Ganon ang naging ganap sa mga nagdaang araw. Halos minsan ko nalang makasabay si Rujan. Para bang lumalayo sya sakin. Ganto rin si Levan sakin dati. Ayaw na rin ba nya? Sumuko na sya sakin? Ano bang problema sakin bakit sa tuwing malapit na ang first monthsarry namin ay sya namang nagiging cold.
"Hoy besh! Kilala mo yung naka grey na yon?" Turo nya sa lalaking nasa canteen. Nakaharap yung lalaki samin, samantalang may kasama syang dalawang lalaki sa harap nya na nakatalikod sa amin. Naka grey shirt yung lalaki. Nagulat ako dahil tumingin yon saamin. "Yie! My Goodness! Tumingin sya. Alam mo ba kanina pa yan sumusulyap dito banda satin." Anya.
"Anong gustong mong mangyari?" Tanong ko sa katarayan nya.
"Ede ano pa. Puntahan ta. Dali!" Anya.
Nagpatianod ako sa kanya. Hinigit nya ako ron. Kunwari pa naglakad kami sa likod nung lalaki. Bumaling yung lalaki sa amin nang sipain ni Carla ang plastic bottle sa sahig.
"Ay sorry... Hehehe." Kabadong ani Carla. Pinagkrus nya ang braso namin. Actually gwapo yung lalaki pero hindi yon ang tipo ko. "Kailan Birthday mo, Kuya?" Nagulat ako sa tanong na yon ni Carla. Napansin ko rin ang pag aalinlangan nung lalaking sumagot.
"October 18" sagot nung kasamahan nya. Hindi pa rin kasi nagsasalita yung tinatanongan ni Carla. Nakatitig lang sanin ng mariin.
"Talaga?" Manghang sagot ni Carla "Eh kasi tong kaibigan ko October 18 din. Anong gusto mong regalo, Kuya?" Tanong nya sa lalaki uli.
"Ikaw..." Himala sumagot na habang nakatitig kay Carla.
"Tara na nga..." Pabulong kong ani kay Carla. Hindi sya nagpatinag sa paghigit ko sa kanya.
"A-ako?" Nautal pa ang Carla.
"I mean... Ikaw? Ano ba gusto mong iregalo sakin?"
"Ikaw..." Si Carla.
"Ako?" Ngumisi yung lalaki.
"I mean, ikaw? Ano bang gusto mong iregalo ko sayo? Para naman pagbinigay kona ay alam kong magugustohan mo." Si Carla.
"Ikaw... Ikaw ang gusto ko." Sinserong sagot ng lalaki.
"Huh? What do you mean?" Ramdam kong kinikilig na tong Gago na to "Ako? Bakit, ako? Hindi pa tayo Kuya magkakilala." Depensa ni Carla.
"At bakit naman hindi ikaw? Crush moko diba?" Mayabang na ani ng Lalaki. "By the way, I'm Dramzel Van." Naglahad pa ng kamay.
Ngunit, tiningnan lang yon ni Carla "Ah! Sige." Agad nya akong hinigit paalis.
"Oh bakit umalis na tayo?"
"Bakit gusto mopa ba don? Ang yabang! Antipatiko!" Anya.
Tumawa ako naglakad kami papunta sa room. Nahagip ng paningin ko si Rujan na kasama nanaman yong Analiza.
Napatingin rin don si Carla. Kaya agad nya akong hinigit papalapit don. Nagpatianod ako sa kanya. Gusto kong kumawala, kaso ang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko.
Natigil kami sa gilid ng dalwang nag uusap sa ilalim ng hagdan ng second floor.
Napeywangan si Carla habang hawak ang braso ko. "Rujan!" Irita nyang tawag.
Gulat na bumaling si Rujan kay Carla papunta sakin. Napatingin ako sa babaeng kausap nya na si Analiza na nagkrus arm at kitang kita ang hubog ng malaki nyang hinaharap, nakataas ang kaliwang kilay. Ang taray ha!
Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Carla sa kamay ko at pinagkrus ko rin ang braso ko sa dibdib. Tumingin ako ng diretso sa kanya. Tumingin sya sa dibdib ko. Tumawa sya ng bahagya.
"Uhm... Rujan, hindi mo man lang ba ako ipapakilala dyan sa Kausap mo!" Diing kong ani sa huling salita.
Hindi sya makatingin ng diretso sakin tumingin sya sa hagdan.
"Ano Rujan?" Giit ni Carla. Inis na rin.
"Si A-Analiza..." Iminuwestra nya ang kamay sa kaharap na babae.
"So?" Inis kong ani.
"Analiza, si Rizavin at Carla..." Pagpapakilala nya.
"Then?" Sensual na anya ni Analiza.
"Rizavin..." Hindi nya matapos ang sasabihin.
"Oh? What?" Irita nako.
"Girlfriend nya tong katabi ko! Analiza right?" Si Carla.
"So what?" Sagot nya.
"Can't you see? Sino ka ba? Eh, Boyfriend ko tong kinakalantari mo!" Puna ko.
"Magbreak na kayo kung ganon! Hindi na sya masaya sayo diba, Rujan?" Baling nya kay Rujan na unti unting lumalayo. Tinulak sya ni Carla para hindi makatakas.
"Eh tanga ka pala eh! Alam mong my girlfriend yung tao, nilalandi mo!" Si Carla.
"I don't care, una ka lang. Ako ang pangalawa. Sino ngayon ang mas minahal? Diba yung pangalawa? Mga tanga!" Giit ni Analiza.
Tumaas ang dugo ko. Kaya agad ko syang nasampal ng medyo malakas. Naibahagi nya ang mukha sa gilid. Humarap sya sakin habang nakamaang ang bibig. Agad nya akong sinugod at sinabotan. Gumanti ako hanggang sa napahiga sya sa sahig.
"Hindi pangalawa ang tawag sayo! Kabit ang tawag sa isang tulad mo kasi hindi pa kami nagbebreak umeksena kana. Ang pangalawa yung break na kami at ikaw ang sinunod. Hindi ko pa sinusuka nilamon muna!" Pasigaw kong ani.
Narinig ko ang mga estudyanteng nakiusosyo. Palitan kami ni Analiza. Minsan nasa ibabaw ko sya kung minsan naman ay nasa ilalim.
May narinig akong pito ng guard. Hindi pa rin sya nagpapaawat kaya hindi rin ako.
May humigit sakin at pinaghiwalay kaming dalawa. Hingal pa ako sa nangyari.
Tiningnan ko si Rujan na nasa gilid at mukhang guilty.
"Si Rujan pinag aagawan ng dalawang babae! Iba talaga pag may istura. Sanaol pogi!" Narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Kung ayaw mo na pala sakin ede sana sinabi mo! Hindi yung umaasa pa rin ako na babalik tayo sa dati. Yung hindi ka na cold. Yung ako yung inuuna mong replayan. Yung ako yung kasabay mo pag uuwi. Yung ako yung dahilan ng ngiti at mga tawa mo. At higit sa lahat sinabi mo sana sakin na hindi na ako ang laman nyang puso mo!" Dire-diresto kong yung sinabi at nagpakawala sa guard na nakahawak sa magkabila kong braso kanina. Nagmartsa ako papasok sa room. Narinig ko pa ang sinigaw ni Analiza.
"Ang babaw mo kasi magmahal!" Sigaw ni Analiza.
Ansakit nung huli nyang sinabi. Mababaw ako magmahal. Totoo yon. Mababaw ako magmahal pero ang lalim pagnasasaktan.
Napatulala lang ako sa harap ng blackboard. Hindi ko nakita si Carla kung nasaan ba. Ramdam ko ang tingin at bulongan ng mga kaklase ko. Sige lang pagtsismisan nyo lang ako! Dyan naman kayo magaling. Napapansin nyo yung mga negatibo kong nagagawa.
Chinat ko si Mary na magdala ng alak bukas. Gusto kong makalimot. Ito ata yung pinakamasakit na nangyari sa lahat ng naging ex ko.
