PAGE 25: CRAP

Nagising ako sa ingay ng mga manok sa labas. Panay ang tilaok nila dahil umaga na pala. Hindi ko namalayan ang oras dahil madalas akong hindi makatulog ng maaga. Pano ba naman kasi, sumasakit lagi ang tyan ko. Parang may hangin sa loob na hindi ko maintindihan.

Nakita ko si Papa na nagkakape sa labas habang nakatingala sa langit. Tumungo ako sa kusina para magmumog at hilamos ng mukha.

Nang matapos, tutungo na sana ako sa kusina nang biglang binati ako ni Nanay at Mama "Happy Birthday, Bb eneng... 16 kana! Sweet 16."

Napaisip pa ako dahil hindi ko namalayang October 18 na pala ngayon. Hindi ko na kasi namamalayan ang petsa dahil maraming ginagawa sa School. At madalas rin akong magcellphone para hindi mag isip ng ng bagay na ikakasira ng aking isipan.

Habang tumatagal, nasasanay nakong wala si Rogue. Paunti unti ko nang tinatanggap na hindi talaga pwedeng maging kami.

Marami akong nakakachat na gustong makipagkaibigan o manligaw. Hindi naman ako pumapayag. Sumakatuwid ay iniiba ko ang aming usapan.

Dumaan ang mga araw ok na ulit kami ni Clein. Ayaw nyang pag usapan ang nangyari sa amin. Hinayaan ko na, ayaw ko rin naman na magkaaway pa kami ng dahil sa ginawa kong pang iiwan sa kanya.

Binati rin ako ni Papa. Nagulat ako dahil inabotan nya ako ng 500 pesos. Nagtaka pa akong kunin yon nang makaligo ako at makapagbihis. Nagsusuklay na ako ng buhok "Ano to pa?... Anlaki naman nito? Babayad ko ba sa tuition ko?"

Umiling si Papa "Para sa birthday mo yan... Ilibre mo mga kaibigan mo. Ubosin mo yan kung gusto mo." Anya at ngumiti. Gusto ko sanang ibalik kaso naisip ko yung damit na nagustohan ko sa palengke.

Kiniss ko pa si Papa mula sa likod, sabay yakap. Humalakhak sya.

Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ay lumabas na ako. Saktong pagpara ko ng tricycle ay syang may tumawag saakin "Bb eneng..." Tawag ni Tita Vergie. Lumapit ako sa kanya di kalayoan.

Inabot nya sakin ang 500 pesos. Nanlaki ang mata ko inilalayo ko yon sa kanya at umiiling habang nakangiti.

"Ano kaba... Sige na. Iyo na yan. Iyo na yan. Sayo yan! Happy birthday" agad nya akong hinigit at kiniss sa sentido. Ngumiti nalang ako.

Pinagtaboyan nya ako dahil andyan na ang tricycle. Gusto ko sanang ibalik ang pera ngunit nagrerehisterya na ang driver dahil hindi pako pumapasok sa loob. Kaya, pumasok nalang ako at kumaway sa kanila.

Nakatanggap naman ako ng chat sa mga kaibigan at kakilala. Nagbati sila at isa isa kong nereplyan habang sumasalampak ang hangin sakin.

Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng School. Nakita ko si Carla na nakikipaglampungan kay Damzel habang nakapila sila. Friday kasi ngayon at may Flag Ceremony. Every Monday at Friday Morning ang Flag Ceremony.

Agad akong nakita ni Carla kaya niyakap nya ako sa gilid. Humalakhak ako. Pinugpog nya ako ng halik sa noo at pisngi habang nakayakap ang braso nya sa leeg ko.

Tumigil rin sya habang ngumingiti. Napailing ako sa kanya.

"HAPPY BIRTHDAY!..." pahabol pa nya.

May iba pang bumati saakin. Nang magpapasok na ay pumila agad kami. Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, Mission & Vision at huli ang Philosophy.

Tatalikod na sana kami para pumasok sa kanya kanyang room nang pinapabalik kami at lumapit kami sa stage. Nagsalita ang isang studyante sa mic. Isa syang President ng SSG. "Good Morning, Students! Next week seambreak na natin. Gusto naming malaman nyo na kailangan nyong magpasa ng parol sa December 2... Yong lang! At Happy Birthday to Rizavin Vemtura!..." Anya at nilahad nya ang kamay nyang itinuro saakin. Tumingin ang nakararami saakin. Nagbati sila.

