November 5, 2018 na ang sunod naming pasok. Maraming nangyari nong seambreak. Nag inoman kami ng barkada ko sa Manlapaz at hindi nako magtataka kung nandon si Rogue dahil kasama na sya sa Barkada. Medyo ilag pa nga ako sa kanya non dahil tuwing mapapatingin ako sa mukha nya naaalala ko lahat nang mga sinabi nya at kung pano nya ako tingnan. Halos sumabog ang puso ko. Sa tingin nya pa lang alam kong bibigay ako. Kaya kalaunan ay hindi ako nagpakalasing. Nagtataka pa nga sina Mary dahil kunti lang nainom ko.
Dumaan ang mga araw at gabi. Madalas kaming magkausap sa chat ni Rogue. Mabait si Rogue, sweet, maalalahanin at higit sa lahat nag aasaran kami. Nakakapanggigil nga minsan dahil panay ang yosi nya. No ba yan!
Si Rujan naman ay hindi ko na nakikita sa CNC, sabi nila bihira na raw magpasok at kung papasok man laging nasa room at hindi lumalabas. Ewan ko nga baka mahaba na buhok non HAHAHAHA!.
Isang araw napaaga kami ng pasok ni Carla. Nakita namin sya sa stage dahil late. At eto pa, tumingin pa sya samin. Abay tinitigan ko rin. Pero walang mababasang ekspresyon sa mukha nya.
Buwan ng Desyembre at naging abala ang lahat sa gaganaping Christmas Party. Unang linggo palang ay nagsibunotan na kami para sa aming reregalohan. Nabunot ko yung kaklase kong babae. Medyo Close kami pero hindi ganon kaclose tulad ni Carla. Maarte yon! Gusto ko sanang makipagpalit kay Carla kaso ayaw nya dahil yung crush nya ang nabunot nya!
Bahala na! Bahala na si Papa kung anong mabili nya! Tutal sa December 15, 2018 pa naman ang Christmas Party namin.
"Besh! May chika ako! Kami na."
Napasulyap ako sa kanya habang kunot ang aking noo "Pinagsasabi mo?".
"Gago ka ba! Kami na! May Boyfriend nako!" Anya.
"Sino naman?" Sarcastic kong sabi, since birth kasi to walang Boyfriend! Masyadong mapili.
"Ede sino pa? Damzel! Hahahahaha... Akalain mo yon? Maiinlove ako sa gagong yon? Yung gago na yon? Nainlove ang isang Carla! Jusmiyo marimar! Unang jowa ko sya! Sobrang nagmakaawa nga sakin eh! Ako naman tong dating bitter naging marupok na." Anya.
"In fairness ha!" Sabi ko. "Akala ko ayaw mo ron hahahaha... Sabi kona, magiging marupok ka rin!" Nang aasar kong anya.
Binatokan nya ako habang tumatawa. Alam nyo yung feeling na... Kahit wala kang Boyfriend, andyan naman yong bestfriend mong nagpapasaya sayo.
Nagbantay ako ng tindahan ni Tita. Nong nasa Manlapaz pa kami may sarili kaming tindahan pero nang lumipat kami dito sa Calabasa ay hindi nakapagpatayo ng tindahan. Kung minsan naman ay nagagawa ng ice candy si Mama at may bumibili paminsan minsan. Ansarap! Basta si Mama ang gumawa, matik nang masarap.
Nakakainis pa minsan. Yung may ginagawa ka tapos may sisigaw na 'PABILI' nang pagbibilhan mo na, saka naman tatakbo! Mga bata talaga! Mga kulang sa aruga! Kulang sa padede ng Nanay.
Nagcecellphone ako at may bumibili paminsan. Kachat ko si Rogue at ang iba kong barkada. Si Clein naman ay bihira na mag online dahil kasama daw yung girlfriend nyang si Jessa na barkada din namin. Akalain nyo yon? Kababata at naging magjowa! How, a nice story to your Childhood Friend. Matagal na raw sila sa pagkakaalam ko. 3months na siguro!
Rogue:
Nag aano ka?
Me:
Nagtatae, sama ka?
Rogue:
San? Sa Cr?
Me:
Hindi!
Rogue:
San pala?
