Sa nangyaring yon, madalas akong ichat ni Clein. Akala ko mamamatay nako sa oras na yon. Pero hindi, may isang taong nagligtas sa akin.
Panay ang chat sakin ni Clein. Hindi naman sa nag a-assume pero parang may gusto sya sakin. Oo, magkasangga kami sa lahat. Magkaibigan kami... Pero, simula nang may nangyari parang mas lalong gumaan yung pakiramdam ko sa kanya. Para bang ok lang kahit magalosan ako, nandyan naman sya.
Clein:
Bb eneng... Gusto kong sabihin na matagal na kitang gusto. Pwede ba ligawan kita? Oo, alam kong magkaibigan tayo, pero hindi ko akalaing mas higit pa pala sa kaibigan ang nararamdaman ko para sayo.
Halos maibuga ko pa ang tubig na iniinon ko. Nagulat ako at napakurap kurap. Hindi makapaniwala sa nabasa. Tiningnan ko pa kung sino yong nagchat. Clein Gonzaga ang nakalagay. Potek! Tama ba simpatya ko? Na gusto nga nya ako?
Hindi ko alam ang irereply. Oo hindi pako nakakamove on.
Kinabukasan, kinausap ko agad si Carla habang naglalakad kami sa tulay papasok sa School. "Besh, gustong manligaw ni Clein..."
Nanlaki ang mga mata nya at napa 'o' ang bibig. Gulat sa aking sinabi "Talaga?!" Lumipad ang kamay sa bibig.
Hindi ako nagsalita.
Niyugyog nya ang balikat ko "Ta-talaga? Ang pogi non! Pero pano si Rogue? Diba bestfriend yong dalawa?"
Ngumuso ako at naghahanap ng sagot. "Wala na kami ni Rogue... Pinilit ko sya pero wala akong nakuhang sagot. Ok lang nga magpakatanga wag lang nya akong hiwalayan. Pero sya yung umayaw."
Niyugyog nya pa ulit ang balikat ko "Malay mo! Sa tulong ni Clein, malimutan mo sya! Malilimutan mo yon!"
Napaisip rin ako. Baka nga sa pamamagitan ni Clein. Baka sakaling makalimutan ko sya.
"Malilimutan mo sya sa isip pero ang puso, Rogue pa rin ang sinisigaw..." Ngumisi si Carla.
Every Day Routine ko sa School 'Lagi syang iniisip... Nangangarap na sana kami ulit'.
Napasinghap ako nang makit ko si Rogue kasama si Kim sa canteen. Nagkwekwentohan!
Imbes na umalis, pinagmasdan ko silang nagtatawanan at may pabulong bulong pa si Kim sa kanya.
Alam nyo yong pakiramdam na, dati ikaw yung kausap nya, nagkakatawanan kayo, dati sayo pa sya. Pero ngayon hanggang tingin ka nalang dahil hawak na sya ng iba. Hindi ko alam kung sila na ba. Dahil wala naman akong nababasang na merong sila.
Hindi kona rin naoonline account ni Rogue dahil nagpalit agad sya ng password kinabukasan nang makipaghiwalay sya sakin.
Naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko, na alam kong luhang tutulo ano mang segundo. Napatianod ako nang may biglang humigit sakin. Nakita ko ang nauunang bestfriend kong si Carla na hila hila ako papasok sa Cr.
Tinapon nya ako sa pinto ng cr at kumalabog yon. May sumigaw ng "MAY TAO! TEKA LANG!" sa loob ng cubicle, kaya lumayo ako at baka matulak ako pagbinuksan ang pinto.
Agad pinunasan ni Carla gamit ang palad nya ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Pumapatak na sa sahig. Tumawa ako para maibsan ang puot na nararamdaman.
"Wag mo nang titigan kung iiyak ka!" Singhal nya sakin.
Napasinghap ako.
"At wag kang iiyak sa harap nya dahil kahit anong gawin mo, kung ayaw na nya, ayaw na nya! Wag kang umiyak para sa lalaking walang amor... At wag kang magpapaawa sa kanya para lang balikan ka."
Kachat ko si Clein sa nagdaang araw. Kahit may pasok kachat ko sya.
Clein:
Pwede na ba ako manligaw? Ok kana ba? Kung mahal mo pa sya, nandito naman ako. Gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang sya. Kahit sya pa rin ang gusto mo, ayos lang sakin na ako yung gamitin mo para lang makalimutan sya.
