PAGE 30: MY BOYFRIEND

"Kumusta na, Mama kayo dyan?" Ani ko nang hindi na ako busy.

"Ayos lang, Bb... Salamat sa bahay anak. Ikaw ba? Kumusta ka dyan sa US?"

"Ayos lang din Mama. Bukas uuwi po ako. Nagleave ako ng isang linggo para makasama kayo..."

"Talaga!? Diretso ka na ba dito sa bahay o sunduin ka namin sa airport?"

"Didiretso na nalang Mama ako dyan. Luto ka Mama ng adobong manok ha! Favorite ko yon. Hmmm..."

"Oo naman. Miss ka na namin Bb, Love you. Ingat ka dyan." Anya.

"Miss ko na rin Mama, L-love you..." I whispered. "Sige na Mama, bukas nalang tayo mag usap. Taposin ko lang trabaho ko."

Isa sa pinakamasayang salita pag narinig mo ang salitang Mahal ka ng isang tao. Lalo na pag magulang mo ang nagsabi. Bata pa lang ako non, nakakasabi ako kala Mama ng 'Love you' pero nang magdalaga nako. Ni isang salita di ko yon mabigkas. Pero ngayon, sya ang unang nagsabi. Pakiramdam ko natutunaw ako. Pagmahal mo talaga ang isang tao. Makakaramdam ka ng saya sa iyong puso.

"Rizavin, bar tayo mamaya. Light lang naman iinomin ta. Total one week ka naman mawawala. Mamimiss ka namin" sabay yakap ng mahigpit sakin ni Everlyn.

"One week lang hahaha" pabiro kong ani.

Kumalas sya at tinampal ang balikat ko "Anong lang? Tagal rin non no! Mamimiss namin yang attitude mong napakabait."

"Sus! Nambola pa... Hahahaha"

4 years na akong nagtatrabaho bilang isang flight attendant. Tumaas na rin ang sahod ko. At 4 years na rin akong hindi nakakauwi kala Mama. Pinapadalhan ko sila ng pera para sa financial nilang pangangailangan. Lalo na sa tuition fee ni Eli. Nag iipon rin ako sa bangko para may pera naman ako kung sakaling may mangyari. Pinapadalhan ko 2 years ago sina Mama pangbili ng lupa. Sa Labo, Camarines Norte na kasi sila nagtira. Malayo na sa Calabasa. Mahirap kasi ang buhay sa Calabasa. Malayo sa palengke. Malayo pag may bibilhin kang kakailanganin.

Pinicturan naman ni Mama ang bahay nang maging maayos ang lahat. At kahit di ko pa yon nakikita in person. Alam ko naman kung saang parteng lugar sila ngayon.

"CHEERS, para sa pagkamiss natin kay Rizavin!... CHEERS..." sabay sabay naming pinagcheers ang mga inomin namin. Hindi naman ako masyadong iinom dahil aalis pa ako bukas.

Sabay sabay nila akong niyakap. Nagkwekwentohan, tawanan kami.

"Cr lang ako." Paalam ko nang pakiramdam ko'y maiihi na ko. Kanina pa kami umiinom kaya ihing ihi nako.

Naglakad ako papuntang Cr. Medyo tipsy na pala ko pero di ganon kalala. Nahawa ako sa mga nakakapa kong bagay tulad ng lounge. Nass pinto na ako ng cr ng bigla akong may natapakan na bagay. Dahilan para bulagta akong napahiga. Ngunit agad may sumalo saakin. Ramdam ko ang kamay nya sa bewang ko. Tiningnan ko ang mukha ng isang lalaki. Ngumiti sya.

"Dahan dahan, Rizavin." Tinulongan nya akong makatayo.

"Thank you Brits..." Napapikit ako sabay ng paghawak ko sa braso nya. Nang magmulat ako, halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Ngumisi sya.

