Maraming nangyari sa mga nagdaang araw. Hindi ko alam pero parang may bumabagabag sakin. Di ko alam kung ano.
"Hey!" Tinapik pako ni Carla sa balikat, napakurapkurap ako at tumingin sa kanya "Kanina ka pa tulala, anyayari sayo? Lakad lakad nalang tayo!" Anya. Nandito sya sa bahay dahil nababagot daw sya don sa kanila.
"Ge. Dito lang?"
"Kung san tayo madadala ng ating mga HAHAHAHA!" humalakhak sya.
Naglakad lakad kami, maraming mga bulaklak na tanim dito sa Baranggay Manlapaz. Mukha tong subdivision kung titingnan mo. Tahimik pero pag sumapit ang hapon don nag iingay ang mga batang naglalaro sa kalsada.
Natutuwa ako pag nakakakita ako ng mga batang masasayang naglalaro, naaalala ko nung naglalaro pa ako. Ngayon kasi busy na sa School.
"Rizavin!" Biglang tawag ng pamilyar na boses. Napatingin ako kay Clein na may dalang bola. Lumapit sya sakin at pinunasan ang noo dahil sa basa ng pawis.
"Clein. Wala kayong pasok?" Tanong ko. Friday kasi ngayon at mamaya pang hapon ang pasok ko.
Umiling sya "Wala! May meeting daw mga teacher eh. Eh kayo?" Sabay tingin nya kay Carla.
"Hi. Clein! Tumatagal mas pomopogi ka ah! Hahaha."
"D naman pogi eh. Hahahaha."
Gwapo talaga si Clein, sya yung lalaking makita mo pa lang akala mo'y nakakita ka ng anghel. Napakaamo ng mukha nya at may tamang pangangatawan. Nakilala ko sya dahil sa paglalaro. Taga dito rin sya samin kaso medyo malayo sa bahay.
"Mamaya pang hapon pasok namin eh." Sagot ko.
"Clein!" Napatingin kami sa lalaking padating. Di ko maaninag ang mukha ng paparating pero sa hubog ng pangangatawan medyo payat sya na matangkad. Kasing tangkad ko sya.
Umakbay yung lalaki kay Clein. Halos laglag panga ako habang nagpapalitan ng tingin sa dalawa.
Napahawak ng mahigpit si Carla sakin "Magkakilala sila?" Bulong ni Carla.
"Ah... Rizavin, Carla. Ito nga pala si Levan. Levan, si Rizavin saka Carla." Pagpapakilala ni Clein.
"Nice meeting you" naglahad ng kamay si Levan.
D ako nakagalaw laglag pa rin ang panga. Si Carla na tumanggap non.
"Nice meeting you..." Anya ni Carla at nakipagkamayan.
"Ah! Nood kayo sa laro namin?" Tanong ni Clein.
"Maggagala---"
"Sige!" Sabat ni Carla halos di kona natapos ang sasabihin ko.
Sumunod kami sa kanila at pumunta court. Umupo kami sa tabi at tumabi sakin si Clein. Nag pupunas ng pawis
"Clein. Bat mo kilala yon? Levan name diba?" Tanong ni Carla. Napasinghap nalang ako sa pagkachismosa ng kaibigan ko.
"Si Levan? Taga dyan lang sya sa may paradahan ng tricycle. Bakit? Crush mo? Hahaha."
"Hindi no! Pogi lang pero di ko crush. Type ko lang postura nya pero di ang buong pagkatao. " Umirap pa sya.
Samay paradahan ng tricycle? Eh malapit lang samin ah! Bat ngayon ko lang yon nakita. Nevermind wala akong balak kilalanin sya.
"Gege!" Ani Clein at pumunta nang gitna para sa laro.
"Besh! Bat ganon kaibigan mo? Medyo maingay huh! Hahaha" anya.
"May topak yon! Minsan nasalita minsan si nagsasalita. Kung wala yon topak di ka non kakausapin hahaha."
Si Clein kasi isang tahimik na tao pero minsan madaldal. Pero ang tunay na nakagisnan kong Clein Gonzaga ay isang tahimik, gwapo, at may bisyo, naninigarilyo at kung minsan ay nag iinoman pag naaya ng barkada.
Naalala ko nga nong unang makita sya ni Carla halos di nya pinapansin si Carla, siguro naiirita dahil di talaga sya tinitigilan hanggat di sya sumasagot.
Nagsimula silang maglaro, nakatingin lang ako sa kanila. Pero si Carla todo cheer.
"Go Levan! Go Clein! Go go go!" Paulit ulit nyang cheer.
Nakahalukipkip lang ako habang pinapanood sila.
