February 17, 2020. Araw kung saan gaganapin ang JS Prom, kaso hindi ako nakasali dahil walang kapareha. At sa kadahilanan na nag iisa ka rong sumasayaw. Mukhang tanga! Marami ring hindi sumali sa mga kaklase ko.
"May kumakalat na Virus ngayon sa China. Sa Wuhan daw ito nagsimula........" Narinig kong balita sa kapit bahay namin na nanunuod ng Umagang kay Ganda.
Pumasok ako sa eskwela at maraming naririnig na kwento kwento tungkol sa kumakalat na Virus. Nung December 2019 pa ito nagsimulang ibalita. Pero ngayong Marso 2020 ay kumakalat na sa mundo. Sa April 6, 2020 dapat ang aming Moving Up Ceremony. Kaso hindi natuloy dahil March 14, 2020 pa lang ay ipinatigil ang pagpasok sa eskwela. Tinawag na COVID-19 ang Virus na kumakalat sa mundo. Natakot pa ko dahil marami nang namamatay. Ni hindi man lang kami nagkapaalaman ng mga kaklase ko! Gusto ko pa namang i-trashtalk yung kaklase kong mga bida bida. Char lang! HAHAHAHA...
Ang nakakatawa pa. Si Carla, February 22 pa lang ay bumili na ng dress sa Central Plaza Mall para sa Moving Up na magaganap. Kaso di natuloy. Potek! Pink dress sana ang suot namin sa moving up.
April 6 may nakita akong nagpost na nakapink dress sila at naka make up pa. Caption 'Moving Up sana namin ngayon'.
Dumaan ang mga araw at naging mahigpit. Bawal kang lumabas. Kailangan mong nag face mask at face shield. Kailangang may Quarantine Pass ka. May araw din kung kailan ka dapat aalis ng bahay. Social distancing. Nagkawalaan ng Alcohol sa mga tindahan. Lalo na ang mga delata at mga pagkaing madaling lutoin ay nagkaubos ubos na. Naaawa pa ako kala Mama dahil nagkakawalaan na ng bigas, wala kaming pera pambili ng isang sako.
Sobrang nakakabagot pa dahil cellphone lang ang hawak ko. Wala naman mapaglibangan sa tv dahil wala kaming tv. Malabo at mahirap humanap ng cignal.
Madalas kong kausap ang mga kaibigan ko. Ang bagot ko'y naiiwasan sa pamamagitan ng mga kaibigang laging andyan sayo.
Makakaranas ka ng lagnat, ubo at sakit sa lalamonan. Maaaring may Covid-19 Virus kana. Nakakatakot pa nga dahil isang araw nagkasasipon ako na may kasamang ubo.
Me:
Besh, pag may sipon ba may Covid na?
Carla:
Wala ata. Bakit may sipon ka ba?
Me:
Inuubo ako at masakit sa lalamonan. Nakakatakot. Nanuod ko sa Facebook yung mga tao sa Italy ata yon. Sinunog ang mga patay. Pota!
Carla:
Gago! Baka may covid kana! Hahaha... Kakatamad dito sa bahay! Gusto kong gumala! Yung dress di man lang nagamit! Hahahahaha... Kaya nga! Sa Italy nga. Nanuod ko yon sa Tv Patrol. Parang nasa malaking kawa. Tapos hinuhulog mga bangkay. Nasa track ata. Damn! Nakakaawa. Parang nasa impyerno. Kakaawa.
Totoo yon! Nakakaawa talagang tingnan yong mga bangkay. Parang mga basura na susunogin. Pero kung hindi naman yon sinunog ay maaaring kumalat pa ang Virus. Milyon milyon na ang namamatay. Nagmula raw ang Virus sa paniki. Ang sabi naman ng iba, nagawa daw ng Virus ang Doctor sa Wuhan,China. Gusto daw kasi nilang umunti ang tao sa mundo. Sabi'y gusto raw angkinin ng China ang Hongkong para mapasakamay nila iyon.
