Sobrang clingy kona siguro. Panay kasi ang chat ko sa kanya. Ngayong nag aaral na ulit sya, maaaring makahanap sya ng iba. Ayaw kong mag isip ng kung ano ano. Pero hindi ko mapigilan dahil kahit anong pigil ng isip ko, hindi kaya.
Hapon nanga uwian. Kumain kami sa food court ng fishball. Ako na nagbayad. Nagpumilit panga sya eh pero mas pinilit kong ako naman ang magbabayad.
"Rizavin! Sino yang kasama mo?" Tanong isa kong kaklase na si Jona.
"Uh... Si Rogue..." Ngumiti ako.
"Yieee... Ikaw ha! Hahahahaha..." Sabay kiliti nya sa bewang ko.
Ang plastic naman nitong kaklase ko. Eh pag nasa room kami wala yang paki sakin. Porket may kasama akong gwapo namansin. Hahahahaha... Pakyu ka Ghorl.
"Sino yon?" Tanong ni Rogue sakin.
Sumulyap pako sa papalayong si Jona na nakatingin pa pala samin.
"Si Jona... Kaklase ko. Kumusta ang School?" Pag iiba ko ng topic.
Tumango sya "Ok lang naman. Nagkafriends agad ako. Hahahaha... Wala pa namang ginagawa." Anya.
"Wala pa talaga yon. Next week pa magkakaregular class. Kaya, kailangan hindi ma-late..."
Ganon ang naging ganap samin ni Rogue sa tatlong araw na nagdaan. At nang mag Thursday na ay don ako mas nag overthink dahil hindi na sya nag oonline. Siguro dahil busy. Pano naman magiging busy eh wala pang leksyon.
"Ano? Kumusta kayo nong Boyfriend mo? Sa CNC rin yon nag aral?" Tanong minsan sakin ni Mama.
Tumango ako.
"Bakit ang lungkot mo? Wala na kayo?"
Napabaling ang tingin ko kay Mama nang umupo sya sa tabi ko.
Hinaplos nya ang buhok ko. "Alam mo, Bb. Hindi lahat ay magtatagal. Laging sa una lang masaya. Hindi dahil nagkakalaboan na kayo ay ayaw na nya. Minsan may mga panahong busy sya. Hindi laging dapat kayong magkausap o magkasama dahil mahal nyo ang isa't isa. May mga panahon talagang pakiramdam mo ayaw mona? Sawa kana? Tapos pag wala na kayo saka ka magsisisi?"
"Nagkakalaboan na kami, Mama. Bihira na sya mag online simula nong lunes. Huwebes na ngayon." Malungkot kong kwento.
"Una mo naman yon. Hindi lahat ng mahal mo ay sa huli kayo pa rin. Baka isang araw matauhan syang puppy love lang pala."
Napaisip ako sa sinabi ni Mama na Puppy Love...
Ma 3months na kami sa 16.
Dumaan ang mga araw. Bihira na syang mag online. Regular class na rin kasi. Maaaring busy sya. Iba ang time nila samin kaya madalas na hindi kami nagkakasabay.
2weeks ago, nagchat ako sa kanya na sabay kaming pumasok ngayong umaga. TLE nila ngayon. Pumayag naman sya.
Naglakad pa talaga ako papunta sa Manlapaz para magkasabay kami. Nakita ko sya ron na nagcecellphone habang tumatawa. Siguro kausap nya sina Clein.
Ginulat ko sya. Tumatawa pa syang humarap sakin. Naglakad kami papuntang School. Panay ang cellphone nya habang tumatawa. Sinilip ko yon pero inilayo nya. Napakunot ang noo ko sa ginawa nya.
"Spg to hahahaha...." Anya.
Hinampas ko sya sa likod "Ede wow! May kachat kanga!"
"Edi wow! Wala!" Puna nya.
Umirap ako. Nakarating na kami sa School. Nasa corridor na kami at sarado pa ang mga pinto ng room. Alas syete na hindi pa binubuksan.
Nagkwentohan kami ni Rogue sa gilid ng hagdan. May naalala ako sa hagdan na to. Dito kami ni Rujan nag uusap dati at nag away nong Analiza na yon.
Dumarami na ang mga estudyante. Panay ang sulyap ng marami. Ang mga babae naman ay naririnig ko ang mga sinasabing...
