PAGE 7: KINAKABAHAN

Kahit nong nakabalik na si Levan ay ganon pa rin sya. Sobrang cold. Maraming bumabagabag sakin. Baka nagagawa lang sya ng kwento na may surprise sya kaya ganon sya? Binibigyan nya ako ng dahilan para iwan ko sya. Siguro dapat ko na syang hiwalayan. Wala na rin naman nangyayari para nalang kaming magkakilala.

Bakit di nalang nya sabihin na 'Rizavin break na tayo sawa na ako sayo' ang sakit naman pagsinabi nya yan. Iwan ko na kaya? Ano naman mangyayari pag iniwan ko sya diba? Mukha ring hindi na nya inoonline ang account ko. Nung una inoonline naman nya account ko pero nitong mga nagdaang araw na cold sya mukhang wala na rin syang pakiaalam.

Madalas ko syang ikwento kay Carla. May nagchachat saking gusto manligaw. Dati seneseen nya yon at kung minsan binablock nya or minsan sya ang nareply. Sinabi nyang Boyfriend nya to! Stop chatting her. Alam nyo yon? Sa tuwing may chinachat syang ganon nasisiyahan ako. Alam na alam mong mahal ka ng isang tao dahil sa selos nya. Pero sa una lang pala masaya ang lahat. Dahil habang tumatagal mas napalalayo sya sayo.

Nakakumot ako habang nag eelectric fan. Lakas ng amats ko. Kahit mabanas nakakumot pako. Hindi sya nag online. Pero chinat ko pa rin. Kasi habang tumatagal hindi ko na sya minamahal.

Me:

   Bakit ang cold mo?😥

   Hindi ka naman ganyan dati eh.

   Parang ayaw mo na sakin?🤧 Ayaw mo na ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo na.

  Kasi habang tumatagal nawawala yung pagmamahal ko sayo. Sorry ha. Pero kailangan na ata natin itigil.

   Sana di pa rin mawala yung pagiging magkaibigan natin kahit ganto.

   Ayaw ko na kasi mukhang hindi ka na masaya. Sumaya ka naman ba sakin? Siguro oo na hindi. Kasi hindi naman magiging tayo kung hindi ka naging masaya diba?

   Ingat ka💕.

Yun ang huli kong chat sa kanya at nag off nako ng cellphone, nilagay ko sa gilid ng kama at pumikit. Tumagilid ako at niyakap ang unan. Napakiramdaman ko nalang ang sarili kong pumapatak ang luha sa unan.

Nakapikit ako pero buhay na buhay ang diwa ko. Totoo pala yung sabi nila pagmalungkot ka mahihirapan kang matulog. Nakapikit kanga pero buhay naman ang diwa mo. Di mo kayang matulog ng malungkot.

Umupo muna ako at humarap sa altar. Nagdasal ako. Pasalamat sa lahat ng blessings na natamo at patuloy akong humihingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko.

Humiga ako sa kama at niyakap nalang ang unan. Kinuha ko ang cellphone ko at nag online ulit para pampaantok.

Agad may chat heads na lumabas. Bumilis ang pintig ng puso ko. Nanginig pa ang thumb ko ng pinundot yon.

Levan:

   Sorry... Sige kung ayaw mo na papakawalan na kita. Sana maging masaya ka.

   Sorry. Nag audition kasi ako sa Pbb.

Yun lang ang sinabi nya at halos matawa ako dahil sa pbb. Nagbibiro ba to? Bata ka pa di ka don matatanggap totoy.

Ang cold talaga. Sabi ko na eh ayaw nya sakin. Sige alam ko naman na kasawa sawa ako. Ok lang sawa na rin naman ako sayo.

May chat heads pang dumating. It was Clein. Nagchat sya.

