Simula pagkabata kilala ko na si Rizavin. Kalaro ko sya tulad ng mga larong kalye. Ako lagi yong kakampi nya. Ewan ko pero gustong gusto kong pinoprotektahan ko sya. Ayaw kong hindi sya isasali o matatalo sa laro. Mas ok nang ako yong matalo wag lang sya. Madalas napapansin kong nagugulohan sya kung bakit ako nagpapatalo dahil alam naman nyang magaling ako sa laro na yon. Ngumingiti nalang ako at sinusuklian rin nya ng ngiti.
Hindi man lang kami nagkaparehas ng School nong elementary dahil ayaw ni Mama na don ako mag aral. Nagmaktol pa nga ako kaso ayaw talaga nya.
Masaya ako sa tuwing kasama ko si Rizavin. Yung pakiramdam na ang luwag sa kalooban. Malaya kayong nakapapagsabi ng saloobin.
Simula nang tumungtong kami ng high school. Pansin kong madalas syang mag ayos. Kahit pabango nya'y abot na abot kahit malayo ka. Parang ipinapangligo na nya yung pabango eh.
"Grabe naman yung pabango mo. Nasa court pa lang ako amoy na amoy kona." Sabi ko sa kanya habang naglalakad pauwi sa bahay nila.
Sumulyap sya sakin "Nagpictorial kasi kami para sa ID".
"Huh? Madadala ba yung amoy ng pabango sa pictorial?" Gulantang kong ani.
Hinampas nya ako sa braso "hahahaha... Nakakatawa ka talaga!..." Umiling sya habang tumatawa pa rin.
Damn this girl! I love seeing her smiling.
Napansin ko ang mapula nyang labi. Parang strawberry. "Saka ano yan?" Turo ko sa labi nya "Bakit pulang pula? Nasugat ba? O lipstick?" Kumunot ang noo ko sa sariling tanong.
Dumapo ang hintuturo nya sa labi nya "Ah ito? D mo to alam? Anong sugat? Hahahahaha... Grabe talaga pagkasama kita lagi moko napapatawa. Liptint to! Uso ngayon." Ngumisi pa. "Nababaliw kana." Hinampas nya ulit ako.
"Baliw sayo..." Pahina kong ani.
Bumaling sya sakin "Naks! Bumabanat na."
Tumigil sya. Nagulat ako. Itinuro nya ang bahay nila. Hindi ko namalayang nasa bahay na pala nila kami. Tumango ako at aalis na sana kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinigit papasok sa loob. Hindi nako magtataka na dadalhin nya ako sa kwarto nya.
Napalibot ang mata ko sa kwarto nya. Puro agiw. Lawa at gulo gulong notebook sa gilid. Puros sapatos at sandals pa sa ilalim ng kama. Kumunot ang noo ko.
Bumaling ako sa kanya "Asan walis tambo nyo?".
Napalunok ako dahil tinatanggal nya paisa isa ang butones ng blouse nya. Sumulyap sya sakin habang nakatalikod. May sando sya sa loob. Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko pinagpapawisan nako.
"Bakit? Ewan ko. Bakit?" Nagugulohan nyang tanong.
Tinuro ko ang mga kalat "Ang kalat oh!" Tumayo ako at inayos na sa tabi nya ang mga hindi maayos sa pagkakalagay. "Maglinis ka naman. Ayokong nagkasakit ka dahil sa alikabok." Naubo ako nang pagpagan ang libro. Napabaling ako sa kanya. Tinanggal nya ang palda. Napakurap kurap ako. Pakiramdam ko mabibilaukan ako sa sariling laway di ko malunok.
Maglalakad sana ako palabas ng kwarto nya ng bigla syang humarap sakin. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Pantay lang ang height naming dalawa. Sandaling titigan ang namayani saamin. Wala akong marinig na kahit ano sa paligid. Para bang kami lang ang nasa mundo. Tanging bilis lang ng kabog ng dibdib ko ang naririnig. Naririnig din ba nya yon?
Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ng kanyang Nanay. "Bb eneng! Nag aral ka ba naman ng mabuti?" Narinig kong ani ng kanyang Nanay mula sa labas.
Naglakad nako palabas. Muntik pa akong matumba dahil sa tayo namin kanina. Ang pinipigilang hinga kanina ay bumibilis ngayon.
Kinuha ko ang walis tambo sa may tindahan nila. Nagmano pa ako sa Nanay nya at ang Mama nyang nanunuod ng telebisyon.
