Araw araw, gabi gabi, pati na rin madaling araw nagigising ako at mapapasabing nalang na Sana nakakausap pa rin kita, kahit wala na akong karapatan...
"Hoy besh, ok ka lang? Ano bang tinitingnan mo?" Bumaling sya sa tinitingnan ko. Napaiwas ako ng tingin at malabo ang aking mata dahil sa luhang namuo sa aking mata. Kinurap kurap ko yon para mawala ang namuong tubig sa aking mata.
Nutrition Day namin ngayon. Nandito kami sa shade house naka assign. Yung mga bida bida ang nagluluto. Bahala sila! Mga pabida naman.
Di ko namalayang nakatulala na pala ako kala Rogue at Kim na naghaharotan sa may canteen. Pinagtitinginan sila. Masakit pa rib para sakin. Lahat siguro ng ex ko sa kanya lang ako nasaktan ng sobra sobra. Yung halos magbigti na ako dahil sa sakit.
Niyakap ako ng mahigpit ni Carla "Nandito lang ako para sayo besh... Wag mo nang tingnan para di ka masaktan. Gusto mo ba sugodin natin---" umamba syang tatalikod para tumungo ron pero agad ko syang pinigilan. Hinigit ko sya paupo. Bumuntong hininga sya.
Umiling ako. "Hayaan mo na sya... Kung san sya masaya, hahayaan ko na. Kahit anong pilit natin, kung ayaw na nya, ayaw na talaga nya." Tumayo ako at tumungo sa mga niluluto.
Maraming palaro ang naganap sa araw na ito. Halos nanunood lang kami ni Carla dahil masayang manuod, nakakatawa.
Gusto kong umalis dahil nakita ko si Rogue na sasali sa parlor games. Magsusuot sila ng dress at susuot ng sandals na may mataas na takong. Habang may paper plate na nakaipit sa magkabilang gilid ng tuhod at nakaipit sa siko at bewang habang namamaypay. Iikot sila sa tatlong taong nakatayo.
"GO! ROGUE!..." bumaling ng mabilis ang mata ko sa gilid sa malayo dahil sa sigaw ni Kim at mga kaklase nila. Pero si Kim ang may pinakamalakas na sigaw. Epal!
Gusto ko nang umalis. Napahawak ako sa braso ni Carla dahil ayaw kong isipin nilang ninunuod ko si Rogue. Ngunit imbes na umalis kami ni Carla ay hinigpitan pa nya pagkakahawak ko sa kanya. Tumatawa sya. Nanuod ako pero sa iba ang nakatuon ang aking mga mata. Kaso hindi ko maiwang hindi mapatingin sa kanya. Tumatawa sya habang mabilis ang pagtakbo. Hirap na hirap sa sandals. May lipstick pa at blush on.
Kalaunan ay nanalo ang Grade 9. Marami pa kaming napanuood. Masaya naman dahil sa mga palaro. Mapeh shirt at pants ang suot para malaman kung anong grade mo. Dark blue ang mapeh shirts ng Grade 10. Dark red naman ang sa Grade 9, Yellow sa Grade 8 at Green sa Grade 7. Na may logo sa tapat ng puso ng paaralan. Sa kanan naman ay may pababang nakasulat na M A P E H (Then, grade mo). Ang jogging pants naman ay pareho lahat. May CNC na nakasulat pababa sa kanang gilid at sa kaliwang gilid naman ay may nakalagay na M A P E H pababa. Kulay Dark Grey.
Nagsikain at nagpalit rin kami ng shirt dahil basa na sa pawis. Yung iba naman ay hindi nagpalit. Siguro ay ayaw nila.
Habang nasa cubicle ako nakarinig ako ng pamilyar na boses. Si Carla kasi ay nasa kabilang cubicle nagpapalit rin ng damit.
"Kayo na ba ni Rogue? Bagay kayo!" Tumili pa yong babae.
"Hindi no! Magkaibigan lang kami... Hahahaha..."
"Sayang naman! Bagay pa naman kayo... Diba may jowa yung Grade 10? Wala na ba sila?"
Alam kong si Kim tong kausap nila base sa boses.
"Wala na! Nakakasawa daw yon. Over Clingy..." Nagtawanan sila.
Narinig ko ang padabog na pagbukas ng pinto ng kabilang cubicle. Si Carla yong nandon! Nagmadali akong magpalit.
"Ampangit pati tingnan... Grade 10 jowa nya tapos Grade 8 sya--- AH!" napasigaw yong babae.
Lumabas ako ng cubicle. Nagulat ako dahil matalim ang tingin ng babae kay Carla habang hawak nito ang kaliwang pisngi. Hindi pa nakabawi ang mukha nya. Pero ang mga mata'y mariin at matalim ang tingin kay Carla. Susugorin sana nong babae kaso agad umiwas si Carla kaya napatama yung babae sa pinto ng cubicle na pinasokan ko kanina.
Tumawa ang mga babae sa Cr. Narinig ko ang pagbungisngis ni Carla.
