2 days nang hindi nagpaparamdam si Rogue. Ni hindi sya naonline at nachat manlang. Hindi ko man alam ang cellphone number nya. Baka napano na sya? Anong ginagawa nya? May problema ba?
Mahirap sanayin yong jowa mo sa dati mong ginagawa sa kanya. Mahirap sanayin ang sarili mong lagi mo syang kausap. Kasi once na hindi na sya magchat. Don ka mapapatanong sa sarili mo. Over thinking kumbaga. 2 days pa lang pero grabe na ako mag isip. Baka nakahanap na sya ng iba? Marami na rin ako napagtanongan about sa kanya. Ang sagot nila hindi rin nila alam dahil hindi naman daw nila nakakausap simula nong umalis sya.
Carla:
Baka naman nakahanap na besh HAHAHAHAHA! Maraming maganda sa Naga. I mean, hindi ko naman sinasabi na hindi ka maganda. Ang ibig kong sabihin, may mas maganda pa ron.
Me:
Kung mahal nya talaga ako, hindi sya magkakagusto sa iba.
Carla:
Kung sa bagay. Batay sa mga kwento mo sakin. Mahal na mahal nyo ang isa't isa. Kami nga ni Damzel nagkakalaboan na eh. Bahala sya hahahaha... Andami naman pogi dito sa Manila. Gusto mo hanapan kita.
Gago talaga tong bestfriend kona to! Naghihingi ako ng advice eh!
Clein:
Wag ka mag over think. Baka mas lalo kang pumayat hahahaha... Pagdating nya usap kayo. Basta kung kailangan moko, nandito lang ako. Hindi ko man mapapauwi si Rogue. Nandito naman ako para tulongan ka. Wag mo pabayaan sarili mo.
Mary:
Uwi ka bukas dito sa Manlapaz. Punta ka dito sa bahay.
Bakit naman ako pinapapunta non?
Kinabukasan ay nag ayos ako ng sarili. 10am ay tumungo na agad ako kala Mary. Nakita ko si Marry na kausap ang kapatid nya sa loob. Nakita nya ako at aktong lalapit na nang biglang may tumakip sa mata ko. Napaupo ako sa upuan at tinatanggal ko ang pagkakatakip pero nang mahawakan ako ang kamay ay alam kona kung sino. Alam ko kasi ang lambot at laki ng kamay nya.
"Love?..."
Humalakhak sya at tinikal na ang pagkakatakip. Narinig kopang tumili si Mary. Tumabi sakin si Rogue.
"10 days palang ah? Akala ko 14 days ka ron? Napaaga ka ata? I missed you..." Niyakap ko sya ng mahigpit.
Natatawa sya "I missed you too, Love... Umuwi nako, hindi ko kayang magtagal ng hindi ka nakikita." Anya.
Hinampas ko sya sa braso "Hindi ka manlang nagparamdam ng dalawang araw!".
Napahawak sya sa braso nyang hinampas ko "Damn, Love... Pati hampas mo sakin namiss ko hahahaha..." Anya.
"Weee... Hahahaha..." Sabay hampas ko uli sa kanya.
"Yan! Miss na miss ko yan!" Anya.
Hinampas ko uli sya at napatayo ako sabay takbo. Mariin ng tingin nya sakin. Panay ang dilwat ko sa kanya. Tumatawa ako nakangisi sya.
"Mapa-daet sana tayo kaso ang tagal mong dumating eh! Dapat 8am." Anya.
"Hindi ko naman alam na na dito ka! Set up ba to Mary?" Baling ko kay Mary na tumatawa sa malayo.
Ngumisi lang si Mary.
"Plano to! Hahahaha" puna ni Rogue.
"Ano nang gagawin ta?"
"Kakain! Bakit ano bang gusto mong gawin?" Ngumisi sya nang nakakaloko.
"Ang wild mo! Ano ngang kakainin?"
Agad syang lumapit sakin at binuhat ako na parang bagong kasal. Napatili ako sa ginawa nya. Tinakbo nga ang distansya palabas ng Manlapaz.