Me:
Basta!
Rogue:
San
Bago pa sya makadugtong ng 'nga' ay tumipa nako.
Me:
Darating... Ang mga salita... Hahahahahaha...
Rogue:
Nga*
Me:
Nga nga mo! Hahahahaha.
Rogue:
Halika nga! Nanggigigil ako sayo!
Natatawa nako dito!
Me to Carla:
Besh! Kenekeleg ekesh hehehehe...
Me:
Ede panggigilan mo! Hahahahaha...
Carla:
Huh? Bakit? Anyare? May bago nanaman ba? Hahahahaahaha...
Rogue:
Oo! Pag nagkita tayo, panggigigilan ko yang laman mo!
Ay sorry! Mali pala! Buto buto kanga pala hahahahahahahahaha...
Me to Carla:
Eh kese nemen si Rogue ehhhhh...
Carla:
Yieeee... Kilig kilig puk* mo hahaha!
Me to Rogue:
Yah! Kapal mo, ikaw rin naman buto buto HAHAHAHAHA.
Rogue:
Edi wow! Lamon ka muna dyan. Nag aano ka ba?
Me:
Nagtatae nga HAHAHAHA!
Joke lang! Nasa tindahan ako nagbabantay.
Rogue:
Nong nasa Manlapaz kapa, alam mo bang bumili ako sayo ng Winston? Ako yung kasama ni Ben non! Share ko lang naman mukha kasing di mo alam hahahaha... Nung nagbabike kami. Nasa gilid ako non. Matagal na kitang nakikita.
Napaisip ako. Kailan yon?
Agad kong chinat si Ben
Me to Ben:
Nagbili ka sakin dating Winston? Yung kasama mo raw si Rogue, nung nagbabike kayo?
Matagal pa bago sya nagreply. Siguro kachat nito mga babae. I know na!
Ben:
Hmmm... Oo! Tinanong non sakin kung anong pangalan mo. Type ka ata hahahaha... Matagal na yon! 2 years ago pa ata. Nong nagbili ako sayo, kanya yung pera. Sabi ko nga sya na bumili kaso nahihiya raw sa tindera. Sinabi ko sa kanya pangalan mo. Tanda kopa yon kasi tinukso kopa yon! Mukhang tinamaan sayo ay hahahahaha...
Medyo gulat ako ron! Naalala ko nong bumili si Ben non! Matagal nanga yon! 2016 pa ata. Sinilip kopa nga kung sinong kasama ni Ben kasi pabulong lang yong boses. Nakaputi sya non. Curios ako non, gusto ko sanang tanongin si Ben kaso nawala na sa isip ko.
Agad may bumili kaya nilapag ko ang cellphone ko at pinagbilhan ang matandang lalaki ng Mega Sardines.
Nang makabalik ako at kinuha ang nakalapag kong cellphone ay nagulat ako halos magharumentado ang kalmado kong puso nung may bumili, pero ngayon gustong sumabog dahil sa sunod sunod na chat ni Rogue. Tadtad ang chat nya na akala mo'y may nagawang kasalanan at panay ang sorry. Pero hindi.
Rogue:
Hoy!
Hoy!
Hoy! Bb eneng!
Reply please!
Ano?
Speechless?
Ano? Anyare na?
Marami pa akong nabasa at typing pa sya. Hindi kona binasa ang iba at tumipa na rin.
Me:
May bumili lang hahahaha... Saka tinanong ko si Ben sa sinasabi mo.
Rogue:
Ah! Sabi kona di mo tanda hahaha... Sa panget ko bang to matatandaan pa? Hahaha...
Me:
Naalala ko na! Hahaha... Di ka panget ulol!
Rogue:
Kung hindi pa sinabi hindi maaalala hahahaha...
Napasinghap ako sa sinabi nya. Sa dami ba naman ng nangyayari maaalala kopa yon?
Ganon ang laman ng convo namin sa mga nagdaang araw. Akala mo'y close nq close sa bawat asaran. Tumatakbo ang mga kabayo sa dibdib ko sa bilis ng kabog nito sa bawat chat namin. Ewan ko ba!