Maaari kayang sya ang makakatulong para makalimutan ko si Rogue? Pwede naman itry diba?
Me:
Bestfriend mo si Rogue. Pano ako papayag?
Clein:
Hindi na kami nagkikita at nagkakausap. Baka hindi na nya ako bestfriend.
Ano pwede?
Me:
Oo...
Clein:
Yes! Yoho! Hahahahaha... Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang.
Napangiti ako, pero masakit pa sakin ang iwan nya ko.
Niligawan ako ni Clein sa nagdaang araw. July 14 nang pumayag akong manligaw sya. Nakwento ko rin kay Carla at Mary. Sa ibang kaibigan naman ay hindi nila alam.
Support na support sakin si Carla dahil mabait raw si Clein. Alam ko namana yon. Kababata ko sya eh.
Lunes nang hapon ay nakita ko agad syang nasa court habang nagcecellphone. Nag usap kami sa mga bagay bagay. Pagang tanong ko sa kanya si Rogue dahil wala na akong balita don.
"Nag uusap pa kayo ni Rogue?"
"Hindi na. Ni hindi na kahit sa chat. Ewan ko ba don!"
"May girlfriend na ba sya? Alam nya ba ang pinaggagawa ko nong nagbreak kami---"
Napatalon ako nang bigla nyang hawakan ang kamay kong nasa lap ko. Tiningnan nya ako ng diretso.
"Diba tutulongan kitang makalimutan sya? Wag mo na syang itanong... Pero sige, kung gusto mong may malaman sa kanya. Sasagotin ko! Pero wala akong masasagot dahil hindi na kami nagkakausap. Sorry..." Pumungay ang mga mata nya.
Bumuntong hininga ako at tiningnan nalang ang kamay nyang nasa kamay ko.
"Alam mo ba, sobrang saya ko kahapon dahil pumayag kang manligaw ako..."
Ngumiti ako.
Nang magWednesday ay sinagot ko na sya. Hindi ko alam kung gusto ko na rin ba sya o mahal ko na sya. Basta ang alam ko. Gusto kung malaman ang lahat ng tungkol kay Rogue dahil bestfriend sila.
Me:
Tayo na!😘
Clein:
Panong tayo na? Jowa na kita?😲
Me:
Ayaw mo ba? Kasi ako gusto ko! Oo tayo na!😍🥰
Clein:
Tangina! Totoo ba to? Baka nananaginip lang ako! Totoo? Talaga? Hahahahaha... D ako makapaniwala. Matatawag na kitang girlfriend ko.😍
Kinabukasan ay sinabi ko agad kay Carla na kami na ni Clein. Hindi kona sya chinat kagabi dahil hindi naman sya online.
"Kayo na? Talaga!? Weee... Butog ka?"
"Oo nga! Kami na... Hahahahaha..." Sabay hampas ko sa balikat nya. Recess time na namin.
"Mahal mo?"
Hindi ako nakasagot.
Tinampal nya braso ko dahil nakatayo ako habang inaayos ang nagulo kong buhok at sya naman ay nakaupo habang nakasadal.
"Nong Linggo ka lang niligawan ah? Myerkules ngayon! So, 3 days kang niligawan? Hahahahaha Gago ka Besh!" Sabay hampas nya ng malakas sa braso ko.
"Kababata ko naman sya eh walang malisya---"
"Mahal mo ba? Oy! Wag mong gamitin si Clein para lang kay Rogue. Dapat magkaron kayo ng relasyon dahil yon ang sinasabi ng puso mo."
"Hindi ko naman sya ginagamit---"
"Nasabi mo bang mahal mo sya?..."
Hindi ako nagsalita.
Sinapak nya ng mahina ang mukha ko "Oh kita mo na! Hindi mo masabi! Kasi padalos dalos ka! Hindi mo inisip yong mararamdaman nya."
Ganunpaman, hinayaan ko nalang ang pagtalak ni Carla. Pero napapaisip rin ako. Ginagamit ko nga ba sya? Ayaw kong manggamit dahil alam kong masama yon.
Matututunan ko ring mahalin si Clein. Hindi ko alam kung mahal ko sya. Pero gusto ko sya. Nakakalito. Hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko Boyfriend ko na sya... Potek! Boyfriend... Parang may kung anong nasa sistema ko ang salitang iyon.
