I don't know why I'm still hoping... They say, True loves always comeback...
Unti unti kong natutunang pakawalan yung mga bagay na dati takot akong bitawan. I just remember, I played ML just for him. Si Rogue...
Hindi ako umiiyak dahil nagpapaawa ako. Umiiyak ako dahil solid yung sakit nararamdaman ko. Alam kong wala nang pag asang maging kami ni Clein. But I'm still hoping.
Handa naman akong madurog ng paulit ulit kung yon ang ikakasaya nya. Basta mahalin nya lang ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Desperada na kung desperada. Gusto ko lang naman na mahalin ako. Gusto ko lang sya yung maging asawa ko sa future.
Sabi nga nila 'Kung kanino ka naging masaya, Don ka rin masasaktan...'. Pero bakit ganon? Lagi bang sa una lang masaya? Sa una nyo lang mamahalin ang isa't isa? Tapos sa huli itatapon nalang na parang basura yung pinagsamahan nyo?
Nag aral ako ng ilang taon para maabot ko ang pangarap kong maging isang Flight Attendant. Oo, mahirap maabot ang pangarap lalo na kung dati'y tamad ako mag aral. Pero masaya at nakakaproud pala pag nakatapagtapos kana.
Bago matapos ang School Year, nag apply na ako sa Philippine Airlines. Akala ko'y hindi ako matatanggap pero kalaunan...
"MA!" Tumakbo ako papalapit kay Mama. Niyakap ko sya ng mahigpit. Nagluluto pa sya ng adobong manok. Hmmm... Mahalimuyak na amoy. "Ma... Flight Attendant nako!" Naramdaman ko ang mainit kong luhang namumuo sa aking mata.
Naramdaman ko ang panginginig ng balikat ni Mama. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap sya. Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa kanyang mata.
"Mama... Hahahaha" natatawa ako dahil parehas na kaming naiyak sa balita kong ito.
"Sorry... Natutuwa lang ako sa balita mo. Hindi ko akalaing magugulat ako ng good news..." Ngumiti sya at pinawi ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Niyakap nya uli ako ng mahigpit "Proud na proud ako sayo bb... Hindi ko akalaing ang isang tamad mag aral noon na tulad mo ay makakamit bandang huli ang pinapangarap."
Tumawa ako ng bahagya "Hindi ko rin akalin Mama... Natanggap ako!"
"Proud na proud ako sayo... Anak. Bb eneng... Sobrang proud..."
Mas masaya palang marinig mula sa iyong ina ang salitang Proud. Masarap pala sa pakiramdam makarinig mula sa aking Mama na proud sya saakin.
Ngumiti ako at kumalas sa pagkakayap sa isa't isa "Mas proud ako sayo Mama. Proud ako sa inyo ni Papa... Yung time na sukong suko na ako. Ayoko na mag aral. Nagpapasalamat ako sainyo Mama. Kundi dahil sa inyo, hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon... Hala! Yung niluluto mo Ma!" Napatakbo sya sa niluluto nyang adobong manok.
"Asan Mama si Eli?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko makita kung nasaan iyong kapatid ko na yon. Imposibleng nasa School pa sya eh 5pm na. 4pm ang uwi nila.
Tinuro ni Mama ang labas ng bahay "Naglalaro. Pauwiin muna nga yon at kakain na tayo ng gabihan."
Tumango ako at bumaling sa kabilang kalsada. Nakita ko ang kapatid kong naglalaro ng chinese garter kasama ang mga batang kapitbahay namin.
"ELI!... tawag kana ni Mama. Uwi na."
Nakikipagtawanan pa sya sa mga kalaro nyang bumaling saakin. Tinuro ako sa kanya ng mga kalaro nya. Lumapit na ako para sana higitin sya pauwi kaso natumba sya. Dahilan ng pagkakatalo nya.
"Oh, Eli! Talo kana." Ani ng isang kalaro.