Buwan ng Mayo, sobrang higpit! Wala kang maririnig na ingay sa labas. Wala kang makikitang kahit na isang tao na dumadaan sa labas. Para bang unang araw pa lang ng mundo. Si Papa ang mayroong Quarantine Pass.
Wala akong ginawa sa nagdaang araw kundi magWattpad at Mobile Legends. ML10 ang niloload ko for 3days sa TNT.
Lagi kong nakakachat si Clein. Paminsa'y nagvivideo call kami. Lagi rin syang nasa bahay. Akala ko madadrop out sya pero naalaman kong nakiusap ang Mama nya para ipasa nalamang. Nagloko kasi sya pag aaral. Ngayong Lockdown ay nasa bahay lang rin sya.
Walang trabaho si Papa. Nagkukumahos na sya sa paghanap ng pera. Malaki na ang utang namin sa Tita at Tito ko.
Nagulat ako dahil nagchat nanaman si Ricky. Gusto nanaman nyang manligaw. Pangatlong beses na to. Pag nasige ako'y ang reply nya'y masakit saakin.
Ricky:
Sorry... Hindi talaga kita gustong ligawan. Mahal kopa si Jessa.
Naging girlfriend nya kasi si Jessa, ang ex girlfriend ni Clein. Nauna si Clein kay Jessa. At ngayon, ang alam ko'y wala na si Clein at Kim. Si Rogue at Rica ay wala na rin. Mga naglalaro ampotek!
Akala ko pa naman walang aral na magaganap ngayong Grade 11 ako. Pero nagkamali ako. August 24, 2020 ay module namin. Akala ko nga online class. Pero dahil wala namang internet ang iba, Module nalamang ang nangyari.
Halos araw araw ako nagmml kaduo ko si Ricky, Mary, Carla at paminsa'y si Clein.
Kahit ilang ulit na akong sinaktan ni Ricky. Sa huli, pinapatawad ko rin. Wala eh! Marupok ako. Once na saktan ako, parang bulang nawawala agad. Potek!
Module na ang ginagawa namin. Sa CNC pa rin kami nag-senior high. Gusto ko sana sa International School dahil wala ron bayad kaso wala akong kilala roon. Si Carla kasi ay sa CNC pa rin dahil malapit. Sa Manila sana sya kaso naabotan ng Lockdown kaya hindi na roon nakapag aral.
Sobra ang kabang nararamdaman ko dahil sa Modules. Pero kalauna'y hindi na ako kinabahan dahil tumutulong ang mga kaibigan ko saakin. Lalo na si Carla dahil may PLDT WIFI sila.
General Academic Strand ang kinuha ko ngayong Grade 11. Gusto kong maging isang Flight Attendant. Gusto kong libotin ang mundo. Gusto kong puntahan ang pinapangarap naming makapunta sa California ni Carla.
Sobrang hirap pagtest na dahil hindi mo agad makukuha ang sagot. You need to find on Modules. At kapag hindi ko naman nakuha ang sagot, nagtatanong ako kay Carla o sa ibang kaibigan na nasa ibang Strand.
Sumapit ang October 18, 2020. Kaarawan ko. Samut-saring bati ang natanggap ko sa mga kaibigan. Sa teachers din. Nagulat pa ko dahil may dumating na Jollibee Delivery. Sa tapat ng bahay namin. Nakita kong kinausap agad yun ni Mama.
"BB!" Tawag saakin ni Mama sa labas.
Tatayo na sana ako sa pagkakahiga, napatigil ako sa kinauupoan sa kama ng may inabot saakin si Mama na isang malaking supot ng JOLLIBEE. Tanghali na. Hindi kami naghanda dahil walang pera. Ok lang naman yon sakin dahil hindi naman importanteng handaan pa ako.