Napaiwas ako ng tingin. Kumalas ako sa pagkakahawak sa braso nya "Cr lang ako." Nagmadali ako papasok ng Cr. Napatingin pa ako sa bagay na natapakan ko, gumulong sa tabi ng upuan ang bote ng isang alak. Kaya pala ako nadulas dahil sa bote na yon. Potek!

Naghilamos ako ng mukha sabay pasok ko sa isang cubicle. Naginhawahan ako ng makaihi. Lumabas ako ng Cr. Nakita kong nasa lounge na si Brits habang nakatingin saakin at sumisimsim ng alak mula sa baso nya.

Napatingin ako sa stage ng may marinig na pamilyar na kalabit ng gitara. Favorite ko tong kanta na to noon pa man. Madalas ko rin tong patugtogin lalo na pag nag aayos ako ng sarili at nalulungkot.

"Oh yeah, oh yeah

Yeah, ooh, yeah" -panimulang kanta ng naggigitarang lalaki.

Nasiyahan ako. Malapit na ako sa lounge pero napatigil ako ng marinig ang malamig na boses ng kumakanta "When a day is said and done

In the middle of the night, and you're fast asleep, my love

Stay awake looking at your beauty

Telling myself I'm the luckiest man alive

'Cause so many times I was certain

You was gonna walk out of my life, life

Why you take such a hold of me, girl

When I'm still trying to get my act right?" - black pants at dark blue shirt ang suot ng lalaki. Napapikit sya ng kantahin ang huling liriko.

Nangatog ang binti ko sa kinatatayoan. Pakiramdam ko lahat bunalik ng makita ko sya ulit. Noon pa man narinig ko na syang kumanta. Wala lang yon sakin. Pero ngayong narinig ko uli ang malamig nyang boses, pakiramdam ko lahat bumalik. Lahat bumalik ng makita ko sya ulit. Si Clein na minahal ko noon at hanggang makita ko sya sa HongKong nag move on ako nang makitang may asawa na sya.

Yung totoo heart? Sya pa rin talaga? Hindi mo talaga sya totally nalimutan diba, Heart? Mahal mo pa rin sya? Kahit alam mong may asawa na yung tao?

Pota, Rizavin! Bakit ba ako nagkakaganto sa kanya? Simula nang magCollege ako hindi na ako nag Boyfriend pa dahil sa kanya. At hanggang ngayon kahit alam kong may asawa na sya, hindi pa rin ako tumatanggap ng manliligaw. Si Brits matagal na akong gustong ligawan kaso ayoko. Gwapo sya, malakas ang appeal pero hindi ko gusto. Aanhin ko yung gwapo nya kung di ko naman mahal diba? Magiging panakip butas lang sya. Gusto ko yung seryoso na.

"What is the reason when you really could have any man you want?

I don't see what I have to offer

I should've been a season

Guess you could see I had potential

Do you know you're my miracle? (Oh yeah)

I'm like a statue

Stuck staring right at you

Got me frozen in my tracks

So amazed how you take me back

Each and every time our love collapsed" - bawat liriko, ramdam ko ang sensiridad nya. Mariin ang pagkakapikit ng kanyang mata. Gusto kong umiwas ng tingin kaso di ko magawa. Bakit ba sya nandito? Iniwan nya ang asawa nya? At ngayon naman nasa US sya?

"Statue

Stuck staring right at you

So when I'm lost for words

Every time I disappoint you

It's just 'cause I can't believe

That you're so beautiful

(Stuck like a statue)

Don't wanna lose you, no

(Stuck like a statue)" - napamulat sya ng kantahin ito. Gusto kong umalis na sa kinatatayoan ko kanina pa pero ngayong diretso ang tingin nya sa akin, mukhang hindi ko na iyon magagawa pa. May lungkot sa kanyang mga mata, hindi ko mawari kung bakit.

Naramdaman ko ang paghaharumentado ng puso ko. Sobrang bilis. Para bang mga kabayong nakikipagkarerahan.

