Nalulusaw ako sa tuwing kachat ko sya. Alam nyo yon? Yung ansaya mo sa tuwing may napagsasabihan ka ng problema mo at mga ginagawa mo. Maraming may balak na manligaw pero isa lang ang pinili ko, at si Levan iyon.
Pakiramdam ko wala nang mas hihigit pa sa kanya.Pakiramdam ko sya na yong makakasama ko habang buhay. Pero sana... Sya na. Mabait sya, sweet, maalalahanin at higit sa lahat napapatawa nya ako sa bawat biro nya. Lalo na sa huli may charrot.
Pero ganunpaman. Dumating ang kinakatakot ko. Bihira na sya mag online. Mag oonline man sya pero madali lang. Andami kong naisip na kung ano ano. May iba na ba sya? Sawa na ba sya sakin? Anong mali sakin? May pagkukulang ba ako? Nitong mga nakaraang araw ok pa naman kami ah? Bakit habang tumatagal nagiging cold na bawat reply nya?
Me:
Hoy, asan ka?😊
Bakit di kana naonline?😢
Hoy... Usap naman tayo marami ako kwekwento hehez.
2hours pa bago sya nag reply.
Levan:
Sorry busy lang. Ano kwekwento mo?
Ang cold talaga dati naman hindi aya ganyan. Nacucurios tuloy ako. Please wag ka naman ganyan. Dati excited sya sa bawat kwento ko pero ngayon, bat ganto ka? Ayaw mo na ba sakin? Sabihin mo lang para di na ako masaktan pa. Kasi ngayon pa lang nasasaktan na ako.
Me:
Ah busy pala. Sige next time nalang. Good night tulog kana rin.
Levan:
Nyt.
Potek! Naiinis ako ha! Ano bang problema mo? Masaya naman tayo ah! Bakit ka ganto ngayon? Di mo na ba ako mahal? O hindi mo talaga ako minahal? Akala ko ba tayo hanggang dulo?
Ganon palagi ang conversation namin. Madalas kong ikwento kay Carla yon. Nawawalan na rin ako ng gana kung ganto sya. Pano ko sya ibebreak kung barkada sya ng barkada ko? Ayaw ko sya iwan. Iniisip ko palang na iiwan ko sya parang dinudurog na ang puso ko.
"Marami pang iba dyan. Wag ka maghabol besh sa taong ayaw sayo." Ani Carla.
Napailing nalang ako. Napatingin ako sa room nila. Hindi pa sila pinapalabas ng teacher nila at kami naman ay kanina pa pinalabas.
"Alam mo besh... Kung kayo talaga. Kayo talaga nyan. Kung mahal ka hindi yan magkakaganyan baka may problema lang hayaan mo muna sya. Pero kung ayaw mo na rin naman ede iwan mo na marami naman dyang iba. Baka mas lalo kang masaktan pag nagtagal pa kayo." Anya.
Baka nga may problema lang sya. Hayaan ko muna sya, pero sana magsabi sya kung ano yon, or baka naman private problem kaya ayaw nya magkwento.
Napabaling ang tingin ko sa room nila ng magsilabasan ang mga kaklase nya. Pero ang lalaking inaasahan kong lalabas ay wala. Asan sya? Di ba sya pumasok? Gusto ko syang makita at makasama tulad ng dati.
"Ano? Hanggang tingin ka na lang sa room nila? Puntahan mo!" Taboy sakin ni Carla. Epal talaga tong babae na to.
Kakahiya naman. Mukhang wala pati sya mukhang hindi pumasok.
Tumingin sa likod ko si Carla at may kinawayan "Uy! Suse..." Anya, napabaling ang tingin ko sa likod nang lumapit saamin si Suse "Asan Kuya Levan mo?" Tanong ni Carla.
"Ewan ko don!" Kibit balikat pang ani Suse.
"Pumasok ba?" Tanong ni Carla.
"Oo. Sabay pa nga kami eh... Baka nandyan lang. Di pa siguro nalabas." Anya at umalis na kumaway pa.
"Tara! Daan tayo sa room nila. Tingnan lang natin." Anya at hinigit ako.
Hawak ni Carla ang braso ko ayaw ko sana dumaan baka sabihin papansin ako. Pero bahala na di ako titingin. Pero potek lang! Tumigil pa ang Carla at sumilip sa room nila. Tumago ako sa pinto habang hawak nya pa rin ang kamay ko.
