PAGE 26: PROUD

Bawat galaw ni Clein ay sinusundan ko. Bawat pagbalat nya ng oranges ay nagfeflex ang kanyang braso. Ang matigas nyang braso ay sumasabay sa bawat pagbalat nya non.

Tumingin sya sakin at nilahad ang binalatang orange. Imbes na kunin ko yon ay inilapit nya sa bibig ko. Binuka ko ng bahagya ang aking bibig para tanggapin iyon. Ngumiti sya.

"Sarap ba?" Anya.

Tumango at at tumabi sya sakin. Medyo ok nako. Nagdalawang araw lang ako sa hospital at pinauwi na rin ako ng doctor nang makitang ok na ang kalagayan ko. Si Clein ang nag alaga saakin. Ni ayaw pa nga umuwi pero pinilit ko sya at ni Mama. Si Papa kasi ay may trabaho.

Pasokan na at balik klase nanaman. Kunti lang ang nakaalam sa nangyari. Sinabi ko naman ang buod para hindi na sila umusisa pa.

Dumaan ang mga araw ay naging masaya naman. Tuwing uwian ay tumutungo na ako sa paradahan sa palengke papuntang Calabasa. Hindi na rin ako nakakapunta sa Manlapaz. Bihira nalang. Siguro dalawa o tatlong beses nalang sa isang buwan. Nang mag December ay nagkaron ako ng boyfriend. Through Chat lang kami nagkakilala. Pogi sya. Ewan ko ba! Simula nang nagbreak kami ni Rogue ay wala na akong minahal pa. In-add ko uli sya sa Facebook para naman hindi maissue na inunfriend ko sya non. Inaccept naman nya agad.

"Sa totoo lang besh... Gusto kong ichat si Rogue. Gusto kong kamustahin man lang sya. Ayaw kong hindi kami nagpapansinan. Sira na rin ang barkada naming mga taga Manlapaz. May kanya kanya na kasing tropa." Napailing ako.

Tinapik ni Carla ang balikat ko "Balang araw... Magkakaayos rin kayo. Kung may nasira man, maaayos nyo yan. Hindi man tulad ng dati, pero maaayos nyo yan. Tiwala lang!" Seryoso nyang ani.

Nagkibit balikat ako.

December 13, 2020 dapat ay Christmas Party namin. Kaso hindi ako sumali sa kadihilanang trese iyon. Malas ang number thirteen. Naniniwala ako ron, dahil ilang beses na akong napahamak pag  araw ng trese, lalo na pag bernes.

"Grabe talaga yon si Emma! Napakagaling! Sana ganyan rin yung anak mo no? Riza." Narinig kong sabi ni Nanay sa labas, alas otso ng umaga.

Bakasyon na after Christmas Party. Naalala ko yung nilibre saakin ni Clein. Tinago ko yon at isinusuot lang pag may pupuntahang importanteng lugar.

"Ewan ko baga dyan kay Bb eneng! Hindi magaling!" Puna ni Mama.

"Naku Riza! Dapat hindi nyo ini-spoiled yan! Puro cellphone ang inaatupag!"

Sa huling salita ay napadiin ang hawak ko sa cellphone. Agad ko yung tinapon sa dingding, katabi ng electric fan sa gilid. Natamaan ang gilid ng electric fan dahilan para matumba iyon. Narinig ko ang yapak nila papasok sa loob ng bahay.

Humiga ako sa kama at tumalukbong bg kumot. Naramdaman ko ang mainit kong luha na pumapatak.

Narinig kong nasa gilid na si Mama ng cabinet ko at si Nanay na nagbubunganga.

"AY JUSKO! ANG ELECTRIC FAN! NAPANO TO!... Ano bb? Bakit nasira to!" Garasgal na ani Nanay.

"Anong nangyari, bakit to natumba?" Narinig ko na bumaba ang boses ni Mama. Alam kong napaupo sya para tingnan ang electric fan na natumba.

