Marami nang luhang dumaloy mula sa aking mata. Hindi matatawaran ng iyak ang sakit na nadarama. Ang isang sakit na mararanasan mo ng paulit ulit.
Mapapatanong ka nalang sa sarili mo. Bakit lagi nalang ako nasasaktan? Bakit sa huli ako lagi yong talo? Bakit sa huli ako pa rin yung lumaban kahit suko kana? Bakit hindi ka lumaban habang ako'y lumalaban pa.
Ilang araw na ang nakalipas. Nagawa kong maglaslas. Kunting kunti nalang sa pulso na ang dali. Sa Facebook ko to nakita, at marami na ring gumagawa nito sa School. Nauso kumbaga. Pag uso talaga nagagaya natin eh diba?
Sa mundong magulo, akala ko ikaw ang makakapagpabuo saakin. Pero hindi pala. Yung tagal nating relasyon, sinira mo ng wala kang masabing dahilan. Ano yon nasawa lang?
Hindi natin naiiwasan ang pagkasawa sa pakikipagrelasyon lalo na kung tumatagal na kayo. Kung sawa kana, pero mahal mo pa. Bakit hindi nyo ipagpatuloy kung anong nasimulan nyo? Hindi yung maghihiwalay kayo dahil sawa na? Parang naglaro kayo ng bahay bahayan. Pag ayawan na talo yung gusto pang ipagpatuloy ang laro.
"Imagine Besh, pinagpalit ka sa nagandahan lang? Tapos ikaw mahal na mahal mo sya pero ikaw yung iniwan. Mas pinili nya yong kaklase kaysa ka-Schoolmate. Wow lang ha!" Iritang ani Carla.
Epal lang besh ha?
"Imagine? Eh, ginawa nanga nya eh!" Napapikit ako ng mariin dahil nahihilo nanaman ako sa nainom na alak. Madalas akong uminom para maibsan ang sakit. Gusto kong makalimot. "Gusto kong magka-Amnesia at mabagok para malimutan sya!"
Binatokan nya ko "Makakalimot ang isip, pero ang puso hindi!".
Umuuwi na ako ng maaga. Kung dati'y iniintay ko si Papa sa Manlapaz para sabay na kami. Pero ngayon, Hindi. Sinasanay ko na ang sarili kong kalimotan sya. Grabe ang pagmamakaawa ko sa kanya. Pero ni isang sagot wala akong nakuha!
Pati si Clein panay ang kulit ko sa kanya kaso wala rin daw sinasabi si Rogue sa kanya.
Alam nyo yon? Yung lagi kayong nag aaway sa mababaw na dahilan. Pero kahit anong away pa man yon, inaayos namin. Marami akong iniisip kung san ako nagkulang. Kasi isang tawag nya lang sakin pumapara nako ng tricycle para mapuntahan sya eh. Pero sa lahat ng ginawa ko. Hindi pa rin nya ma-aapreciate lang yon, dahil may nakita syang bago sa kanyang mga mata.
Naging cold lang naman sya, simula nong pasokan eh. Hanggang sa nagkalaboan na kami sa isa't isa. At nauwi sa hiwalayan.
Naalala kopa nga non. Sa tuwing inaaway nya ko. Di nya ako kakausapin pero mga ilang minuto lang susuyoin na nya ako at minsan naman sya ang sinusuyo ko. Hindi kami natutulog ng magkagalit. Mga 10minutes o 5minutes nagbabati na ulit kami.
Kung dati, hindi nya natitiis na wala kaming convo pag nakaonline kaming pareho. Pero ngayon, natitiis na nya akong hindi kausapin kasi hindi na ako yong gusto, mahal at priority nya.
Bawat pag iisip ko sa nagdaang araw. Lagi akong natutulala. Nagpapatugtog pako ng 'Statue' favorite song ko pag malungkot ako.