Clein:

   Bat gising ka pa bb eneng? Ala una na ng madaling araw gising kapa. Iba talaga pag may ka late night talks with Boyfriend hahahahahaha😂

Me:

   Di ako makatulog. Wala nga kausap eh! Wala ako jowa. Ikaw pa meron!😤

Clein:

   Ulol! Wala na kami. Hanap ako bago hahahahaha😜

Napairap nalang ako at tumipa pa.

Me:

   Hayop ka! May darating dyan para sayo wag ka maghanap. Yan tuloy yung nahahanap mo maling tao.😒

Clein:

   Eh bakit? Si Levan ba tamang tao sayo?

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Nanikip at halos maglagay ako ng katinko sa ilong para guminhawa ang pakiramdam.

Me:

   Wala na kami. Kakasawa wala kaming thrill. Nag cecellphone pa sya minsan pag magkasama kami ayaw ko ng ganon. Dapat bigyan nya naman ng time yung kaming dalawa lang. Di naman importante ginagawa nya. Nag sscroll lang sya sa facebook. Tangina.

Clein:

   Hahahahaha, yan jowa pa. Lesson lang yan sayo na dapat wag ka basta basta magjojowa dapat mag observe ka muna bago mo sagotin. You deserve someone na magpaparamdam sayo na ikaw lang.

Me:

   Walang someone else! Baka di nako makajowa potek.

Clein:

   Wag ka pakasisiguro baka tawanan kita pagnakita kitang may kalandian sa daan. Tatawanan talaga kita hahahahahaha laughtrip ka bb eneng tulog kana. Sweet dreams. Sana mapaginipan moko hahahaha

Me:

   Asa! As if na mapaginipan naman kita. Ulol! Goodnight hito.

Clein:

   Anong hito? Makahito ka mukha ba akong hito?

Me:

   Basta hito na tawag ko sayo HAHAHAHAHA! Bye hito😜😆

Pumunta ako sa bahay nila Carla. Ngayon ako naman ang pupunta sainyo para sabay na tayo. Nanliit ang mata nyang tinititigan ako. Nagsusuot sya ng sapatos nya habang ako naman ay kausap si hito at ang iba pa naming kaibigan sa Manlapaz.

Nang matapos sya, lumabas na kami ng gate nila at naglakad na sa tulay papunta sa CNC. Hinigit nya ako paharap sa kanya.

"Umiyak ka no?" Giit nya "Bakit? Wala na kayo? Anyare!" Anya.

Bumuntong hininga ako at hinigit sya para maglakad. Ikwenento ko sa kanya na wala na kami at cold. Ayaw na sakin. Halata naman. Kung ayaw sakin ayaw ko rin sa kanya. Di ko pipilitin yung ayaw.

Nag thumbs up si Carla sakin at tumango "Tama yan! Saka mukha syang bakla! Bakla ba sya? Di naman sa naninira ha! Matagal ko na napapansin di ko lang sinasabi kasi jowa mo yon eh! Pero... Bakla sya? Sa tingin mo?" Anya.

"Siguro. Para nga! Di ko rin alam kasi noon pa ganon na ang kilos at salita nya. Pag magkakasama kami sa Manlapaz." Sabi ko.

"Naiinis lang ako. Kung ayaw namana nya sayo bat di man lang nya sabihin. Ayaw ka lang ata saktan. Pero dapat sinabi nya pa rin kasi habang tumatagal mas lalo kang masasaktan diba?" Anya.

"Oo. Nasasaktan ako kagabi nagtitipa ng break chat sa kanya. Ok lang yon. Basta ngayon...." Ngumiti ako  at itinaas ang dalawang kamay sa ere "I'M FREE!" pumikit pako at dinama ang hangin sa tulay.

Pababa na kami ng hagdan ng marinig ko ang sumigaw sa kalsada.

"BIBI ENENG!..." pamilyar na boses. Nakita ko si Clein yung simigaw. Tumatawa pa.

"Uy si Clein! Pogi ni Clein don ka nalang kaya! Ang bait pa." Sabi ni Carla.

"Kaibigan sya ng Levan ayaw ko pumatol besh. Kachat ko yan kagabi sa kanina parantanga nga." Sabi ko at bumaba na kami ng hagdan.