Biglang tumingin sakin si Levan, nanigas ako sa kinauupoan ko ng ngumisi sya. Natikom ko bibig ko sa gulat.
"Besh! Magcheer ka naman!" Ani Carla at niyugyog pa ako.
"Go! Go! Clein!..." Sigaw ko.
Di namansin si Clein. Ganyan sya may mood swing.
"Buntis ata yan si Clein. Paiba iba ng mood hahaha." Ani Carla.
Natapos ang laro nila, sila Clein ang nanalo. "Oh!" Tinapon ko ang dala kong maliit na tuwalya kay Clein.
"Ano to?" Anya habang nakakunot ang noo. I swear to God! Kahit anong itsura nya galit, malungkot, o masaya pa man ang pogi pa rin nya.
"Tuwalya malamang. Ipampunas mo sa pawis mo basang basa ka" sabi ko.
Umiling sya at nilagay ang tuwalya sa balikat.
"Sanaol may tuwalya." Ani Levan. Napatingin ako sa kanya at nakatingin rin sya sakin.
Umiwas ako ng tingin. Jusko! Gusto ko nang kainin ako ng dinasour ngayon. May dalawang pogi sa harap ko ewan ko kung san ako titingin eh!
Nakagat ko dila ko ng biglang naghubad ng jersey shirt sa harap ko si Levan. Payat sya pero may muscles ng kunti ang dibdib nya. Pero ang braso wala. May kunting pimples sya sa mukha pero bagay sa kanya dahil parang blush on lang.
Ngumisi sya ng nakitang nakatitig ako sa kanya. Lumunok ako at bigla akong napatianod sa hila ni Carla palayo.
Narinig ko pang humalakhak si Levan.
"Hoy babae! Grabe titig mo don! Parang mang aagaw ka ng saging ng unggoy"
"Nagulat lang ako dahil naghubad sya sa harap ko! Ambastos kaya." Sabi ko.
Humalakhak si Carla "HAHAHA! Bastos ba dahil yung shirt ang lang ang hinubad at hindi ang pang baba?" Nanliit ang mata nya. "I know you besh! Isang taon palang tayong magkaibigan pero huli ko na ang laman ng puso mo kung pano yan tumibok hahahaha".
"Rizavin! Tuwalya mo." Biglang ani Clein na nasa malapit na pala samin. "Maganda ba laro namin?"
"Oo!" Sagot namin.
Tumango sya at umalis na.
"Maderpaker ganon talaga yon? Ang weird hahaha" ani Carla.
"Gala na tayo. Uuwi na ako pagkatapos. May pasok pa." Anya.
Naglibot libot kami sa amin. Napatigil kami sa may paradahan ng tricycle.
Luminga linga si Carla "Sa may paradahan daw diba? San kaya yon dito." Anya.
"Ewan ko Tara na." Sabi ko pero ayaw nya.
"Sandali lang... Alamin muna natin."
Nakita ko si Rose, taga dito rin samin. Isa sya sa mga kababata ko. "Rose..." Tawag ko napatingin ako sa babaeng kasama nya maitim sya parang nasunog sa araw pero ganon na talaga ata kulay nya. Hindi kayumanggi dahil maitim talaga sya.
"Oh Rizavin. Rizavin si Suse. Suse si Rizavin. Kababata ko..."
"Suse nga pala" nakipag high five sya samin. Cool nitong kasama nya ah! Angaan sa loob ko sa kanya.
"Ano oras kayo papasok?" Tanong ni Rose. Sa CNC rin kasi sya nag aaral ngunit di kami magkaklase.
"11:30am. 9:35am pa lang naman maaga pa." Sagot ko.
"Kuya!" Biglang tawag ni Suse sa likoran namin. Napatingin kami ron sa lalaking paparating na si Levan.
So? Magkapatid pala sila.
"Lagot ka Kuya kay Mama! Kanina ka pa hinahanap maghugas ka na raw ng plato ikaw nakatoka ngayong Byernes." Ani Suse.
"Pauwi na nga diba!" Mataray na sagot ni Levan. Bat parang naging babae boses nya pagsagot?.
Naramdaman kong napahawak si Carla sakin "Bakla?" Bulong nya.
Bumaling sakin si Levan at ngumisi.
Hinila ako ni Carla pauwi sa bahay. Nasa pinto na kami at halos di sya makapaniwala, nagugulo pa nya buhok ko nya at tumatawa. Baliw lang.
"Besh! Nakita mo yon? Bakla! Shit! Ang gwapo pero Gay? Hays! Bat ba ang daming poging bakla..." Dinuro nya ako "Hoy! Baka si Clein ha!---"
Binatokan ko sya. Tumawa sya. Tumawa na rin ako sa kabaliwan nya.
BLACKxNEON