Kung dati. Ang mga naging boyfriend ko ay nagpapalitan agad kami ng accounts. Sya hindi. Hindi nya binigay sakin. Ayaw ko mag assume na ibibigay nya.
Lumipas ang mga araw at panay ang tanong ko sa kanga tungkol kay Rogue. At sa ibang mga kaibigan pero wala silang maibigay na sagot hanggang ngayon. Minsan hindi nako nakakapagtanong dahil iisa lang din naman ang sagot nila.
Me:
Hindi pa rin kayo nag kakausap ni Rogue?
Clein:
Bakit mo ba sya laging tinatanong sakin? Ano ba talaga tayo?
Me:
Gusto ko lang malaman dahil bestfriend kayo diba? Ayaw ko namang masira ang pagkakaibigan nyo ng dahil sakin.
Clein:
Hindi ikaw ang dahilan ng pagkasira non. Ayaw mo ba talagang masira o hanggang ngayon sya parin? Panakip butas lang ba talaga ako? Mahirap ba ako mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya? Sa tuwing magkausap tayo, sya lagi ang topic natin. Minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko, Ano ba ako sayo?. Sana ako nalang si Rogue para sana ako lagi yung topic. Ni isang kumusta sakin wala akong natanggap simula nang maging tayo.
Nasaktan ako sa mga sinabi nya. Hindi madaling magmove on lalo na kung matagal ang pinagsamahan nyo. Hindi nto kasi ako maintindihan kasi hindi kayo Ako!
Kinabukasan ay magkasama kami habang naglalakad lakad sa Manlapaz. Maraming mga punong sumasayaw sa hangin. Tirik na tirik ang araw, tanghaling tapat. Friday kasi ngayon kaya morning class lang kami. Wala kaming imik. Tricycle, sigawan sa paligid at kaskas ng paa sa paglalakad ang maririnig sa aming dalawa. Tahimik syang sumasabay sa paglalakad sakin.
"Sorry... Sorry sa chat natin kagabi." Paumanhin ko.
Tumango sya.
Tinampal ko sya sa braso "Sorry... Please balik na tayo sa dati." Ngumiti ako.
Tumango sya.
Napabaling ang tingin namin nang may tumawag sa kanya.
"CLEIN!" biglaang sigaw ng lalaki sa likoran namin.
Para akong nabilaukan sa kinatatayoan ko. Naestatwa ako nang makita si Rogue ang tumawag sa kanya. Sinulyapan ako ni Rogue nang isang beses. Ako naman ay halos maestatwa nang makita sya ulit. Ang tagal ko syang hindi nakita. Hindi ako sanay. Ganon pa rin sya. Gwapo at ma-appeal. Nakasibilyan lang. Hindi ata to papasok. Panghapon sila.
"OH?" balik na sigaw ni Clein kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Kunot ang noo nya. Tumango sya. Hindi ko alam kung bakit. Nawala na si Rogue.
Bumaling ang tingin nya sakin sabay iwas ng tingin. Hindi alam ang sasabihin.
"Nagkaayos na kayo?"
"Kailan ba kami nag away? May hindi lang kami napagkasundoan..."
Tumango ako. Parang nasiyahan ako nang makita si Rogue. Para bang hindi matutumbasan ng saya sa pagkakapanalo ng lotto. Iba yung saya ko.
Kumunot ang noo ni Clein nang makita ang ngiti ko. Ngumiti sya pero kita ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Alam kong sya pa rin, Bb eneng... Sige, hinahanap ka na ata nila Carla?" Anya sabay hawak sa braso ko. Bumaling sya kay Carla at Damzel na naglalampungan sa malayo.
Iiling sana ako pero hindi ko magawa. Para bang gusto ko na ring umalis. Tumango nalang ako. Hinatid pa nya ako malapit kala Carla. Naramdaman ko pa ang malamig nyang kamay na nasa braso ko. At umalis na.
Habang nasa bahay, napapaisip ako kung bakit ko ba sinagot si Clein. Ni hindi sya nagtanong. Ako yong nag una. Kasi ang isip ko baka matutunan ko rin syang mahalin. Tulad nang sabi ni Carla. Pero parang lumala ang sitwasyon. Parang ginamit ko lang sya para makapagbigay ng impormasyon tungkol kay Rogue.
Naguguilty ako sobra.
Isang araw seryoso kaming nag uusap ni Carla. Minsan napapatigil ang pag uusap namin dahil tinititigan kami ng Teacher sa harap.