Bumungad saamin ang guard. Pinagsarhan kami ng gate. Potek! Late na pala kami ng 15minutes. Nakatayo lang kami sa labas ng gate ng School. Nagkwentohan kami ni Carla. Paunti unti marami na kaming kasama sa labas na late rin.

Nang makapasok na kami sa loob ng campus ay pumila kami para sa flag ceremony. Pagang tulak ko si Carla para sya na mag lead ng Lupang Hinirang. Pagang tawanan ko pati ay tumatawa habang nag lelead. May tumatawa ring iba sa kanya kaya nagagalit na yung Principal ng junior high dahil hagikhikan ang naririnig sa awit.

Nang matapos ay may biglang humawak sa braso ko. Si Nicen pala. Inis ako sa kaklase kong to dahil papansinin ka lang pag walang kasama pero pag may kasama halos basura ka lang na dinadaan daanan. Ngumiti pa sakin na plastik na ngiti.

Nang makarating kami sa room ay wala pa ang TLE teacher namin. Boring talaga ng TLE kaya kung minsan tinatamad ako pumasok dito eh.

Nagcellphone muna ako at kausap ko si Suse, Rose, Albon at Clein.

Suse:

   Wala na pala kayo ni Kuya? Buti naman hiniwalayan mo na yon! Bwesit yon.

Rose:

   Ano? Wala na pala kayo ni Levan? Kala ko magtatagal kayo.

Albon:

   Sa sabado birthday ni Ben magpapainom punta ka para buo barkada.

Clein:

   Hoy! Baka umiiyak ka pa dyan sa room nyo. Wag kana umiyak. Hahahaha... Makinig ka sa teacher nyo.

Nireplyan ko sila isa isa.

"ANDYAN NA SI MAM TLE!" pasigaw na ani Brits.

Ipinasok ko ang cellphone ko sa bag at humalukipkip nalang sa harap. Nasa dulo kasi kami umupo para kita ang lahat. Ramdam ko ang lamig ng dingding sa likod.

"Mam, si Rizavin po nagcecellphone..." Biglang ani Brits. Bwesit! Pahamak!

Di yon pinansin ni Mam. Sinamaan ko ng tingin si Brits nang umupo sya sa upoan nya.

Tiningnan nya ako at tinawanan "Wag ka kadikit sa dingding Rizavin. Nagmumukha ka na ring dingding..."

Umusok ang ilong at tenga ko. Hayop ka! Wag ka sana makapasok sa langit. Potek Brits.

"Bakit?" Biglang tanong ng kaklase kong si Rubels kay Brits.

Ngumisi si Brits sakin at bumaling kay Rubels "Flat! HAHAHAHAHAHA!" Humalagpak sya ng tawa. Sumabay rin ng tawa ang ilan.

Nag dirty finger ako sa kanya at sabay sabing 'Fuck you' .

"Mam! Si Rizavin oh! Namamakyu..." Duro nya sakin habang sumusumbong kay Mam.

"Para sumbong na totoy. Bigyan nga yan ng lollipop kulang ata sa chop chop." Sarkastikong ani Carla.

Halos sumabog ang buong room sa kakatawa ng lahat. Tumawa rin si Mam. Pero pinatigil rin kami. Nagsimula ang discussion.

Nang mag uwian sa hapon, tumango kami sa Food Court ni Carla. Nakikita ko rin don si Levan at nakikita kong masaya naman sya kasama yung dalawang alipores nya. Landi lang... Wala nako dyan paki. Di ka kawalan. Naka move on nako. Duh!

Siniko ako ni Carla, napansin ata ang titig ko kala Levan "Hoy! Kanina ka pa nakatitig don ah! Di ka pa move on no?" Nguso nya kala Levan.

Umiling ako at tumusok ng fishball sa cup  "Nakamove on nako. Nalalandian lang ako don sa dalawa nyang alipores. Hahaha..." Tumawa ako.