Panay ang slide ko sa mga pictures namin. Naalala kopa, last 2weeks nang magkaron ng 'Induction Ceremony' sa School. Gabing gabi nanunood kami sa mga nanunumpa. Hindi ako nakasali aa officers dahil kunti lang ang bumuto sakin. Epal lang kasi, mas binuboto nila yong mga kaclose nila kaysa saking kaklase lang ang turing, parang basura nga eh!
Napabaling ang tingin ko kay Rogue na kausap si Kim. Sabay punta nya sa mga kaibigan nya. Nakita ko si Kim na hinigit patayo si Rogue sa pagkakaupo at agad nilagay ni Kim ang kamay ni Rogue sa bewang nya. Halos mabilaukan ako at gusto kong sumugod kaso maraming umaaligid sa kanya. May isa pang humihila sa kanya para isayaw nya.
Sa mga nangyayaring yon? Nasasaktan ako! Kaso wala akong magawa kundi pagmasdan nalang dahil nakikita kong masaya ka. Kaso sa huli, sa sobrang paghaya ko sayo ay syang pag ayaw mo sakin. Ni hindi ko man lang sya nakasayaw sa gabing yon. Nagkaron lang kami ng picture dalawa nang malapit nang matapos ang sayawan at magsisiuwian na.
Buti pa si Oliver, inaya nya ko. Yung taong inaasahan kong aaya sakin ay syang may kasayaw nang iba. Pwede naman syang humindi diba? Pero pano naman sya makakahindi kung sa dami nang gustong makipagsayaw sa kanya.
Sya sana yong first dance ko kung magkasama kami. Nasa iisang School lang kami pero parang anlayo layo naming dalawa sa isa't isa. Nasa iisang School lang kami pero pinili nya yong kaklase kaysa ka-Schoolmate lang.
Isang araw, hindi ako makakapagtricycle kaya sa Manlapaz nalang ako mag aantay para sumabay kay Papa. Naubosan kasi ako ng pamasahe dahil sa projects.
Habang naglalakad ako. May humarang sakin bigla. Nakatakip ang kalahating mukha nila sa panyo. Napatigil ako. Tatlo sila. Mga mukhang adik. Hindi ko kilala kung sino, lalo na't may takip ang kanilang mga mukha.
Agad akong hinawakan sa magkabilang braso ng dalawa nyang alagad. Nagpumiglas ako. Tumalon ako para matapakan ang paa ng nakahawak sakin kaso ako pa yong nasaktan dahil natikal agad nila ang paa nila na dapat kong tatapakan.
Tumawa sila. Kinaladkad nila ako sa gilid ng kalsada. Medyo madilim na dahil pagabi na. Natatakpan pa ng puno ang kunting liwanag ng langit, kaya mas lalong madilim.
"TULONG!..." sigaw ko at agad akong pinasukan ng panyo sa bibig ng nasa harap. Tumawa sila. Medyo tahimik sa paligid dahil puro puno ang makikita mo sa magkabilang gilid ng kalsada. Malayo rin ang mga bahay.
Nagpumiglas ako nang biglang haplosin pababa ng kaharap ko ang mukha ko pababa sa leeg papunta sa balikat sunod sa braso. Hinawakan nya ang kamay ko at agad yong hinalikan ng nakangisi.
Panay ungol lang ang nasasabi ko dahil sa panyong nasa bibig ko. Ang alat pa ha! Pawis nila! Potek!
Bumalik ang kamay ng kaharap sa batok ko at lumapit sya sakin. Tinanggal nya ang panyo nya sa mukha at napapikit ako ng hangawan nya ng malakas ang mukha ko. Amoy sigarilyo pa! Makapigil hininga ang ginawa ko. Tutuhodin ko sana ang gitna nya kaso nahawakan nya agad ang binti ko. Nilagay nya ang binti ko sa gilid ng bewang nya. Madilim, hindi ko maaninag ang mukha. Nilapit nya ang mukha sakin at hinalikan ako sa leeg. Naramdaman ko ang sunod sunod na luhang dumaloy sa mga mata ko.
