Minsan maiisip mo nalang na bakit kapa nabuhay sa mundo kung masasaktan ka lang din naman. Hindi madaling mabuhay lalo na kung laging pasakit ang nararanasan mo.
Lalo na pag kinukumpara ka sa iba. Sobrang sakit yung ipagkumpara ka sa iba. Sabi ko sa sarili ko 'Kahit anong kumpara nyo sa kanya sakin, iba pa rin ako sa kanila'. Ayaw ko sa lahat yung kinukumpara ako kasi hindi naman ako yon.
"Ang galing talaga ni Emely no? Bat hindi ka don nagaya Bb?" Si Mama.
"Kaya nga. Galing na bata sa Emely! Andaming nakuhang awards... Ikaw kaya Bb kailan magkakaron? Baka hindi ka pa makapagtapos sa katamaran mo." Si Nanay.
"Magtatapos ako." Depensa ko.
Feel me? Yung kinukumpara ka porke hindi mo kasing talino ang pinsan mo.
"Kung hindi naman kaya... Hayaan nalang natin." Pagtatanggol ni Papa sakin.
"Kaya yan. Sya lang talaga ang ayaw mag aral. Pinapaaral hindi nag aaral. Puro pasarap sa buhay......." Si Nanay.
Marami pa silang sinasabi pero hindi ko ininda. Sa makatuwid ay kinuha ko ang headset ko at sinalampak yon sa tenga ko. Araw araw nalang ganyan ang naririnig ko. Umagang umaga puro ganto, ganyan. Nakakasawa na!
Nakatanggap ako ng chat galing kay Rujan. Madalas kaming magchat at napapasaya nya ko. Ito nanaman tayo, ang rupok ko nanaman. Kung mahal mo talaga ang isang tao, kailangan mong sumugal kahit anong mangyari.
Buwan ng Hulyo ay lumipat bahay na kami sa Calabasa, Camarines Norte. Ayaw ko nga sanang sumama dahil mapapalayo ako pagpapasok. Yung dating kahit anong oras ako pumasok, ngayon kailangan kong maagang umalis para maaga akong papasok sa CNC. Mahirap pumasok pagmalayo ang bahay. Lalo na kapag umuulan dahil papasok kang basang basa.
Rujan:
Since... Matagal na akong nanliligaw sayo. Kailan mo ba ako sasagotin?
Me:
Kung kailan mo gusto. Hahahahaha.
Rujan:
Pano kung gusto kona ngayon? At saka bakit ka laging may 'Hahahahaha' sa chat? Mukha ba akong nakikipagtawanan?
Me:
Gusto muna ngayon? Oh ede sige. Sanay lang akong may 'Hahahahaha'.
Rujan:
Tayo na talaga? Sure ka?
Me:
Eh sakin sure kana ba?
Rujan:
Syempre sure ako! Magiging tayo ba kung hindi ako sure.
Ganon ang nangyari sa nagdaang araw. Minsan pumupunta sya sa room para makakwentohan ako. Sa tagal, naging close kami sa personal.
"Ex mo pala si Levan?" Tanong nya. Nandito kami sa kabilang room na walang tao. Pang hapon kasi yung iba.
"San mo nalaman?" Tanong ko.
"Sabi nya." Anya. Potek! Sinabi pa talaga nya kay Rujan ha!.
Si Levan nagbreak lang kami mas lalong yumabang akala mo'y sobrang pogi eh maputi lang naman kaya pogi. Pota!
Nutrition Day at may mga palarong naganap. Pinagang hila ako ni Mam para sumali. Napasabak ako sa laro pero nahulog ang paper plate sa aking tuhod na nakaipit ron.
Si Carla ay nagtetake ng picture. Inutusan kasi sya ni Mam na sya ang magiging photographer ngayon.
"Carla! Picturan moko. Profile ko sa Facebook." Sabi ko.
Nag posing ako at nagclick ang camera. Pinabalik na kami sa kanya kanyang pwesto sa mga niluluto. Puputol putolin kona sana ang sitaw ng agad yung hinablot sakin. Napatingin ako kay Jona na masamang nakatingin sakin.
"Wag kana dito! Kami na magluluto. Hindi pati ganyan ang pagputol ng sitaw. Dapat pantay pantay ang pagkakaputol. Tamo yung gawa mo may maiksi at mahaba Bobo mo. Umalis kana dito!" Irita nyang ani.