Kumunot ang noo ko ng buksan iyon. Bumungad saakin ang isang bucket ng fried chicken. 4 cokes. 4 spaghetti.
Sa ibabaw non ay may note 'HAPPY BIRTHDAY! SANA LAMONIN MO TO! SAINYO NILA TITA, TITO AT NANAY. PAKATABA KANA! HAHAHA'.
Sa memsahe pa lang ay alam ko na kung sino iyon. Kukunin ko na sana ang Samsung Galaxy Phone na pinapahiram lang saakin ni Nanay. Pero hindi ko dinampot para sana ichat si Carla. Samakatuwid ay kinuha ko isa isa sa supot ang laman non at nilagay sa mesa sa kusina.
Agad ko yung pinicturan. Binigyan ko isa isa si Mama at Nanay. Si Papa naman ay mamayang gabi pa makakauwi dahil balik trabaho uli sya. Tuwang tuwa naman si Nanay at Mama.
"Grabe talaga si Carla! Hinayupak ang bait! Grabe!..." Si Mama.
Ngumuya muna si Nanay bago sumagot "Ingat ka Bb eneng... Baka yang pagtutulong ag pagbibigay nya sayo ay syang ikapahamak mo sa huli..."
Kumunot ang noo ko "Hindi naman ganon si Carla Nanay... Kilala ko sya since 2017." Depensa ko.
Nagkibit balikat nalamang sya at kumain. Sobrang nabusog ako ron. Para bang tataba nako nito! Ay teka lang! Pakataba pala ha!
Nag online ako at nag MyDay muna. Chinat ko agad sya at patawa tawa pa ang reply. Napailing nalang ako.
3 days kong natatapos ang Modules every week. Nahuli kami ng paenrol nong August kaya 8,750 ang babayaran namin sa tuition sa first seam. Kung nakapag aga daw kami ng enrol ay 1,750 lamang.
November na. Kung wala sanang nangyaring Virus ay naggagala nanaman kami ni Carla... Potek! Naalala ko nanaman yong nangyari sa Sementeryo non! Si Rogue... Potek! Ayaw ko sa lahat yung maiisip man lang sya. Alam nyo yon? Sobrang nabaliw ako sa kanya non! Last March nag iba na itsura nya. Hindi na sya gwapo. Ewan ko ba parang nalusaw ang angking kagwapohan nya non.
Nong October ay nakaramdam ako ng pagmamahal kay Clein. Ewan ko ba kung pagmamahal yon. Pero sure akong mahal ko sya. Gusto ko syang maging Boyfriend. Paminsa'y naiimagine ko ang future naming dalawa bilang mag asawa. Baliw no? Kung dati'y ayoko sa kanya. Pero ngayon, gusto ko syang maangkin. Habang lockdown nagtatrabaho sya kasama si Papa nya sa Talisay. Nagmamanipula sila ng sirang aircon, naglilinis at iba pa. Pero ang main work nila ng Papa nya ay ang paglilinis ng aircon. Grade 11 na rin sya sa NORTHILLS COLLEGE OF ASIA / NCA.
"Hoy! Ok kana ba? Wag ka kasi laging magpuyat. Puyat ka kasi ng puyat eh. Kain ka sa tama. Kung hindi lang lockdown punta ako dyan!" Anya habang nagvivideo call kami.
Alam nyo yung kasabihang 'Nasa huli ang pagsisisi'?. Sa totoo lang nagsisisi ako. Like, Potek! Bakit ko sya pinakawalan? Bakit hindi ko narealize lahat ng care nya sakin? Bakit kung kailan wala nang pag asa saka ko mararamdaman na mahal ko pala sya. Saka ko lang maiisip yung lahat ng ginawa nya sakin non. Sya lagi yung nandyan sakin sa panahong nangangailangan ako. At hanggang ngayon, nandyan pa rin sya. Pakiramdam ko wala nang pag asa. Pakiramdam ko wala na syang nararamdamang pagmamahal saakin ng higit pa sa kaibigan.