Naramdaman ko ang matulis na bagay sa aking gilid. "Wag kang sisigaw kundi mapapatay ka namin!" Pabulong na ani ng nasa tabi.
"Ahhh---"
"Wag ka sabing sisigaw!" Mariing sabi nila at nasabunotan ako ng nasa harap ko. Ang nasa magkabilang gilid ko naman ay mas dumiin ang pagkakahawak sa braso ko.
Gusto ko nang mamatay, pero pag nasa bingit kana ng kamatayan, don ka matatakot. Don ka mapapasabing 'Nakakatakot palang mamatay, mararamdaman mo muna ang sakit'.
Naramdaman ko ang kamay nang nasa harap ko ang pagbaba nya ng shorts kong nasa panloob ng palda. Napatalon ako ng kunti. Gusto kong sumigaw pero kunti nalang matutusok na ang kutsilyo saakin. Grabeng kamalasan naman to!
"Ikaw yong girlfriend ng kaaway namin diba? Kung hindi namin mapadanas ang dugo sa kanya. Sayo namin ipapadanas..." Paungol na ani ng nasa kanang gilid ko.
"At ito ang ipapadanas ko sa inyo!" Napabaling ang tingin ko sa likod nang may biglang sumuntok sa mukha nang nasa tabi ko. Napabitaw ang dalawa. Agad kong binalik sa pagkakasuot ang shorts ko.
Akmang susuntok ang isa nang bigla syang naunahan ng dumating. Narinig ko pa na tumilapon ang kutsilyo sa kalsada. Napahiga ang dalwa at nag uubo pa habang nakahawak sa tyan. Ang isang nasa harap ko kanina ay tumakbo para sana sipain ang dumating kaso nakailag sya. Tinanggal ko na rin ang panyo na nasa bibig ko. Alat talaga eh.
Namamangha ako sa pakikipaglaban ng dumating. Ang galing nya. One versus Three.
Kinuha nang lalaki ang kutsilyo para sana saksakin ang dumating kaso nakailag to. Napapasigaw ako sa tuwing nagsusuntokan at natutumba ang kalaban.
Agad akong nilapitan ng tumulong. Kinuha nya bag ko pero nilayo ko to sa kanya. Tumawa sya. Sa tawa pa lang na yon. Kilala kona. Nagulohan pako. Hindi ko alam na marunong pala syang makipaglaban.
"Akin na yan! Ako na magdadala. Kanina ka pa hinahanap ni Papa mo. Tumulong ako sa paghanap at sabi mo raw sasabay ka sa kanya dahil naubos pamasahe mo---"
"Clein?" Giit ko.
"Ba-bakit? May masakit ba sayo?" Anya.
Naglakad kami. At sa pagkakataong to, nakita ko sa liwanag ng ilaw ang mukha nya. Naka grey shirts sya at blue board shorts.
"Hindi ko akalaing marunong ka makipaglaban!" Gulat pa rin ako sa ginawa nya.
"Bilib ka ba? Hahahaha..."
Hinampas ko ang braso nya "Kasali ka sa Fraternity no?"
Nakita ko ang madilim na ekspresyon nyang nakatitig sakin.
"Yung totoo? Kasali ka?" Medyo naiinis kong tanong. "Ah alam kona! Hindi ka kasali sa Fraternity dahil sa Gang ka kasali diba? Yung laban laban?"
"San mo nalaman yan?" Kalmado nyang sinabi. Umigting pa ang panga.
"Uso yon ngayon diba? So, kasali ka nga?"
"Nagsali ako dahil may prinoproteksyonan ako." Umiwas sya ng tingin.
"Ha? Sino naman? Hahahaha... Thank you nga pala ha? Kung hindi ka dumating siguro... May nangyari..." Napakagat labi ako.
Nakita ko agad si Papa na may mga kausap. Parang nag iisip si Papa at nagugulohan sa mga kausap. Napabaling sya samin at halos takbohin ang distansya namin. Niyakap nya ko.
