Elementary pa lang ako non tamad na tamad talaga ako mag aral. Ewan ko ba parang gusto ko nalang matulog at kumain kahit di naman tumataba. Gusto ko nalang maglaro ng maglaro. Yung wala kang poproblemahin about school or anything.
Pero ngayong high school na ako. Kailangan ko nang mag aral. Pero bakit ganon tamad na tamad talaga ako. Pumpasok lang siguro ako at hindi nag aaral. Buti pa si Carla matalino kahit tamad rin naman mag aral hahaha.
Linggo ngayon at nagbabantay ako ng tindahan namin. May bumibili at kung minsan ay wala. Natatakam ako sa mga pagkain na nandito sa aming tindahan. Kaya panay ang kuha ko. Nasamoal ko ang kinakain kong Gotcha at mabilis iyong nginuya. Tumabi sakin si Nanay. "Grabe may bagyo pala ngayon. Baka wala kayong pasok nito bukas. Mag home study ka bukas kung wala man." Anya.
Tumango ako.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga nya. Inayos ang takas na buhok ko "Tatamadin ka nanaman? Kung patamad tamad ka walang mangyayari sa buhay mo. Tingnan mo sa labas grabe ang ulan. Kunti ang bumibili sa tindahan." Anya at kinuha ang benta ngayong araw "simula kaninang umaga hanggang ngayon 40 pesos lang ang benta? May kasabihan nga 'Kung may ipapagpaaral pa sayo. Mag aral ka. Maswerte ka dahil maraming kabataan ngayon ang gustong mag aral pero hindi makapag aral dahil walang sasagot sa tuition, baon at projects'. Kaya ikaw sana kung iisipin mong tinatamad ka tatamarin ka talaga. Pero kung iisipin mong hindi. Nakakaganang mag aral".
Umalis si Nanay kasama ko at naiwan naman akong tulala. Di maproseso ang sinabi ni Nanay.
Oo, inaamin ko. Tamad talaga ako sa lahat pero pag alam kong dapat gawin ay ginagawa ko naman.
Nag online nalang ako sa cellphone kong Samsung. Kachat ko ngayon si Carla. Napatingin ako sa friend request dahil may nakita akong isang pamilyar.
Sure ba to? Inadd nya ako sa Facebook. Ang cute nya.
Inaksep ko yon at nagsimulang mag scroll sa Facebook. Pero agad may lumabas na chat heads. Hindi ko inaasahang mag chachat talaga sya.
Levan Fourth
Hi, nakita mo ba si Suse? Kanina kopa kasi sya hinahanap.
Me:
Hindi eh. Magtanong ka sa iba or kala Rose baka alam nya.
Levan Fourth
Ah ganon ba. Btw, taga dito ka ba sa Manlapaz?
Me:
Oo medyo malapit lang sa inyo eh. Bakit? Punta ka? Hahaha.
Levan Fourth
Hahaha... Kung pwede ba? Ilan taon kana?
Me:
Interview ba to? Parang nasa Boy Abunda ako ah! Hahaha. 14 na sa October 18
Levan Fourth
Hindi! Ipaglaban to. Hahaha... Ah! 14? Ako naman ay ma 14 na din. Mas matanda na pala sa buwan sakin. CNC ka rin ba?
Me:
Oo. Grade 8 sa room 107.
Levan Fourth
Sige, punta ako hahaha... Charrot.
Wow ha! May pa charrot charrot ka pa. At ayon na nga dumami pa ang conversation namin. Ewan ko ba natatawa ako tuwing mag jojoke sya. Nararamdaman kong hinahabol ako ng mga kabayo at kailangan ko ng tubig sa tuyong lalamonan.
Kalaunan. Nagtambay kami nina Carla sa gilid ng Plaza Manlapaz. Dumating rin sina Clein, Riki, Rose, Hany, Maria, Suse at ang kapatid nyang si Levan. Ramdam ko ang panay sulyap nya sakin. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil ba yon sa chat namin nitong mga nakaraang araw?
Nagkwentohan kami at masaya ang lahat. Maingay si Suse pero agad namin syang nakaclose dahil sa galing nyang makisama. Pero ang Kuya nya ay magsasalita lang kung alam nya ang pinag uusapan or tatanongin sya.
Dumaan ang mga araw ay lagi kaming magkausap. Sa tuwing magjojoke sya napapatawa ako kaya nasisigawan ako nina Mama at Nanay na baliw. Si Papa naman ay nagtatrabaho bilang isang track driver.
Malapit na matapos ang School Year at naging kaclose ko naman ang karamihan sa mga kaklase ko.
Sa Fourth Grading magdudula kami about sa Florante at Laura sa Filipino Subject.
"Count, 1-4" ani Sir Bolgar.
Nagsimulang magbilangan ng biglang lumipat ng upuan si Carla at sinenyasayan akong wag daw maingay. Napailing nalang ako. Ganyan kami, kung minsan ako ang nalipat ng upuan para kami ang magkagrupo kahit na wala naman akong naitutulong. Pano ba ako tutulong kung parang ayaw naman nila makinig.
"4" biglang anya ni Carla.
"1"
"2"
"3" ani ko. So, hindi kami magkagrupo.
"4" anya ng katabi ko.
Sumimangot si Carla at ngumuso. Pota! Sino naman kasama ko don? Mga pabida naman ata kagrupo ko. Wala si Carla. Gusto ko kagrupo sya.
