New Year ngayon. 2020 na at napag usapan namin ni Carla na magkita. Kaso hindi natuloy dahil sobrang lakas ng ulan. Gagala sana kami kaso maulan.
Sobrang miss kona na si Josh. Nagbabackread ako sa tuwing naaalala ko sya. Pakiramdam ko lagi ko syang kasama. Parang binabantayan ako.
Masakit mawalan ng kaibigan. Mamimiss mo lahat sa kanya. Maaalala mo mga pinagsamahan nyo.
Dumaan ang mga araw at January 6, 2021 nakagala na kami. Mainit ang panahon. Nagsabay ako kay Papa. Hinatid nya ako sa tapat ng bahay nila Carla sa Burgos. Nag doorbell pako. Lumabas agad si Manang "Good Morning Rizavin!..." Maligayang bati saakin ni Manang. Alas syete pa lang nandito nako. Pinagbuksan nya ako ng gate "Pasok ka. Nagbibihis pa si Carla. Nasa kwarto sya. Pasok kana lang." Anya.
Uupo na sana ako sa sofa kaso iminuwestra ni Manang ang kwarto ni Carla. Tumango ako at naglakad papunta don. Pipihitin ko sana ang pinto pero tinulak ko nalang papasok dahil hindi naman pala nakalock.
Bumungad sakin si Carla na nagme-make up light. Matagal na akong nakakapasok sa kwarto nya. Since Grade 8 kami. Pero sa tuwing papasok talaga ako. Lagi akong namamangha sa ganda ng disenyo. Magaling talaga sa pagdedesign si Carla. Gusto raw nyang maging Architect balang araw. Hindi nako magtataka kung magkakakatotoo yon dahil matalino naman sya.
Gumala kami papuntang Central, School ko nong Elementary ako. Nagpicture kami don. Marami kaming binabating teacher para hindi kami mapagalitan. Bawal kasi ang mga taong mapasok ng walang dahilan kung bakit ka naroon. Dinahilan naming pupunta lang kami sa Teacher namin dati, kahit na hindi naman dito nag elementary si Carla.
Sumunod ay pinuntahan namin ang Baranggay Dalas. Tumungo kami kala Nette, taga Calabasa dati. Minsan nakakasabay ko syang umuwi sa Calabasa, kaya naging kaibigan ko na. 2 hours pa kami nag antay sa sala nila Nette. Naglalaba kasi sya pagdating namin. Naligo pa at nagbihis, pagkatapos.
Nakiinom kami kasi grabeng layo ang nilakad namin, papunta dito.
Nag cellphone muna kami para mawala ang atmosphere na nakakabagot. Nakatanggap ako ng Chat kay Ricky. Panay ang chat saakin ni Ricky nitong mga nakaraang buwan. Kahit ilang beses na nya akong niloko ay pimapatawad ko pa rin. Wala eh, Marupok ako. Potek!
Me:
Nandito kami sa HillCrest.
Biro ko lang yon pero nagulat ako sa reply nya. Malapit kasi ang bahay nila sa HillCrest.
Ricky:
Weee. Butog! Nag aano ka dyan?
Me:
Nagagala. Hahaha...
Ricky:
Nagagala? Sino kasama mo? Butog ka.
Me:
Si Carla. Asan ka?
Ricky:
Pupunta ako dyan. Wait lang, ligo lang ako.
Me:
Maano ka man dito?
Ricky:
Usap usap tayo hahaha...
Nairap ako.
Me:
Nandito pa kami kala Nette sa Dalas. Intayin mo nalang kami dyan.
Nag out na sya. Marahil, naggagayak na.
"Nasa Hillcrest daw sya." Sabi ko kay Carla.
Bumaling sya sakin, tumatawa pa. Kachat siguro nito mga lalaki hahaha...
"Si Ricky? Talaga? Sige sige! Usap kayo ha! Hahahahahaha" anya at nag cellphone uli.
Nasabi ko kasi sa kanya na gusto akong makausap ni Ricky sa personal. Hindi ako makatulog ng maayos sa nagdaang araw dahil ron. Pero ngayon, makakausap kona. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin non. Potek!
12noon na nang makapunta kami sa HillCrest. Pagang utosan kasi si Nette ng magulang nya lalo na yung Tito kaya hindi agad kami nakapunta dito sa HillCrest. Naglakad kami pataas. Para kang nagha-hiking.