Naramdaman ko ang balikat kong nanginginig sa pagtulo ng aking luha. Sumusinghap ako para makalanghap ng hangin sa loob ng kumot.

"Hoy! Napapano ka? Bakit nanginginig ka?" Naramdaman ko ang paghawak ni Nanay sa balikat ko at niyuyogyog ako.

Pinunasan ko ng mabilis ang aking luha at tinanggal ang kumot. Dahan dahan akong umupo at umiiwas ng tingin sa kanila. Tumungo ako sa electric fan para sana itayo yon ng maayos. Aabotin ko na sana yon sa sahig ng biglang sumigaw si Mama.

"PUNYETA! Anong ginawa mo! Bakit sira tong cellphone! Anong nang---"

Mabilis kong itinayo ang electric fan "Natamaan po ng pusa---..." Nakaramdam ako ng kaba nang makita ang cellphone kong basag ang salamin. Hahablotin ko saa yon kay Mama nang iumpog nya yon sa ulo ko.

"Punyeta! Tangina mo! Bakit ito nasira?! Tinapon mo to? Tama ba? HA!" Binatokan nya pa ako. Napangiwi ako dahil medyo malakas ang pagbatok nya sa kanang ulo ko. "Puro cellphone nalang ako diba?" Sabay sulyap ko kay Nanay "Puro cellphone? Kaya ayan! Tinapon ko!" Gumaralgal ang boses ko kasabay ng paghagulhol ko.

Kunting bagay iniiyakan ko. Ito pa kayang, makakarinig ako nyan? Mas lalo kong iniiyakan. Masakit eh! Masakit makarinig sa pamilya mo ng masasakit na salita.

Pabagsak na pinalo ni Nanay ang cabinet ko, dahilan para gumalaw ang mga nasa ibabaw non.

"Ganyan ba magsagot ang pamilya natin ha!? Ang bata bata mo sinasagot mo kami ng ganyan! Pano pa kaya kung matanda na kami! Baka layasan mo kami! Wala ka pang nararating, akala mo kung sino kana!" Tinulak ni Nanay ang balikat ko gamit ang hintuturo.

Pinawi ko ang luhang lumandas sa aking mata. Ang mata ko ay nakatingin ng mariin sa gitna ng kama. Kumukuyom ang kamao ko. Para akong mababaliw dito!

"Wala na kaming pan-tuition sayo! Wala na kaming pambili ng cellphone! Wala na tayong makain!, Sana naman bb mag aral ka! Sana naman isipin mo rin kami. Sana---" si Mama.

Bumaling ako ng mabilis kay Mama "Sana mawala nalang ako. Sana hindi nyo na ako ipinanganak. Sana si Emma nalang ang anak nyo. Diba? Ganon naman diba?, Mama." Mahinahon ko yung sinabi pero may diin ang bawat salita. Lumabas ako ng bahay at iniwan sila ron. Ramdam ko ang titig nila saakin. Parang tinutusok nila ako patalikod. Pinagsasalitaan ng masasakit na salita sa isipan habang nakatalikod ako.

"INIISIP NAMIN IKAW! KAYA WAG NA WAG MO KAMING SASAGOTIN NG PABALANG!" sigaw pa ni Nanay.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto kong mawala na. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo na kaya? Down na down kana? Yung sobrang sakit na pero hindi mo na maramdaman ang sakit ng sobra? Napatingin ako sa paa kong walang tsinelas. Hindi ko pala naisuot. Napadpad ako sa ilog ng Calabasa. Pababa akong naglakad. Habang bumababa ako hinihiling ko na sana madulas ako at mabagok ang ulo ko, sa huli mamamatay ako. Sa hiling kong yun ay napadulas ang kaliwa kong paa pababa. Didiretso na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Hinigit nya ako dahilan para mapayakap ako sa kanya. Nasa dibdib nya ang mukha ko. Amoy na amoy ko ang pabango nyang hindi na bago saakin. Napaangat ako ng tingin. Saktong pag angat ko ay syang pagdulas naming dalawa. Napapikit ako.