Binaba nya ako ng makalayo layo na. Hinampas ko ang braso nya.
"Ang hilig mo talagang manghampas no?" Anya.
"Ganyan ako pagkinikilig." Ngumisi ako.
"So, lagi ka palang kinikilig? Kasi lagi mokong hinahampas?" Anya.
Ngumiti ako.
"Tara na nga!" Hinila nya ako pahapit sa kanya. Naglakad kami. Tumigil kami sa Angel's Burger. "Bukas pwede ka? Mapa-daet tayo?"
"Wag na... Hindi naman kailangan na lagi mokong bilhan. Binoyfriend kita para mahalin hindi para pagkagastosan."
Humawak sya sa puso nya "Awts! Gege... So, ayaw mo na? Angel's Burger nalang tayo now?" Anya.
"Kung anong gusto mo edi don tayo" ngumiti ako.
Hinaplos nya ang braso ko pababa sa kamay ko at pinagsiklop yon "Pano kung... May iba pakong gusto..." Dumiretso ang tingin nya sakin.
Tumalikod nako at umupo sa upuan. "Anong gusto mo?" Taas kilay kong tanong.
Umupo sya sa tabi ko "Ikaw... Wala nang iba." Ngumisi pa ang loko.
"Yieee...." Agad tumili ang tindera ng Angel's Burger.
Natawa kami ni Rogue.
"Alin nga?"
"Ikaw nga!"
Umirap ako. At sinabi nalang ang order. Kukuha na sana ako ng pera nang bigla syang bumunot sa bulsa nya at binigay sa tindera.
"Ako ang Boyfriend, Ako ang magbabayad."
Pinalo ko balikat nya "Hindi naman kailangan na laging ikaw no!" Depensa ko."Kumusta yung baby na inalagaan mo?" Tanong ko.
"Nakay Ate na. Ang cute no?"
Tumango ako.
"Gusto mo non?"
Kumunot noo ko.
"Gawa tayo." Ngumisi.
Binigay na ang order at kumain na kami habang naka softdrinks na royal pa.
Marami kaming pinagkwentohan. Masayang magkaboyfriend. Lalo na kung mahal nyo ang isa't isa.
Clein:
Asan ka?
Nakatanggap ako ng chat mula kay Clein nang minsang nagbabantay ako sa tindahan ng tita ko.
Me:
Bakit? Nandito ako sa tindahan ni Tita.
Clein:
Ah. Wala kasi si Rogue. Hinahanap samin ng Mama nya. Ang paalam pupunta raw sayo.
Me:
Ha? Wala sya dito. Ilang beses nang natanong sakin yang Mama nya. Sabi ko hindi ko alam.
Clein:
Lagi rin saming hinahanap eh. Ang sabi lagi nong Mama nya, Nandyan raw sa inyo.
Naiirita ako sa Mama nya. Kahit na kay Rogue. Siguro sinasabi nyang pupunta sya dito sa bahay kahit hindi naman. Minsan napapaisip ako. Bakit naman nya sinasabing dito sa pupunta eh ni minsan nga hindi sya pumunta dito. At ayaw ko rin naman pumunta sya dito.
Clein:
Anong kukunin mong course?
Me:
Flight Attendant. Pangarap ko yon eh! Yung travel travel ba.
Clein:
Talaga? Sige maPiloto ako para kasama ka hahahaha.
Me:
Gago! Mag Engineer ka nalang! Gusto ko mag engineer ka. Tapos umiigting ang panga hahahaha...
Clein:
Gusto mong maging Engineer ako? Sige! Gagawin ko hahahah...
Me:
Joke lang! Syempre gawin mo yung gusto mo. Hindi dahil gusto ko.
Malapit na ang pasokan. Nakapag paenrol na raw ang Mama ni Rogue. Sobrang excited ako dahil magka-Schoolmate lang kami. Laging may inspirasyon. Kaso hapon ang regular class nila. Minsan may pang umaga rin pero para lang yon sa TLE at MAPEH SUBJECT nila.