Me:
Bat ka ganyan? Ikaw yung laging andyan sakin. Ikaw lagi yung nandyan sa tuwing down na down na ako.
Clein:
Matagal na akong ganto sayo. Kaso hindi mo nakikita dahil sa iba nakatuon ang atensyon mo. Nasa iba ang isip mo kahit ako yung kasama mo. Ako yung nandyan sayo pero ibang tao yung nakikita mo.
Sa totoo lang. Nakaramdam ako ng sakit sa mga sinabi nya. Ngayon ko lang narealize na hindi si Rogue, Carla at iba pa yung laging nandyan saakin. Simula pagkabata si Clein yung andyan saakin. Sa tuwing hindi ako nanalo sa laro ay tinutulongan na ako, kahit talo na sya. Ok lang! Basta manalo ako. Nang lumaki na kami ay nandyan pa rin sya saakin. Sa tuwing may problema ako, sya yung napagsasabihan ko. Sa tuwing down na down na ako, sya yung laging nagpapataas sakin para hindi ako masaktan.
Isang araw nagbigay ako ng motibo sa kanya na gusto kong maging kami.
Me:
Siguro may girlfriend kana no! Hahahah...
Clein:
Oo meron😚
Me:
Hayop ka! Di mo man lang sakin sinabi.😏
Clein:
Ikaw baga girlfriend ko! Hahahaha
Babaeng kaibigan hahahaha...
Why naman ganon, Clein? Baka naman pwedeng higitan pa ron. Potek!
Nagshare ako sa Facebook tungkol sa crush ko. Ni-like nya. Chinat kopa pero tumawa lamang sya.
Nong lockdown ay may naging boyfriend ako. Sa Facebook lamang kami nagkakilala. Si Rodz. Ewan ko ba bat puro R ang first letter ng mga nagiging boyfriend ko. Minahal ko si Rodz. Nakakaduo ko rin sya sa ML paminsan. Pero nagbreak kami dahil nagsasawa nako. Nayayabangan ako sa kanya. Niyayabang nyang branded ang mga gamit nila. At nawalan rin ako ng gana dahil pakiramdam ko ako nanaman yung mukhang tanga. Pakiramdam ko ako nanaman yung nagmamahal sa aming dalawa.
Nang magDecember ay pwede nang lumabas ang 15 taong gulang pataas. 17 naman na ako. December 25, 2020 sana kami maggagala ni Carla sa bayan ng Labo. Kaso wala pa akong pera. Nagdating sina Tita galing Palawan. NakaQuarantine sila ng 14days.
Nong November 2, 2020 ay nanganak si Mama. Ang saya! Potek! Pang apat ko na tong kapatid! At ngayon, nabuhay sya. Pinangalanan syang Yssabelle Elly Ventura. Ang Yssabelle ay galing saakin. Ang Elly ay kay Carla, Eli ang sabi ni Carla kaso pinaltan ni Papa na Elly. Para raw mas maging unique. May bagyo pa nong araw ng nganak si Mama sa Talobatib Hospital. Takot na takot pa ako non dahil naalala ko yung last baby na namatay sa tyan ni Mama. Pero ngayon, nabuhay sya. Nabuhay ang baby. Sa wakas may kapatid na ako.
Ilang araw lamang ang nakalipas ay nakatanggap ako ng chat sa isang Pulis. Hindi pa ako naniwalang pulis. Pero sa huli'y naniwala na rin.
Serge Zeus III
MisS, PULis ak0. KILALA mo bA si JosH SarayO? Kaibigan Ka ba nya? KuNG kilaLa mo ang maGULang nya'y pakiBALita nA paTay na sya. NAndito KAmo sa CabUsay.
Me:
Pulis ka po? Saka, Patay? Ano pong patay eh magkachat pa kami kagabi. Nagbibiro ka po no?