Nang hindi na maramdaman ang pagdausdos ay napamulat ako. Nasa ibabaw ako ni Clein. Nakatitig sya saakin. Ang sistema ko ay mabilis na nakaramdam ng lamig. Hindi pa rin nawawala yung pakiramdam ko pagkasama syang malamig. Ewan ko ba. Ang lamig ng lahat sa kanya.

Aalis na sana ako sa ibabaw nya pero tinulak nya ang likod ko padiin sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng kanyang puso. Nangunot ang noo ko, naghahanap ng rason kung bakit imbes na umalis ay mas idiniin nya ako sa kanya.

Humalakhak sya. At tinulongan akong makatayo. Pinagpagan pa ang sarili.

"Ba-bakit ka nandito? Ang layo nito ah!" Sabi ko.

Ngumisi sya at may tinanggal na dahon sa aking buhok.

"Namiss lang kita" kumindat pa.

Nakaramdam ako ng saya at pagtataka.

Tinapik nya ang pisngi ko "Bakit tulala ka? Nakita kita sa taas" turo nya sa dinaanan ko. "Kung hindi kita nahawakan agad ay nabagok kana! Baka nagka-amnesia ka tapos hindi mo na ko makilala..." Tumawa sya ng marahan. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko. Tiningnan nya ang paa kong marumi na pala dahil sa natamong alikabok sa kalsada. "Wala kapa tsinelas." Anya.

Tinalikoran ko sya. Sa pagkakataong ito, ramdam ko ang sakit sa paa. Ramdam ko ang tusok ng mga bato sa aking talampakan. Napatili ako nang bigla nya akong binuhat. Pinalo ko pa ang balikat nya. Panay ang abot ko sa mga bato sa sahig pero hindi ko maabot. Iniupo nya ako sa malaking bato malapit sa tubig ilog.

Nagpaweywangan syang nakatitig saakin. Nakatayo sya sa harap ko. Umiwas ako ng tingin.

"Anong nangyari... Sabihin mo sakin. Alam mo naman lagi akong nandito para sayo. Sabihin mo, Dali!" Anya.

"Wala! Di importante!" Umiwas ako ng tingin.

"Sus! Sabihin mo na! Di ka naman magkakaganyan kung hindi eh!" Anya.

Umirap ako. Kukulitin ako nito, kaya kwenento ko nalang ang nangyari.

Umupo sya sa tabi ko "Ganon naman pala eh! Alam mo Bb eneng... Mahirap ang buhay ngayon. Hindi mo sana tinapon ang cellphone! Yun tuloy, nasira yung fan hahaha... Naku! Naku! Mas ok nang umalis ka para hindi na nadagdagan ang mga sagot mo sa kanila. Magulang mo yon eh!..."

"Ano namang gagawin ko sa bahay? Tulala? Ganon? Cellphone nalang nga ang katuwang ko eh."

Narinig ko ang buntong hininga nyang malamim "Pwede naman maglinis ka!".

"Ka-kakatamad eh..." Pahinang pahina kong sinabi.

"Yun ang problema sayo eh... Tinatamad ka."

"Sakin?" Tiningan ko sya ng mariin. "Sakin ba talaga? Balita ko, hindi kana raw nagpapasok? Ano bang nangyayari sayo?" Depensa ko at umiwas sya ng tingin.

"Bat sakin napunta? Ikaw ang pinag uusapan natin dito."

"Lagi nalang ako. Ikaw naman! Bakit? Mag aral ka naman. Oo nga't pumapasok lang ako at hindi nag aaral ng mabuti. Pero ikaw..."

"Sa totoo lang... Hindi ko kaya lahat ng tinuturo nila. Hindi ko kaya lahat..."

Hinawakan ko ang kamay nya "Kakayanin mo! Diba ma- Engineer kapa?"

Tumango sya.

