PAGE 2: BESTFRIEND

Mahirap maging high school. Kung dati puro laro lang ang ginagawa namin. Ngayon andaming projects na pinapagawa samin ng mga subject teachers.

"Mam naman... Gagawa po talaga kami ng solar system? Di naman po nyan tutulong ang iba." Ani Ramona, kaklase ko ngayong Grade 8.

"Baka pwede naman Mam daanin natin sa floorwax at walis yan hehe." Ani Alysa, nagbibiro. Napailing nalang ako sa mga pinag uusapan ng mga kagrupo ko.

"Eh kung katorseng walis ang imarka ko sayo? Hatiin mo para makuha mo ang sagot" Masungit na anya ni Mam.

Nagtawanan kami.

"Hoy besh, tahimik ka ata?" Bulong ng bestfriend kong si Carla. Naging magbestfriend kami nong Grade 7 kami, so 1year na rin pala kaming magkaibigan.

"Nakaka Out of place dito. D man lang tayo tinatanong ng suggestions ta!" Sabay irap ko.

Tinampal ako sa braso ni Carla at tumawa pa sya "ikaw naman. May isusuggest ka baga? Magsabi ka." Anya, umirap ako at bumuntong hininga sya. "Ah, guys... May suggest daw tong friend ko" turo nya sakin.

Tiningnan nila ako "Anong suggest mo?" Kumislap ang mata ni Jessele sa sinabi nyang yon kaya medyo lumuwag ang kalooban kong magsalita.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot "Mas maganda kung ginumos na papel ang gamitin ta lagyan nalang ng design kesa sa bulak maaaring panget ang kinalabasan" sabi ko habang nakangiti.

Tumango tango sila at pumalakpak naman si Kc "That's great! I like that! Excellent!" Pumalakpak pa sya. Si Kc isa ring kaklase ko na mahilig mag english! Ewan ko ba bakit sya mahilig don, d kami close tanging kaibigan ko lang dito ay si Carla.

Nakakaclose ni Carla ang mga kaklase namin. Mapababae o lalaki yan, nakakaclose nya talaga. Iba sya eh! Friendly sya. Samantalang ako! Ito lang nag aantay na may makipagkaibigan sakin, kung wala naman ok lang din. Basta ang mahalaga makapagtapos ako ng pag aaral.

Si Resel na kaklase ko rin ngayon pero minsan ko nalang sya nakakasama at si Carla ang bestfriend ko. Si Carla, kinaibigan nya ako nung unang pasokan dito sa Camarines Norte College (CNC) nakaupo lang ako non, ng bigla syang umupo sa tabi ko at ngumiti.

"Hi, I'm Carla Zamira" naglahad sya ng kamay sakin, tinaas ko ang kilay ko. Agad nya akong tinampal "ikaw naman... Hahaha. Friends?" Anya.

Napaisip ako, wala namang mawawala kung magiging magkaibigan kami diba?

Tinanggap ko un "Friends!" Sabay ngiti ko. At ayon nga lagi syang sumasabay saakin umuwi, maglunch at magreses, kahit magcr sumasama sya kahit nag aantay lang sa labas. Kilala na rin sya nila Mama, Papa at Nanay, dahil pumunta syang bahay at sumabay sakin pumasok. Nung una natakot ako baka may crush sya sakin, pero grabe naman siguro ako mag isip ng ganon, di nyoko masisisi, medyo lalaki ang galawan nya pero sa huli na-realized kong ganon lang talaga sya ayaw nya sa pabebe. Gusto nya cool lang.

Nagsibalikan na kami sa aming sariling upuan at ngumisi sakin mga kagrupo ko dahil all this time na pagsasama namin sa loob ng 3months, ngayon lang ako nagsalita at nagbigay ng suggestions.

"Ansaya ng grupo natin sa simpleng suggest mo! HAHAHAHAHA" humalakhak ng tawa si Carla.

"Miss Zamira? Lakas ng tawa mo! Baka pwede mo yang ivolume!" Ani ng Science teacher namin.

Patagong umirap si Zamira "palamonin kita ng cellphone para magkavolume yang boses mong mahina" pabulong na ani Carla.

Tumawa ako habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

"Ano yon Miss Zamira?"

"Wala po Mam.." tinikom nya bibig nya habang nililigpit ang gamit sa bag.

"Ah... Sabi po nya mam pakainin---" agad tinakpan ni Carla ang bibig ni Jordan ng magsalita ito.

"Ah... Ang sabi po nya. Gusto ko pong pakainin sya ng Onion Rings" biglang ani Carla.

"Hmmm... Eh ikaw Miss Ventura? Bakit nakatakip ang kamay mo sa mukha?"

Binaba ko ang kamay ko papunta sa bibig at umiling.

Umalis na si Mam at agad binugbog ni Carla si Jordan, tumawa ako at hinila si Carla para makapunta nang canteen.

Pumila kami ron at bumili ng burger at mountain dew. Medyo masikip sa canteen dahil maraming estudyante ngayon na pumasok dahil may orientation daw na magaganap sa stage.