"Anong name non?"
"Ang pogi!"
"Transferee ba? Ang gwapo!"
"Pag alis nong girl tanongin ta."
Napabaling ang tingin ko sa huling sinabi ng isang babae. Pinagtaasan ko sya ng kilay. Parang nahiya yong babae dahil narinig ko sya.
Bumaling ako kay Rogue at ngumiti. Hinawakan ko ang braso nya "Sige, Love... Ingat ka ha." Sabi ko ng mariin para maiparinig sa lahat at tumalikod nako.
Naglakad ako papunta sa room dahil nagbubukas na ang guard. Taas noo akong naglakad. Kitang kita ko ang pagkaawang ng mga tao.
"Rizavin, Jowa mo yon?" Tanong ng kaklase kong si Via.
"Bakit?"
"Talaga Jowa mo yon? Grade 8 palang? Parang kaedad lang natin ah! Ang pogi pati!..." Tumili pa.
D na ako umimik dahil mga plastic naman sila. Mamamansin lang pag may kailangan.
Dumaan ang mga araw. Nakapagplano akong gumawa ng 'Explosion Box'. Nagpasama pa ako kay Carla para bumili ng gagamitin sa paggawa. Bumili ako sa faraon. Nagpaload pa ako ng Giga50 para makanuod sa paggawa non. Uso yon ngayon sa mga magjowa. Nakanuod ako at gagayahin ko nalang mamayang gabi.
Kinagabihan, hindi sya nag online. Marahil pagod sya. Alas nuebe ng gabi nagsimula na akong gumupit habang nanunuod sa paggawa. Inuna ko ang banner dahil madali dali tong gawin. Nilagyan ko ng design sa gilid. Sa mga nakaraang araw nag aral ako sa pagsulat ng calligraphy. Gumupit ako sa color paper para makagawa ng heart.
Alas dose na. May tatlong araw pa ako sa paggawa nito. Natulog nako dahil may pasok pa bukas. Nagising ako ng alas kwatro at hindi na nakatulog ulit. Nag online ako para sana tingnan kung may chat ba sya sakin, kaso wala akong natanggap ni isa. Kung dati tadtad ako magchat sa kanya at natadtad rin sya sakin. Ngayon, wala ni isa.
Tumungo akong Manlapaz para sana makasabay sya kaso wala. 7:30am na at wala pa rin sya. Hindi ko man lang sya nakita sa daan. Naglakad nalang ako para pumara ng tricyle. Late nako pero kaya pa to.
Nakarating ako sa School. Naglakad ako sa corridor at malayo nako'y tumingin pako sa gate nang mapatigil ako dahil kararating lang nya. Late sya at naguidance pa.
Malungkot akong pumasok sa room. Napansin agad yon ni Carla. Late daw pati ako anyayare. Ni hindi ako nagkwento. Parang ayaw bumuka ng bibig ko.
Tinampal nya ako nang 2nd subject na. "Hoy! Kanina kapa tahimik. Anyare? Himala. Hindi ka nagsasalita huh! Panis na laway mo... Hahahaha..."
"Masama lang pakiramdam ko..." Sabay hungko ko sa bag kong nakapatong sa mesa.
"Tara sa clinic." Hinigit nya braso ko kaso pinigilan ko sya at umiling ako.
Kinuha ko ang katinko na nasa bag ko at naglagay sa dibdib. Pakiramdam ko kasi naninikip. Nawawalan ako ng hininga.
Uminom ako ng tubig para mahimasmasan.
Dumaan ang mga araw, sobrang cold na nya. Hindi na rin ako pinapaalalahanan. Madalas ako na yong gumagawa ng dapat na parehas naming ginagawa.
Me:
Kain kana ha!
Asan ka?
Ingat ka lagi... Love you..., Love.
Hoy! Hahahaha... Bakit ang cold mo? May problema ba?
Kung may problema nandito lang ako. Bakit mo pa akong naging girlfriend kung hindi ka rin naman magsasabi.
Sa lahat ng sinabi ko, wala akong natanggal ni isa. Lagi ko ring inoonline ang account nya kaso wala naman syang nirereplyan.
Kwenento ko ang nangyayari samin sa mga kaibigan ko. Tinanong kona rin sila kung may problema ba si Rogue pero wala silang nabibigay na sagot sakin.