May lumapit sa pinto at biglang sumigaw sa loob "LEVAN! NANDITO JOWA MO! HINAHANAP KA... HAHAHHAHAHA..." umalingawngaw ang baritonong boses sa loob.
Agad tinampal ni Carla ang sumigaw. "Gago! Hindi naman si Levan. Si Jessa hinahanap namin." Umirap pa.
Namilog ang mata ng lalaki "Oh! Nasa kabilang room yon hindi dito!" Pasigaw na sagot.
Umirap si Carla at hinigit ako paalis. "Nandon sya sa gilid may kausap na mga babae. Dalawang maitim na babae." Anya.
Maitim? Sya ata yung bestfriend nya. Si Brenda at Ana. Yung brenda ang taray nya siguro nga may gusto sya kay Levan dahil pag nakikita ko sya napaka seryoso ng mukha nya pero pag nandyan naman si Levan may pangiti ngiti pa. Si Ana naman mataba at maitim rin may gusto rin ata yon sa kanya.
"Si Brenda at Ana ata... Bestfriend nya yon ay!" Sabi ko.
Humarap sya sakin nanlalaki ang mata "Di sa nagjujudge ako besh ha... Pero kasi... Parang bakla yang Boyfriend mo hahaha... Joke! I mean kasi yung galaw at boses nya parang bading... Tara na nga. Pasok na tayo sa room. Mukhang walang balak lumabas yon eh!" Anya at nagpatianod ako sa kanya papasok sa room. Bago pa makapasok napatingin ako sa room nila. Tumigil ako sa pinto ganon rin si Carla. Nakita naming si Levan ay nasa pinto ng room nila at palinga linga, nakatago pa ang katawan sa loob at ulo lang ang nakalabas. Mukhang may tinatagoan. Agad syang lumabas kasama ang dalawa nyang alipores matapos luminga linga kanina.
Nakikipagtawanan at may pahampas hampas pa sya sa dalawa nyang kaibigan. Naitikom ko ang kamao ko at pinipigilan ang frustrasyong nararamdaman. Parang may milyon milyong sumaksak sa puso ko at ngayon ay dugoan. Ang sakit... Ang sakit na makita mong lumabas sya ng room nung hindi ka na nya makita. Masakit yung taong minahal mo at pinagkakatiwalaan mo ay umiiwas na sayo.
Napahawak sa braso ko si Carla, bumaling ako sa kanya at naitikom ang bibig ko. Pumasok ako sa room. Umupo at ipinatong ko sa desk ang bag ko para makahungko. Gusto ko nalang matulog. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang kalimutan sya. Ayaw ko ganto. Ayaw kong nakikita syang masaya sa iba. Gusto ko ako yung dahilan ng saya nya at hindi ang iba. Mukha naman wala syang problema base sa nakita ko. Siguro pagod na sya sakin? Siguro sawa na sya.
Feel the pain, until it hurts no more...
Naramdaman kong hinahagod ni Carla ang likod ko. Alam na nya kasi kung bakit. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko.
"Wag ka nang umiyak... Sa mundong pabago bago..." Biglaang kumanta sa tenga ko si Carla. Bwesit talaga to! Nag eemote ako dito kakantahan ako ng masakit na lyrics ede mas lalo akong naiyak. Bwesit!
Pinunasan ko muna ang luhang nasa pisngi bago tumingin sa kanya. Nakangisi sya. Ngumisi ako pero naitikom ko ang bibig dahil alam kong tutulo nanaman ang luha ko.
Tumatak sa isip ko yung nakita ko. Kahit nag lelesson na nakatatak sa isip ko yon. Pinipilit kong limutan pero sabi nga nila. 'Damhin mo ang Sakit hanggang sa mawala ang sakit'.
Kaya nang mag uwian na ay nagpahuli kami ni Carla. Nakatago kami sa likod ng canteen. Nang lumabas na sya ay luminga linga pa. Siguro hinahanap kung nasan kami at nang makitang wala kami ay tumakbo sya palabas ng campus. Nakalabas na sya at umiling iling si Carla at naglakad na rin kami palabas.
"Mukhang umiiiwas nga besh..." Anya.