"Besh, matagal na pala akong kilala ni Rogue. Akala ko nong nakala Suse lang kami nong nag inoman." Pagkwekwento ko habang nagdidiscuss ang Filipino Teacher namin isang hapon.
"Talaga!?" Gulantang nyang ani. Napatingin ang mga kaklase namin samin kaya napatigil kami.
"Oo, sinabi nyang matagal na raw nya akong nakikita. Tapos nong bumili sila ni Ben sa bahay, ako yung tindera nahihiya pa atang sya ang bumili dahil ako yung bantay. Hahahaha... Akalain mo yon?" Pabulong kong sinabi kay Carla.
Strict kasi si Sir Filipino kaya walang nakakapag ingay. Kung mapapansin nyo, Subject ang tawag ko sa mga Teachers ko! Dahil hindi ko alam kung ano bang name nila. Hindi kona rin inaalam dahil ika nga 'Pumapasok lang ako at hindi nag aaral ng mabuti'.
"Kumusta ang pag aaral Bb eneng? Pinagbubutihan mo na ba? Bigyan mo naman ng mataas na marka ang Mama at Papa mo! Hindi yung puro Barkada ka. Ang barkada nandyan lang yan. Ang pag aaral mapapahamak ka kung hindi mo pagbubutihan." Anya at hinawakan ang braso ko. Napatingin ako ron at nag angat ng tingin kay Nanay. Seryoso sya "Ang barkada marami man yan, hindi mo pa rin alam kung sino ang totoo at hindi. Tandaan mo. Marami ka mang barkada, isa lang ang dadamay sayo sa oras ng pangangailangan mo." Diretso nyang sinabi sa mata ko.
Para akong natauhan. Marami nga akong barkada sa Manlapaz pero isa lang ang takbohan ko. Si Carla. Nakikinig sa bawat kwento ko si Carla. Tinutulongan nya ako sa mga bagay bagay pagnangangailangan ako.
Napasinghap ako at tumango kay Nanay. Tumayo sya para umalis na. Pero bago maglakad palabas sinabi nya ang "Tandaan mo ang sinabi ko. Hindi lahat ng nakapaligid sayo ay totoo. Madalas, iisa lang ang totoo."anya at umalis na.
December 13, 2018. Binigyan ako ng 1k ni Papa, bumili raw ako ng pang Christmas Party. Wala akong kasama. Nag online ako para sana maghanap ng makakasama. Kahit si Carla ay offline. Alam kong kasama nya ang pamilya nya at nagsimba. Kami naman ay paminsan nalang nakakasimba dahil kailangang mag over time ni Papa sa trabaho.
Napatigil ako sa pagscroll sa active list ko nang makita kong online si Clein. Sa kanya nalang kaya ako magpasama? Lalaki sya! Mababagot sya sa paghahanap.
Bago pa man ako makapag isip ay nakatanggap nako ng chat sakanya.
Clein:
Kailan Christmas Party nyo?
Me:
Sa Martes na! Wala panga ako susuotin eh😔
Clein:
Hah? Bakit naman? Wala ka bang pambili? Hahahahaha... Joke! Wala nga rin ako eh.
Don ako nagkaron ng pag asa!
Me:
Kailan ka bibili? San ka bibili? Ikaw lang ba mag isa? O kasama mo Mama mo?
Clein:
Wow ha! Sunod sunod ang tanong hahahaha... Ako lang! Binigyan nako pera. Hindi ko alam kung san maghahanap.
Me:
Binigyan rin ako eh! Kaso walang kasama. Sakto pala bibili kana rin ede sama na tayo!
Clein:
G! Nasan ka?
Me:
Bihis lang ako.
Clein:
Bilisan mo!
Me:
Opo master hahahaha...
Clein:
Happy ha? Makakasama lang ako ansaya mo na hahahaha...
Me:
Hayop ka! Kapal mo! Wag kana mag chat bibihis nako!
Clein:
Hayop ka rin! Hahahaha...
Magrereply pa sana ako pero naisip kong hindi na kami matatapos kaya mas minabuti kong magbihis na. Hirap pa naman maghanap ng tricycle dito sa Calabasa. 9AM pa lang naman. Ni hindi ako nag almusal. Biglaan kasi. Maaga pa.