"Ok lang naman kung sabihin mong 'Kami na lang magluluto' hindi yung andami mong satsat eh sipsip ka lang naman. Makabobo ka eh ikaw tong bobo. Kahit naman may maiksi o mahaba yan, hindi namana yon hadlang sa pagkakaiba." Umirap ako at tumalikod sa kanya.
"Mas sipsip ka!" Sigaw nya. Napatingin ang karamihan sa kanya.
Naglakad ako papunta sa room pero napatigil ako ng makita ko si Rujan na may kausap na babae sa hagdan. Hindi nya to kaklase. Pero sino to? Anong kailangan nya kay Rujan?
Naglakad ako palapit. Nagdiretso akong cr. Narinig ko ang tawanan nila. Nagpapansin na nga ako paglapit sa kanila pero parang hindi nila ako napansin. At saka si Rujan parang hindi man lang ako nakita.
Naghugas lang ako ng kamay sa sink at binasa ng kunti ang buhok ko para hindi magulo. Naglagay ako ng liptint na nasa jogging pants ko. Lumabas ako at nakita kong wala na sila ron.
Luminga ako ng bahagya. Hindi ko sila nakita. Tumingin ako sa likod nang bigla akong nasagi. Napatingin ako ng diretso aa kanya. Nakakunot ang noo ni Rujan habang nakatingin sakin.
"Oh!" Gulat kong ani.
"Sinong hinahanap mo?" Puna nya.
"Hinahanap? Wala ako hinahanap."
"Wala daw... San ang pwesto nyo?" Tanong nya.
"Don!" Turo ko sa likod ng canteen. "Kayo?".
"Dyan sa may stage. Sabay tayo mamaya ha pag uwi." Anya.
Tumango ako at umalis na sya. Pota! Kinikilig ako ha! Hahaha... Ganon kasi madalas kaming magkasabay. Di tulad ni Levan dati na laging nagcecellphone at tinatagoan pa ako.
Si Rujan naman ay tatlo o limang beses ko ko nakakasabay umuwi. Sa paradahan na kasi ako sa palengke nasakay kung saan ang mga tricycle ng Calabasa ang punta.
Si Carla naman ay kasabay ang iba naming kaklase para magkaron kami ng private chat ni Rujan.
Kinahaponan ay nakita ko syang palabas na ng Campus. Binilisan ko ang paglakad para sana maabotan sya kaso nang nasa labas na ako ng Campus at sya'y nasa taas na ng hagdan, agad may inakbayan syang babae. Tumingin yung babae sa kanya at nagngitian sila. Yon yung babae kanina! Yung babaeng kausap nya.
Nag alab ang sistema ko. Gusto kong sugodin at magpakita. Hindi man lang nya ako inintay sabi pa nya sabay raw kami. Tapos sya pala tong mang iiwan. Bakit ba andali para sa inyong iwan ako?
Naglakad na ako at napatingin ako sa left side ko nang may humawak sa braso ko. Ngumiti sakin si Carla "Gago yon ah! Diba sabay kayo? Bakit may kasamang iba?" Anya.
Di nalang ako umimik at naglakad nalang kami sa tulay. Maraming kwenekwento si Carla pero hindi yon nag sisink sa utak ko.
"Hoy! Nakikinig ka ba? Hay naku besh... Baka nalimotan lang nya. Kausapin mo mamaya. Chat mo." Anya.
Nagsakay kami sa walang lamang tricycle na tumigil sa gilid ng munisipyo. "Oh? Akala ko sa Calaba uwi mo?" Tanong ni Carla.
"Sa Manlapaz ako uuwi. Don ako pinapauwi ni Papa. Sundoin nalang daw nya ko ron." Sagot ko at di na sya nagsalita.
Nasa loob ako ng tricycle. Samantalang si Carla ay nasa likod ng driver. Maraming tumatakbo sa utak ko kung bakit sya umalis. At ang masakit pa don. Inakbayan nya yung babae at nagngitian sila. Isa yon sa pinakamasakit na makikita mo sa iyong mahal. Yung makita mo syang masaya sa iba at hindi sayo.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko agad kung active now ba sya. Pero hindi, hindi sya nakaonline.