Natahimik kaming dalawa habang nakatingin sa ilog na umaagos.

Nagulat ako dahil patalikod syang umupo sa harap ko. Tinapik nya ang likod nya. Bumahagi ang mukha nya patagilid "Sakay na! Ihahatid na kita!" Anya.

Nag alinlangan pa ko. Kinuha nya ng mabilis ang kamay ko at nilagay sa balikat nya palibot sa leeg. Nag-piggyback ako sa kanya. Naglakad sya pataas, papunta sa kalsada.

Ayaw ko pa sanang umuwi. Napatingin ako sa batok nyang may sugat pala. Dahil siguro sa pagdausdos namin kanina.

Nagising akong nasa kama na. Nakatulog pala ako habang naka-piggyback sa kanya. Nakarinig ako ng kwentohan at tawanan sa sala. Napasilip ako ron at nakita kong si Mama, Nanay at Clein ang nag uurusap.

Ngumiti saakin si Mama at lumapit sa akin habang nakaupo ako sa kama. Nilagay nya ang takas na buhok sa likod ng tenga. "Nagugutom ka ba? Kumain kana." Ngumiti sya.

Umiling ako at naglakad patungo sa kusina para kumuha ng inomin sa ref.

"Bb eneng! Nandito pala si Clein! Miss ka raw..." Si Nanay. Tumango ako habang nakatalikod.

Nang makabalik ako ay nakita kong naghahain si Mama sa mesa ng dalawang plato at baso. Dalawang kutsara.

Ngumiti sya sakin at nilahad ang nasa mesa "Kumain na kayo ni Clein! Kanina kopa inaaya kumain pero gusto nya kasabay ka." Anya.

Tumango ako at tinawag si Clein. Nakangisi si Clein paupo sa gilid ko. Naglagay ako ng kanin sa aking plato at sinabawang isda. Nakita kong sinusundan ni Clein ang paglagay ko. Bumaling ako sa kanya. Nakanguso sya. Nagtaas ang kilay ko.

"Bakit di ka pa nasandok?"

Ngumuso sya, nagmamaktol "Lagyan moko!" Ngumuso pa.

Bumungisngis ako "Para kang baby!".

"Baby ko..." Ngumisi pa.

Sinandokan ko sya. Kakain na sana ako ng saakin ng bigla syang nagsalita "Ang unti naman nitong sakin!" Kita ko ang pagnguso nya.

"Mauubos mo bigas namin!"

"Ang unti rin sayo oh! Kaya di ka tumataba eh! Ang unti!" Ngumiwi sya.

Umirap ako "Paki mo."

Humagikhik sya "Paki mo rin!" Anya at kumain na ng kanya.

Umirap ako. "Mas paki ka!"

"Mas lalong paki ka"

I groaned. Nakakainis talaga to!

Kinahaponan ay sumakay sya sa bike nya. Nagbike lang pala sya papunta dito.

Ok na kami nila Mama. Hindi na rin nila nabanggit ang tungkol doon. Kaya maaga akong nakatulog kinagabihan dahil wala akong mapaglibangan. Napahawak pa ako sa pimples kong tumutubo na naman. Makati sya as in! Marami na rin akong natanongan kung ano ang pampawala ng pimples. Nagamit ko na rin pero di effective.

Ang jowa kong nakilala sa Facebook ay wala na rin kami. Hindi ko na sya kinausap pa, ganon rin naman sya.

Nagpasko ay nasa bahay lang ako. Wala kaming handa kahit isa. Walang pera kumbaga. Nagpasko ay ganon pa rin. Gusto kong pumuntang Manlapaz ngunit sinong pupuntahan ko? Gayong wala na akong pupuntahan pa sa kanila. May sarili na silang tropa.