Yun ang naging laman ng isip ko hanggang sa makalabas kami ng campus. Tumaas na kami ng hagdan at nagulat ako ng makita ko syang sumakay agad ng tricycle kahit na dati'y hindi naman sya agad sumasakay. Sa harap pa ng munisipyo sya dati sumasakay pero ngayon, dito sa taas ng hagdan. Tumingin sya sakin. Napatagal ang tingin nya at agad ding umiwas ng tingin. Nakalayo na ang tricycle at nag dirty finger si Carla sa papalayong tricycle na sinasakyan ni Levan.
Naglakad na kami sa tulay. "Anong problema non? Kausapin ko mamaya. Gago sya! Kung ayaw na nya sayo ede magsabi sya hindi tong umiiwas sya." Anya.
Napabuntong hininga nalang ako. Kumain muna kami ng fishball ni Carla sa food court. Naalala ko dati after class kumakain kami dito ni Levan, libre nya. Pero ngayon wala sya. Umiiwas. Napalinga linga ako sa paligid nagbabasakaling makita ko sya pero wala. Umuwi na talaga. Darn... I miss him.
Umuwi na kami ni Carla. Nag online ako at nakita kong online sya. Nagtipa ako ng mensahe sa kanya.
Me:
Nakauwi ka na ba? Di ka nang antay ha😓
Ilang minuto pa bago sya nagreply.
Levan:
Di kita nakita. Umuna nako.
Ganon lang... Wala nang iba pang sinabi. Ano to? Ano pa ba tayo?
Ganon ang nangyari sa nagdaang araw ang cold nya, umiiwas pa. Dahil sa ginagawa nya... Unti unti nakong nawawalan ng gana.
Nakatanggap ako ng chat galing kay Carla.
Carla:
Besh, nakachat ko Levan mo. Nasa manila raw sya mag aaudition daw sa PBB HAHAHAHA! Baliw na tong jowa mo. Pbb raw hahahahaaha... Tawang tawa ako nako dito.
Napakunot ang noo ko. Pbb? What the... Hahahaha... Pbb ampotek.
Simula pa kasi nong Friday di sya nag oonline kaya nagtataka ako. Kung dati bihira sya mag online. Pero ngayon, 3days nang walang online.
Binuksan ko ang account nya. Madalas kong buksan ang account ni Levan. Minsan nga nagtatampo na ako dahil inuuna nyang replyan mga kaibigan o kaklase nya kesa sakin. Binabalewala ko nalang dahil nga mahal ko. Pero masakit pa rin.
Nabasa ko ang chat nila ni Carla.
Andito ako sa Manila. Mag aaudition ako sa Pbb - Levan.
Pbb? Hahaha... Nag aano ka dyan? Anyare bakit ang cold mo sa bestfriend ko? Ano ba problema mo?🙄 - Carla.
Sorry, kailangan ko lang gawin yon. Promise pag uwi ko may surprise ako sa kanya. Tulongan mo sana ako. - Levan.
Ge, ano ba yon? Plano plano agad! 1 month nyo malapit na. - Carla.
Aarkila sana ako tricycle gusto ko gagala kami sa buong bayan kahit saan nya gusto. Tapos bibili ako cake at aayosin ang kwarto ko para mag set ng design. Tulongan moko ha! - Levan.
Talaga? Weee... Kaya pala ganyan ang trato mo sa kanya. Kahit sana may plano ka hindi dapat ang trato mo sa kanya. Pinapahirapan mo pa sya sinasaktan mo! -Carla.
Tulongan mo nalang ako. - Levan.
K - Carla.
Marami pa akong nabasang nagchachat sa kanya. Curious ako kaya yung iba binasa ko. Madalas nyang kausap si Brenda.
May surprise sya sakin? At hindi man lang nya denelete yung convo nila. Di man lang inisip na inoonline ko account nya. Di na yon surprise nabasa ko na eh.
Napabuntong hininga nalang ako at nag scroll sa Facebook. Panay shared post ako, pampaantok ba.
Nakakachat ko rin ang iba kong barkada kaya di boring.
"Mag aral ka naman bibi eneng. Puro ka cellphone!" Ani Nanay. Ayan nanaman tatalakan nanaman ako. Marami pa syang sinabi at nag headseat nalang ako at nagmusic ng favorite kong kanta na 'Statue'.
BLACKxNEON