Nakababa na rin ako sa tricycle at nagbayad ng 8 Pesos.
Naglakad ako papunta sa harap ng dati naming bahay. Para akong lutang at wala sa sarili.
Napatigil ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko "Rizavin!"
Napabaling ako kay Clein na nakaupo sa tambayan namin sa court. Nagtaas ako ng kilay at tumabi sa kanya.
"Bat parang wala ka sa sarili?" Anya.
Umiling ako "Wala! Stress lang sa School." Puna ko.
"Weee... Stress daw? Eh di ka naman nag aaral ng mabuti hahahahaha..." Tumawa pa.
"Wala nga." Giit ko.
"Sabihin mona Bb eneng. Sabihin mo na. Ako lang naman to oh!" Turo pa nya sa sarili nya "ako to, yung kababata mo. Dati nasabi ka naman---"
"Oh sige sige na. Sasabihin kona andrama mo eh." Bumuntong hininga ako at kinalikot ang cellphone "Kasi... May Boyfriend ako, naalala mo si Rujan diba? Yung kwenekwento ko sa inyo."
"Kayo pa rin pala non? Ilang months na kayo?"
"Wala pang months. 2 days pa lang. Eh kasi... Sabi nya kanina sabay raw kami eh nakita ko may kasabay nang ibang babae. Inakbayan pa nya. Tapos kaninang umaga nakita ko magkausap sila. Nagtatawanan. Alam mo yon, Clein? Yung Feeling na umasa kang magkasabay kayong uuwi. Pero hindi natuloy. Ewan ko ba kung nalimotan nyang sabay kami o kinalimutan talaga nya. Kasi alam mo... Ang sakit eh." Napahawak ako sa dibdib ko. At nagbabadya ang luha sa mata ko.
Agad akong dinalohan ni Clein. Niyakap nya ako, yakap ng isang kaibigan. "Tahan na Bb... Magiging maayos rin yan. Kausapin mo sya." Sabi nya at sumulyap sa cellphone kong hawak.
"Hindi sya online."
"Ichat mo kahit di online. Mababasa nya yan." Anya at kinuha ang bola nyang hawak. "Panoorin mo nalang ako. Cheer moko kunwari ikaw audience ko hahaha..." Anya at nagsimulang magbida sa pagiging shooter.
Chinat ko si Rujan.
Me:
Asan ka?
Yun lang at wala nakong ibang sinabi.
"Inoman daw bukas sabi nila." Sabi ni Clein.
Umangat ang tingin ko sa kanya "Oo pupunta ako. San ba ganap?"
"Kala Suse." Anya at nagshoot ng bola kaso hindi pumasok. Tumawa ako. Bumaling sya sakin na nakabusangot ang mukha "Cheer mo kasi ako!".
"Go Clein!" Sigaw ko.
Tumawa sya ang nag 3 point shoot. "Oh! Diba! Nagshoot. Cheer pa." Anya.
"Mawawalan ako boses dahil sayo."
"Ok lang dahil sakin. Wag lang sa iba." Sinsero nyang sabi. Napaiwas ako ng tingin pero humalakhak sya "Hahahaha... Oh! Andyan na si Papa." Napatingin ako sa paparating na Truck.
Papa?
Nagmano si Clein kay Papa. "Asan si Papa mo?" Tanong ko.
Nginuso nya si Papa ko. Kumunot ang noo ko pero tumawa lang sya.
"Sakay na Bb." Sabi ni Papa at sumakay na sa motor nya.
Iniiwan kasi ni Papa yung motor sa Manlapaz. Pag uuwi ay yon ang ginagamit namin. Pero pagpapasok ako sa School ay truck ang gamit nya. Truck Driver si Papa. Nagdadala sya ng mga hollow blocks at semento.
Lumapit pa si Clein samin. "Tatagan mo lang to!" Turo nya sa puso nya pero sa puso ko sya nakatingin.
Ngumiti ako at kumaway na nang paandarin ang motor.
"Ingat po kayo Papa, Bb eneng..." Anya.
Tinaas ni Papa ang kaliwang kamay hudyat na sang ayon don si Papa.
Nag online ako nang makauwi kami. Nakatanggap ako ng chat galing kay Rujan.
Rujan:
Sorry hindi kita naantay. Umuwi na kasi ako, ansama ng pakiramdam ko.