Panay ang "Thank you" ko. Kahit na hindi ko naman alam na kilala pala ako ng President na to? O may nagpabati lang?

"Alam kong nagtataka ka. May secret admirer ka..." Pabulong pa nyang sabi kahit na gumamit ng microphone. Tinukso naman ako ron at ramdam ko ang pamumula ko dahil sa hiya.

Nang makapasok kami sa room ay maraming nakikiusosyo, tumatanong at tumutukso saakin. Ako naman ay hindi parin makapaniwala! Iniisip kung sino ba ang sinasabi ng President na yon!

"Baka si Rogue?"

Narinig ko ang bulong nilang iyon. Simula nang makita ko si Rogue na may kahalikan sa ilalim ng gilid ng hagdan ay hindi ako natahimik. Pero kalaunan ay nasanay nakong wala sya. Inisip kong meron na syang iba. Mas mabuti nalang yong nakita kong yon! Para naman may dahilan ako para kalimutan sya. Antagal na pero hindi ko pa rin alam kung ano bang dahilan nya bakit nya ako iniwan.

Nagulat ako dahil nang makabalik ako sa pag cr kanina ay may nakita akong mga chocolates. May nakita pa akong shoulder bag.

Toblerone na malaki. Nakita ko ang note na nakaipit ron. 'Eat. Para naman tumaba ka :)'. Kumunot ang noo ko. Bumaling pako sa mga kaklase ko pero wala akong maisip kung sinong nagbigay nito. Sa halip ay binuksan ko nalang yon at kumagat.

Napatalon ako ng bigla akong kilitiin ni Carla. Lumayo ako habang tumatawa sya. Sinamaan ko sya ng tingin at umirap. Kinuha nya ang shoulder bag at inilayo saakin.

"Sayo yan? Akin yan---" aabotin ko na sana nang bigla syang magsalita.

Ngumisi sya "Regalo ko to sayo no!" Anya at umirap. Nanlaki ang mata ko. "Remember? Last week may nakita ka sa Shoppee na Bag? Yung pink na may ice cream na nakadrawing? Ito yon!" Tinaas pa nya ang bag.

Naalala ko yon! Nung nasa bahay nila ako habang tumitingin tingin sa Shoppee ay may nakita akong bag. Pinakita kopa sa kanya kaso ang mahal. Nagandahan ako. Yung loob nya kulay gold. Guess ang tatak ng loob. Sa pagkakaalala ko 3,990 iyon.

Napatakbo ako sa kanya at hindi ko namalayan ang luhang namuo sa aking mata kaya pumikit nalang ako. Tumatawa pa sya. Ni minsan hindi ko pa sya nabibigyan ng regalo. Madalas sya ang nagbibigay saakin. Wala rin akong maisip na ibigay sa kanya dahil tingin mo palang. Makikita mong nasa kanya na ang lahat.

Tumawa sya at tinapik ako sa likod. Tuwang tuwa naman ako sa araw na iyon. Dahil sa natanggap na regalo.

Pagkanext week ay seambrek na namin dahil ma-undas na. Sina Carla ay kasama ko nanaman. Maghahanap nanaman kami ng pogi, Hahahaha. Charrot! Gagala lang talaga kami.

Habang nasa tent kami nila Carla, kumain na muna kami. Marami silang handa. Iba ngayon kaysa noong mga handa nila. Ganon nalang ang pagtataka ko dahil nay dumating na mga kamag anak nila. Habang kumakain kami ay pinakilala saakin ni Carla yon isa isa. Ang gagwapong lalaki at magagandang babae. Sus! Ang ganda nong babae, parang natitibo ako ah! Ngumiti ako at nakipagkamay sa kanila. Sa huling lalaki ay hindi pa tinanggal ang kamay. Nakita ko ang ngisi ng lalaking iyon. Perpektong katawan. Hindi mataba at hindi payat. May saktong tangos ng ilong. Kumikislap ang mata sa ilaw at may manipis na labi na nagkukulay pink. Tinapik ni Carla ang kamay ng lalaking nagngangalang Crap.

Bumulong pa si Carla saakin "Korsunada ka ata ng pinsan ko hahaha..."

Siniko ko sya para matigil. Habang nagkwekwentohan ay pansin ko ang titig saakin ni Crap. Bumabaling ako sa kanya at ngumingiti sya. Isang ngiti pa! Baka mamaya ma-fall ako! Potek!