Si Clein ay naging girlfriend si Kim. Kataka taka pa dahil hindi ko akalaing magiging sila. Sabi ni Mary ay pinakilala raw ni Rogue. Gusto daw ni Rogue si Kim kaso hindi sya gusto ni Kim. Nang makilala ni Kim si Clein, kalaro raw ni Rogue si Clein sa paglaro ng basketball. At nang makita ni Clein ay agad raw niligawan. Nagalit raw ng husto si Rogue nang malamang nililigawan ni Clein si Kim sa chat. Pero humupa rin dahil nakilala ni Rogue si Rica, kaibigan ni Kim.

Nag January na ay bihira ko nang makausap ang mga kaibigan ko sa Manlapaz. Si Clein ay bihira na rin. Alam ko naman yon. Priority nya si Kim ngayon. Si Carla at ang naging kaibigan ko sa mga kaklase ang lagi kong nakakasama.

February na ay nakatanggap ako ng letters at roses sa mga kaibigan. Naging masaya ang February 14, 2020 ko. Kumain pa kami sa Papa Zaldish. Don kami umupo sa may pintoan. Napatingin ako sa dulo sa gilid kung saan may mag couple na nagsusuboan at nagtatawanan. Agad may dumaan sa isip ko. Parang isang dejavu. Ganon na ganon yung ginawa namin ni Rogue dati don sa pwesto na yon. Sa totoo lang. Miss kona sya, kahit hindi na ako. Masaya naman ako kung nasan sya ngayon.

Dumaan ang mga araw ay pinaantay ako ni Papa sa Court ng Manlapaz dahil tutungo daw kami sa birthdeyan ng kumpare nya sa Kalamunding. Baka alas otso na kami makauwi.

Imbes na tumungo sa court ay pumihit ako papunta sa tindahan. Sa harap ng Baranggay Hall. Umupo ako ron at nagconnect sa pisonet. Naghulog ako ng limang piso. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sobrang init ng mukha ko dahil sa nakita ko sa court.

Si Clein na nagyoyosi. Sobrang lapit ng mukha nilang dalawa ni Kim. Kunti nalang maghahalikan na. Sa isang upuan na mahaba ay si Rogue at Rica. Nagyoyosi si Rogue habang nagcecellphone. Binubuga pa nya ang usok sa mukha ni Rica, pangisi ngisi lang naman si Rica.

Kwenento ko naman kaagad yon kay Carla. Nagagalit sya kay Rogue dahil raw anlandi.

Napansin ko lang. Hindi na pogi si Rogue. Ewan ko ba. Parang nalusaw ang angking kagwapohan nya. Kung dati'y gwapong gwapo ako sa kanya. Ngayon, wala akong nakikitang gwapo sa itsura nya. Parang naubos lahat ng cells na maganda sa kanya. Yung ganon.

Nakwento ni Mary sa chat na lagi raw absent si Rogue. Palagi daw nyang nakikita kasama si Rica. Madalas raw nasa bahay nila Suse at nag iinoman.

Minsan ko lang naman makausap si Suse. Nang nasa canteen kami ay agad nya akong niyakap sa gilid. Bumulong pa "Grabe Rizavin! Kahapon nag iinoman kami nila Rogue. Lasing nako pero para akong nabuhayan nang biglang sinunggaban ng halik ni Rica si Rogue! Di naman nagpatalo si Rogue! Abay nilaplap! Lakas ng daing nong dalawa! Tangina."

Habang kwenekwento nya yon ay naiimagine ko. Pero parang hindi ako nasaktan. Parang wala lang sakin.

"Sino pa kasama nyo?"

"Si Clein pa. Pero hindi naman sila nagganon.  Matino si Kim." Kumindat pa at tumungo sa tumawag sa kanya kaya umalis na.

Nakataas ang kilay ni Carla saakin.

"Bat ganon. Hindi man lang ako nasaktan sa palpalan nila ni Rica." Ngumisi ako.

"Palpalan?"

"Laplapan." Giit ko.

Bumungisngis si Carla "Proud!" Nilagay pa nya ang kamao sa tapat ng dibdib.

Ngumisi ako. Proud...

BLACKxNEON