Me:
Magpahinga kana. Inom ka gamot at matulog. Wag ka papalipas ng pagkain ha.
Rujan:
Ikaw rin. Sige bye.
Carla:
Oh ano raw? Nakachat mo na?
Me:
Oo! Masama daw pakiramdam kaya umuna na. Hahahahaha...
Carla:
Sus! Masama pakiramdam? O nagsasama samaan lang?
Me:
Ewan ko rin. Pero malay mo.
Kalaunan ay nakita kong online pa rin si Rujan. Tinadtad ko sya ng chat ngunit hindi nya seneseen. Siguro naiwan nyang bukas ang data nya.
Me:
Hoy! Tulog kana
Wag mo kalimutang uminom ng gamot ha.
Ingat ka.
I love you...
Ni isa walang seen. Dinamihan kopa ang chat ngunit wala talagang seen. Inonline ko ang account nya kaso wala rin syang seneseen na iba. Kahit yung chat ko hindi nya seneseen. Pero ilang minuto ang nakalipas ay nereplyan nya ang isang bagong chat.
Analiza:
Ano? Bukas G ka? Sa kabilang Baranggay lang.
Agad nagreply si Rujan:
Sige! Hapon ako pupunta para matagal nating magawa.
Nag alab ang kaloob looban ko. Nagseselos ako dahil hindi pa pala sya na out kundi nakaonline pa sya. Nereplyan pa nya eh.
Maya maya'y hindi na nya nereplyan yung Analiza. Nag out na siguro. At hindi man lang nya nereplyan ang tadtad na chat ko sa kanya.
Once na tadtadan moko ng chat makakatikim ka ng likezone sakin.
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mama na uuwi akong Manlapaz para gumawa ng project kahit hindi naman. Nagdala pa ako ng bag para maniwala sila. Wala kasi akong maisip na ipapaalam eh. Alangang sabihin ko na 'Ma, iinom kami uwi ako Manlapaz.' lagot ako non. Hindi alam nila Mama na umiinom ako.
Umaga pa lang ay hinatid na ako ni Papa gamit ang Truck. Bumaba ako. Umalis na si Papa. Naglakad ako papunta kala Suse. Nakita ko sa labas sina Mary.
"Mary!" Bungad ko sa kanya nang makalapit ako.
"Inom daw! Tara pasok na tayo." Sabi nya at sumama ako pagpasok.
"Sino sino kasama ta?" Tanong ko.
"Sila" minuwestra nya ang kamay sa mga kasama namin. Nasa sampu kami. "Anong pinaalam mo?".
"Sabi ko gagawa project hahahahaha... Wala ako maisip eh!" Sabi ko.
Tinampal nya ako "Parehas tayo. Mapapagalitan ako pag sinabi kong iinom tayo." Anya at binigyan ako ng isang shot.
Nilagok ko yon. Dumaloy ang init ng alak sa lalamonan ko.
"Ano to?" Tanong ko.
"Gin, Hinaloan ng Tang Orange hahaha... Sarap no?" Sabi ni Clein.
Umupo ako at nagulat pa nang lumapit samin si Suse. Himala ah wala yung Kuya nya.
"Asan si Levan?" Si Ben.
"Nasa taas. Mamaya na raw sya." Sagot ni Suse.
Lumagok pa ako ng isang shot. Potek! Ang init sa lalamonan ah! Sunod sunod na shot ang ininom ko. Ramdan ko ang pagkainit ng tyan at katawan ko. Ramdam ko ang hilo. Para akong matutumba sa kinauupuan ko.
"Hoy mga lasing! Ito si Rogue. Bagong katropa natin. Dyan lang sya sa Burgos." Ani Ben. Hindi ko maaninag yung lalaki. Medyo gulat ako dahil umupo sya sa tabi ko. Ngumiti sya.
"Hi!" Bati nya sakin.
"H-Hi" sagot ko. Inaninag ko ang mukha nya. Gwapo sya at medyo maputi. Ang tangkad nya. Nakawhite shirt sya at dark blue board shorts "Ang pogi mo!" Tumili ako dahil pogi naman talaga. Humalakhak sya.
Pota! Halakhak mo pa lang naaakit nako.