Ang MAPEH at TLE naman namin ay pang hapon. Morning ang regular class namin.
Pinapapunta ako ni Mary sa bahay nila. May kunting handa raw. Wala raw inoman. Kainan lang raw.
Nagpahatid ako kay Tito dahil mamalengke rin sya. Nakamotor kami papunta sa Manlapaz. Uuwi rin sya agad kaya 2hours lang ang itatagal ko kala Mary Rose. Susundoin rin kasi ako ni Tito.
"Happy birthday Mary..." Sabay yakap ko sa kanya.
"Thank you... Akala ko di ka dadating hahahaha..."
Maraming tsinelas sa labas ng pinto na alam mong marami na ring tao sa loob. Pumasok kami ron at bumungad sakin ang daming tao.
Nakita kopa ang ibang mga kaibigan. Lumapit sakin si Rogue at kiniss ako sa pisngi. Pakiramdam ko namula ako dahil sa dami ng tao. Alam kong nakita nila yon dahil nanukso at tumili ang iba.
"Masyado kayong PDA, bb eneng... Hahaha" natatawang ani Mary.
Kinantahan namin si Mary at nang matapos ay nagsikain na ang lahat.
"Sorry, wala akong gift sayo." Malungkot kong anya.
"Ok lang yon. Akala ko nga walang handa eh." Anya.
Nagulat ako nang biglang punasan ni Rogue ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nya. Ngumiti sya.
"Ang amos mong kumain hahahaha... Hindi ka naman mauubosan."
"2hours lang kasi ako dito. Susundoin rin agad ako ni Tito."
Namungay ang kanyang mga mata, ngumuso pa "Uh, ganon ba? Bilis naman." Anya.
"NASAN ANG TSINELAS KO!" Iritang sigaw ni Suse sa labas.
Binatokan sya ng kapatid nyang si Levan. "ANG INGAY MO!".
Naging ok na kami ni Levan. Nong bakasyon ay in-add nya ako sa Facebook at nagchat. Akala ko hindi na kami magiging ok. Pero kalaunan ay naging magkaibigan na rin kami. Ang alam ko may bago syang girlfriend na sa ibang School nag aaral. Nagtagal pa. Ang alam ko 4 months ma sila.
"Basta pag nasa birthday talaga! Laging nawawala ang tsinelas hahaha..." Biro ni Rogue.
"Gusto mo pa, Bb eneng?" Tanong bigla ni Clein.
Umiling ako sabay ngiti.
Inabotan ako ni Clein ng tubig pagkatapos kong inomin ang coca cola.
"Thank you..."
Simula nang magkaboyfriend ako. Wala na akong nakakachat. Kami nalang lagi ang magkausap. Nakakairita pa minsan dahil hindi agad sya nakakareply.
Nang magpasokan na. Tumungo ako kala Carla dahil nariyan na raw sila nung friday pa.
Mas lalong pumuti si Carla at mas kumurba ang katawan. Kinukuha nga tong model kaso ayaw nya dahil makakasira raw sa pag aaral. Saka ayaw nyang mag model. Gusto nyang maging architect. Magaling sya magdrawing at matalino. Hindi nako magtataka kung agad may kumuha sa kanyang magpadesign ng building o bahay.
Di tulad ko na namomroblema dahil hindi ako matalino.
"Oh!" Binigay sakin ni Carla ang tatlong damit. Maganda ang tela at mukhang mamahalin.
"Sakin to?" Gulat pako.
"Malamang! Kanino pa ba? Hahahaha... Sayo talaga yan! Mahal yan wag ka! Suotin mo yan ha!" Anya.
Dalwang off shoulder at isang spaghetti strap ang binigay nya.
Pumasok na kami at hinanap pa ang dati naming mga kaklase dahil kaklase parin namin sila ngayong Grade 10 na kami.