Tumayo sya at pinagpagan ang palad at tuhod. Sinamaan nya ako ng tingin "Ate naman eh!"
Bumuntong hininga ako "Uwi na tayo. May pasalubong ako sayo..." Ngumisi pako.
Nagningning ang mata nya agad nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patakbo sa bahay. Agad syang pumasok sa loob ang binuklat agad ang bag ko. Kunot ang noo nya.
Bumaling sya sakin ng lumapit ako sa kanya "Asan naman Ate?"
"Bakit mo ba dyan hinahanap?" Kuryoso kong tanong habang nakahilig sa tabi at nag cross arm pa.
"Diba, pag may pasalubong ka sakin. Laging nasa bag mo?" Ngumuso pa ang cute kong kapatid.
Humalakhak ako "Alright!" Tumingin ako sa taas ng cabinet namin. Kinuha ko ang paper bag don at nilahad sa kanya.
Binuksan nya yon at namangha sa aking binigay. Napatalon sya sa pagyakap saakin. "Thank you ate..." Mas mahigpit na yakap ang iginawad saakin.
Kinuha ko ang form ko para basahin. Nandon lahat ang ibig sabihin na natanggap ako sa pinag apply-an ko.
Dumating na si Papa at nagsikain na kami. Nauna akong natapos at kinuha ko agad ang enveloped. Nilapag ko yon sa tabi ni Papa. Curios nya akong tiningnan.
Kinuha nya yon at binasa. Nanlalaki ang mata nya sa sunod sunod na pagbasa. Bumaling sya sakin at napatayo para yakapain ako. Nasasakal ako sa yakap ni Papa. Sobrang higpit. "Sobrang proud ako sayo, Bb... So-sobra..." Naramdaman kong naiyak si Papa.
Kumalas ako at hinuli ang mata ni Papa. Iwas ang tingin nya. "Papa... Bakit ka umiiyak? Hahahahaha... Dapat happy ka eh..."
"D ako umiiyak ha."
"Di daw. Hahaha... Halata oh!" Turo ko sa basa nyang pisngi. Bumuntong hininga sya.
"Masaya lang ako dahil isa ka nang Flight Attendant." Ngumiti sya.
"Ate, Flight Attendant kana? Yung nasa airplane? Wow!... Dalhin mo ko sa France ate ha..." Ngumiti pa.
"Kami rin no! Di lang ikaw sanggol." Sambig ni Mama.
Nagtawanan kami. Masaya ang naging takbo ng bawat araw. Nakagraduate ako.
"Pasensya na sa mga nasabi ko non sayo, Eneng... Ngayon, isa kanang Flight Attendant. Dati, gusto kong aralin mo ang teacher dahil mahirap makapasa sa pagiging flight attendant. Marami palang nagkakamali sa maling akala. Subokan muna bago sumuko." Ani Nanay.
After 1week nakapagtrabaho agad ako sa Philippine Airlines. Tama yung sabi nila. 'Pag mahal mo ang trabaho mo, mas gaganahan kang magtrabaho'... Kung sinunod ko pala si Nanay na teacher ang kunin ko, maaaring wala ako dito ngayon.
Pagmahal mo ang isang trabaho, kahit hindi kapa matagal ron. Magagawa mo ng maayos ang iyong ginagawa. Lalo na kung yon ang gusto mo noon pa.
Narinig ko ang Captain na may sinabi. Ako naman ay sinigurado na safe na ang lahat. Maya maya'y tinulak ko ang stroller at nagtanong tanong sa mga pasahero.
"Water, Coffee, Juice, Sir?"
"Water is ok." He smiled.
Nilahad ko yon sa kanya. "Food, Sir?"
Umiling sya.
Ganon ang naging ganap sa nagdaang araw, buwan.
5 months ago, marami na rin akong naging mga kaibigan. Minsan pa'y nagkakamustahan kami ni Carla. Bihira na lamang dahil nag aaral pa sya para matapos ang taon nya sa pagiging Architect Engineer.