"Besh, pinapatawag ka sa Guidance Office. Kakausapin ka ng Principal... Galing ako don. Sabi ko ako na magsasabi sa nangyari pero ayaw nila ako pakinggan. Gusto nila ikaw ang makipag usap." Anya.
Kinuha ko lang ang mineral water ko at naglabas. Naramdaman ko ang pagsunod ni Carla sakin.
Pumasok ako ron. Pinaupo ako sa visitors chair. Nasa harap ko si Analiza. Tumabi sakin si Carla. Si Rujan naman ay nasa isang visitors chair.
"Ano bang nangyari?" Tumingin sya sakin. "Sige magsalita ka Miss Ventura."
Kwenento ko ang nangyari. Nagprotesta pa si Analiza.
"Hoy! Ikaw yung nauna! Sinampal moko!" Anya.
"Sinampal kita dahil sa mga pinagsasabi mo. Ang landi!"
"Ikaw naman iho. Rujan, bakit ba cold kana kay Miss Ventura at hindi pa pala kayo break ay may bago ka agad."
"Sobrang clingy kasi ni Rizavin kaya mas minabuti ko pong maghanap ng kapalit sa kanya. Ayaw ko lang saktan yung damdamin nya. Dinadahan dahan ko po, ayaw ko biglain."
"Ayaw mo pala sa clingy bakit moko jinowa? At naghanap kapa! Hindi ka ba nakuntento sa iisa?".
"Hindi ako kuntento sa ugaling meron ka!" Iritado na nyang sabi.
Napatayo ako "Ok na po ba?" Tumingin ako sa Principal at tumango sya. Hinigit ko ang kamay ni Carla palabas ng Guidance Office. Tumigil ako kay Rujan "Then... Happy break up." Sarcastic kong sabi. Humalakhak pa si Carla.
"Warning to!" Pasigaw na ani ng Principal para parinig ko. Tinaas ko lang ang kanan kong kamay at naglakad na kami.
Napapatingin ang iba sa akin. Minsan may pinagbubulongan. Mga Tsismosa!
Pumasok kami sa room. Ni hindi ako makapagfocus sa mga itinuturo ng teachers.
Nang mag uwian na sa hapon ay umuwi na kami ni Carla. Nagmadali kami sa paglakad.
"Ventura! Carla! Sweepers tayo!" Sigaw ng kaklase namin pero hindi na namin pinansin. Tumawa lang kami at naglakad na sa tulay.
"Food court tayo! Celebrate natin ang pagkapanalo mo kanina hahaha... Dapat pinatay mo na yong Analiza na yon!" Natatawang ani Carla.
"Baka pinaglalamayan na yon ngayon kung hindi lang dumating ang guard."
"Makikikape sana tayo hahaha..."
"Bakit? Wala ba kayong kape sa inyo?"
"Meron naman. Gusto ko lang matikman yung kape nila baka kasing pait ng ugali nya HAHAHAHA!" Parehas kaming tumatawa. Humahampas ang malakas na hangin sa amin kaya lumilipad ang palda namin habang naglalakad sa tulay.
Tumakbo si Carla. Sumabay ako. May napapasigaw pa dahil nasasagi namin ang ibang naglalakad.
Muntikan na akong mapasubsob nang matumba si Carla sa isang matipunong lalaki. Nakadapa yung lalaki at naka ibabaw nya si Carla. Natatawa ako sa kaganapang to. "Ahhh!" Napasigaw sa sakit si Carla. Umupo sya kahit kita na ang panloob nyang shorts. Napahawak sa tuhod na may suhod. Nagasgas sa kalsada. Nasa harap kami ng tindahan ng mga motor.
Tumatawa pa ako habang tinutulongan syang tumayo. May biglang kumuha ng kabila nyang kamay at nilagay yon sa batok nya. Laking gulat ko ng makita yong lalaking si Dramzel Van. Potek! Sya yung nabunggo ni Carla.
Pumara agad ako ng tricycle at sinakay namin si Carla sa loob. Napabaling ang tingin ni Carla kay Dramzel. Umirap at may binubulong bulong.
