PAGE 11: GAYUMA

"Hoy besh, namumula na tenga mo saka batok. Halata ka nang nakainom." Pabulong na ani Carla.

Bumili kasi kami ng isang boteng lambanog sa tindahan kanina. Medyo gulat pa nga yung tindero kasing magang maga. Bumibili kami non. 25 pesos yon. 15 sakin at 10 kay Carla. Ako yung mapaparami ng inom. Gusto ko lang mawala yung sakit na nararamdaman ko. Alam kong bata pa ako para uminom. Pero ito ako eh! Nakasanayan ko.

Hinaluan namin yon ng C2. Habang naglalakad pa lang umiinom na kami sa daan. Dumadaloy ang mainit na alak sa lalamonan ko. Medyo malamig yung C2 kaya masarap inomin. Hindi pa nanginginit ang katawa ko. Alam kong hindi pa ko lasing. Pinasok ko yung akin sa bag ko para hindi makita ng guard. Tinikom kopa ang bibig ko para hindi maamoy. Pumasok kami sa room. Panay ang inom ko. Wala pa masyadong mga estudyante kaya malaya kaming umiinom ni Carla.

"Labas mo hinaing mo besh! Damayan kita." Anya at lunagok ng kanya.

Umiling ako at sunod sunod na nilagok ang akin. Ramdam ko ang init sa tyan ko na parang sinusunog ang kalamnan ko.

"Dahil pa rin ba to kay Rujan? Kaya ka nag aya?" Tanong nya.

"Hahahaha... Alam mo ba, akala ko sya na eh! Dapat pala binigay ko nalang talaga sya sayo. Manloloko pala hahahaha... Alam mo besh. Mahal ko pa eh! Pero hindi na pala ako yung mahal. Ay wait! Minahal nga ba ako? Walang naging seryoso sakin. Puro break. Malapit na Birthday ko non tapos break pa. Ano bang kasalanan ko sa mundo?" Nafufrustrate kong ani.

"Sige lang besh... Labas mo lang yan! Iiyak mo hangga't wala pa si Mam TLE. Wala kang kasalanan sa mundo. Talagang mangyayari yon. Hindi natin hawak ang mga bagay bagay. Kusa yang mangyayari. Kung pigilan mo man, swerte mo kasi napigilan. Pero kung hindi man. Wala kang magagawa dahil kahit anong harang mo sa ayaw mong mangyari, mawawasak yon dahil iba ang tadhanang dapat na mangyari."

"Panget bako?"

"Kapalit palit bako?" Biro nya.

"Then why?!" Sabay naming sinabi at natawa sya. Tumawa rin ako pero napawi yon dahil hindi ko kayang tumawa habang nagkakaganto ako.

"Marami pa dyang iba. Hindi lang talaga sya yung para sayo. Wag ka magpakatanga don! Hindi sya kawalan." Anya.

Ngumisi ako "Tama ka, hindi sya kawalan. Dapat pala hindi na ko uminom. Bakit ba tayo umiinom?" Napapikit ako dahil medyo nahihilo na.

Binatokan nya ko "Eh gago ka talaga eh no?! Ikaw nag aya!" Anya.

Pumapasok na mga kaklase namin kaya dinamihan ko na ang pag inom. Si Carla naman ay kunti lang nainom kaya alam kong hindi to nakakaramdam ng pagkatipsy.

Pinasok ko na sa bag yung bottle.

"Hmm! Amoy alak kang masyado!" Ani Carla.

Inamoy ko sarili ko pero hindi ko maamoy. Sa makatuwid ay hiningahan ko ang palad ko sabay amoy. Potek! Amoy nga! Pota.

Nagpray muna bago simulan ang klase. Napaupo ako at napasandal ang ulo ko sa dingding.

"May candy ka?"

"Wala!... Hoy besh! Namumula na tenga mo saka batok. Halata ka nang nakainom."

Tinakpan ko tenga ko. "Tubig meron ka? Para mahimasmasan ako."

Binigay nya sakin ang tubigan nya at kahit masakit na sa tyan dinamihan ko ang pag inom.