Noon pa man, close na ako sa pamilya nya. Ganon din sya sa pamilya ko lalo na yung mga kapatid ko. Gustong gusto sya ng mga kapatid ko. Mahilig kasi sa bata si Rizavin. Natutuwa ako sa tuwing nag uusap sila ng mga kapatid ko.
Mahilig manghampas si Rizavin. Hobby nya kumbaga. Isa sa nakasanayan ko sa kanya ang kanyang mga hampas saakin. Minsan masakit pero madalas namang sakto lang. Sakin lang lagi sya nagkwekwento sa mga sekreto. Lalo na sa mga nakakaiyak na nangyari sa kanya. Nasa tabi nya ako lagi para damayan sya. Ako lagi yung nandito sa tuwing nadudurog sya.
Grade 8 pa lang ako sa Northills College Of Asia nasali na ako sa isang Fraternity. Tinuturoan kami don makipaglaban. Hindi kami nakikipag-away. Self defense lang iyon kung sakaling nasa kapahamakan kami. Hindi ako sumali dito para sa kung ano. Sumali ako dito para maprotektahan si Rizavin. Kung may mangyari man sa kanyang masaya, matutulongan ko agad sya.
"Para san yan?" Tanong ko sa kaklase kong si Warex sa hawak nyang tatlong rosas.
"Ah ito? Gusto ko kasi si Sarah. Siguro nga mahal ko na" natawa pa ang Warex.
"Pano mo nasabi?" Tanong ko. Curios lang.
"Ewan ko ba, basta pagkasama ko sya ang saya ko. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Komportable kami sa isa't isa..." Tinapik nya balikat ko "Bakit tol? Hindi mo pa ba nararamdaman yung ganon? High School kana wala ka pang nagugustohan?".
Nagkibit balikat nalang ako.
Sa bawat discussion na naganap sa eskwelahan wala akong naintindihan. Napaisip ako. Gusto ko na ba si Rizavin? Pero kababata ko sya. Simula pagkabata ganon na ganon ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal na ba ang tawag don? Komportable kami sa isa't isa.
Isang araw nagchat sya sakin na sila na raw ni Levan. Kaibigan namin si Levan. Di ko akalaing magiging sila. Ang alam ko hindi pa yon nagkakagirlfriend siguro si Rizavin ang una. Nasaktan ako sa nabasa ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Para bang sinaksak ng paulit ulit.
Siguro hindi ako magugustohan ni Rizavin. Kaibigan lang talaga ang kaya nyang ibigay saakin.
Isang araw nagchat sya sakin na wala na raw sila ni Levan. Para bang ansaya ko kahit na dapat malungkot ako para sa kanya. Nasasaktan ako kay Rizavin dahil mahal na mahal nya iyon. Tapos gaganonin lang sya?
Nagulat ako sa huling sinabi, Hito? Bakit nya ako tatawaging kita.
Rizavin:
Basta hito na tawag ko sayo HAHAHAHAHA! Bye hito😜😆
Mahirap pala magustohan yung taong may gustong iba. Hanggang tingin ka nalang sa kanya. Tinatago ang pagkagusto sa kanya.
Years ago, nagkaron sya ng sunod sunod na boyfriend. Parang naglalaro lang sila. Nagkaron din ako pero wala akong naramdamang pagmamahal kay Evangelist. Ayaw kong makasakit ng damdamin para lang mawala ang pagkagusto ko kay Rizavin pero nagkamali pala ako. Sya pa rin kahit may iba syang gusto.
Sa tuwing nagkwekwento sya tungkol sa mga lovers nya sobrang saya nya. Ang saya saya nya. Masaya ako para sa kanya. Kahit na sa kaloob looban ko, Ako'y durog na durog na.
Hindi ko namalayang napapabayaan ko na pala ang pag aaral ko. Napansin kong nag aaral lang ako para sa kanya. Pero simula nang magkajowa sya don gumuho ang mundo ko. Nagloloko na ako sa pag aaral. Madalas mababa ang nakukuha kong score sa quizzes, exams lalo na sa recitation. Dahil don, parati na akong absent.
Madalas kong kausap si Rizavin sa chat. Simasabi kong walang teacher or recess namin kaya ako nakaonline. Kahit na ang totoo ay hindi ako pumasok kasama ang nga barkada ko. May nakaaway kami. Buti nalang kasali kami sa fraternity kaya lumaban kami. Hindi namin akalain na isang Gang ang makakaaway namin. Sobrang gulo ang nangyari. Hindi namin akalain na magaling rin pala sa laban ang kaaway. Ang sabi'y noon pa sila nakikipaglabanan.