"What do you want Mam..."
Bumaling saakin ang babaeng naka black shades. Mamahaling damit. Mukhang mayaman kung tingnan. Nakalugay ang brown hair nya. Binaba nya ang black shades nya at ngumisi saakin. Napatili ako sa saya. Agad ko syang nayakap. Nakita ko ang ibang nakatingin saamin kaya agad akong kumalas at tumayo ng tuwid.
Natatawa pa dahil sa ginawa.
"Coffee is ok, Miss Flight Attendant Rizavib Ventura..." Kumindat pa ang Gago.
Nilapag ko yon sa harap nya. "Mamaya, usap tayo. Kailangan ko muna tong gawin." Sabi ko at tumango sya.
Huling kita namin nong graduation ko. Sya kasi ay sa Manila na nag aral kaya hindi na kami noon nagkikita. Minsan sa video call nalang kami nagkakausap.
Nang matapos ko ang lahat ng gagawin. Nagpaalam ako sa pinakamataas samin. Pinayagan naman ako. Nag usap kami ni Carla.
"Sa Turkey ako kinuha para mag design ng building. Andaming nag offer sakin pero Turkey yung may pinakamataas." Sabay kindat nya.
Halos 2 hours at kalahati kami nakapag usap ni Carla. Marami kaming napagkwentohan.
Dumaan ang mga araw, buwan at taon. Nadagdagan ang sahod ko. Maganda at maayos raw ang aking nagagawa kaya tama lang na malaking sahod ang ibigay saakin. Maaari na rin akong mapromote.
Habang nasa hotel kami. Tumungo ako sa baba para sana maglakad lakad sa labas. Nandito kami ngayon sa Hongkong.
Napatigil ako ng paglalakad ng makita ko ang lalaking hindi ko inaasahan. Tatakbo sana ako palapit sa kanya kaso may humawak na babae sa kanyang braso. Maganda at fit ang pangangatawan.
Mas naging maskulado sya. Ngayon ko uli sya nakita. Simula nang magcollege ako hindi na kami nagkita pa. Wala na rin akong balita pa sa kanya noon. Hindi ko na rin nahanap pa ang social media accounts nya dahil hindi ko na yon nakikita pang na-online.
Nagtago ako sa likod ng kotse. Naglakad sila nong babae habang nagtatawanan. Dumaan sila sa harap ang narinig ko ang sinabi ni Clein sa babae.
"Ok na ang bahay, Lovely. Bukas pupunta tayo don para makausap si Mr. Lew" ani Clein.
May sinabi ang babae pero hindi ko na narinig pa nang makalayo sila. Hindi nila ako nakita sa aking pinagtatagoan. Napahawak ako sa puso kong sobrang bilis ng kabog.
Nag init ang mata ko. Dahilan ng pagbuo ng mga luha. Bahay? May asawa na pala sya. Hindi kami nagkita ng matagal. Kahit maraming sumubok na manligaw saakin, sya pa rin yong iniisip ko. Umaasa ako na sya pa rin. Pero hindi pala. Ngayon, may asawa na sya. Maganda yong babae. Talong talo ako.
Nag online ako para sana hanapin ang social media accounts nya kaso may biglang nag call. Sinagot ko yon.
"Besh... Nasan ka?"
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko matanggap na may asawa na si Clein.
"Hoy besh! Ayos ka lang? Napano ka?"
Tinakpan ko ang speaker ng cellphone at suminghap. Binalik ko sa tenga ko at sumagot "Nandito ako sa labas ng Hotel. Nagpapahangin..."
"Gago! Ramdam ko na umiiyak ka. Bakit? Anyare besh?"
"Ma-may asawa na pala si... Si... Si Cle-Clein..." Pumatak ang sunod sunod kong luha. Pinatay ko agad ang tawag at nakakita ako ng isang bar.