"Ano bang nangyari sayo Bb? Sabi mo mapasundo ka at naubos ang pamasahe mo! Grabeng hanap namin sayo." Anya at sinuri ako ng buo.
Ngumiti ako "Ok nako Papa..."
Pero sa ngiti kong yon, si Rogue yong naisip ko. Naalala ko nong may humarang din sakin. Hinila nya ako para mapalayo sa mga lalaki. At ngayon, yung inaasahan kong gagawa ulit non, si Clein ang dumating.
Nagpasalamat pa si Papa kay Clein. Kwenento ko ang nangyari. Umuwi kami. Naiiyak pa rin ako pero hindi ko pinapakita kala Papa.
Nahihirapan akong kumain dahil sa bawat galaw ko sya ang naiisip ko. Panay ang cheer up sakin ng mga kaibigan ko. Pasalamat rin ako sa mga kaibigan ko, kasi kung hindi sa kanila, baka pinaglalamayan na ako ngayon.
Bago ako matulog, nag iimagine ako ng love story ko. Dati, nong kami pa ni Rogue, iniimagine ko ang future namin. At pati na rin si Rujan nong kami pa. Pero hangang memories nalang yon.
Sa photos nalang ako tumitingin para maalala ko ang lahat. Lahat ng pinagsamahan namin. Kasi sabi nila, pag lagi mo syang inaalala at iniisip. Habang tumatagal magsasawa ka.
Memories nalang ang hawak ko, Hindi na ikaw...
Kinamusta pa ako ni Clein. Madalas kong kausap si Clein sa nagdaang araw. Kahit noon pa naman lagi kami magkausap eh. Minsan nga nagtataka ako dahil lagi syang online. Ang sagot nya lagi sakin.
Clein:
May meeting ang teachers.
Friday ngayon, wala kaming pasok.
Hindi pumasok si Mam, basa raw panty.
Me:
Nasan ka?
Clein:
Nasa barkada...
Bakit ikaw? Lagi kang online?
Me:
Nasa hulihan ako, hindj naman nakikita hahahaha...
Clein:
Legend mo! Hahahaha...
Me:
Pakyu..I..
Natuto akong uminom araw araw. Para ngang kailangan kona ng factory ng alak dahil parang nauubos kona ang alak sa lahat ng tindahan. Minsan bibili pa kami ng hindi nakauniporme dahil hindi nabigay ang tindera o tindero ng nakauniporme. Bawal raw. Natutunan ko rin magyosi. Ganto sya dati eh! Para yosi sya. Pero nong naging kami hindi kona napapansing nagyoyosi sya.
Me:
Nagyoyosi pa rin ba si Rogue pagkasama nyo?
Ben:
Simula nong naging kayo, Past lagi ang sagot nya samin eh. Saka nainom lang yon pagkasama ka. Pero simula nong nagbreak kayo, madalas na syang hindi pumunta sa court. Hindi na namin nakakasama. Wala na kami balita.
Kahit wala na kami, kinakamusta ko sya sa mga kaibigan namin. At pag alam kong may pasok sila ng umaga ay nagpapaaga talaga ako ng pasok, baka sakaling makasabay ko. Kaso wala eh... Hindi kami nagkakasabay.
Si Clein pa minsan yong nakakasabay ko. Pinapatawa nya ako dahil madalas raw akong lulam. At hindi makausap. Kaso, nasakay na ng tricycle si Clein pagkalabas ng Manlapaz dahil malayo ang School nya sa amin.
Minsan nalang ako nasabay kay Carla dahil umaasa akong makakasabay ko si Rogue at magkausap kami ng maayos. Hindi ko kasi alam ang dahilan nya. Hindi ko pa rin alam. Gusto kong malaman yon, kahit na masakit. Tatanggapin ko kasi sanay namana akong masaktan, itodo na. Baka sakaling sa dahilan nyang yon. Maka move on ako.
BLACKxNEON