Umuwi ako sa bahay na puro sugat. Napapatingin ako madalas sa bahay nila Rizavin. Wala na sila don. Nasa Baranggay Calabasa na. Kung sana nandito ka pa. Ikaw sana maggagamot ng sugat ko. Kaso wala ka.
Ako lagi yung nandyan sa kanya tuwing nasasaktan sya. Pero pag ako na. Wala sya. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Napailing nalang ako sa naisip.
Nakilala ko si Rogue, naging best friend ko sya. Napansin ko ang mga tingin nya kay Rizavin na parang gusto nyang angkinin.
Hindi na ako magtataka kung maging sila nga. Bagay naman sila.
Nagmukmok ako dahil bakit ang pait pait sakin ng tadhana na gustohin nya rin ako? Bakit nandito pa rin ako umaasa.
Isang araw nagmakaawa sakin si Jessa na gusto nya akong maging boyfriend.
"Bakit ba ayaw mo sakin, Clein? Dahil ba kay Rizavin? Alam kong may gusto ka sa kanya. Pero iba gusto nya! Ako itong nagmamahal sayo pero di moko magawang mahalin..." Humagulhol sya sa iyak. Idinukdok ang mukha sa palad.
Nagsquat ako sa harap nya "Ayaw kitang gawing panakil butas, Jessa. Ayaw kitang masaktan dahil kaibigan ka namin." Depensa ko.
Tumingin sya sakin. Pulang pula ang mata "Diba gusto mo si Rizavin? Kaibigan natin yon! Kung ayaw mo ako maging girlfriend sasabihin ko sa kanya na gusto mo sya! Tapos iiwas sya sayo haha!" Tumayo sya. Tumalikod at maglalakad na sana kaso hinawakan ko ang braso nya.
"Payag nako! Wag mo lang sabihin sa kanya." Sabi ko.
Ngumisi sya at sinunggaban ako ng yakap sobrang higpit.
Madalas kaming magkasama ni Jessa ng dumaan ang mga araw. Hindi ko sya mahal pero habang tumatagal pakiramdam ko nagugustohan ko na sya. Pero di sapat ang pagkagusto ko sa kanya sa pagmamahal na nararamdaman ko kay Rizavin.
One time nagchat sakin si Rizavin na bibili sya ng damit para sa Christmas Party sa School. Sakto dahil kakabigay lang sakin ni Papa pambili ng susuotin ko. Nagulat ako dahil ang laki ng binigay ni Papa. Kaya nang nasa pamilihan na kami ni Rizavin. Naisip kong ilibre sya. Sabi nya'y 1k lang ang dala nyang pera.
Nakita pa kami non ni Jessa. Kalaunan nakipagbreak sakin si Jessa dahil wala naman daw sya mapapala dahil akala nya mamahalin ko rin sya. Pero narealize nyang napipilitan lang ako dahil sa deal naming dalawa.
Minahal ng sobra sobra ni Rizavin si Rogue. Sa lahat ata ng naging boyfriend nya yon ang pinakaminahal nya. Anya'y yon ang tumagal sa kanya.
Ako ba? Di man lang nya naisip? Simula't sapol nandyan ako lagi sa tabi nya. Hindi nya ako napapansin dahil ibang tao ang nakikita nya.
Nasabi sakin ni Rogue na may nagugustohan syang kaklase nya. Pangalan ay Kim. Pinakilala nya yon sakin nang minsang kasama nya to sa Manlapaz. Break na sila ni Rizavin. Akala nya'y magiging sila ni Kim pero nagkamali si Rogue. Dahil naging kami ni Kim. Ayos lang naman kay Rogue sa una napansin kong nasaktan sya pero kalaunan ay naging sila ng kaibigan ni Kim.
Gusto ko si Kim sa totoo lang. Hindi ko niligawan si Kim. Nagtapat sya sakin at naging kami agad.
Naging kami ni Rizavin bago kay Kim. Ok lang nga sakin kahit panakip butas lang. Pero nong kami na'y hindi nya ako magawang mahalin tulad ng pagmamahal nya sa mga naging boyfriend nya. Kahit masakit sakin na boyfriend nya ako pero di nya ako mahal habang ako nagmamahal sa kanya, ok lang basta makalimutan lang nya si Rogue.
Kami nga ang magjowa pero iba naman nasa isip nya. Kami nga ang magkachat pero di man lang nya ako kamustahin at ibang tao pa ang pinag uusapan namin. Masakit para sakin iba yung kinakamusa nya habang ako yong boyfriend nya. Madalas nyang tanongin sakin ang tungkol kay Rogue. Minsan nainis pa ako kaya may nasabi akong masakit.