Kanina ko pa sya tinititigan pero ngayon ko lang napansin ang ayos nya sa stage. Nakaupo sya habang may stand mic sa harap. Ang kamay nya'y minsang humahawak sa stand mic. Ang katabi naman nya ay naggigitara. Sa likod ng stage ay may nagpapiano kung kinakailangan.

"Ask myself why are you even with me

After all the shit I put you through?

Why did you make it hard so with me?

It's like you're living in an igloo

But baby your love is so warm it makes my shield melt down, down

And every time we're both at war you make me come around

What is the reason when you really could have any man you want?

I don't see what I have to offer

I should've been a season

Guess you could see I had potential

Do you know you're my miracle?" - saakin pa rin sya nakatitig. Napaiwas na ako ng tingin at humakbang ng isang beses. Nangatog ang binti ko sa paglakad paunti unti.

"I'm like a statue

Stuck staring right at you

Got me frozen in my tracks

So amazed how you take me back

Each and every time our love collapsed"- take me back each and everytime our love collapsed. Gumuho na ang pag ibig mo sakin kaya ba nag asaww kana ng iba?

Ang tagal nang panahon pero hindi pa pala ako totally move on. 8 years na ang nakalipas simula nong College. At 4 years ago nang maging flight attendant na ko.

"Uwi na ko. Dito nalang ba kayo? May flight pa ako bukas." Paalam ko.

Ayaw pa nila akong pauwiin pero naglakad na ako palabas ng bar. Parang nawala yung pagkatipsy ko. Narinig kong tumigil sya sa pagkanta. Hindi na ako tumingin pa sa stage. Nakakita agad ako ng taxi at pumasok don. Sinabi ko ang hotel na tinutuloyan namin.

Nagbayad ako at nang makarating ay pinindot ko na ang floor namin. Pumasok ako sa room at napahiga sa kama. Nakatulog na pala ako.

Nakarating ako sa Pilipinas ng matiwasay. Winaksi ko lahat ng isipin. Pero hindi ko pa rin matanggal sa isip ang nangyari sa Bar.

Sumakay ako ng Bus. Sunod kong sinakyan ang tricycle para makarating sa aming bahay. Tinulongan pa ako ng driver para mailagay ang maleta sa likod ng tricycle. Wala kasing taxi dito sa lugar namin kaya tricycle nalang.

"Mukhang galing ibang bansa si Mam ah?" Ani ng Driver.

Ngumiti ako at tumawa ng bahagya "Opo..."

"Wow! Ang slang mo Mam magsalita hahaha... Ang ganda pakinggan."

Madaming nagsasabing naging slang raw ang pananalita ko. Dahil siguro puro american ang nakakasalamuha ko.

Malayo pa lang kitang kita ko na ang bahay na pamilyar saakin.

Ito ang iginuhit ni Carla para sa amin. Sabi ko simple lang. Si Carla na rin ang naghanap ng magtatrabaho nyan noon.

Kung dati'y walang mga halaman sa labas. Ngayon andami ko nang nakikita. May puno pa ng mangga sa likod ng bahay. Puros bulaklak ang nakapalibot sa bahay.

May gate sa labas kaya nag doorbell ako. Wala akong naririnig na ingay sa loob. Ang tahimik at mukhang walang tao. Sinabi ko naman na dadating ako ngayon ah? Mali ba yung address? Baka mali yung napicturan ni Mama.

Magdodorbell pa sana ako kaso may sumigaw mula saaking likod.

"WELCOME COME! BB ENENG!..." nagulat ako nang pumihit ako paharap sa likoran.

Si Mama, Papa, Eli, Nanay, mga Tito at Tita ko. Lumapit sakin si Carla at inilahad saakin ang hawak na Strawberry Cake. Nabasa ko ang nakasulat don 'Welcome! FA Rizavin' ngumiti sakin si Carla. May lumapit sa kanya. Hindi ko inaasahan na nandito sya. Nakita ko pa lang sya sa bar.