Serge Zeus III
WaLA aKOng panHOn PaRA makiPagBIroan MiSs. PAtAy nA syA. PaKisABi nALanG Sa kAmAg ANak nYa.
Hindi pa ako naniwala dahil ang Jejemon ng chat nya. Chinat ko pa si Carla dahil hindi ako naniniwala. Prank lang to. Finorward ko sa kanya yung sinabi ng Pulis.
Carla:
Ano? HAHAHAHA! Nababaliw na yan. Pulis ng mukha nya. Niloloko ka Besh... Hahahahaha. Pulis pa ang naisip ay. HAHAHAHA!
Ini-Stalk ko si Josh. Marami akong nabasang Tag sa kanya. Mga namamaalam ang mga pinsan at kaibigan. Hindi akk naniniwala dahil magkausap pa kami kagabi. Nag iinom sya dahil breanek sya ng kaklase ko na si Klaren. Ang pang monthsarry sana nila ay pinambili nalang nya ng alak dahil break na raw sila.
Baka prank lang na wala na nga sya. 11am, naligo ako. Habang nagsasabon ng katawan ay may dumapong black butterfly sa paanan ko. Kukunin ko sana para ilagay sa palad ko kaso lumipad agad sya sa ere. Sinundan ko sya ng timgin hanggang sa lumabas sya ng bintana sa cr. Nang matapos akong maligo ay nakaramdam ako ng panlalamig. Kahit mainit ang panahon ay parang may nakayakap na malamig saakin. Nagpunas ako at nagsuot ng makapal na tela ng damit. Nagcellphone ako habang kumakain ng tanghalian. Nanginig ang labi ko nang makabasa ng mga tag kay Sayno. Sobrang dami. Pakiramdam ko totoo na. Chinat ko na rin mga kaibigan namin. Tinanong ko na rin si Tito Julio, tito ni Josh. Totoo raw. Comatose daw ang kasamang pinsan. Si Josh naman ay tuloyan nang namatay. Hindi ako makapaniwala. Ang kaibigan ko ay namatay. Pumatak ang mainit kong luha. Patuloy na dumadaloy. Childhood friend ko sya! Potek! Bakit ganon? Kachat ko pa lang sya kagabi ah! Nagdadrama sya dahil iniwan sya ni Klaren.
Naiinis ako kay Klaren. Mahal na mahal sya ni Josh eh! Potek ka Klaren! Bakit si Josh pa! Marami namang masasamang tao dyan. Bakit yung kaibigan pa namin.
"Ganyan talaga ang buhay, May hangganan..." Si Nanay.
Maiksi lang ang buhay. Hindi mo alam kung kailan ka mamatay. Bawat pagkamatay natin ay may dahilan.
Maiksi lang ang buhay. You need to be happy. Lubosin mo na hangga't maaga pa.
Napakurap ako dahil sa paglipad ng black butterfly sa mukha ko. Kung hindi ako kumurap ay maaaring dumapo sya sa mata ko. "Ikaw ba yan Josh? Kung ikaw yan, please lang... Bumalik kana! Wag naman ganto. Wag mo kaming iwan mga kaibigan at magulang mo." Sabi ko sa kawalan habang tinatanaw ang paru parong papalayo sa labas ng bahay.
Legit na wala na si Josh. Sobrang nasaktan ako ron. At grabe ang iyak ko. Mugtong mugto ang mata ko. Kinabukasan ay nagkita kaming lahat sa court ng Manlapaz. Si Ben, Yaben, Mary at Hazel. Si Hazel ay kaibigan namin noon pa. Sobrang tino nya kaya paminsan lang sya sumasama samin lalo na kung sa inoman.