Nagulat pa ako non nag lagyan nya ako ng liptint sa labi. Masaya naman kami. Para ngang walang nagbago. Pero iba talaga yong mahal nya. Si Rogue pa rin. Nong nagpalit kami ng account nabasa ko ang pagmamakaawa nya kay Rogue. Naaawa ako para sa kanya dahil gagawin nya ang lahat bumalik lang yong tao. Kung kami kaya ang nasa sitwasyon na ganon, magmamakaawa rin kaya sya sakin? Damn! Di pwedeng mangyari yon samin.
Breneak nya ako dahil pakiramdam nya ginagamit nya lang ako. Ok lang naman na gamitin nya ako basta matutunan nya lang ako mahalin pero hindi. Di nya kayang mahalin ang isang tulad ko.
Si Kim yung tumanggap sakin. Masaya kami sa isa't isa. Napakilala ko sya sa mga Tito ko. Pero halata ko na di sya gusto ng mga kamag anak ko.
Dati, nakita kong nabasto si Rizavin kaya agad akong nakipaglaban sa tatlong lalaki. Buti nalang nag aral ako ng mala-ninja moves. Kita ko ang pagkakagulat ni Rizavin sa bawat moves ko.
Muntik na naman akong madrop nang mag February na nong Grade 10 ako buti nalang nakiusap si Mama.
Nagkaron ng Pandemic nong March. Kaya't nawalan agad ng pasok. Madalas naman ako sa bahay at naglalaro ng Mobile Legends. Mga barkada ko sa Manlapaz ang mga kalaro ko. Weeks pa lang Mythic na agad ako. Boring sa bahay eh!
Wala na rin kami ni Kim dahil may nagustohang iba. Akala ko magtatagal kami. Pero ayos nang wala na kami dahil parang ayoko na rin.
Madalas kong kachat si Rizavin. Bagot na bagot na rin sya sa kanilang bahay. Paminsa'y nagvivideo call pa.
Ewan ko ba, kahit may mga naging girlfriends ako sya pa rin pala yung mas higit sa kanila.
Lockdown at nasabi nyang may naging boyfriend sya through chat. Nag isang buwan ata sila.
Nang pwede nang makalabas sa pagkaka-lockdwon ay tumungo kami sa Talisay, Camarines Norte. Don kami namalagi ng ilang buwan ni Papa upang magtrabaho ng technician at mechanical.
Nagkakapera ako ng 300 sa isang araw. Si Papa naman ay 700. Pinapadala namin yon kay Mama sa SmartPadala.
Nang mag Agosto na ay Modules ang gamit namin. Sa Northills College Of Asia pa rin ako nag Grade 11. Don kasi ang gusto ni Mama dahil sobrang galing magturo ng teacher. Gabi gabi ko sinasagotan ang modules ko. Minsan napachat si Rizavin dahil wala syang masagot. Wala raw maibigay pang load ang Mama nya.
Me:
Patayin mo Data mo. Loloadan kita.
Madalas na ganyan ang chat ko sa kanya. Paminsan naman ay... Wala kasing register na load dito sa Manlapaz. Ikaw pa magreregister. Meron man pero malayo samin. Bawal pa naman lumabas ang edad ko. Lalo na't nandito sa Manlapaz ang opisina ng mga Kagawad.
Masaya ako para sa kanya dahil ngayon may kapatid na sya. Si Eli. Noon pa man pinapangarap nyang magkaron ng kapatid. Madalas nakukunan ang kanyang Mama. At ngayon, nasa maayos na kalagayan at buhay ang baby.
Halos isang taon rin kaming hindi nagkita. Ngayon magkikita kami dahil naimbita ako. Graduation nya ngayon. At mamaya ay may handaan sa kanila. Nakausap ko pa sya. Walang nagbago. Itsura nya lang, mas naging maganda sya. Mas maganda pala sya pag medyo curly ang dulo ng buhok. Mahaba na buhok nya ngayon di tulad dati na parang Dora. Tinatawag ko pa nga syang Dora non!hahahaha...
Sa Manila na sya nag aral. Gusto nyang maging isang Flight Attendant. Ako? Wala akong pangarap sa buhay. Sya lang yung pangarap ko. Hehe! Pero dahil sa kanya, nag aral ako ng mabuti. Gusto nya ako maging Engineer. Tinupad ko yon. Nag aral ako ng mabuti. Umiwas sa mga gawaing ikapapahamak ko.