Naglagay ako ng kunting make up. Maong shorts at black shirt ang sinuot ko. Kung sakali mang magsukat edi madali! Dinala ko ang bag kong hawk bag. Sanay kasi akong laging may dalang ganto. Nagsandals lang ako at lumabas ng bahay.
"MAMA! ALIS NA AKO! BIBILI NAKONG DAMIT!" pasigaw kong paalam dahil nakala Nanay sya sa kabilang bahay.
"SINONG KASAMA MO?!" pasigaw ring tanong nya.
"MAKIKIPAGKITA LANG YAN SA BOYFRIEND NYA" ewan ko ba kung nang aasar o sarcastic yung sinabi ni Nanay.
"SI C-CLEIN!" sagot ko.
Dumungaw ang ulo ni Mama sa pinto ng bahay ni Nanay. Ngumisi sya ng nakakaloko. Ito nanaman si Mama. Inaano nanaman kami ni Clein.
"Baka pag uwi mo may apo nako!" Biro nya at hindi kona pinansin.
Nakapagpara na ako ng tricycle at sumakay sa loob. May sakay rin sa loob kaya medyo siksik. Para kaming sardinas.
Kinuha ko ang juicy cologne ko at pinanligo yon sa leeg, wrist, braso, buhok at pisngi. Pota! Bakit ko naman yon pinanligo! Ano bang nangyayari sakin? My Goodness Rizavin!
Binaba ako ng tricycle sa palengke at sumakay ako sa panibagong tricycle para magpahatid sa Manlapaz. Ramdam ko ang pagbabaling ng ulo ng mga tao sa palengke. Halos mabali ang leeg para tingnan ako. Pota! Anong tinitingin tingin nyo? Nakakafrustrated ha!
Binaba ako sa harap ng court ng Manlapaz bago bumayad. Halos haplosin ng driver ang kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko. Nagmartsa ako palakad sa court. Nag online ako para ichat si Clein na nasa tambayan ako.
Me to Clein:
Nandito nako sa tambayan. Asan kana?
"Rizavin!" Napaangat ang tingin ko sa lalaking papalapit. "Bihis na bihis ha? Sexy!..." pabulong nyang sabi sa huling salita pero narinig ko naman. Napanguso ako at napasinghap.
"A-ah... May bibilhan lang..."
"May bibilhin? Hahahaha... Sige sige ingat. Aalis rin kami ay! Nakita lang kita." Anya at kumindat sabay kaway.
Luminga linga ako. Maya maya'y nakita ko agad si Clein na nakaporma. Dark blue pants, Yellow shirts at tsinelas. Tsinelas? Talaga lang ha? Hahahaha... Gusto kong matawa. Hindi kona pinansin yon dahil kahit anong suot nya, hindi pa rin matutumbasan ang angking kakisigan at kagwapohan nya. Barkada ko lang sya pero sa ngayon. Parang date ang mangyayari hahahaha... Charrot! Assuming ko naman!.
Pinasadahan nya ng kamay ang buhok. Medyo gumulo. Nakakunot ang noong nakatingin sa baba ko. Kinuha ko ang bag ko at tinakpan ang baba ko. Bakit ka nakatingin ron? Nandon ba mukha ko?
Nasa harap kona sya. Amoy na amoy ko ang male scent nya. Sobrang bango! Hinawakan nya ang baba ko at tinaas yon. Medyo napatalon ako sa ginawa nya dahil kanina pa pala nakamaang ang bibig kong titig sa kanya.
Pinasadahan nya uli ang buhok nya at naglahad ng braso sakin. Nag alinlangan pa ako. Sunod ay pinalibot ko na rin ang braso ko sa kanya. Naglakad kami palabas ng Manlapaz.
"DATE BA YAN CLEIN?" sigaw nang babae, hindi ko alam kung saan. Hindi nya sinagot. Ako naman ay halos manginit sa narinig na yon.
Pakiramdam ko kasing pula na ng liptint ko ang pisngi ko. Nag clay blush ako kanina at ngayon alam kong mas lalo tong pumula sa init na naramdaman ko sa mukha ko. Napakagat labi ako.
Anong nangyayari sakin! Bakit ako nagkakaganto!....
BLACKxNEON