"Wag mo iwan besh kung gusto mo naman. Matututunan mo ring syang mahalin. Friend naman kayo diba? Saka mabait yon! Don ka nalang."
"Gusto ko sya pero hindi ko alam kung mahal ko ba. Ayaw kong gawin syang panakip butas, Besh..."
Tinampal nya ang braso ko. "Ayaw mo naman pala syang maging panakip butas. Bakit mo jinowa nang walang pagmamahal dyan sa puso mo." Turo nya sa dibdib ko. "Siguro besh, hindi mo talaga sya gusto. Baka gusto mo lang sya bilang kaibigan! Don lang. Masakit ang gamitin sya besh! Bakit mo ba sinagot agad agad!" Umirap sya.
Uwian na kaya maayos na ang usapan naming dalawa. Si Clein ay madalas magchat sakin pero ako yung cold. Para bang hindi ako masaya.
"Besh,... Habang tumatagal. Mas lalo syang masasaktan. Ipaintindi mo sa kanya lahat. Alam kong nasasaktan sya sa ginagawa mo." Anya nang makita ang cold kong reply kay Clein.
Clein:
Kain ka marami ha... Ingat ka always. Mahal na mahal kita.
Me:
Sige, Ikaw rin.
Binatokan ako ni Carla "Mahal ka daw! Tapos sige ang reply mo? Gago ka!" Bulyaw nya sakin "Kung hindi mo naman mahal besh, wag mo nang paasahin! Dahil yang nararamdaman mo. Kaibigan lang ang gusto! Hindi bilang jowa!... Pag isipan mo rin. Baka sa huli kung kelan wala na. Saka ka magsisi." Napahilamos sya sa mukha "Ako ang natatakot sayo eh..."
Nang maglunes ay nakita ko si Clein sa Court agad ko syang ginulat. Ngumiti sya. Wala kaming imikan nanaman. Simula nang maging kami. Ang tahimik na nya.
Pinicturan ko sya nang nakaside view. Hinila ko ang mukha nya at agad kong nilagyan ng liptint kong laging nasa bulsa. Ngumuso lang sya. Ngumiti ako pagkatapos. Pinahidan nya gamit ang likod ng kamay ang labi. Agad ko yung pinigilan pero huli na. Kumalat ang liptint sa pisngi nya kaya natawa ako. Tumingin sya sa cellphone nya tiningnan nya ako. Tumawa ako tumawa rin sya. Tiningnan nya ang baba ko.
Umigting ang panga nya sabay tingin ng diretso sakin "Bakit ka nakashorts? Nagbihis ka ba?"
"Nagpalit ako kala Mary... Ang banas kasi eh..."
Umigting ang panga nya at umiwas ng tingin "Sa susunod na magkikita tayo, wag kang magshoshorts. Ganon ako bilang boyfriend... Wag kang magshorts kung ayaw mong mapaaway ako." Kita ko ang pagflex ng panga nya.
Nagkibit balikat nalang ako at natatawa sa liptint na kumalat sa labi nya.
Ewan ko ba. Sa tuwing magkasama kami, pakiramdam ko hindi ko maramdaman na boyfriend ko sya. Pakiramdam ko sya pa rin yung kaibigan ko. Napag isip isip ako na hindi na tama to. Akala ko matututunan ko syang mahalin. Pero hindi, nagustohan ko lang sya bilang kaibigan at hindi minahal nang higit pa don.
Kaya kinahaponan, araw ng Myerkules. Chinat ko sya. Naglakad loob pako.
Me:
Sorry... Ayaw kong sabihin to sa personal dahil ayaw kong marinig mo mula sakin. Ayaw kona. Break na tayo. Hindi ko kayang kalimutan si Rogue. Sorry... Sana hindi mawala yung pagiging magkaibigan natin🙂
Typing pa sya...
20 minutes bago sya magreply. Napasinghap ako sa nabasa.
Clein:
Sige, kung san ka masaya don ako. Mas masakit kung sa chat mo sinabi kasi nababasa ko eh. Kung sa personal maaaring masaktan ako. Pero ok na rin yon dahil magpapaulit ulit lang yong salitang 'break' sa tenga ko. Rerespitohin ko ang desisyon mo. Alam ko namang hindi ako. Alam kong hindi ka masaya sakin. Napipilitan ka lang kasi sinabi kong tutulongan kita. Mali rin ako dahil niligawan kita sa panahong wasak na wasak ka. Malaya kana... Sa huling pagkakataon matatawag kitang girlfriend... Salamat dahil sa maikling panahon. Naging girlfriend kita.
