumango naman ako sa kanya.

"Hi Lola!How are you doing." He cheerfully greeted his lola.

Natuwa naman si Mama. "Ang laki muna." Niyakap siya ni Mama nang dahan dahan. "Nasaan si Alex?" Tanong ni Papa na kakagising lang.

"Hindi ko na po siya sinama. Alam mo naman yung bata na iyon. Mahina yung resistensya." Nagmano ako sa kanya.

Masaya naman si Mama at Papa nang nakita nila si Zarex na mukhang hindi na naiilang sa kanilang dalawa kahit unang pagkikita nila. Lumabas muna ako sa kwarto ni mama para pumunta sa counter para bayaran yung operation niya. Malaking halaga din iyon pero mabuti nalang at tumulong yung mga kapatid ni papa.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ni mama. May nahagip akong pamilyar na mukha pero hindi ako siguro na siya iyon. Kinusot ko naman yung mata ko at tiningnan ulit. Nagmamalikmata lang ako siguro.

Pumasok ako sa kwarto ni Mama at hindi ko na nakita si Zarex. "Nasaan si Zarex?" Nag aalala kong tanong.

"Tumakbo siya at sumunod sa iyo. Hindi mo ba nakita?" Nabuhusan naman ako nang tubig sa sinabi ni Mama.

"Ano?! Hindi ko siya kasama."

"Saan na pumunta yung bata na iyon." Nag aalala ding sabi ni Mama.

"Nasaan si papa?"

"Bumili nang makakain. Hanapin mo muna si Zarex, Iza" Sabi niya.

Lumabas na ako at nagsimulang maghanap sa anak ko. Sobrang laki nang hospital na ito para makita ko siya agad. Nakaramdam naman ako nang takot at pagkabalisa.

"Nurse, may nakita ba kayong bata na ganito ka taas at maputi?" Umiling naman yung nurse.

Nagtanong tanong din ako sa mga tao na nandoon at baka sakaling may nakakita sa kanya pero wala. Halos sampung minuto na akong naghahanap. Nasaan na ba ang batang iyon. Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Bakit kasi siya umaaalis nang walang paalam.

Nabunutan ako nang tinik nang nkita ko si Zarex na may kausap na lalaki sa isang bench malapit sa ICU. Hindi ko makita kong sino iyon dahil nakatalikod siya sa akin. Mukhang masaya yung anak ko na kausap siya dahil sobrang lapad nang ngiti niya at halos kita na yung dimple. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila para marinig yung usapan nila.

"You look like my papa. My Mama, point it out to me before going in here but he doesn't love me because he left us." Rinig kong malungkot na sabi ni Zarex.

"I'm sure your father loves you so much little boy. You're such a smart kid," Napako naman yung paa ko nang marinig ko yung boses na iyon. Hindi pwede ito. Bakit sa lahat nang tao siya pa? Iba't bang takot ang umakyat sa katawan ko.

"I hope so."

"Maybe your mom is already looking for you. By the way what your mother's name?" Tanong niya sa anak ko.

"She has a beautiful name. Her name is Iza." Masayang sabi ni Zarex.

Napatigil siya nang natagal. "What about your name?" Tanong niya.

"My name is Zarex Alexander Kennedy. What about you?"

"I'm Jared Blaze Kennedy."

After so many years. I met him again.