Nagpaalam akong mag ccr muna. Si Carla naman ay hindi ako nasamahan dahil kinakausap sya ng mga Tita nya. Pumasok ako sa Cr ng girls. Pinaypayan ko ang sarili habang nakatingin sa salamin. Nag inhale at exhale pako dahil tumatatak sa isip ko ang bawat galaw ng Crap na yon. Naghugas ako ng kamay at nang mahimasmasan ay lumabas na ako ng Cr.

Naglakad ako patungo kala Carla. Kaso hindi kona alam ang daan papunta ron! Potek! Pano ako makakabalik nito! Nakakalito! Ang laki kasi nitong sementeryo.

Maglalakad na sana ako para hanapin kaso nakakita ako ng ice cream. Lumapit ako ron. Kahit gabi na, mag ice cream pa rin ako. Hehehez.

Pinili ko yong cookies and cream. Bumunot ako ng 20 pesos sa bulsa ko, saktong iaabot kona yon sa tindero ay may naunang magbayad. "Dalawa po!" Napatingin ako ron. Nakangisi si Clein nang kunin ang sukli. Naiwan sa ere ang pera ko. Aabotin na sana ni Manong nang ibaba yon ni Clein. "Ako na" ngumisi at kumindat pa.

Umiling ako at iaabot na sana ang pera nang pinigilan nya uli ako. Suminghap nalang ako at kinuha ang ice cream kay Manong.

"San kayo?" Tanong nya.

"Di ko nga alam eh... Nag cr lang ako pagbalik ko nalimotan ko na kung saan... Hahaha..." Tumawa pako ng bahagya.

Hinawakan nya ang wrist ko at pahilang naglakad papunta sa kung saan. Hinihigit ko ang kamay ko "San ba tayo pupunta?" Hindi nya ko sinasagot. Napatigil kami at umangat ang tingin ko sa kaharap naming lalaki.

"Rizavin? Kanina kapa namin hinahanap." Madilim ang ekspresyon ni Crap nang sabihin yon. Bumaling ang tingin nya kay Clein. Magkasing tangkad lang kaming tatlo. Nasa 5'9 ang height.

Nakita ko ang pag igting ng panga ni Clein habang nakatingin ng mariin sa kaharap namin.

Agad hinawakan ni Crap ang braso ko at mabilis yong tinanggal sa pagkakahawak ni Clein saakin. Napangiwi ako sa sakit na dulot non. "WHAT THE..." agad sinuntok ni Clein si Crap. Dahilan nang pagbitaw ni Crap sa braso ko. Napatili ako.

Muntik nang matumba si Crap pero naibalanse rin nya ang sarili. Hindi pa makabawi ang mukha nya sa gilid. Gumalaw ang panga nya at napahawak ron. Nanlisik ang mata nyang umambang susuntokin si Clein nang humarang ako. Saktong pagharang ko ay ang malakas na suntok ay saking tyan tumama. Kumirot at napahiga ako sa sahig. Naalalayan agad ni Clein ang ulo ko kasabay ng pagsigaw nya "BB!..." nasa palad nya ang ulo ko.

Nagkaubo ubo ako. Naitagilid ko ang ulo ko kasabay ng pagsuka ko ng dugo. Nanghina ako. Dumalo agad si Crap sakin at panay ang sorry "Sorry... Sorry, sorry, sorry... Rizavin. Sorry. I'm sorry...". Kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.

Lasang lasa ko ang dugo. Narinig ko ang ingay ng tao sa paligid. Hinang hina ako at gustong pumikit ng mata ko. Pumikit nalang ako at narinig ko ang pag aalala sa boses ni Clein. Naramdaman ko ang sarili kong binuhat. Alam kong nasa tricycle kami.

"Sino ba yon? Bakit nangingialam sya? Sana ako yung nasuntok! Sana ako yung nasa sitwasyon mo ngayon! Tangina! Ayaw ko sa lahat yung nagkakaganito ka..." Pahinang pahina ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Clein. Hindi kona maintindihan yong iba.

Nagising nalang ako na may swero. Pinalibot ko ang mata sa kwarto. Puting puti. Kinabahan agad ako. Nasa langit na ba ako? Uupo sana ako kaso ramdam ko pa ang sakit ng tyan ko. Nakaputing damit nako. Hinangad ko ngang mamatay, pero ngayong patay na ako. Parang ayaw ko pala. Naiisip ko ang pamilya, kaibigan at future ko.

Laking gulat ko nang may pumasok mula sa room. Nakita ko si Clein yon. Ngumiti sya pero mapupungay ang mga mata.