Napatingin ako sa siko ni Dramzel na may sugat. Nakita nyang tumingin ako ron kaya agad nya yung tinakpan ng hawak nyang panyo at ngumiti nalang.
Sumilip si Dramzel sa loob at sinserong sinabi ang "Sorry..." Anya at ako naman ay pumasok na rin sa loob.
Umirap lang si Carla. Tumawa ako at kinawayan nalang si Dramzel.
"Besh, sa tingin ko may gusto yon sayo. Hahahaha... Nabunggo mopa!" Tumawa ako. Sya naman ay iniinda ang sakit.
"Malas naman oh!" Anya.
Inalalayan ko syang makapasok sa bahay nila. Nagmadali akong lumabas dahil nag aantay ang tricycle.
Nang maihatid ako sa Manlapaz ay tulala akong naglalakad. Narinig ko ang pagtawag ni Clein sakin pero hindi ko na tiningnan. Durog na durog ako ngayon. Parang gusto kong maglugmok ng alak. May biglang umakbay sakin. Si Clein yon.
"Tulala ka nanaman!" Anya.
"Wala na kami." Wala sa sarili kong ani.
"Hindi sya ang para sayo kaya kayo naghiwalay. Nandito naman ako kaya wag kana matulala dyan hahaha..." Bumaling ako sa kanya at parang may bumara sa lalamonan ko nang makita ko ang katabi nyang si Levan.
Hanggang ngayon hindi pa kami nagpapansinan ni Levan at ni tingin ay hindi sya natingin sakin. Hinahayaan ko nalang.
Umupo ako sa tambayan namin sa court. Nagulat pa ako dahil nandon si Rogue. Potek! Naalala ko nung hinalikan ko sya. Nadala lang ako non. Potek! Nasa tama na akong pag iisip ngayon. Nakakahiya. Pero infairness ha! Ang galing nyang humalik na akala mo'y 'super star through kissing' ampeg.
"Mabirthday na pala si Bb eneng. Anong ganap?" Si Clein.
"Wala. May pasok naman. Ayaw ko paghandain si Mama, buntis yon!" Sabi ko.
"Punta ka uli dito sa araw ng birthday mo ha! Friday yon diba? Hapon lang kayo mag pasok. Kami naman walang pasok." Anya.
"Bakit?"
Ngumisi sya "Basta!" Anya at agad nilagay ang yosi sa bibig. Kumunot ang noo ko kaya agad ko yon hinablot at initsa.
Napamaang ang bibig nyang bumaling sakin "Bakit?"
"Wag kang magyoyosi sa harap ko kung ayaw mong bigwasan ko yang bibig mo." Seryoso kong sinabi.
Nagbasketball naman si Rogue at Levan.
"Kailan ka pa natuto nyan?" Sabi ko.
Hindi sya sumagot at agad nang tumayo. Nakita ko agad ang pagdating ni Papa at nagmano si Clein. Tumingin lang si Levan at Rogue at nagbasketball uli.
Sumakay na ako sa motor. Tiningnan ko si Clein. Kumaway sya at may yosi nanaman sa bibig "Ingat!" Anya. Agad sinindihan ang yosi. Nakalayo na kami at sinimangotan ko sya.
Lumapit si Rogue sa kanya at kinuha ang lighter at nagsindi din. Ngunit si Levan ay hindi nagyosi.
Nagluto ako ng scrambled egg kinagabihan. Narinig ko nanaman ang talak ni Nanay at Mama sakin. Samantalang si Papa naman ay lagi akong pinagtatanggol.
"Kailan daw kuhaan ng card Bb?" Si Mama.
Hindi ako umimik.
"Bakit kukunin mo card nya? Second grading na ngayon diba? Naku! Bakit hindi mo man lang sinabi nung nung First Grading? Naku! Kaya siguro hindi mo sinabi samin dahil mabababa nanaman ang mga marka! Hindi ka natulad sa pinsan mong si Emely ang tataas. Talo kapa!" Anya.
"Sa sabado ang kuhaan ng card. Pupunta ka?" Sarkastikong tanong ko kay Mama.