Ibinigay ni Carla ang Cake kay Clein. Agaran akong niyakap ni Carla. Umiwas ako ng tingin sa titig ni Clein saakin. Napalibot ko ang mata ko para mahanap ang asawa nya. Mga Tito at Tita ko lang ang nakita ko at ang dalawa kong pinsan na si Grecelyn at Nikaleigh.

Napabaling ang tingin ko sa isang babae. Kamukhang kamukha ko. Para kaming twins kumbaga. Napangiti ako sa kapatid kong may hawak na Banner.

Iminuwestra ni Carla saakin ang mga kamag anak ko. Lumapit ako kay Eli at agad kaming nagyakapan.

"Ako may gawa nito Ate Rizavin. Maganda ba?" Nakangiti nyang anya ngunit pumatak ang luha.

"Oh? Bakit ka nagluha?"

Pinawi nya yon gamit ang likod ng pakad "Masaya lang ako ate. Nandito ka ulit. Kaso one week lang" ngumuso ang Eli.

Tumawa ako. "Kailangan ng trabaho ng Ate eh. Basta mag aral ka ng maayos ha!..." Grade 3 pa lang ang kapatid ko sa private school. 9 years old pa lang.

Lumapit naman ako kay Mama at Papa na pareho nang puti ang buhok. May salamin na si Mama ngunit si Papa ay ayaw pa ata.

Sunod kong nilapitan si Nanay, Tito at Tita huli ang dalawa kong pinsan. Biglang may dumating. Sina Mary, Suse, Ben, Ricky, Jessa, Levan at marami pang iba.

"Pasok na tayo" aya ni Mama. Hinawakan ni Mama ang magkabila kong balikat papasok.

Napalibot ang tingin ko. Pati loob ay sobrang ganda. Kinuha ng isang maid maleta ko papasok sa taas. Pinaupo ako ni Mama sa couch. Tumungo sila sa kusina para daw maging maayos ang lahat.

Aktong uupo si Clein si tabi ko, nagulat ako kaya agaran akong tumayo at tumungo na rin sa kusina. Niyakap ako ng mga kaibigan ko at nagkamustahan.

May malaking lamesa sa may kusina at mukhang hindi magkakasya yon dahil sa dami namin. Gusto ko sanang umapela na hindi magkakasya ngunit nakita ko sina Mama, Carla, Papa at Eli na tumungo sa isang pinto. Sumunod ako don at bumubgad saakin ang malaking lamesa. Maraming upuan at handa sa mesa.

"Birthday ko ba? Hahahaha" pabiro kong sinabi.

Tumawa sila.

"Hindi ka pa rin nagbabago, mabiro pa rin hahaha" ani Mary.

Nakita kong tumulong rin sa paglagay ng huling pinggan si Clein. Madilim ang ekspresyon ng mata nya habang ginagawa iyon.

Nagsiupo na kami. Nasa gitna pa ako pinaupo para raw kita at marinig ng lahat.

Kwenento ko sa kanila lahat ng nangyari sa ibang bansa. Sa lahat ng trabaho ko. Nalipat kasi ako sa US Airlines. Mas malaki ang sahod. May mga Filipino rin akong nakilala don at nakatrabaho.

"Eh Boyfriend ba meron na? Yie!" Tili ni Suse.

Parang nabilaukan ako. Napainom ako ng tubig bago umiling. Napasulyap pa ako kay Clein na katabi ni Carla sa harap ko. Diretso ang tingin nya saakin. "Wala no!" Tumawa ako.

"Baka naman secret boyfriend? Hahaha" ani Ben.

"Wala nga..." Gumaralgal ang pagsagot ko.

"By the way. Maayos at maganda ba ang pagkakagawa ni Clein sa bahay, Rizavin?" Iminuwestra ni Levan ang bahay.

Para akong naestatwa sa kinauupoan. Napatitig ako sa bahay. Sya ang gumawa nyan? Natupad ang pangarap niya bilang Civil Engineer? Wow! Proud ako sayo.