Humarap yung babae saamin. "Ano't nananapak ka? Sino ka ba?!" Pasigaw na sinabi ng babae habang kumukuyom ang kamaong nakatingin kay Carla.
Nagcross arm si Carla at humakbang palapit sa babae. Tiningnan nya to paa hanggang ulo. Dalwang beses nyang sinuri. "Hindi mo kilala ang kinakalaban mo..." Ngumisi si Carla.
Nakita ko ang paglapit ni Kim don sa babae at ang dalwa pa nilang kasama. Hihigitin sana nong isa yung babaeng sinapak ni Carla kaso hinawi nya ang kamay nya.
"Gusto mo ipaguidance kita?!" Pinanlakihan nong babae si Carla, dinuro nya pa "Sino ba to?" Bumaling sya sa mga babaeng nasa cr.
May binulong yong kasama niya sa kanya.
Lumapit ako kay Carla sana higitin na sya paalis. Sumunod naman sya.
Nakadalwang hakbang palang kami ng biglang napabitaw saakin si Carla at nakita ko yung babaeng humihila ng buhok nya. Sumigaw yung babae ng "Ah..." Pero si Carla ay nakangisi at agad umikot sabay tulak don sa babae, dahilan ng pagkakabitaw nong babae sa buhok nya. Napaupo sa sahig ng cr yung babae. Hudyat na nabasa na ang jogging pants nya. Natuon lang ang magkabilang kamao nong babae sa sahig. Maraming nakikiusosyo.
Lumapit si Carla sa kanya at nag squat para magpantay ang tingin nila ng babae "Wag kang magsalita ng hindi mo alam ang nangyari. Wag kang makisawsaw kung hindi mo naman alam ang tunay na nangyari." Ngumisi sya "At, ang dungis mo na! Maligo naman... At magtoothbrush! Masyadong matabil ang bibig mo!" Bigwas ni Carla sa kanya at tumayo na. Kumaway pa.
Naglakad kami papunta sa room. Inayos pa nya buhok nya.
"Gagong babae yon!"
Tumawa kami.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Kim na may kasamang dalawang babae.
Lumapit si Carla sa kanila at pinagtaasan ng kilay kaya lumapit na rin ako. Nasa gilid kami ng pinto.
"Bakit mo ginawa yon sa kaibigan namin?!" Kita ko ang galit sa mata ni Kim.
"Anong paki mo?" Iritang ani Carla. "Hala! May dala ka pa talagang alipores! Hahahahaha" humalagpak ng tawa si Carla sa pang iinsulto.
Agad tinulak ni Kim ang kaliwang balikat ni Carla. Agad akong sumugod at tinulak ang magkabilang balikat ni Kim. Napalakas ang tulak ko kaya napatama ang likod nya sa dingding. Napahawak sya ron pero hindi pinakita na nasaktan sya.
Pinanlakihan nya ako ng mata "Ikaw! Hindi ka pa ba makamove on? HAHAHAHHA... Kawawa ka naman..." Mangiyak ngiyak nyang pang aasar.
"Tangina mo! Landi mo! Kaya pala Kim dahil Kim-eniah? Hahahaha... Ikaw ba yung malandi don sa Story ni Ate Maxine? Hahahaha... Wow ha! Nag exist ka pala. D ako nainform." Sarcastic kong ani at ngumisi.
"Ah... Ikaw ba si Ventura? Yung pangkulay HAHAHAHA... Nag exist ka pala? Akala ko Pintura na Ventura ka hahahaha..." Anya.
"Ganyan ka ba kadesperada para maangkin si Rogue sakin? Kahit wala na kami, sinusugod mopa ako dito?" Ngumisi ako "Napakalandi mo naman pala talaga... Desperada!" Tumalikod nako.
Sumunod sakin si Carla at parehas kaming tumawa.
Nang mag uwian ay nag intay ako kay Papa sa Manlapaz sa Court. Panay ang tingin ko sa paligid dahil walang Clein na nagpakita. Simula nang magbreak kami hindi ko na sya nakausap pa. At hindi ko na rin nakikita. Umiwas ba sya? Tama naman diba ang ginawa ko? Ayaw ko lang syang umasang mahal ko sya dahil ayaw kong makasakit. Alam ko yung pakiramdam ng nasasaktan.
Dumaaran ang mga araw at ganon ang naging ganap. Halos di na kami nag uusap at nagkikita. Nabalitaan ko ring lagi raw absent at sumasama sa barkada sa School.
Dumaan pa ang mga araw, Last Week of August. Nagpractice kami para sa Foundation Day na magaganap sa September. Sasali sana ako sa Modern Dance kaso hindi ako nakapagpractice para sa Audition. Sa pangkalahatan ako nasali. Si Carla naman ay pinasali ni Mam sa Folk Dance.
Mahirap sa simula ang practice dahil hindi mo pa alam. Sisigawan ka pa sa harap ng maraming tao dahil sa pagkakamali mo. Pag wala kaming balik nagpapractice.