"Ok kana ba? Kumusta?" Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"Medyo masakit pa... Malakas kasi pagkakasuntok saakin." Ngumiti ako pero napangiwi sa kirot na naramdaman.

"Anong gusto mong kainin? May gusto ka ba? Tinawagan ko na sina Mama mo. Parating na raw sila." Ngumiti sya.

"Pano mo natawagan? May number ka nila?" Curious kong tanong.

Umiling sya habang hinahaplos naman ang likod ng palad ko.

"Nakita ko si Papa mo na online. Kaya chinat ko." Ngumisi sya.

"Asan sina Carla?"

"Nasa baba. Inaayos ang gulong ginawa nong Crap!... Sino ba yon?" Irita nyang tanong.

"Pinsan ni Carla---"

"Rizavin!..." Pumasok mula sa pinto si Crap at hinawakan agad ang braso ko at hinila ang upuan na nasa tabi para magkapantay ang mukha namin. Kita ko ang pag alala sa mukha nya. "I'm sorry... Hindi ko naman alam na haharang ka... I'm Sorry... Alam kong malakas ang pagkakasuntok ko... I'm sorry... Nadala lang ako kanina..."

Agad kwenelyohan ni Clein si Crap patayo. Igting ang panga ni Clein habang pinandidilatan ng mata si Crap "Alam mo ba ha!... Sinaktan mo ang kaibigan ko! Sino ka ba? Kabago bago mo dito. Akala mo kung sino kana! Kung hindi si Rizavin ang humarang. Ako ang nandyan ngayon!" Turo ni Clein sa hinihigaan ko. "Bobo mo! Susuntok ka nalang, Mali pa! Para kang nagsend na nawrong send!" Anya at tinulak paupo sa upoan si Crap. Umupo ulit sa tabi ko si Clein.

Hinawakan ko ang kamay nya. Tumingin sya sakin nang galit ang mukha. Pero nawala rin yon. Umiling ako.

Tumayo si Crap. Ang kaninang kamay kong nakahawak kay Clein at lumipad papunta sa kamay ni Crap. Tumingin sya sakin at ngumiti. Tumingin sya kay Clein at ngumisi "Ayaw ko ng away. Sorry bro... Akala ko kung sino ka! Nakita ko kasi na hinihila mo si Rizavin kaya nainis lang ako... Rizavin, kung gusto mong magsampa ng kaso." Nilahad nya ang dalawa nyang kamay sa harap ko "Tatanggapin ko. Nagpadalos dalos ako. Sorry..." Anya.

Kinuha ni Clein ang kamay kong nakahawak kay Crap at lumapit ang mukha nya saakin "Wag mong sasabihing... Papatawarin mo sya?" Umigting pa ang bagang nya at nakakunot ang noo.

Umiwas ako ng tingin dahil sa lapit nya. Napansin nya ata yon kaya umupo sya ng tuwid.

Kita ko ang nagtatakang ekspresyon ni Crap saamin. Tumawa ako ng bahagya. Ininda ang sakit. "Sorry... Hindi ko na kasi alam pabalik. Kaya natagalan ako. Sakto, may nakita akong ice cream-an kaya bumili ako..." Naisip ko yung ice cream na nahulog sa sahig nang napahiga ako sa pagkakasuntok. "Hindi mo naman ata sinasadya? Ang akala mo'y hindi ko kilala ang kumakaladkad sakin? Thank you rin kasi kung hindi ko nga yon kilala ay nasagip moko. Pero mali, kilala ko sya at kaibigan ko pa." Ngumiti ako. "Ayaw ko nang palalain to... Sana wag na maulit. Masakit eh- Ah..." Napahawak ako sa tyan. Dinalohan agad ako nong dalawa. Halos matawa ako sa isip sa dalawang to.

"Bb eneng... Sorry nga pala. Sana ako yung nasa sitwasyon mo ngayon..." Isa isa nyang sinabi iyon.

Ngumiti ako "Ayos lang..."

Napatingin kami sa pinto nang pumasok si Mama at Papa. Nagmano pa si Clein. Nakimano rin si Crap. Natatawa ako sa reaksyon ng dalawa kong magulang.

"Ah, si Crap Mama, Papa... Pinsan ni Carla." Sabi ko.

Lumapit si Mama at Papa sakin at eniksamen agad ako. Tinanong nila ang nangyari at kwenento ko naman agad.

Si Clein ay nasa gilid lang habang naka indian sit na nakatingin samin at ngumingiti ngiti. Si Crap naman ay lumabas para raw tumungo kala Carla.

BLACKxNEON