Sa pinakadulo kami umupo at maya maya'y pinalipat kami ng room dahil hindi raw don. Nang pumasok kami sa nilipatan ay nagkwento si Carla tungkol sa buhay Manila. Marami syang nakwento dahil marami silang napuntahan kahit napuntahan namana nila dati.
Namigay pa sya ng pagkain galing sa Manila na wala dito sa Camarines Norte. Magulo. Pinagkagulohan dahil sa dala nya. Natatawa pako minsan dahil humihingi ulit yung nabigyan na kaya naiinis sya at napapasigaw.
Dumating ang magiging adviser namin at nagpakilala. Nagpakilala rin kami. Hindi muna naglesson dahil first day. Busy rin ang adviser namin dahil marami raw inaasikaso.
Lunch break ay sa taas kami kumain ni Carla. Agad may yumakap sakin sa likoran. Amoy na amoy ko ang male scent nya. Alam kona kung sino.
"Aga mo!"
"Well... Gusto na kita makita eh hahahaha..." Anya.
Napansin ko ang mga taong tumingin. Parang nagkacrush kay Rogue. At yung iba naman ay parang hinuhubaran sya sa mga titig palang. Lalo na ang mga babae.
Binilisan ko ang pagkain. Si Carla naman ay panay ang talak about sa life nya.
Nang matapos ay tumambay kami sa harap ng School. Nagkwentohan kami. Umalis naman si Carla dahil third wheel raw sya. May mga Grade 8 rin at Grade 9. Dahil nga dalawang taon sya na-dropt, balik Grade 8 sya.
Maala-una na kaya pumasok na kami sa loob. Pumasok na ko sa room habang sya'y nasa labas para malaman ang room nya.
"Kita tayong recess ha!" Anya.
Tumango ako at ngumiti. Hindi pa naman regular class kaya parehas kami ng oras ng recess.
Nang recess na ay nakita ko sya sa canteen may friends agad na dalawang lalaki.
Pinakilala nya sakin yung dalawa at umupo ako sa nakalaang upuan katabi nya.
Panay ang tingin ng mga tao saamin. Lalo na kay Rogue. Bago sa paningin nila. Lalo na gwapo sya. Parang ayoko na tuloy syang mag aral. Para kasing aagawin sya sakin.
Inakbayan nya upuan ko. Namula ata ang mukha ko dahil nanukso ang dalawang lalaking kasama nya na kaharap namin.
Tumawa lang sya. Samantalang ako'y hindi magkamayaw dahil andaming matang nakatingin.
"Anganda nong kaklase ta no?" Ani Dan.
"Sino don?" Tanong ni Rogue.
"Yung panay ang tingin sayo. Hahahaha"
Potek! Panay ang tingin sa kanya? Sino don? Gusto kong alamin! Magpapakilala akong girlfriend mo!
Nang matapos ang recess ay pumasok ako sa room ng maraming iniisip.
"May panay raw ang tingin kay Rogue. Kaklase nyang maganda." Malungkot kong sinabi nang tanongin ako ni Carla kung anong nangyari bakit ang lungkot ko.
"Ha? Sino naman daw?"
"Natatakot ako besh! Baka maagaw sya sakin."
"Yon ay kung magpapaagaw sya..."
Agad nanlaki ang mata ko "Tama! Kung magpapaagaw sya edi go!"
Tinampal nya ang balikat ko "Edi go na ano? Eh pag naagaw na saka ka iiyak? Saka ka manghihinayang? Ipinaglaban mo tapos ipapamigay mo lang? Tsk, tsk, tsk... Sa huli ikaw rin maghahabol."
'Sa huli ikaw rin maghahabol...'
Nagpaulit ulit yon sa isip ko. Sanay nakong maghabol kahit ayaw na sakin, sinusubokan ko pa rin baka pwede pa. Sa ngayon, natatakot akong maagaw sya. Kahit hindi sya magpaagaw, pano kung maagaw sya dahil naakit o dahil mas maganda sakin? Over think ako pagdating sayo...
BLACKxNEON