Hapon na at nagpapractice kami sa harap ng School. Medyo malakas ang tugtog. Sakto lang sa pandinig. Nanliit ang mata kong nakatingin sa taas ng hagdan sa tulay dahil nakita ko ang pamilyar na lalaking nagyoyosi habang nakatingin ng diretso saakin. Napatigil ako at kinurap ang mata para malaman kung si Clein nga ba talaga. Kita ko ang titig nya saakin.
"VENTURA!" Agad sumigaw ang teacher. Dahilan para magsitingin sakin ang mga tao. Binaba ko ang tingin at sumabay sa indak ng pagsayaw.
Habang sumasayaw ay tumingin ulit ako sa kung saan ko sya nakita. Hinanap pa ng mata ko dahil hindi kona nakita si Clein. Siguro namamalikmata lang ako? Kasi antagal na naming hindi nagkikita. Siguro Miss ko lang.
Dumaan pa ang mga araw at todo na ang insayo namin. Halos hindi na kami nagleleksyon para sa nalalapit na Foundation Day.
Kaya kalaunan ay katabi lang namin ang Grade 8. Nakita ko si Rogue na sumasayaw. Natatawa pa ako dahil minsan nauuna sya at minsan nahuhuli sa sayaw. Umiiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilan na humalagpak ng tawa.
Parang may bumara sa lalamonan ko nang bumaling ang mata nya sakin. Nakatagilid ng kunti ang ulo nya at lagpas ang tingin saakin. Ngumiti sya ng kunti, ako naman ay nanatiling walang reaksyon ang mukha. Umiwas ako ng tingin dahil ayaw kong masaktan ulit. Mabigat ang paghinga ko. Para akong nawalan ng hangin sa kaloob looban. Napahawak ako sa puso kong mabilis ang kabog. Lumapit agad ako kay Sir na nasa likod ng gilid habang nagmamasid.
"Sir... Kuha lang po ako tubig. Hindi po ako makahinga..." Sunod sunod ang hinga ko dahil walang pumapasok na hangin saakin.
Hindi mapakali si Sir na sumang ayon. "Ihatid na kita... Napano ka? Sa init ba?" Sunod sunod na tanong si Sir nang sumunod saakin papasok sa Campus.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Sir "Sa init po ata Sir... O pagod po."
Tumango si Sir at hinatid ako papasok sa room. Kukunin ko sana ang water dispenser ni Carla pero wala yon don. Dinala ata nya sa pinagpapraktisan nila sa ibang room. Nakita ko agad si Freya na nagbabasa ng libro. Nanghiram ako sa kanya ng tubigan at agad lumagok. Sumighap ako ng hangin sa electric fan para makahinga ng maayos. Panay ang tanong saakin ni Sir kung ayos na ba. Tumatango lang ako.
Umupo ako at humungko sa desk.
Tinapik ni Sir ang balikat ko "Balik nako don Ventura... Ayos kana ha? Pahinga ka muna at baka mapano ka uli... Tingnan tingnan nyo to si Ventura ha..." Anya sa mga kaklase kong hindi sumali dahil may sakit sa puso at may mga hika.
Bilad kasi kami sa init pagmalapit na ang Foundation Day. Ang kasali naman sa mga Folk Dance o Modern Dance at iba pa ay sa room napraktis dahil nagbayad sila ng mahal. Kami namang pangkalahatan na hindi bumayad ng mahal ay sa labas nagpapractice. Sakop namin ang init ng araw. Minsan naulan bigla kaya napapasma.
Matagal ko na tong sakit. Sakit sa sikmura, para syang may lamig at hindi rin ako makahinga. Nagpa-albularyo na kami. Gumagaling naman ako pero pagtumagal ay bumabalik rin. Lahi na namin dahil namatay sa ganto ang dalawa kong tita at may ganto rin si Nanay. Hindi naman kami makapagpadoctor dahil mahal. Wala kaming pera.
Alas kwatro na nang bumalik ako sa labas. Pumwesto agad ako para makapagpractice na. Nagulat ako dahil nakita ko si Clein sa taas. Kumaway sya at nakita ko agad ang mga ngiti nyang matagal ko nang miss.
Kumaway rin ako at nakita ko ang pagtawa nya. Nakasibilyan lang sya at may kasamang mga lalaki. Siguro kaklase nya.
Nang mag uwian ng alas singko ay nagmadali kaming maglakad ni Carla baka sakaling nandyan pa si Clein sa may tulay kaso wala akong nakitang Clein.
Binatokan ako ni Carla "Mahal mo na no? Sabi ko sayo eh! Pag isipan mo munang makipagbreak sa kanya... Ayan tuloy hinahanap hanap mo!" Giit nya.
Hindi ko alam kung Mahal ko nga ba si Clein o Miss ko lang sya?
Kaya kinagabihan ay chinat ko agad sya.
Me:
Kumusta na? Nag aano ka sa CNC kanina? Hahahaha... Kakahiya pa nakita mokong sumayaw.
Clein:
Napadaan lang kami hahaha... Galing mo nga eh! Nood ako sa Foundation Day nyo! Suportahan kita.
BLACKxNEON