Kinain na namin ang binili naming siopao kanina sa daan. 15 pesos. Masarap pa.
Nakarating kami sa taas ng Hillcrest. Nakita ko agad si Ricky na dumungaw. Inayos ko ang buhok kong nakatali. Ngumisi pa si Carla bago kami tinalikoran ni Ricky. Nagcellphone ako.
Umupo kami sa mahabang upuan. Ngumiti si Ricky saakin. Kita ko kahit nakaface mask sya.
"Si Nette yong isa nyong kasama?" Tanong nya.
"Oo, pinuntahan pa namin sa kanila. Nagpasundo ay. Hahaha..." Sabi ko.
Kwentohan at asaran ang naganap.
Kita ko ang pagsalubong ng kilay nya. Tinuro pa ang off shoulder white kong suot "Bat ganyan suot mo? Hindi pwede sakin yan, yan... Yan." Anya habang pinapasada ang hintuturo sa off shoulder ko.
Para akong nawalan ng hininga sa sinabi nya.
"Kung ako boyfriend mo. Hindi kita papalabasin ng ganyan..." Umiling pa.
"Weee... Eh ilang beses mo na nga ako niloko. Sabi mahal. Pero---"
"Bakit? Tayo na ba? Tayo na ba?" Nagtaas baba pa ang kanyang kilay.
Hinampas ko sya sa balikat "Gago! Hahahahaha... Ulol ka! Anong tayo." Napaiwas ako ng tingin.
Gwapo si Ricky. Pero ngayong kasama ko sya. Si Clein yong nasa isip ko. Iwinawaksi ko si Clein sa isipan ko kaso hindi mawala. Ayaw nyang maalis sa isipan ko. Lalo na sa puso, para bang nakatatak na sya.
Pakiramdam ko wala nang pag asang maging kami.
Nong pasko ala una na ng madaling araw chinat pa ako ni Clein.
Clein:
Nandito kami nag iinom. May gusto sana akong sabihin.
Me:
Teh! Bakit ka nag iinom? Lasing kana ata hahaha...
Clein:
Mahal pa kita. Mahal na mahal.
Parang tumigil ang mundo ko ng mabasa ko yon. Para bang tumigil yong tibok ng puso ko. Na kahit na hindi ko yon narinig ng personal sa kanya ay parang ume-eco sa pandinig ko.
Me:
D wow. Butog ka naman. Hahahaha... Lasing kana nga.
Clein:
Siguro nga lasing na ko.
Me:
Lasing kana pala eh. Matulog kana. Hahaahaha... Kung ano ano na pinagsasabi mo.
Clein:
Mahal mo pa ba ako? Kasi Mahal pa kita.
Sa sobrang saya ng puso ko agaran kong chinat si Carla. Kaso offline sya.
Carla:
Besh... Besh!
Beshhh...
Pota! Kung online lang to edi sana kinikilig na rin to.
Clein:
Sige. Out nako. Matulog kana rin. Sana nandito ka katabi ko. Baka sakaling hindi ako nag inom...
Me:
Wala nga mahatid.
Panay kasi ang chat nya na pumunta raw ako sa kanila. Mag iinoman raw kami. Kaso wala man maghahatid. Bahala sya kung iinom sya.
Kinaumagahan halos sumabog ang messenger ko sa chat ni Carla. Kilig na kilig ampotek!
Carla:
Gago! Sinabi mo rin sanang mahal mo rin sya. Pa-choosy kapa.
Sa sobrang saya ko kasi ng mabasa yon. Hindi ako makatipa ng maayos dahil baka lasing lang sya kaya nasasabi nya yon.
Alas otso na ng umaga nag online si Clein.
Me:
Hoy! Yung tungkol kagabi? Totoo yon?
Clein:
Alin?
Me:
Yung kagabi baga! Backread ka.
Clein:
Ah. Baka lasing lang ako. Kung ano ano na sinabi ko. Hahaha...
Para akong nilunod ng paulit ulit. Inaasahan ko pa naman ma-oo sya. Ngayong hindi na sya lasing. Pero masakit yung tinanggi nya. Dahilan nya nalasing kaya nasabi yon.