Pati ang bestfriend na si Clein ay walang maibigay na sagot.
Habang naglalunch kami ni Carla. Naiiyak ako. Dahil sa lahat ng pinagdaanan namin naaalala ko. Lahat ng puntahan ko, naaalala ko sya.
Pinunasan ni Carla ang luhang tumulo sa aking mata "Ichat mo sya besh... Tanongin mo kung may problema ba kayo. Mahirap nag assume na kayo pa pero para sa kanya wala na kayo. Hindi na rin sya nagpaparamdam sayo. Sige na... Gusto moba ichat ko sya?" Kinuha nya ang cellphone nya at chinat si Rogue.
99+ ang chat ko kay Rogue pero wala syang reply.
"Rizavin! Diba jowa mo yung pogi? Bakit iba kasama nya? Kasama nya si Kim!" Turo ni Belle sa labas ng kinakainan namin.
Nakita ko syang may kasamang babae patawid habang nakikipagtawanan. Maganda sya, maputi at matangoa ang ilong. Mukhang mayaman. Muntik nakong mabilaukan nang bigla nyang hinawakan sa bewang yung babae patawid.
Napainom ako ng tubig at umiwas ng tingin.
"Hala!" Napatakip si Carla sa nakita.
"Talo ako besh... Mukhang mayaman at maganda pa. Sya ata yung sinasabing maganda raw na kaklase nila."
Hinampas nya ang braso ko "Gago ka ba! Dapat sinugod mo!" Anya.
Nag online ako at hinanap ang kim sa friends ni Rogue kaso walang kim na lumabas.
"Ano bang name nong babae?" Tanong ko kay Belle.
"Kim Ford" anya.
"May lahi!" Gulat na ani Carla.
"Wala naman ata. Natural na Pinay lang." Sagot ni Belle.
Senearch ko yon at sinuri ang profile nyang umabot sa 879 reacts. 1,234 comments at 24 shares.
Pinakita ko yon kay Carla "Talong talo ako besh. Maganda na famous pa." Ngumiti ako pero ramdam ko ang sakit.
Hinaplos nya buhok ko "Maganda ka naman ah! Mukha ngang hustis yung Kim. Wag kana umiyak. Talo ka pag umiyak kapa... Magrereply na raw sya. Busy lang raw kaya di nakakapagreply" umirap sya at pinakita sakin ang reply sa kanya ni Rogue.
Me:
Love... May problema ba sakin? Sabihib mo lang aayosin ko promise. Kausapin mo lang ako. Kung ayaw mo na, ayaw mo na ba? Kasi ako gusto kopa. Kaso parang ayaw mo na?
Typing pa sya... Antagal. Pero nang magreply ay sobrang ikli. Para akong pinatay ng paulit ulit sa nabasa.
Rogue:
Ayaw kona. Sorry...
Sunod sunod ang luhang tumulo sa mga mata ko. Anlabo na ng paningin ko at hindi na mabasa ang tinitipa.
Me:
Bakit? Gusto kong malaman ang dahilan. Bakit?
Rouge:
Sapat nang dahilan ang ayaw kona. Sawa nako.
Sumilip si Carla sa cellphone ko "Sawa na raw sya? Yung sawa? Hahahaha... Hayo yon ah! Hayop na sya?"
Tiningnan ko ng mariin si Carla tinikom nya ang bibig nya at nag piece sign.
"Hayop sya!" Yon ang una kong nasabi.
Tinadtad ko ng chat si Rogue kung bakit kaso hindi na nya seenen.
Hinigit ko si Carla palabas ron at inaya ko sya papasok ng room sa School. Umupo ako sa tabi. Ang aga namin pero gusto kong humagolhol sa iyak. Umiyak ako ng umiyak sa tabi. Panay naman ang tahan sakin ni Carla. Wala pa kaming mga kaklase kaya free akong umiyak ng malakas.
"Besh... Mi-minahal ko s-sya... Mahal ko sya. Ma 3months na kami sa Martes eh..." Alam kong basang basa na ang desk sa luha ko.
"Marami pa dyang iba... Makakahanap kapa. Sayang! sya lang yung nagtagal sayo."
"Pano ako makakahanap kung sya ang gusto nito." Hawak ko sa pusong kumikirot. "Sya lang talaga yung tumagal sa ugaling meron ako. Sya lang!" Humagolhol ako sa iyak.