Binalik ko sa kanya. Inamoy nya yon. Nangasim mukha nya "Amoy alak!".

Habang nagdidiscuss si Mam ay tulala ako sa kawalan. Iniisip ko lahat ng negative about kay Rujan.

"Nagloko sya, hindi tulad ni Levan na umiwas." Nasabi ko sa kawalan.

Tinampal ni Carla ang braso ko "Hindi ka makakalimot don kung pinagkukumpara mo sila! Saka magsulat ka na." Anya at nagsulat sya sa notebook ko.

"Kakatamad magsulat!" Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at umiling.

Napahiga ang ulo ko sa bag kong nakapatong sa desk. Hindi ko kayang mulat ang mga mata ko. Dahil ramdam ko ang sobrang pagkainit at pagkahilo sa alak. Parang may humahalo sa tyan ko at umiikot ang paligid sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang paghagod ni Carla sa likod ko "Ok ka lang? Lasing ka nang maigi! Asan panyo mo? Halata yung tenga at batok mo namumula!" Anya at kinuha sa kamay ko ang maliit kong panyo. Naramdaman ko ang paglagay nya non sakin para matakpan ang hindi dapat makita "Matulog ka muna. Ako bahala! Haharangan." Sabi nya. Maya maya'y naramdaman kong nasa unahan ko sya para matakpan ako.

Gusto ko mang matulog. Hindi ako makatulog dahil sya ang laman ng isip ko. Bakit ba ako nababaliw sayo?

Recess time na at halos ayaw kong lumabas. Alam kong may pasok sila ngayon dahil Mapeh nila sa umaga. Ayaw kong makita yung pagmumukha ng lakaking nanloko sakin.

"Cr tayo besh!" Anyaya ni Carla.

"Mamaya na." Sagot ko at pumikit ng mariin.

"Bat mamaya eh naiihi nako! Kung pwede lang ba umihi dito." Anya at ngumuso.

"Edi umihi ka dyan. Ayan oh payong! Iharang mo sa pagkababae mo." Sabi ko at umirap.

Tumawa sya at napangisi ako. Pero hinigit nya pa rin ako palabas ng room.

"Magpakita ka sa kanya para malaman nyang hindi ka nagpapaapekto. Lalaki ulo non paghindi ka nagpakita! Wag ka magpakatanga sa kanya! Marami pa dyang iba."

"Maraming iba pero sya lang gusto ko." Sabi ko at pumasok na kami sa cr.

Naghilamos ako. Dala ko ang liptint ko at naglagay non habang nakaharap sa salamin.

Saktong paglabas namin ay sya ring pagsalubong kay Rujan habang may kasamang dalawang lalaki. Tinitigan nya ko. Tinitigan ko rin sya, mangisi sana sya pero sa iba nako tumingin.

"Ganyan nga besh! Ipakita mong wala lang sya sayo." Anya.

Ganon ang nangyari sa nagdaang araw. Paminsan ay naiisip ko pa rin sya pero dahil sa mga kaibigan ko ay paunti unti ko na syang nalilimotan.

Nakatanggap ako ng mga chat galing sa barkada.

Clein:

   Ok ka na ba? Be positive lang! Nandito lang ako. Don't be shy!

Me:

   Oh sige! Ede don't hahaha...

Rogue:

   Kumain ka na?

Me:

   Oo, ikaw? Wag ka papalipas.

Rogue:

   Wow! Sweet ha! Kanina pako. Gutom nga uli eh! Pwede bang ikaw naman kainin ko?

Me:

   Ha? Bakit hahahaha... Mukha ba akong pagkain?

Rogue:

   Hindi, pero gusto kitang kainin hahaha...

Me:

   Ulol! Hahaha...

Rogue:

   Magkano ba tuition sa CNC?

Me:

   3K ata pataas. Bakit? Mag aaral kana?

Rogue:

   Oo sana. Sa CNC hahaha...

Bat parang kinalibotan ako nang sinabi nyang sa CNC raw sya mag aaral?

Me:

   Kailan ba?  Sa sunod na pasokan?

Rogue:

   Oo, sa June. Sana magkita tayo.