"Ay naku! Wag kana pumunta mapapagod ka lang, mababa naman mga marka nyan! Eh pano tamad mag aral. Pumapasok lang pero hindi pinagbubutihan ang pag aaral." Si Nanay.
Napatingin ako sa uniform kong blouse na may dumi pala. Hindi ko man lang napansin dahil sa likod yon. Natatakpan ng bag ko.
"Hayaan mo na, Nay" si Papa.
"Kinukunsinti mo, Vin! Kaya ganyan!" Si Nanay.
Kumain nalang ako at nilabhan ang blouse kong may dumi. Baka makita pa nila tapos talakan nanaman ako bakit ganon. Pinahanginan ko yon sa electric fan.
Nag online ako at nagulat pa ko nang magchat si Rogue.
Rogue:
Hi, may problema ka ba kanina? Gusto sana kitang tanongin kaso kausap mo si Clein.
Yung puso ko parang sasabog. Kinabahan ako. Nagtipa ako. Halos namamali pa dahil sa pangingnig. Pota! Bakit ako kinakabahan ng ganto.
Me:
Ah wala. May nangyari lang sa School. Ikaw ba nag sschool ka?" Tanong ko.
Rogue:
Kung may problema ka kwento ka lang sakin nandito naman ako dadamayan ka. Ah, hindi na eh! Natigil kasi ako dahil nada-dropt.
Me:
Yung nangyari nga pala sa bahay nila Suse. Sorry... Nadala lang ako. Hahaha.
Rogue:
Ah! Ay, hahahahaha... Lasing ka lang naiintindihan ko.
My nanliligaw na ba sayo? Si Clein ba nanliligaw sayo?
Me:
Ah, kakabreak lang namin nung Boyfriend ko kanina.
Si Clein? Kababata ko lang yon hahaha...
Rouge:
Ah, yon ba ang dahilan kaya tulala ka kanina?
Ah, kala ko Boyfriend mo si Clein. Ang comfort nya kasi sayo.
Me:
Hahahaha... Ganon talaga yon.
Humaba ang usapan namin. Kalaunan ay nakwento ko rin ang nangyari sakin kanina.
October 18 na at ito ang araw ko sa edad na 16. Sweet 16th Birthday.
Nagulat ako nang may ibigay saakin na regalo si Carla nang dumating kami sa School. Binuksan ko yon at laking gulat ko na makita ang isang box ng make up. May ilaw pa at dose dosenang liptint. At make up. May malaking salamin. Agad ko syang niyakap.
"Mahal to ah!" Sabi ko.
"Malaki kasi nakuha ko sa Gcash. Opsss! Wag kana magtanong ng presyo nyan baka ipabalik mo pa sakin. hahaha..." Humalakhak sya.
Agad tunulo ang luha ko. Niyakap nya ko. "Thank you talaga besh! Alam mo talaga ang gusto ko." Mangiyak ngiyak kong sinabi. Pinunasan nya naman yon.
"Itago mo na muna yan. Baka pagkagulohan ng mga ignorante nating kaklase." Anya at tumawa kami.
Lumubo yon sa bag ko sa kalakihan.
"Birthday ni Miss Ventura ngayon. Kantahan natin sya." Sinabi yon ni Mam habang nagpapaquiz sya sa Araling Panlipunan.
Nagpaquizz wala akong nalalaman.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Rizavin..." Kanta nilang lahat.
"Thank you." Sabi ko.
"Paletchon na! Kinantahan kana!" Si Brits.
"Ikaw ang Letchonen ko, Brits!" Patawang sinabi ni Carla.
"Gawin kitang Baboy, tangina ka!" Inis na sagot ni Brits sa kanya.
Nang mag uwian na ay nasa court uli ako ng Manlapaz. Ang tahimik ng paligid. Pinapapunta ako ni Clein dito.
Sinabi nyang umupo raw ako sa dating tambayan sa court. Pero wala naman sila dito.