Tumungo kami sa Baranggay Anahaw. Sobrang daming tao ang nasa labas. Maliit lang ang bahay nila kaya ang iba'y nasa labas. Mainit marahil sa loob. Nakipagsiksikan kami sa taong nasa labas. Pumasok kami sa loob. Nangangatog ang tuhod ko nang pumasok kami. Nakita namin ang puting kabaong, bulaklak at nangangamoy kandila.
Nagbless kami sa Mama ni Josh. Kita mo ang mugto ng mata ng Mama ni Josh. Tumungo kami sa kabaong at pinagpasdan ang mukha ni Josh. Lumiit ang noo nya, dahilan ata ng pagkakatama nya sa likod ng truck. Pogi pa rin si Josh kahit wala na sya. Ang sabi ng Mama nya ay bumal-on rin ang likoran nya. Naimagine nyo? Nakakaawa ang itsura bago sya mamatay.
"Sinong girlfriend ng Anak ko sa inyo?..." Biro ng Mama ni Josh. Tumawa kami ng marahan.
Tinuro namin si Mary "Sya po! Oh..." Bumungisngis kami habang pinupunasan ang luhang dumadaloy. May dala akong panyo kaya panay ang punas ko sa aking pisngi.
"Grabe ang iyak ni Josh... Tingnan nyo ang kandila. Grabe ang tulo. Dumating lang kayo! Umiiyak si Josh ngayon dahil nandito ang mga kaibigan nya..." Sabay ngiti ng Mama nya.
Tumagal kami ron ng ilang oras. Nang maghapon na ay pauwi na sana kami kaso ang tsinelas ni Hazel ay nawawala.
"Hahaha... Ayaw pa kayong pauwiin ni Josh. Pati tsinelas ay tinago para tumagal pa kayo." Ani Mama ni Josh.
Tumungo kami sa Manlapaz. Pinagkwentohan ang lahat ng pinagsamahan namin kasama si Josh. Si Josh yung kaibigan mabiro pero laging nagbibigay ng advice. Nandyan sya lagi para sayo. Papasayahin ka. Lagi syang nagkwekwento ng problema nya saamin, lalo na saakin. Kaso ang barkada ay nagkawatak watak kaya madalas ako ang lagi nyang napagsasabihan ng problema.
Nakita agad namin si Clein na nagcecellphone sa court. Tumakbo ako papunta sa kanya at agad hinampas ang balikat. Bumaling sya sakin.
"Hoy! Di ka sumama!" Puna ko.
"Iniwan nyo ko eh." Anya habang nagcecellphone pa rin.
Umupo ako sa tabi sya at sinamaan sya ng tingin "Hayop ka! Sabi mo wag na. Tapos nong nandon na kami sabi mo asan na kami. Sabi namin pupuntahan ka namin tapos sabi mo di na. Gulo mo!" Umirap ako.
"Tsss..."
Hinablot ko ang yosing sisindihan sana nya. Tinapon ko yun kung saan. He groaned. Binaba ang lighter sa tabi. Ang panyo naman nya ay agad kong hinablot at tumakbo. Tumakbo sya palapit pero mabilis ako kaya umiling nalang sya at umupo sa kinauupoan kanina. Tumatawa ako habang palapit sa kanya. Hawak pa rin ang panyo. Tumalikod sya saakin. Hawak ko ang cellphone ko at pinicturan sya habang nakatalikod. Senend ko yon kay Carla. Muntikan nang mahulog ang cellphone dahil hinablot nya saakin ang panyo. Umirap ako. Naglalaro sya ng ML. Nilagay nya ang panyo sa balikat habang nakatalikod saakin. Kinuha ko ang lighter sa tabi nya sabay hablot uli ng panyo sa balikat nya at agad akong tumakbo. Inamoy ko yon. Nakakaadik ang amoy. Para akong hinehele.
Dumating na si Papa. Sumakay ako sa motor at napabaling kay Yaben na nasa gilid namin "Lighter raw sabi ni Clein." Anya. Ayaw ko pa sanang ibigay kaso hinablot nya yon sa kamay ko sabay takbo.