Naalala ko yung huli kong chat sakanya.
Me:
Sawa kana ba sa ugali ko? Anong gusto mong gawin ko? Gagawin ko! Wag mo naman to gawin sakin oh. Please, Love... Ayaw kona ulit masaktan. Ayaw konang masaktan. Please... Bumalik kana sakin.
Nagbibiro ka lang diba? Tayo pa diba?
Grabe yung pagmamakaawa ko sa kanya. Bumalik lang sya. Grabe kasi eh! Minahal ko sya nang higit pa sa buhay ko. Ginagawa ko lahat. Isang tawag lang nya nandyan agad ako.
Recess namin ng hapon at nakita kong papalapit samin si Kim na malandi. Ngumiti sya. Wow ha!
"Ate Rizavin! Anong nangyari sainyo ni Rogue? Wala na raw kayo? Bakit!..." Malungkot nyang sinabi.
Umirap si Carla at may binubulong bulong.
"Wala na! Masaya kana? Sayo na yon, kung gusto mo! Tutal kakabreak pa lang naman namin kanina. Single na ulit sya."
"Landiin mo na Kim!" Pagalit na sigaw ni Carla. Nanlaki ang mata ni Kim at susugorin sana ng sapak si Carla nang nahawan ni Carla ang braso nya. Kitang kita ko ang mariing hawak ni Carla sa kanya.
"Tangina mo ha!" Galit na sinabi ni Kim.
"Mas Tangina mo! Mana ka sa Nanay mong Panot! Landi mo eh no?" Sabi ni Carla nang pinanlalakihan sya ng mata. Patapon nyang tinulak ang braso ni Kim at nawalan to ng balanse, dahilan para mapatama sya sa mga taong nakikiusosyo.
"Anong landi, landi? Sya ang lumalandi sakin hindi ako! Kasalanan ko bang mas maganda at magaling ako sa isang katulad, mo!" Turo nya sakin.
Gusto kong manapak kaso ayaw kong maguidance ulit dahil na-warningan nako.
Nagmartsa paalis si Kim.
Andaming tumatawa at nagcheer kay Carla. Palaban talaga to eh.
Umuwi ako sa bahay naa mugto ang mata. Hindi ako tumingin kala Mama. Sa baba lang ako nakatingin dahil halatadong masyado ang mata ko. Nilugay kopa nga ang buhok ko para hindi makita. Dahil dati'y laging naka-bun to.
Napatingin ako sa banner at explosion box na gagawin ko. Nagawa kona ang banner pero ang explosion box ay hindi kopa nagsisimulan.
Mahirap talaga magplano. Dahil hindi natuloy ang dapat kong gawin. Nakadalawang subo lang ako sa pagkain at pinakain nalang ang tira sa aso.
Ni wala akong chinat na kahit sino. Hindi ako nag online at tulala lang ako sa bubong.
Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Tiningnan ko sa cellphone ko ang picture naming magkasama lagi. Naalala kola non na pinagalitan raw sya ng Mama nya dahil sa cover photo nyang nakakiss ako sa pisngi nya. Kuha yon sa Court ng Manlapaz. Galit na galit raw ang Mama nya. Nasaktan ako ron, Oo pero pinagsawalang bahala ko nalang.
Ngayon, mas lalo akong nasaktan sa break namin.
Me:
Reply ka naman oh! Ni kunting pagmamahal ba wala na? Kahit kunti lang? Tayo nalang ulit please...
Akala ko ba walang iwanan? Ako lang ata yung lumaban sating dalawa eh. Iniwan moko sa ere. Hinayaan mokong lumaban habang ikaw suko na pala.
Bakit naman ganon kabilis, Love... Miss kona yung tawag mo saking Love. Sa tuwing tinatawag moko non. Para akong magwawala sa kilig Hahaha... Please... Balik kana. Mahal na mahal pa kita.
Lumaban ako para sating dalwa. Lumalaban ako dahil mahal pa kita. Hindi ka man lang ba lalaban? Ayaw mo na talaga? Suko kana?
Kahit paulit ulit mokong saktan, wag ka lang bumitaw. Mahal na mahal kita. Kahit saktan moko, ok lang! Wag mo lang ako iwan. Kasi ang sakit eh.