Pumasok ako don at nag order ng vodka. Yung matapang na para mawala yung sakit.
"Rizavin... Wag ka uminom ng uminom. Araw araw kanang ganyan. Lahat nalang ng pinupuntahan nating bansa umiinom ka. Bakit ba?" Tanong ng naging kaibigan kong co-flight attendant na si Everlyn.
"Since High School. Umasa akong sya yung magiging future husband ko. Pero hindi pala... Nakita ko syang may kasamang babae nong nasa Hongkong tayo. May asawa na pala hahahaa... Yung lalaking inasahan ko, may asawa na..." Napailing ako at uminom ng pang anim na shot.
"Hala! May asawa na? Pinaasa ka?"
"Ako yung umasa. Hindi naman sya sinabing umasa ako. Pero umasa ako dahil akala ko ako yung pinakaminahal nya. Akala ko kahit hindi kami magkita ng matagal, mahal pa rin nya ako. Pero nagkamali pala ako. May mas hihigit pa pala sakin. Talo ako, Everlyn. Maganda yong babae."
Apat na bansa na ang napuntahan namin. Lahat ng yon ay pinupuntahan ko ang bar para makapag inom.
Iinomin ko na sana ang isa pang shot nang inagaw yon sakin ng isang babae. Aabotin ko sana kaso inilayo nya pa sakin. Nanliit ang mata ko dahil hindi ko makilala kung sinong babae iyon.
Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa batok nya at inakay ako palabas ng bar. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko kaya dahil lasing na lasing na ako. Hinigit nya ako palabas. Patapon nya akong itinulak. Napatama ang likod ko sa gilid ng kotse.
"Bakit ka ba umiinom?" Sa boses pa lang ay alam ko na kung sino.
Nagulat ako kaya nakita ko ang kabuuan nya. Para bang nawala ang pagkalasing ko kani-kanina lang.
"Be-besh..." Nautal pako.
"Sino paba?" Taas pa ang kilay.
"Bakit mo alam na na dito ako?" Curios kong tanong.
"Nasa bar din kami para magcelebrate ng natapos naming design. Kaso nakita kaya. Iniwan ko sila sa loob. Ako yung boss tapos ako yung nang iwan... Hahahaha" sarcastic nyang tawa. "By the way. Bakit ka ba umiinom? Akala ko ba mapopromote kana? Kung ganyan ka lagi. Hindi ka mapopromote." Napailing sya. "Diba magpapatayo ka pa ng bahay? Para kala Mama mo?".
Nabigla ako sa sinabi nya. Sila Mama. Sabi ko non, papatayuan ko sila ng bahay.
"May asawa na si Clein, Besh..." Humagolhol ako sa pag iyak. Dinalohan nya ako.
"Asawa? Kaya ka ba nagkakaganyan dahil may asawa na sya? Pano mo nasabi? Pano mo nalaman?"
"Nong nasa Hongkong ako. Nakita ko sila nong babae. May pinagawa silang bahay. Asawa na besh... May asawa na..." Umiyak pako.
Tinapik nya ang likod ko "Sigurado ka ba? Mag move on kana kung ganyan. May asawa na yung tao. Wag mong hangadin na mapasayo pa sya. Baka mamaya gawin kang kabit... Magtrabaho kana lang ng mabuti. Makakalimutan mo rin sya. Papagawan mo pa ng bahay sina Tita diba? Basta ako architect ha!" Ngumisi sya.
Nagtawanan kami at tumango ako.
Narealize ko, kahit anong pag iinom ang gawin ko. Wala nang mangyayari. Talong talo ako. Asawa yon. Samantalang ako, Ex girlfriend lang noon. Nauna nga ako pero yung asawa ngayon ang wakas.
Akala ko ibang iba sya sa nakilala kong mga lalaki. Simula kasi nang nagbreak sila ni Kim ay wala na syang naging Girlfriend pa.