"Si Kuya Clein mo ang may gawa nyan?" Tanong ko kay Eli na katabi ko.

Tumango si Bunso at ngumiti "Ganda ate no? Si Architect Carla ang nagdrawing ang gumawa naman ay si Engineer Gonzaga." Ngumiti ng pagkalaki laki ang Eli.

"Bakit ka nga pala nag aasawa anak? Total ok namana kami nina Papa mo at Eli." Si Mama.

"Oo nga naman. Para makakita na ako ng apo sa tuhod... Hahaha..." Ani Nanay. Matanda na tingnan si Nanay. 79 na.

Hindi ako mahilig sa tubig pero sa pagkakataon na to, sunod sunod ang pag inom ko. Dahil nabibilaukan ako sa mga sinasabi nila. Mabubusog ako sa tubig nito hindi sa pagkain eh.

"Yung Brits, Rizavin? Kayo na ba?" Ngumisi na ani Carla.

Pinanlakihan ko sya ng mata. Napasulyap ako kay Clein na pinaglalaroan ang wine na hawak habang mariin ang titig doon.

"Itong si Clein, nung wala ka dito sa bahay sa loob ng walong taon. Since College ka nandito yan nabisita... Ay! Di ko ba nakwento sayo Bb?" Ani Mama.

Napatitig ako kay Mama sa sinabi nyang yon.

"Lagi yang nandito dati. Nabisita lang daw."

Tumayo si Clein at sumulyap sakin sabay tingin kala Mama "Kuha lang po ako tubig Mama, Papa" anya at tumango tango sa iba bago tumalikod papasok ng bahay.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kay Mama at Papa. Noon pa man narinig ko nang tinawag nyang Papa si Papa. At hanggang ngayon pala tinatawag pa rin nyang ganon?

Nagkwentohan pa kami. Panay ang talak nila na slang na raw ang pananagalog ko.

Natagalan si Clein sa loob. Hanggang ngayon di pa nakakabalik. Tumayo at nagpaalam na kukuha lang ng wine. Nasa taas daw yon sa kusina.

Pumasok ako sa loob at nakita si Clein na sunod sunod ang paglagok ng alak na nasa mesa. Nilalagyan nya ang baso sabay lagok.

Binuksan ko ang cabinet na sinasabi nila kung saan nakalagay ang alak. Puro ingredients panluto ang nabuksan ko. Nang isara ko yon ay tumunog. Nakita ko sa gilid ng mata ko na bumaling sakin si Clein.

Pakiramdam ko nabilaukan ako sa sunod sunod kong paglunok. Napakurap kurap ako. Nang bubuksan ang isang cabinet at hinawakan nya ang braso ko. Naramdaman ko ang sistema kong nabuhay sa hawak nya pa lang.

Hinigit nya ako paharap sa kanya ngunit tumalikod ako pahakbang na sana kaso pinaharap nya uli ako sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Idiniin nya ako sink napahawak ako sa magkabilang gilid ng sink. Nakababa ang tingin ko. Ang kanang kamay nya ay nakalock sa aking left side. Ang kaliwang kamay naman nya ay lumipad sa aking chin. Itinaas nya ang mukha ko para magpantay ang tingin namin. 6 footer ang taas nya samantalang ako'y nasa 5'8. Amoy na amoy ko ang magkahalong alak at pabango nya. Liquor siguro yong ininom nya at hindi wine.

Namumungay ang mata nyang nakatitig saakin. Halos maduling ako habang nakatitig sa kanyang mata. Ang brown nyang mata ay mas lalong nagpagwapo sa kanya. Manlungkot ang ekspresyon nya ngunit may ngiti sa labi "Namiss kita..." Pabulong nyang ani.

Nangilabot ang sistema ko sa boses nyang malamig. Tinutulak ko sana sya ngunit nahawakan nya agad ang kamay ko.