Naghanap kami ng mauupoan ni Carla ng biglang may tumawag samin.

"Carla... Rizavin... dito kayo!" Ani Klara.

Umupo kami katabi ang mga kaklase namin at ang kagrupo namin sa Science.

"May orientation daw! Balita ko maganda ang boses ng kakanta" sabay ngisi ni Jessele.

"Talaga? Nood tayo kelan ba yon? Baka sakaling sya na knight and shining armor ko!" Malanding ani Ramona.

"Mamaya na daw magaganap eh" pagsisingit ko.

"Ikaw ha! Alam mo ba bet ka naming maging kaibigan. Si Carla lang kasi kaclose namin kesa sayo eh! Saka mukha ka namang mabait... So... Friends?" Naglahad ng kamay si Alysa.

Lumahad silang lahat ng kamay at sabay sabay sinabing "Friends?"

Tumango nalang ako at lumagok ng mountain dew.

"Mic test mic test!" Biglang ani ng baritonong boses sa stage.

Napaliyad ang katawan ko para makita kung sino ang nasa stage pero di ko makita dahil sa daming estudyanteng humarang.

"Tara!" Biglang anyaya ni Carla. Pinalibot nya ang braso nya sa braso ko. Napatayo din ako at ang mga kasama namin sa upuan.

Sumingit kami sa mga estudyanteng nahaharangan ang daanan.

"Excuses... May dadaang prinsesa" ani Carla.

"Ano ba yan! Ang hirap sumingit." Sabay hawi ko sa takas na buhok sa mukha.

"Let's go there!" Turo ni Kc sa unahan malapit sa stage.

Tumango kami don.

"POGI!" Napalo pako sa braso ni Carla.

Napabaling ang mata ko sa lalaking nag aayos ng gitara sa stage, pogi sya... Maputi. Matangkad. At bagay sa kanya yung may nakasabit na gitara. Pero parang binabae to.

"AMPOGI!" Nayugyog ko si Carla dahil sa kilig. Ang gwapo nya, mukhang dito sya nag aaral dahil nakauniform sya ng CNC.

Nagsigawan ang lahat ng magsimula syang kumanta.

"When the day is said and done

And the middle of the night  and your fast asleep, my love."

"POGI! Kaso di ko bet hahahahaha!" Anya ni Jessele.

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang lumuhod sya sa stage malapit sakin, tumingin sya mga mata ko habang kinakanta ang liriko na yon "Do you know you're my miracle? (Ohyeh)

I'm like a statue, stuck staring right at you

Got me frozen in my tracks

So amazed how you take me back

Each and everytime our love collapsed

Statue, staring right at you

So when I'm lost for words

Everytime I disappoint you

It's just cause I can't believe that you're so beautiful (Stuck like a statue)

Don't wanna lose you, no (Stuck like a statue)".

Napapikit ako sa ganda kanta. Napamulat ako, nakangisi sya sakin ng matapos niya ang kanta.

Napahawak ako sa puso ko sa bilis ng kabog nito. Parang kabayong nakikipagkarerahan. Nagbaba ako ng tingin. At pag angat ko. Napatingin ako sa labas ng School ng may nakita akong nagbabike. Nakawhite shirt sya. Naalala ko nung grade 4 kami ng may nakita din ako sa labas ng School na nagbabike at di na yon nasundan. At ngayon nakita ko nanaman sya at parang tinatakbohan ng mga kabayo ang puso ko sa bilis ng kabog ng kabayong nakikipagkarerahan.

Nang makauwi kami, pumunta kami sa street food sa sentro at kumain.

"Ang galing magitara nong nasa stage no? Ano kaya name non" ani Carla.

Pinagkibit balikat ko nalang yon dahil di ko naman kilala kung sino yon.

"Ikaw. Ang bitter mo hahaha!" Biglang tampal sakin ni Carla habang kumakain kami ng kikiam.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

"Kanina ka pa kasi di nagsasalita! Parang hangin ako dito! Hangin bako? Ha? Hangin bako besh?" Umirap sya habang ngumunguya.

Sinapak ko sya ng mahina at tumawa ako "HAHAHAHAHAHA! OA mo! Tara sa LCC. Palamig muna tayo bago umuwi" ani ko.

Actually malapit lang bahay nila Carla samin. Taga Burgos sya at ako naman ay Manlapaz. D ko sya nakilala non dahil last year lang daw sila lumipat dito sa Labo, Camarines Norte galing Manila.

Nagtricycle na ako at si Carla naman ay sumakay sa rin. Nasa likod sya ng driver bet nya kasing don uupo para mabilis makababa. Samantalang ako naman ay sa loob sumasakay.

Mas nauunang maihatid o makauwi si Carla kaysa sakin na sa unahan pa ang bahay.

Nang makauwi na ako nakatanggap ako ng text mula sa kanya. Phtext pa talaga ginamit nya ha! Hahaha.

Tinanong nya ako kung nakauwi na ba ako, nagreply ako ng oo. Ganun sya. Bestfriend kong may care at thoughtful sakin.

BLACKxNEON