"Hi, How are you baby? Where's your Mom?" I asked the little kid. Nasa 4 years old na yung boy.
Tinuro nya ang babaeng nagbabasa ng newspaper. Tumingin sya sa baba. Napatingin rin ako sa tinitingnan nyang sintas ng kanyang sapatos. Tanggal yon kaya inayos ko ang pagkakasintas.
Tumakbo yung bata papunta sa Mom nya. The way I care for everyone, makes me wish I had someone like me in my life...
Napabaling ang tingin ko sa left side ko nang makita ang lalaking hindi inaasahan. Akala ko nagmali ako. Tumayo ako ng tuwid at nakita kong tatayo sana si Clein sa kinauupoan nya pero tumalikod nako at tumayo sa kinatatayoan sa likod. Kita ko sa gilid ng mata ko si Clein na nakatingin pa rin saakin. Bumaling ako sa katabi ko ng may inilahad si Brits na tubig. Napainom ako ron.
Narinig ko ang tawa ni Brits kaya bumaling ako sa kanya. "Uhaw na uhaw?"
Mauubos kona pala ang tubig. Nanalaki ang mata ko dahil tubigan nya yon! Nanlisik ang mata ko sa kanya. Ngumisi lang sya. Matangkad si Brits. Isa syang piloto. Si Captain Zeus ang nagpapalipad ng eroplano ngayon kaya sya andito.
Kaklase ko sya nong high school. Sinubukan nyang ligawan ako pero hindi ko tinanggap. Hanggang ngayon ay wala pa rin syang asawa at girlfriend. Anya'y may iniintay raw syang babae.
"Bakit ba lagi ka natambay dito, Captain Brits?" Pabulong kong tanong.
"Bakit bawal ba? Gusto lang kitang makita" ngumisi pa ang loko.
Umirap ako. At pabagsak na nilapag sa tabi ang tubigan nya.
"Kahit ayaw mo sakin. Subokan mo pa rin, dahil hanggang ngayon. Ikaw pa rin ang gusto nito" turo nya sa tapat ng puso.
"Ayaw kopa, Captain. Sorry..."
Bumuntong hininga sya at ngumiti na lamang. Akalain nyo yon? Yung dating nambubully sakin ay syang gustong manligaw ngayon. Gago lang eh no! Potek!
Nakarating na kami sa Thailand. Palabas na si Clein. Kita ko ang pagtitig nya sakin. Ako naman ay iwas ang tingin. Tumalikod na sya pababa. Asan kaya yong asawa nya? Bakit di nya kasama?
Titig ako sa kanya habang hila nya ang maleta. Bumaling sya sa taas ng eroplano. Nagulat ako kaya umiwas ako ng tingin at tumago ng bahagya. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat nya, marahil ay bumuntong hininga.
Naiiyak ako. Gustong gusto ko syang yakapin. Dahil ang tagal naming hindi nagkita at nag usap. Ano na kayang trabaho nya ngayon? Ano na kayang ginagawa nya? Bakit sya nandito sa Thailand?
Sa totoo lang, Miss na miss ko na sya. Siguro sa sunod naming pagkikita. Papansinin ko na sya pag totally naka move on nako. Sa ngayon, wag muna. Masakit pa para sakin. Wala man kaming label. Masakit pa rin na umasa.
Ganon talaga ata. Pag talaga walang communication sa isa't isa. Dahilan rin yon para itigil na ang pagkagusto mo sa kanya. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako naging sapat sa kanya. Malayo kami sa isa't isa. Magkaiba kami dahil mahal ko pa rin sya kahit wala kaming communication. Samantalang sya, mahal lang ako non. Pero kalaunan ay nawala rin ang pagmamahal na nararamdaman saakin.
Mas mabuting maging masaya nalang ako sa kanilang mag asawa. Kailangan ko nang kalimutan yong feelings ko sa kanya. Babalik nalang kami sa dati bilang magkaibigan.
BLACKxNEON