Nag online ako para sana ichat sya kaso napaangat ang tingin ko nang may magsimulang kumanta ng Happy Birthday ng pasigaw. Umalingawngaw sa buong court. Nasa gitna ako ng court at para akong malulusaw sa kinatatayoan ko habang nakatingin kala Clein na may ballons at may dalang cake.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU... HAPPY BIRTHDAY TO YOU. HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY BB ENENG..." pinahaba pa nila yung huling pangalan.
Tumawa ako at pinahid ang luhang dumaloy sa mata. Nakalapit na sila sakin at sinindihan ang kandila.
"Wish muna!" Sigaw nila. Tumawa ako at pumikit.
'Thank you Lord for everything that I have. Sana hindi na ako lokohin at iwan.'
Hinipan ko ang kandila at naghiyawan sila.
"Si Clein nakaisip nito hahaha... Tumulong lang kami." Si Mary.
Hinati nila ang cake sa doseng piraso. Malaki naman yon. Strawberry Chocolate Cake na may nakalagay na 'Happy Birthday Bb Eneng'.
Pinahiran ako ng icing ni Clein at pinahiran ko rin sya. Papahiran pa nya sana ako pero lumayo na ako at kinain ang cake na hawak. May natira pang dalwa. Sampo kasi kami.
"Bigay moto kay Mama at Papa." Inabot nya sakin yong cake na nasa eight by eleven na.
Umuwi na yung iba at dumating na si Papa. Sumakay nako ron at tinanong pa nya ang hawak ko. Sinabi kong cake. Birthday gift nila.
Nakauwi na kami at napabaling ang tingin ni Mama sa dala kong supot.
"Ano yan? Bat may cake ka?" Anya.
"Pabirthday gift sakin nila Clein!" Ngumiti ako.
"Boyfriend mo ba yon?" Tanong nya.
Umiling agad ako "Hindi Mama. Barkada lang hahaha..."
"Sayang naman. Mabait yon si Clein. Lagi ko nakakakwentohan ang Mama nya nong nasa Manlapaz pa tayo. Kung jowa mo ba si Clein ay Ok lang samin." Anya.
Kaso, hindi ko sya Boyfriend...
Naging laman yon ng isipin ko. Ni wala akong nararamdaman kay Clein. Mabait si Clein at maalaga. Kung sakali mang magkaboyfriend uli ako. Gusto ko yung kaugali ni Clein. Sa pagkakaalam ko may Girlfriend si Clein ngayon, ngunit taga Mercedes daw. Malayo.
Naging masaya ang araw ng kaarawan ko. Hindi ko akalaing magluluto si Nanay ng pansit. Kahit matalak si Nanay. Alam kong mahal na mahal nya ko. Matanda na si Nanay kaya kung ano ano nalang nasasabi.
Nagulat ako dahil may ibinigay na box sakin si Papa. Agad ko yung binuksan. Tumambad sakin ang Oppo. Pota! Hahahaha... Red yon.
"Yan lang mareregalo ko sayo Bb, second hand yan diba gusto mo yan? Oppo? Binili ko sa katrabaho ko." Anya.
Agad ko syang niyakap. "Ok lang Papa. Thank you...".
"Cellphone? Mas lalong hindi yan mag aayos ng pag aaral, Vin!." Anya.
Pumunta ako kay Tito at Tita para humingi ng plato para mabigyan sila ng pansit. Binabati nila ako. At sinusuklian ko ng pasasalamat.
Ang dati kong cellphone na cherry mobile ay nakay Mama na.
Syempre yong gabi na yon ay hindi agad ako nakatulog. Ginamit ko rin ang make up na binigay ni Carla. De-battery yong ilaw non kaya hindi na kailangan pang isaksak. Chinacharge lang. Nagpicture ako pagkatapos. Nagpalit ako ng Profile Picture at nilagay ang caption na '15th💕'.
1am na ay nagcecellphone pa rin ako. Kausap ko ang barkada. Pero mas madalas si Josh, Clein, Rogue at Mary.
Si Carla naman ay tulog na dahil may outing silang pamilya bukas. Gusto nga akong isama pero sinabi kong pamilya nya yon, sila na muna. Sa sunod nako.
BLACKxNEON