Clein:
Grabe ang epekto sakin ng alak hahaha... Kung anong anong bagay ang sinasabi ko. Hahahaha...
At dinagdagan pa. Masakit. Sobrang sakit. Potek!
Nong pasko ay may dalang C11 Real Me si Tita. Binigay nya sakin. Regalo raw sana yon nong Birthday ko. Ngayon nabigay.
"Tara sa bahay! Andon si Tito Elo. Pakilala kita dali!... Paalam kana muna kala Carla. Mga 30 minutes lang tayo." Anya. Hihigitin na nya sana ako paalis pero binawi ko ang kamay ko kay Ricky.
Umiling ako. Bakit naman nya ako ipapakilala?
"Bakit naman? Wag na..."
Bumuntong hininga sya "Pakilala sana kita. Nandyan sila ngayon."
"Ano nga pala sasabihin mo? Bakit gusto moko papuntahin dito non?" Tanong kong kuryoso.
"Tayo na ba?" Seryoso nyang sabi habang nakatingin ng diretso saakin.
Ang katamtamang ilong nya, makapal na buhok. Kayumangging kulay ng balat. At naninilaw na mga mata. Perfect na lahat sa kanya. Hindi ako makasagot sa tanong nya.
"Tayo na ba ha?"
Umiwas ako ng tingin at tiningnan ang malawak na lupain. Inulit ulit nya yon sabay kiliti saking bewang. Halos lumagapak ako ng tawa sa kiliting iyon. Pero sa tanong nyang yon? Si Clein ang nasa isip ko.
Si Ricky ang kasama ko ngayon pero si Clein ang nasa isip ko.
"Samahan moko magyosi... Tara!" Anyaya nya.
Hinampas ko sya sa balikat "Bat ba yosi ka ng yosi? Hindi ka man lang ba magbabago?" Palibhasa sanay sya sa ex girlfriend nyang si Jessa dati. Hinahayaan lang sya.
"Hindi ko mababago pagnakasanayan na..." Puna nya.
Hinampas ko uli sya. Tumawala lang ang Ricky. "Ano ba?! Magkakasakit ka nyan! Itigil mo na yang yosi na yan."
Kumunot ang noo nya, tila nagtatanong kung bakit ang mga mata "Bakit ba gustong gusto mong magbago ako?... Magbabago ako kung tayo na."
"Magbabago ka para sa sarili mo. Hindi yung magbabago ka kung kelan naging tayo." Napakagat labi ako sa huling salita.
Nakita kong dadaan sina Carla at Nette sa gilid namin kaya nagpaalam na ako kay Ricky. "Ayan na sina Carla. Bye! Umuwi kana rin..." Sabi ko at tumayo na.
Tinitigan nya muna ako bago sumagot "Ingat, Labyu..." Kumaway pa.
Nagdalaw kami sa Cemetery nila Yaben, Hazel, Nette at Carla. Bumili ako ng apat na kandila. Kulang na pera kaya si Carla na ang nagbili ng isa. Nagbili na rin ako pusporo.
Naglakad kami papasok sa Cemetery. Nagtirik ng kandila para kay Josh. Nagpicture kami at nilagay yon sa Story.
Umuwi na si Carla. Ako naman ay bumili sa palengke ng pinalabit nila Tito. Nagtago nanga ako pero nakita pa at nagpalabit ng pagkain.
"Kanina besh, si Clein yong nasa isip ko kahit si Ricky naman ang kasama ko... Ipapakilala pa raw ako ron sa Tito nya." Pabulong kong sinabi.
"Ah. Isa lang ibig sabihin nyan. Si Clein ang Mahal mo. Maaaring gusto mo lang si Ricky at hindi mahal. Mahal mo si Clein kasi sya yong nasa isip mo kahit na may kasama ka namang iba... Bat di ka sumama! Gago! Sumama ka sana para naipakilala ka!" Anya.
Iintayin ko si Papa dito sa Court ng Manlapaz. Hindi na kami nagkita pa uli ni Clein dahil nasa Baranggay Talisay sya habang nagtatrabaho. Nagmomodule rin. Sabay sabay na. Madalas pa nya akong loadan. Sabi ko nga wag na dahil hindi naman kailangan na sakin nya gastosin ang pera nya sa pagtatrabaho.
Habang nagcecellphone. Nakatanggap ako ng chat galing kay Ricky.