"Alipores? HAHAHAHA! Alipores ang Gago! Bat alipores? Dapat higad. Dikit na dikit sa ex mo kala moy may aagaw. Di naman sila pinapatulan hahahaha..." Tumawa tawa pa. Natawa rin ako. Oo nga no? Di man lang nya pinatulan yong dalawa.

Pumasok kami sa Novo. Maliit lang sya. Parang mall. Naglibot libot kami. May napagdiskitahan pa si Carla pagang dilwatan yung bata inaaway pa. Halos sumakit tyan ko sa kakatawa. Gago talaga tong si besh. Mukhang tanga pati bata pinapatulan.

Lumabas na kami ng Novo dahil wala naman kaming mabibili. Sa food court kami dumaan pero napatianod ako sa higit ni Carla saakin. Tinuro nya yung grade 8. Ang gwapo nya ang lantik ng pilik. Kayumanggi ang kulay. Matangkad sya na medyo payat. May kausap syang lalaki, kaklase nya ata.

"Sya yung kwenekwento ko sayong poging grade 8 besh! Shit! Ang pogi... Sya yung nakakachat ko kaso ayaw ko patulan ng mga banat ko dahil ayaw ko pumatol sa bata no! Isang taon agwat namin ayaw ko. Gusto ko yung mature at matanda sakin ng kunti" mahina nyang ani. Nakatitig lang ako don sa lalaki. Napabaling ang tingin nong lalaki saakin at sunod kay Carla.

"Oy! Carla!" Anya kumaway pa.

Dumiin ang pagkakahawak ni Carla sa braso ko, kinikilig pa.

"Uy Rujan! Uwi na kayo?" Lumapit si Carla. Nakatitig lang ako don sa lalaki na di pa rin tumitingin saakin.

"Oo, nagfood court muna kami. Kayo? Uwi na kayo?" Bumaling sya sakin. Ngumiti sya. Ayan nanaman... Ang bilis nanaman ng kabog ng dibdib ko. Potek! Anyayare sakin?

"Oo dumidilim na eh. Sige alis na kami" ani Carla at hinigit nya ako paalis. "Pogi no? Kaso bata!" nanghihinayang nyang sabi.

"One year lang naman agwat nyo." Giit ko.

Umirap sya "Yaw ko non! Alam mo naman di ako napatol sa ganon. Kahit pogi pa yan di ako papatol sa bata no." Anya at sumakay na kami sa tricycle. Nasa likod sya ng driver habang ako'y nasa loob.

Gumabi na at nakatanggap ako ng chat kay Carla nakachat daw nya yung Rujan.

Carla:

   Hoy! Nakachat ko nanaman! Di kona nerereplyan baka mainlove pako HAHAHA!😆

Sinabi nya sakin yung name sa Facebook kaya inadd ko at inaccept naman nya chinat ko agad. Ayaw pala mainlove Carla ha? Ako ang tutulong kay Rujan para maging kayo.

Me:

   Hi, ikaw yong kanina diba?

Halos mangatog ang tuhod ko sa biglaang pagtitipa nya.

Rujan:

  Oo, Rizavin ka pala. RR pala tayo hahaha...

Potek! Bakit ako kinakabahan habang kinakausap sya? Hindi ko alam, siguro dahil tutulongan ko sya para kay Carla.

Marami kaming napag usapan minsan nagjojoke sya at natatawa ako.

"Bibi eneng... Tawa ka ng tawa dyan. Matulog kana!" Ani Mama.

Tumaklob ako sa kumot at pinipigilan ang tawa. Bumabanat pa. Di moko madadaan sa banat na yan tutulongan lang kita kay Carla. Nagulat pako dahil katabing room pala sila ni Levan.

Speaking of Levan. Hindi na sya nasama saming magbabarkada pagtumatambay sa court ng Manlapaz. Bahala sya. Buti nga wala sya kundi baka tuksoin pako ng barkada.

BLACKxNEON