Si Rogue lagi yung nakakachat ko. Minsan naman ay si Clein. Pero mas madalas si Rogue.

1week kaming may seambreak dahil sa undas. Inaya ko si Carla na gumala sa cemetery. Pumayag sya. Alas kwatro pa lang ng hapon ay gumagala na kami sa cemetery sa Bulhao. Marami na ring mga tao. May mga tirik ng kandila at mga bulaklak ang bawat puntod.

"Don tayo sa luma! Hindi pako nakakapunta don." Ani Carla.

Pumayag ako dahil naron ang kapatid kong namatay. Don sya nilibing sa lumang cemetery. Katabi lang ng bagong cemetery. Pumasok kami. Halos siksikan dahil maisikip ang daan rito. Halos magdikit na ang mga puntod dahil sa dami. Mura lang kasi ang bayad dito palibing pero sa bago ay medyo mahal.

Hindi kasi nailabas ni Mama ang bata. Lalaki sana. December 23, 2018 dapat yon iaanak kaso December 19 palang ay nasa Provincial Hospital na kami non dahil sa pananakit ng tyan ni Mama kaso hindi naman nalabas. Halos malugmok ako non dahil ayaw lumabas ng bata. Sabi pa ng Doctor maaaring mawala si Mama kung hindi nya mailalabas ang bata. Wala na kasing heartbeat ang bata. Masakit mawalan ng kapatid. Nong una panay ang imagine ko na may kapatid nako! Yung nay kahamagan nako. Pero nawala na parang bula. Sabi ng albularyo umalis na kami sa bahay namin sa Manlapaz dahil yung puno sa likod bahay namin ay may masamang elemento. Ilang buwan lang ay umalis nga kami at lumipat sa Calabasa.

Nakita ko si Papa na nasa puntod ng kapatid ko. Sabi nung nilabas daw yon ang puti at sobrang taba. Hindi ko man lang nakita. Ayaw ipakita sakin dahil hindi ko raw makakalimutan ang mukha nya.

"Pa!" Bungad ko. Tumingin sya sakin na namumungay ang mata. Siguro naalala nya yung kapatid kong nasa puntod na ngayon.

Sumulyap sya kay Carla. Nagmano si Carla sa kanya at tumango. Bumaling sya sakin "Kelan ka uuwi?"

"Mamaya, Pa! Uuwi ako mga 8Pm." Sabi ko at hindi na sya umimik. Nakatingin lang sya sa puntod.

Nagpaalam na kaming aalis na at nagparalilibot kami sa buong cemetery. May mga nagtitinda. Naalala ko nong bata pako. Binibilhan ako ni Mama ng mga tinitinda sa cemetery. Tuwang tuwa ako dahil don.

Napatigil kami nang makasalubong namin si Damzel. Ngumiti sya samin pero nakita kong umirap lang si Carla.

"Problema mo don?" Tanong ko.

"Wala! Ang kulit nyan pagang chat ako. Na-offend ako dyan nung nasa canteen tayo." Anya at hinigit ako sa nagtitinda ng maruya. Nilibre nako.

Umupo muna kami sa tulay na naroon. May tubig sa baba. Medyo malumot na.

Napatigil ang pagkagat ko ng maruya ng makita kong padating sina Rogue palapit samin. Nakikipagtawanan sya sa mga kasama nya. Kumaway sya sakin at tumabi. Medyo gulat pako. Kinakalma ko ang sarili ko dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. Potek!

Siniko ako ni Carla "Kaharap mo natutunaw na..." Bulong nya.

Nahimasmasan ako at napakurapkurap. Ngumiti si Rogue.

"Nagagala kayo?" Tanong nya.

"Oo kanina pa, kayo ba?" Sabay sulyap ko sa mga kasama nyang nakatingin rin sa tubig sa baba.

"Ngayon ngayon lang... Wish tayo!" Anya at kumuha sya ng coins sa bulsa nya. Pinakita nya yon sakin.

"Ihuhulog mo dyan?" Turo ko sa tubig "Malumot!" Puna ko.

"Hindi porket malumot ay hindi na kailangan magwish. Wish na..."