Ricky:
Oy sorry dito konalang sasabihin sorry pala sa lahat na nagawa ko sorry kung nasaktan ka sa akin. Sorry ha! pwede friends muna tayo di ko kasi magawang makalimutan si Jessa. Sorry ha! yan sana sasabihin ko kanina kaso nahihiya akong sabihin baka masaktan kita ulit. Sorry sa lahat di ko talaga kayang kalimutan si Jessa sorry ha sana mapatawad mo ko sorry talaga sana maging kaibigan parin kita sa lahat ng nagawa kong kasalanan...
Sa chat nya, hindi man lang ako nasaktan. Like, what the... Masaktan raw uli? Eh masakit yang sinabi mo. Eh kaso, hindi ako nasasaktan ngayon. Para bang namanhid ako.
Siguro gusto nya lang ako bigyan ng dahilan. Porket ba, hindi ako nag oo nang tinanong nya ako, kung kami na ba daw?
Natawa nalang ako sa reply nya. Don't me... Masasaktan lang ako sa sinabi mo pero hindi ako iiyak para sayo. Sa isang tao lang ako iiyak, sa taong mahal ko.
Nacucurios ako sa tuwing maiiisip na kami ni Ricky? Edw wo! Wag na! Kung dati gusto ko. Pero ngayon, ayaw ko na. Si Clein nalang talaga ang mahal at gusto ng puso ko ngayon.
Nagpaload ako ng ML10. Naglaro kami. Si Ricky at Clein saka ako. Pagang asar kaming dalawa ni Ricky. Sagot naman namin ay...
Ricky (Lancelot): Yie... Kambak na Nana at Kadita.
Rizavin (Nana): Ulol
Clein (Kadita): ulol
Ewan ko kahit Ulol lang sinabi namin pareho. Kinilig ako. Kasi sabay pa eh! Pota! Nababaliw nako!
May modules nanaman kami for second seam sa January 13, 2021. Potek! Hirap nanaman nito kung walang Google eh. Paload ng paload every week ng Giga50.
Ang alam ko'y sa January 18 naman sina Clein.
Thursday na ako nagsagot. May bagong subject kaya mas lalong humirap.
Ganon ang naganap sa nagdaang araw. Modules ang kaharap minsan napapagalitan pa ako dahil hindi ako gumagawa sa bahay.
"Ano? Cellphone nanaman? Maghugas ka plato. Dami hugasin!" Si Nanay.
Lalo na pagtest. Nahihirapan ako sa pagsagot. Paminsa'y hindi ko nahahanap kaya nagtatanong nalamang ako.
Wala pa kasing face to face.
Grade 12 na ko. Madalas kong makachat si Clein. Pakiramdam ko, hindi na nya ako gusto. Pakiramdam ko hanggang kaibigan lang. Masakit isipin na kaibigan nalang ang turing nya sakin, habang ako nandito. Mahal na mahal sya nang higit pa sa kaibigan.
Mas lalong lumaki ang tuition namin. Nagkukumahos na si Papa kakahanap ng pan-tuition ko. Naaawa na nga ako. Kaya gusto ko nang makapagtapos eh.
Ngayong Grade 12, kailangan mong makapasa para makapag-college ka. Pag-college ay mas lalong mahirap.
Nakapagtapos ako ng Grade 12. Maraming pumunta aa bahay. Nagkaroon ng salo salo para sa akin. Graduated na ako ngayong senior high. Sa wakas, nakapasa naman.
Tuloy tuloy na to. At magiging isang flight attendant na ko. Naawa ako sa babaeng si Christine Dacera. Isa syang flight attendant. Ang mahaba nyang binti, magandang pangangatawan at magandang mukha ay nasayang. Bata pa sya para mamatay. Sa kadahilanang ni-rape daw. 11 suspek.
Nagulat ako sa pagdating ng lalaki. Inaasahan kong dadating sya, pero hindi ko akalaing hindi ko sya makikilala. Matagal kaming hindi nagkita simula nong 2021. 2022 na ngayon. Isang taon pa lang pala pero mas pumogi sya. Naging mas matikas ang katawan nya. Mas tumangkad sya sakin. Ang brown nyang mata ay kumislap sa liwanag ng ilaw namin. Tumabi ang mga bisita para bigyang daan si Clein. Inabot nya sakin ang isang box. Tinanggap ko yon at ngumisi sya.