Nagkibit balikat nalang ako dahil nasakin naman ang panyo nya hehehez.
Dumaan ang mga araw. Pakiramdam ko katabi ko lagi si Josh. Lagi akong nilalamig. Napamulat pako dahil bumagsak ang Christmas Tree namin na maliit sa mukha ko. Nakaipit kasi sa tabi ng kahoy ang Christmas Tree, bumagsak sa mukha ko. Nakaramdam ako ng kaba. Napalinga linga ako dahil medyo madilim na. Ilang minutong pagkakaupo ay humiga na ako. Nakachat kopa si Clein. Binabawi sakin ang panyo pero sinabi kong akin na yon. Ala una na pala ng madaling araw. Nagising ako ng 4am dahil may biglang pumatak sa tabi ng mata ko. Kinapa ko yon. Naramdaman ko ang pagkabasa non sa kamay. Inamoy ko pa baka ihi ng butiki pero hindi. Parang luhang pumatak sa akin. Sa tingin ko, ang luha na yon ay ang luha ni Josh.
Panay ang backread ko sa convo namin ni Josh. Maiiyak ka nalang pagnaaalala mo lahat, nong kasama mo pa sya.
Carla:
Kaya pala chinat nya lahat ng kaibigan nya. Dahil yon na ang huli.
Nilibing si Josh, ang sabi'y sobrang daming taong nakipaglibing. Marami kasing kaibigan si Josh. Hindi na ako magtataka.
Tama pala yung sabi nila. 'Kung kailan nasa kabaong kana. 'Saka ka lang maaalala ng lahat. Saka ka lang mamahalin. Kung kelan huli na...'.
Nasaktan ako sa isiping iyon. Kung kailan wala na si Josh saka magpaparamdam ang mga kaibigan namin. Saka nila maaalala si Josh.
December 28, 2020 binigyan ako ng 1k nila Tita. Tapos na ang 14days Quarantine nila. Kaya kinabukasan ay nagsama ako kay Papa papuntang Manlapaz. Chinat ko pa sila Mary. Nilibre ko sila ng Cornetto. Nagpaorder rin ako kay Hazel para kay Clein sa Shoppe. Ok lang na sya naman ang bigyan ko dahil dati'y ako ang binigyan nya. Niloloadan nya rin ako lagi nong naglalaro kami ng ML.
100 pesos nalang ang natira kong pera sa 1k. Dumaan ang mga araw at nagising ako sa isang bangongot. Binigyan ako ng number ni Josh. Sinabi ko agad yun kay Nanay.
"Wala tayong masasabihan ng numero. Nag alis na si Papa mo." Ani Nanay.
Nag online ako at tenext na rin si Papa para magtaya sa Lotto ng sinabi kong numero kaso hindi man lang nagreply si Papa. Kinagabihan, dumating si Papa.
"Papa! Nabasa mo text ko?" Nakitext pa talaga ako non kay Tita dahil wala naman akong load.
Nagsalubong ang kilay ni Papa at kinuha ang cellphone sa bulsa binasa nya yon at bumaling saakin "H-hindi ko nabasa! Tangina! Napaginipan mo?"
Tumango ako. Nitong mga nagdaang araw lagi kong napapaginipan si Josh. Para bang hindi sya matahimik.
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ni Nanay. "JUSKO! Ito yong sinabi ni Bb eneng na number! Sayang! Naka 120 milyon na sana tayo!---"
"Bakit Nanay?" Ani ko nang makatayo.
Lumapit sya sakin at pinakita ang tenext ni Papa. "NANALO SANA TAYO! Kaibigan mo talaga yan si Josh! Sayang hindi lang nataya! Pota! Sayang! 120 milyon sana!"
Para akong nanghina. Salamat Josh... Tama yung lotto number na sinabi mo sakin sa panaginip kaso hindi lang nataya.
BLACKxNEON