Ibinaba nya ang kamay ko "Bakit ka ba iwas ng iwas? Habang ako habol ng habol. Galit ka ba? Bakit?" Diretso nyang sinabi yon sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa balikat nya "Bakit mo ako mamimiss?" Sabay sulyap ko sa kanya. Nanginig ang boses ko.

"Hindi ba pwedeng mamiss ang dating kaibigan na inibig ko mula pa noon, hanggang ngayon?" Matunog ang pagngisi nya.

Napatingin ako sa mata nya. "Anong inibig hanggang ngayon? Diba may a-asawa kana." Nanginig ang huling salita.

Kumunot ang noo nya "Asawa? San mo nakuha yang balita na yan?"

Oh come on! Potek ha! Ngayon ka pa magloloko? Akala mo maloloko moko!

"Saakin lang" taas noo kong ani at pinagcross ko pa ang braso ko sa harap.

"Huh? Wala akong asawa since Senior High hindi na ako nagkagirlfriend."

"Ako pa niloko mo. Nakita kita sa HongKong. Gabing gabi kasama mo asawa mo. Maganda. Kaya wag moko niloloko." Ngumisi ako.

Ngumisi sya, nagulat ako.

Napaisip sya "Si Architect yon. Hahahaha... Hindi ko sya asawa. Isa syang Architect."

"Bakit may pahawak hawak pa sa braso mo kung di mo yon asawa---" napatigil ako ng marealize na parang ang oa ko.

"Nagseselos ka ba? Bb..."

Hinampas ko ang balikat nya "Anong selos? Bakit naman ako magseselos hindi naman kita boyfriend."

"Damn! Pati hampas mo sakin namiss ko hahaha... Lalo kana." Hinawakan nya ang kanan kong pisngi.

Nagkatitigan kami ng matagal. Napansin kong mas lalo pa la syang naging mature at nagtikas pa lalo ang katawan. Yung totoo? Lagi ks bang nasa gym?

"AYIEEEE!..." nagulat ako nang mapabaling ang tingin ko sa pinto. Lahat sila nandon nakasilip. Nahiya ako aalis na sana sa harap ni Clein ngunit hinigit nya ako uli.

"Mahal mo pa ba ako? O mahal mo ba ako?"

"Walang pamimilian---"

"Mahal mo ba ako?" Sinsero nyang ani.

"Ikaw? Mahal mo ba ko?" Ngumisi ako.

"Tinatanong pa ba yan? Simula nang magkaisip ako, pakiramdam ko don kita nagustohan at minahal. Hanggang ngayon ikaw pa rin... Ikaw?"

Napalibot ang tingin ko buong bahay "Maganda ang pagkakagawa. Marami bang tauhan ang gumawa nito?" Balik kong tanong.

"Wala akong girlfriend o boyfriend pa man yan. Wala akong asawa. I'm single and ready to mingle, pero sayo lang..." Ngumiti ang Gago.

"Sagotin mo na Bb eneng... Yieee..." Sigawan nila at nagtakbohan paalis.

"Liligawan kita kung gusto mo. Papakasalan kita. Basta bigyan moko ng maraming anak..." Ngumiti pa.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko, iniisip nya din yon?

"So, Mahal mo pa ba ako?"

Napatigil ako dahil diretso at namumungay ang mata nyang nakatitig saakin. Bumaba ang mata nya sa labi ko. Bumaba rin ang mata ko sa labi nya. Nangatog ang binti ko. Pakiramdam ko matutunaw ako sa harap nya. Oo mahal pa kita.

"O-oo..."

"Hmmm?" Gumalaw ng bahagya ang ulo nya.

"Oo mahal pa kita. Mahal kita noon pa."

Narinig ko ang puso kong sobrang bilis ng pagkabog.

"Liligawan kita..." Ngumiti sya.

Umiling ako, kumunot ang noo nya na oara bang nagtatanong kung bakit ako umiling "Hindi na tayo teenager para dyan."

"So,... Girlfriend na kita?" Nagliwanag ang mukha nya.