Halos umabot ata sa 1k+ ang chat ko sa kanya na wala manlang akong natanggap na reply sa kanya.
Akala ko ba sya na? Akala ko ikaw na. Akala ko tayo hanggang dulo pero sumuko kana.
I reject others just for you... Naalala ko pa yung sinabi ko sa kanya yon. Maraming nagtangkang manligaw pero ikaw yung pinili ko dahil akala ko seryoso ka. Hindi pala. Para sayo, laro pa rin ang lahat.
Nakatanggap ako ng chat sa mga kaibigan. Wala akong nereplyan kundi si Carla lang. Panay ang advice nya sakin. Si Clein rin ay panay ang chat pero minsan na offline.
Nag aya ako ng inom sa nagdaang araw. Sa likod ng court kami nag inoman dahil tago yon. Sumama pa si Carla para damayan ako. Nag cutting classes kami ng hapon.
Wala na kami pero sa tuwing nakikita ko sya mas lalo akong nasasaktan. Sa tuwing nakikita ko syang parang wala lang nang magbreak kami.
"Yung explosion box nagawa mo na?" Tanong ni Carla nang magshot.
Umiling ako "Hindi ko nagawa. Pero yung banner nagawa ko. Sayang lang eh! Sayang yung pagpupunta ko dito. Sayang yung pamasahe. Nag iipon pako para makapunta dito at makasama lang sya. Sayang yung pinagsamahan namin." Kwento ko.
"Hindi na rin sya sumasama samin. Madalas kasama nya si Clein. Si Clein tanongin mo." Ani Josh.
"Gusto kong malaman kung bakit sya nagsawa. Hindi nya ko binigyan ng dahilan." Frustrated kong sabi.
"Dati lang, ansaya nyo pa. Akala ko walang break na mangyayari. Pero..." Ani Ben.
"Tadtad ang chat ko! Umabot na ata yon sa 1k+ o 2k wala syang reply."
"Inignore ka siguro!" Puna ni Suse.
Nanginginit ang katawan ko sa alak na iniinom. Gin kaso to.
Dumaan ang mga araw madalas kaming mag inom. Minsan sa room ako umiinom. Si Carla naman ay tumitikim lang.
"Gusto kona mamatay besh..." Sabi ko.
"Jusko! Namumula ka! Andyan na si Mam! Makikita ka!" Anya at tumago ako payoko.
Nang makalapit na si Mam ay yumuko ako.
"Napano yan? Si Ventura ba yan? Napano ka?"
Pinapungay ko ang mata ko nang umangat ang tingin ko kay Mam.
"Ah... Eh, masakit po Mam ulo nya. Nahihilo po." Singit ni Carla.
Hinawakan ni Mam ang leeg ko "Ang init mo nga! Tara sa Clinic." Anya at inalalayan akong maglakad.
Sumulyap ako kay Carla na naka thumbs up at nakangisi. Nang makalabas na kami ng room ay naghiyawan ang mga kaklase ko.
Dinala ako sa clinic at pinaamoy lang ako ng katinko at nilagyan ko ang ulo at sentido ko. Pinatulog rin ako kaso nakaidlip lang ako madali sa kama. Hindi kasi sila basta basta nabigay ng gamot baka hindi sayo bagay. Dati nabigay sila pero ngayon hindi na.
Nag bell na, hudyat na uwian na sa morning class. Pinuntahan ako ni Carla habang hawak ang bag ko at binigay sakin.
"Uuwi ako besh..." Sabi ko "Nagsakit talaga ulo ko sa sinabi mo hahaha..."
Tumango sya at hinatid ako sa tricyle na nakaparada sa labas ng School.
Hindi naman talaga masakit ulo ko kanina. Pero dahil sa sinabi nya sumakit nga talaga. Ok na rin to dahil habang nasa School ako nakikita ko sya.
Hindi na rin ako nakakafucos sa School. Madalas akong napapatayo dahil hindi masagot ang tanong. Lutang ako.
Inunfriend kona si Rogue.
2months at ilang days ay minahal ko sya ng sobra. Akala ko aabot kami ng tatlong buwan pero saktong tatlong buwan ay syang paghiwalay namin.
Ako lang yung lumaban saming dalawa sa dulo. Pero sya, sumuko na.
BLACKxNEON