Nagkaluha ako sa sinabi nya. Ni wala kami call sign. Pakiramdam ko nanggamit ako ng tao para makakuha ng impormasyon tungkol kay Rogue.
Pilit kong kinakalimutan si Rogue. Pero sa tuwing nakikita ko sya. Bumabalik lahat ng pinagsamahan namin. Hinihigit agad ako ni Carla papasok ng room at sinusuri pa ang bag ko kung may dala ba akong makakapagpasira ng buhay ko.
"Sure ka ba na hiniwalayan mo si Clein?" Curios na tanong ni Carla.
"Nasaktan ako sa lahat ng sinabi nya. Pakiramdam ko nong sinabi kong break na kami. Parang ansakit."
"Gusto mo nga sya hindi bilang kaibigan..." Tumango tango pa sya.
Kumunot ang noo ko "Gusto ko sya. Pero hindi ko alam kung mahal ko ba."
"Yan ang mahirap sayo eh! Padalos dalos ka! 3 days nanligaw! Tapos 1week lang naging kayo!..." Binatokan nya ko "3 Days parang GOSURF50 tapos 7 days? Parang Giga90? Potek ka besh!" Bumuga sya ng malakas na "HA!"
"Ayaw ko syang masaktan besh... Kasi habang tumatagal mas lalo syang nasasaktan dahil hindi ko sya mabigyan ng I love you..."
Tinapik nya balikat ko at taas noo "Ayos na rin yung ginawa mo! Kasi kung mas lalong magtatagal, mas lalo syang masasaktan. Mas mabuti yung maaga para isang sakit lang." Ngumiti sya.
Simula nang magbreak kami walang nagbago. Palagi pa rin nya akong chinachat na para bang walang nangyari. Minsan cold sya makipag usap at minsan naman masaya.
"Bakit mo nga ba breneak si Clein, Besh?" Tanong ni Carla nang minsang nasa canteen kami. Lagi ko sya inaaaya dito sa table.
"Tahimik na sya... Simula nong naging kami antahimik nya. Dati pa naman sya tahimik pero ngayon, mas lumala. Ayaw ko na rin syang gawing panakip butas..."
Tumango sya "Napansin ko lang... Inaaya moko dito sa canteen pag may pasok sina Rogue!" Turo nya sa nasa harap naming room, ilang distansya lang ang layo "Alam mo besh, kung lagi mo syang makikita hindi mo talaga sya malilimutan!... May Kim na sya! Kahit walang nagsasabing sila nga. Sa tingin pa lang natin, may something sa kanila!... Laging may nagtatanong kung may sila ba, ang sagot nila 'Nothing kahit naman may Something".
Totoo yon, lagi ko syang inaaya pag may pasok sina Rogue. Inaaya ko rin sya pagkapasok na pagkapasok at nasa canteen agad kami. Nakikita kasi ang room nila dito. Minsan nakikita ko syang nagtatampon ng basura.
Minsan nakita kong nagtatasa sya ng lapis. Madrawing ata dahil Mapeh Subject nila. Biglang lumabas si Kim at pinatong ang kamay sa balikat ni Rogue. Tiningnan sya ni Rogue at nagtawanan sila. Ang sakit! Gago! Yung dating sayo, ngayon hanggang tingin ka nalang.
Kung magiging story ang buhay ko. Mas pipiliin kong chapter ay nung makilala kita hanggang sa maging tayo. Kasi, Natutunan kong magmahal ng higit pa sa buhay ko na dapat ay hindi higitan! Kasi sa huli, ikaw yung talo, ikaw yung lumaban habang sya'y sumuko na.
MY LOVE IN CLOUDS, Parang isang ulap na mabilis mawala habang tumatagal sa langit, isang hangin lang aalis na sya at pupunta sa ibang direksyon. Parang sila, mabilis akong iwan na parang hinipan ng hangin. Iiwan ako sa ere at pupunta sa iba. Nandyan nga sila nakikita mo pero hindi mo maabot dahil hindi mo na pag mamay ari. Iiwan ka sa ere basta basta. Ang lapit lang tingnan pero pag inabot mo anlayo pala. Hindi na mababalik pa ang dating ulap sa direksyong nakasanayan, at may panibagong ulap na papalit na syang lilisan ulit...
BLACKxNEON