"Taga dito ka Manlapaz?" Tanong nya sakin. Lumagok sya ng isang shot. Nangasim ang mukha nya tumawa ako.
"Dati dito. Pero ngayon sa Calabasa na kami nakatira. How about you?"
"Dyan ako sa Burgos. Lasing kana ah! Kanina pa ba kayo?"
"Hindi ako lasing hahahaha! Medyo hilo lang. Inom ka pa." Binigyan ko sya ng shot.
Marami kaming napagkwentohan pero natigil lang nang kinausap sya ng mga kasamahan namin. Napahiga ako sa kinauupuan ko. Napapikit ako ng mariin.
Nagising ako sa pag alalay sakin. Ipinasok ako sa isang kwarto. Umiikot pa ang paligid pag minumulat ko ang mga mata ko.
Narinig ko ang mga salita nila pero hindi ko na alintana dahil sa dami nila.
Naramdaman ko ang pagpahid sakin ng malamig at maliit na tuwalya. Pinunasan ako ng isang gwapong lalaki.
"Kaya mo na yan Rogue? Linisan lang namin kalat dito ha!" Puna ni Mary.
"Ako na magpupunas kay Bb eneng." Narinig kong giit na ani Clein.
Pero lumabas na siguro sila. Marahil, hinila nila si Clein palabas.
Bukas ang maliit na mata ko para maaninag ang itsura ng lalaki na to na ngngangalang Rogue. Pinunasan nya noo, leeg, braso ko.
Perfect ang pagkakatangos ng ilong nya, may itim na mga mata. Mahabang pilik. Black handsome kung tawagin dahil kayumanggi ang kulay ng balat nya. Napatigil ako ng mapatitig ako sa labi nya. Manipis at nakakapang akit na halikan ko yon.
Hinigit ko ang batok nya papalapit sakin at agaran syang hinalikan. Binahagi ko ang labi ko sa kanya. Hindi sya gumalaw. Pumikit ako at maya maya'y sumabay na rin sya sa paggalaw ng aking labi. Pota! Ang galing nyang humalik. Sanay na ba sya sa ganto? Ito pa lang nga ang second kiss ko dahil una si Jayvee.
Tinulak ko sya nang maalaka ko ang itsura ni Rujan. Ayaw ko magkasala kahit na magjowa kami.
Medyo gulat sya kaya nilagay na lang nya ang maliit na tuwalya sa noo ko at lumabas na.
Napakiramdaman kong may pumasok at hinaplos ang buhok ko.
"Dami mo kasing ininom eh! Hindi pa ba kayo ok ni Rujan?" Si Clein habang hinahaplos ang buhok ko.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ok ba kami o hindi.
Narinig kong bumuntong hininga sya "Kung sakaling may kailangan ka, nandito lang ako. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Ilabas mo lang ang sakit na nararamdaman mo. Umiyak ka kung gusto mo, dahil sa pag iyak mababawasan ang sakit dyan sa puso mo." Paliwanag nya.
Naramdaman ko ang luhang dumaloy sa mata ko. Pinunasan nya yon. Narinig ko ang pagkanta nya ng paborito kong kanta 'Statue by Lil Eddie'.
"When a day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest man alive
'Cause so many times I was certain
You was gonna walk out of my life, life
Why you take such a hold of me, girl
When I'm still trying to get my act right?
What is the reason when you really could have any man you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle? (Oh yeah)
I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed.
..".
Nakatulog ako sa kanta nyang yon. Nagising ako kinahaponan at nag ayos ako ng sarili ko. Dumating na si Papa at sunakay na ako sa motor. Binigyan pa ako ng snow beer ni Mary para hindi ako maamoy. Nagpabago pa ako ng juicy cologne ko.
"Nakagawa na ba kayo ng project?" Anya.
Tumango ako. Habang nakayakap ako sa bewang ni Papa. Naalala ko yung sinabi ni Clein sakin kanina. Hinahampas ng hangin ang luha ko sa namuo sa mata.
Kung kailan kong sumugal. Susugal ako para sa ating dalawa. Pero kung ako lang naman yung sumusugal at hindi ikaw. Siguro hindi na natin kailangan pang sumugal kung ayaw na nya....
AUTHOR'S NOTE: STAY SAFE PO😊 #BAGYONGVICKY PRAY AND GOD BLESSED😇
BLACKxNEON