"Pwede palit tayo? Sa Group 3 sina Shane" sabi ko sa katabi kong group 4 na si Sandra, bestfriend nya kasi Shane, kaya lumipat rin sya para makagrupo yon pero hindi rin tumogma. Tumango sya at agaran akong tumayo at lumipat sa group 4. Nagtawanan pa kami ni Carla dahil sa kalokohan namin na yon.
"Kala ko di na kita kagrupo eh! Hahaha..." Bulong nya.
"Alam mo namang magagawan yan ng paraan hahaha..." Tumawa kami parehas.
"Dito ka Rizavin?" Sarkastikong ani Brits.
"Kaya nga nandito diba? Yabang mo" biglang ani Carla.
Alam ko naman na para sa kanila itchapwera lang ako sa grupo. Kahit na nagbabayad naman ako pag may kailangan bayaran. Pag may binigay naman silang gawain sakin ginagawa ko naman.
Kahit na wala na akong panrecess basta makapagbayad agad sa kanila.
Sa kalagitnaan ng 3rd Grading magkakaclose pa kaming lahat. Pero habang tumatagal lumalabas ang tunay nilang mga ugali. Dahan dahan nilang nailalabas kung sino talaga sila, na hindi to tulongan ng mga magkakaklase dahil isa tong pataasan ng marka. Akala ko pa naman tulongan kami, pero nagkamali pala ako. Dahil mataas na score ang gusto nila gusto nila sila lang ang aangat bahala na kaming mga kamag aral nila.
Nang nagsimula na ang dula sa Florante at Laura, ako ay isang extra lang na nakatayo ron at walang ginagawa, pakshet lang ha! Anlaki ng binayad ko sa custome kayo lang pala makikinabang. Habang ako nandito at mukhang kawal kahit hindi naman. Ako yung kaibigan ni Laura, si Carla ang gumanap na Laura.
At nang patapos na ang School Year nagkasundo ang lahat na mag outing daw sa Sinagtala River. Ayaw ko sana sumama pero dahil nandon naman si Carla ay pumayag na rin ako.
Bat ganon, sabi nila pagkasama mo matalino magiging matalino ka rin! Bat ilang taon ko nang kasama si Carla pero bobo pa rin ako. Depende ata yon sa utak eh! Langgam ata utak ko.
Nasa Sinagtala na kami at nagsimulang magbayad ng 20 pesos para sa entrance. Samantalang sina Rizza naman ay nag 123. Mga baliw talaga.
"May 20 ka?" Ani Zoren sakin.
"Pamasa---" pinakita ko ang 20 kong isa agad nya yung hinablot.
"Ayon! Thank you..." At ibinayad.
"Bakit mo kinuha? Pamasahe ko yon pauwi!" Galit kong sabi
"Hahahaha... Ede maglakad ka!" Anya.
Agad ko syang hinabol pero mabilis sya at tumalon agad sa ilog. Maganda dito may padusdosan at babagsak ka sa tubig, may kubo rin. Pero hindi kami sa kubo nag rent kundi sa isang lamesa lang kaya nagkontri kami don. Madami kami nasa 15 siguro.
Nagsimula nang maligo ang mga lalaki samantalang kumuha naman ako ng Piattos na dala ni Joy. Inaya agad ako ni Carla at sumama nako. Tumalon kami don pabagsak.
"Tara sa number 3!" Aya ni Carla. Nasa number 2 kasi kami na hanggang balikat ang tubig.
"Malalim yon..." Sagot ko.
Tinuro nya ang number 3 "nandon naman sina Ward! Tara! Try ta..." Anya.
Umahon ako at dahan dahang bumaba sa tubig ng number 3. Pota! Parang gusto ko nang umalis! Wala akong maapakan na bato sa ilalim. Napahawak ako kay Carla. Na nagpapanic na rin dahil lagpas tao pala to.
Nangapa kami sa gilid at lumapit sa may mataas na batong malaki.
Nagtatawa sina Ward dahil nanlalaki ang mata dahil sobrang lalim non.
"Ano na? Di ka lalangoy?" Ani Ward.
Inirapan ko yon at umahon na bumalik ako sa 2. Umahon na rin si Carla at sumunod sakin na tumatawa pa. Bumagsak ako sa tubig. Mas maganda pa dito balikat ko lang kahit naglalakad lang naman at palubog lubog lang ako sa tubig.
Nang mag alas dose ng tanghali nagmukbang kami sa kinuhang dahon ng saging nina Simone sa gilid. May tanim kasi don ng saging.
Kanin at pancit canton ang kinain namin. Masaya ang araw na yon sakin.
Parang ibang iba yung mga kaklase ko nung may pasok pa kami. Umuwi ako ng masaya. Kinamusta nina Mama ang outing namin, kwenento ko naman.
"Puro pasarap ka lang sa buhay bebe eneng..." Ani Nanay.
Masakit magsalita si Nanay, dala siguro ng katandaan. Pero alam ko namang para saakin din yon. Lalo na lagi nya akong senesermonan at pinapangaralan.
Nag online ako kinagabihan at nabasa ko ang mga chat ni Levan sakin. Simula ng maging chat buddies kami. Naging komportable kami sa isa't isa nakwento sya sakin ganon rin ako sa kanya. Nag voice message sya sakin isang beses at nang mapakinggan ko yon. Tangina! Parang hinahabol ako ng mga kabayo sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
BLACKxNEON