Napakagat labi ako at tumango tango.

"YES!" napasuntok sya sa ere.

Niyakap nya ako ng mahigpit "Sa tuwing nakikita kita sa ibang bansa gustong gusto kitang yakapin. At kanina nakita kita. Gusto kitang yakapin agad. Nong kumanta ako sa bar. Gusto kitang puntahan ngunit sa tuwing tutungo ns ako sayo, nakikita ko ang isang lalaki na si Brits. Akala ko Boyfriend mo."

Napahigpit ang yakap naming dalawa.

"Sa HongKong kita nakita. Akala ko asawa mo yung kasama mo." Puna ko.

Umiling sya at nagkalas na kami sa pagkakayakap para magkaharap "Architect sya. Anak sya ng boss ko non. Ayaw ko matanggal sa trabaho. Nag dalawang buwan lang naman ako ron sa HongKong... Sa bawat parte ng ibang bansa nakikita kita kaso hindi ako makalapit dahil andyan lagi si Brits. At tumigil ako sa pagsusunod sayo ng nagkita tayo sa airport dahil umiwas ka. Miss na miss kita." Hinaplos nya ang pisngi ko.

"Miss rin kita. Ang rupok ko hahaha... Potek!" Pinahiran ko ang luhang pumatak sa aking pisngi.

"I love you" agad nya akong hinalikan sa labi. Isang halik na nagpabalik sa nakaraan.

Naalala ko nong New Year yung ginawa namin. Naramdaman ko ang malamig nyang kanang palad na nasa aking batok. Ang kaliwang kamay naman ay nasa kanan kong braso.

Napatigil kami ng makarinig ng palakpakan. Nahiya ako dahil naroon silang lahat. Nagpapalakpakan.

Hinila ko ang braso ni Clein palabas. Nadala kami ng mga paa sa gilid ng bahay. Umupo kami sa isang malaking may itsurang pugad ng ibon.

"Alam mo bang... Hindi ko alam na sayo pala to?" Turo nya sa bahay "Kinausap ako ni Carla na gawin ko daw. Kung alam ko lang na sayo pala sana hindi ko nalang pinabayaran. Nalaman ko lang nong dito na tumira sina Mama"

"Mama pa rin tawag mo kay Mama no?"

"Mama natin." Ngumiti sya.

"Kailangan yon bayaran dahil pinagpaguran mo naman..."

Umiling sya at hinarap ako "Para sayo, gagawin ko ang lahat. Pati sa pamilya mo gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka..." Ngumiti sya. "8 years tayong hindi man lang nagkakausap. Nakikita kita, nagkita tayo sa eroplano kaso umiiwas ka. Sukong suko na yung paa ko kakahabol at kakasunod sayo pero yung puso ko lunalaban pa rin dahil ikaw ang hanap nito" turo nya sa puso nya.

Nalulusaw ang puso ko sa bawat salita nyang ginamit.

"I love you since Junior High School... Until now, I always love you." Niyakap ko sya.

"I love you, simula pa lang noon. Siguro mahal na kita bata pa lang tayo. Ikaw lagi yung pinipili ko. Sa tuwing kasama kita sayo ako sumasaya."

"Kung ganon, bakit hindi naging tayo noon pa?" Puna ko.

"Siguro kasi, yung mga naging jowa natin gusto lang natin noon. At sa huli, narealize nating tayo pala talaga sa isa't isa." Ngumiti sya.

Ito ang hindi ko malilimutang araw. Lucky Day dahil kakauwi ko pa lang ganto agad ang nangyari.

Kung dati ako yong nag iisip na kasama ko sya sa future. Sya rin pala iniisip yon. I love you the way you are... May mga pagkakataon talaga na hindi mo inaasahan. Kung sino pa yong kilala mo ng lubos, ay sya pa lang makakatuloyan mo sa huli.

My boyfriend, Engineer Clein Gonzaga.

BLACKxNEON