Pumikit sya at ngumisi, sumulyap sya sakin at hinagis ang piso.

"Oh? Bakit hindi ka nagwish?" Anya.

"Wala akong coins eh."

"Ah wala ba?... Teka." Anya at kumuha sa bulsa ng board shorts nya "Ito... Utang to ha!" Anya.

"Ah wag na. Hindi naman ako naniniwala dyan." Depensa ko.

"Wala naman mawawala kung maniniwala ka o hindi eh. Basta itry mo lang." Anya.

Kinuha nya ang kamay ko. Halos makuryente ako sa init ng kamay nya. Babawiin ko sana ang kamay ko kaso mas hinigpitan nya ang paghawak sa palapulsuhan ko at ipinatong sa palad ko ang piso.

"Just wish..." Anya at humarap sa tubig.

Mukhang maliit na ilog yon.

Pumikit ako. Try lang. Wala namang mawawala diba.

'Sana, kung sino yung lalaking para sakin ay sya na. Yung wala nang break. Ayaw ko nang maging marupok. Nakakapagod maging tanga. Sana sa isang iglap lang sya na.'.

Napamulat ako at halos hindi ako makahinga. Para akong aatekihin sa puso dahil sobrang lapit ng mukha ni Rogue sakin. Hindi pa ko makabawi sa gulat. Parang piniproseso nya ang bawat sulok ng mukha ko. Nakatitig lang sakin na walang mabasa sa ekpresyon ng mukha nya. Napatingin ako sa labi nyang masarap halikan. Naalala ko nanaman nong hinalikan ko sya. Pota!

May narinig akong sumipol sa mga kasama nya kaya nakabawi ako at ngumisi sya "Your wish is my command..." He whispered at bumaling na sa mga kasama nya. Tinukso pa sya.

Habang ako naman ay napahawak sa dibdib ko sa bilis ng kabog nito.

Naramdaman ko ang pag akbay ni Carla sakin. Mukhang hindi alam ang nangyari. Nagcecellphone kasi to kanina.

"Bat umalis na sila?" Tanong nya. Nagkibit balikat lang ako.

Bawat hakbang ko ay nadedepina sa isip ko ang nangyari. Bakit nya ako tinitigan ng ganon? Parang sasabog ang mga kabayong tumatakbo sa puso ko sa sobrang bilis nito.

"Besh... 911!" Wala sa sarili kong nasabi.

Napabaling ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa puso ko "Ah! Tinamaan hahaha..." Anya at humalagpak ng tawa.

Hindi ko na nakita sina Rogue.

'Your wish is my command'

Anong ibig nyang sabihin don?

Nag aya na akong umuwi dahil nalulutang na ako. Gusto kong magwala dahil sa nangyari para akong may sakit sa puso dahil ramdam ko ang bilis ng kabog nito. Sobrang bilis as in!

Palabas na kami nang makita ko si Clein, kumaway sya samin "Uuwi na kayo?" Tanong nya at tumango ako "Sige ingat! Baka ma-nuno ka hahahaha... Mukha ka pa namang kapre! Tangkad mo ay!" Pasigaw nyang anya.

Umirap ako at lumabas na kami ng cemetery. Pumara kami ng tricycle.

Nauna akong ihatid dahil malapit lang samin yon. Sunod naman ay si Carla.

Nakatanggap ako ng chat mula sa kanya nang makauwi ako.

Carla:

  Besh, Baka rape-n ako nito! Dapat ikaw ang huling hinatid eh!

OA talaga! Hahahaha...

Carla:

   Besh! Nasa pawidan na! Nilagpasan ang Burgos! Tatalon ako dito Gago to!

Me:

   Sabonutan mo! Hahahaha...

Carla:

   Pano ko masasabunotan eh panot? Hahahaha

Halos lumagapak ako ng tawa habang nakahiga sa kama. Nakatanggap ako ng chat mula kay Rogue. Simula nang nangyari kanina halos hindi agad ako makatulog! Ano bang meron sa mga titig nya bakit hindi ako makatulog.

Ginayuma mo ba ako sa titig mo?

BLACKxNEON