Chat at video call lang kasi kami nag uusap non. At ngayon, nandito sya sa harap ko. Mahahawakan at makakasama.
Suot ko pa ang toga ko. Sumigaw ang bisita naming kapitbahay ng "Oh! Picture!" Anya. Pumwesto naman kami habang nasa harap ang handa. Nasa gitna ako katabi si Mama at Papa sa kaliwa, katabi ko si Clein sa kanan. Amoy na amoy ko ang pamilyar nyang pabango. Patago kong sinisinghot yon. Sa pangatlong click ng camera ay pinalibot ko ang braso ko sa braso nya. Ramdam ko ang gulat nya pero di sya bumaling saakin.
Maraming picture ang ginawa. At sa huli ay kaming apat naman nila Mama, Papa at ang bunso kong kapatid na si Eli, 1 and haft years na sya.
Nagsikain kami. Panay ang picture nila. Ang iba kong mga kaibigan ay hindi nakapunta dahil walang pera. At ang iba naman ay nalalayuan raw.
Ang alam ko'y naghotel sina Carla para sa celebration ng pamilya nya.
Kakwentohan ko si Clein sa aming labas ng bahay. Walang pinagbago. Close pa rin kami sa isa't isa. Kasama nya si Ricky, Yaben, Ben, Suse, Levan, Mary at Hazel. Ang iba ay hindi nakapunta. Ang mga babae ay dito sila matutulog sa bahay. Ang mga lalaki naman ay sa tito ni Ricky, may Tito sya dito sa Baranggay Calabasa. Kaya roon na sila matutulog.
"Ayieeee..." Tili nila Mary nang makitang tinanggal ni Clein ang kumalat na spaghetti sa tabi ng aking labi. Gamit ang kanyang hinlalaki.
Medyo napatalon ako ron pero tumawa nalamang. Alam nilang gusto ko pa si Clein. Alam rin yon ni Clein dahil umamin ako. Pero iniba nya topic nong magkachat kami non. Sa totoo lang, gusto ko nang maging kami. Kaso kung hindi pa pwede. Kaya ko naman maghintay hanggang sa pwede na.
"Pagbutihan mo pagcollege ha!" Anya.
Ngumiti ako. Suot nya ang regalo ko sa kanyang damit last year. White shirt na may design na 3 line sa magkabilang balikat. At board shorts black. Lacoste sya. Pinaorder ko kay Hazel sa Shopee. Nagtaka pa nga si Clein raw kung bakit sya non binigyan ni Hazel. Pero kalaunan ay nalaman nya dahil halata raw na sakin galing yon.
Alam nyo yung saya na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay? Yung saya na kasama mo yong nagpapasaya sayo. Yung laging andyan sayo, dadamayan ka. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Walang makakatumbas sa kahit anong bagay pagkasama mo yong taong mahal mo.
Naalala ko lang mga ex boyfriends ko dati. Grabe kong mangako.
Narealize ko na kahit gaano pala kaplanado future mo sa isang tao, kahit gaano pa kadami pinangako niyo sa isat isa? words are just words, kung yung tao na yun nangako lang sa panahon na okay kayong dalawa at masaya pa? tapos pag dating ng araw na nag kakagulo na yung mga pangako niyo magugulat ka nalang lahat yun mawawala sa isang iglap, reality hits! Potek! kahit anong sabihin ng tao sayo na mahal na mahal ka, kung hindi ka kayang ipaglaban or hindi sigurado sayo? yung mga pangako? mananatiling pangako lang.
Promises are just a promise...
Words are just a words...
Naalala ko nong mga panahon kay Rogue. Sa mga promise na sinasabi nya sakin non. Tumatak sa isip ko. Lahat ng sinabi nya. Akala ko hindi masisira pero ang pangako ay mananatiling pangako. Matutupad nga nya, pero sa ibang babae na. Ok lang, mas mabuting wala nang kami dahil ayaw ko sa hindi ako tanggap ng magulang. Pakiramdam ko kasi non hindi ako tanggap ng Mama nya.
Pero kay Clein, lahat tanggap ako. Ayokong umasa na magiging kami pa. Pero kahit hindi ako umasa. Nakatatak na yon saakin.
BLACKxNEON