Once or twice a month ako dumadalaw sa bahay nina Rizavin kahit wala sya ron umaasa akong uuwi sya. Kahit na holiday o pasko wala sya. Nasa Manila pa rin daw. Grabeng training daw ang ginagawa ani ng kanyang mga magulang.
"May gusto ka ba kay Bb eneng, Clein?" Tanong bigla ng kanyang Ama.
Nagulat pa ako kaya lumunok ako at napaiwas ng tingin.
"Hahahaha... Ok lang naman na magustohan mo si Rizavin. Sayang nga hindi naging kayo. Boto pa naman ako sayo." Ngumiti saakin ang kanyang ina.
"Oo nga naman, Clein. Basta wag ka lang maghanap ng iba, maaaring maging kayo." Tinapik ako ng kanyang Ama.
Tumango ako "Hindi naman po ako maghahanap. Nagkaron po ako ng girlfriend dati pero hindi sapat. Simula't sapol si Rizavin po ang gusto ko." Ngumiti ako.
"Kailan pa ba? Napansin ko noon pa iba ka tumingin kay Bb eneng." Ani ng kanyang Ama.
"Hindi ko po alam na gusto ko na pala sya nong bata pa kami. Nalaman ko yon nong mag high school ako na gusto ko pala sya. Naging kami po pero iba po talaga gusto nya..." Hindi ko alam pero komportable ko yong nasabi sa kanyang mga magulang.
"Nakita pa kita non nakatingin sa malayo kay Bb... Napansin ko kasi na di na kayo nagkikita. Nakikita kitang nakatanaw sa kanya sa malayo. Tago ka pa." Ani ng kanyang Ama.
Nagulat ako ng bahagya pero di nagpahalata. Nakita pala yon ng kanyang Ama? Nong nagbreak kasi kami hindi na kami nagkausap pa sa personal. Nakatanaw nalang ako sa kanya sa pagkakatago. Pinagmamasdan ang bawat galaw nya.
"Mama at Papa nalang itawag mo samin. Tutal close namana tayong lahat." Ngisi ng kanyang ina.
Tumango ako at natuwa.
Nakapagtapos ng College si Rizavin ng College bilang isang Flight Attendant. Nakapag apply rin daw sya sa Airlines sa Manila. Hindi manlang ako nakapunta sa kanyang Graduation dahil sobrang busy na ako sa pag aaral. Napapatingin ako sa langit. Iniisip kong sya yon. My Love In Clouds... Sa langit ako titingin sa tuwing miss kita. Total isa kang flight attendant.
Nag aaral pa rin ako dahil limang taon ang pag aaral bilang Civil Engineer. Sabi ko sa sarili ko. Magtatayo ako ng bahay para sa aming dalawa. Kung mamahalin nya ko.
Alam ko namang mahal nya ako Grade 11 pa lang kami. Pero ayaw ko muna dahil gusto ko yung mature na talaga kaming dalawa. Gusto ko yong kami na talaga sa dulo.
Pinagbutihan ko ang pag aaral para matupad ang pangarap.
"Mama! Papa! Mga kapatid ko! ENGINEER NAKO!..." Napasigaw ako sa huling sinabi.
Niyakap agad nila ako. Naiyak pa si Mama at Papa. Naiyak rin ako dahil hindi ko akalaing matutupad ko ito.
Bb eneng... Yung pangarap mo para sakin. Natupad na...
"Proud na proud kami sayo, Anak." Sabi nila.
May tumawag agad sakin kinabukasan na kukunin raw ako sa isang site. Pumayag agad ako.
Dumaan ang araw, buwan at taon. Marami akong nagawang mga bahay. Marami na rin akong mga tauhan. Maraming kumukuha sakin. May malaking offer sa iba't ibang bansa. Naging matunog ang pangalan ko sa di inaasahan. Ang akala ko'y sa Pilipinas lang ako makikilala. Pati pala sa ibang bansa ay makikilala ako.
Isang araw nakita ko si Bb eneng sa ibang bansa. Isang beses nalang ako nakakadalaw sa kanilang bahay sa Calabasa. Dahil nasa ibang bansa rin ako. Sabi nila'y busy raw sa trabaho si Bb eneng kaya hindi na nakakauwi pa.
Napatayoan ko ng bahay sina Mama. Sobrang saya nila. Pero mas masaya raw kong nakakasama ako.
Pinapag aral ko rin ang mga kapatid ko. Si Mama at Papa ay pinatayoan ko ng coffee shop. Sila ang nag hahandle don.
Nakita ko si Bb eneng sa ibang bansa. Lalapitan ko sana kaso may bigla syang nakausap. Kumuha ako ng isang imbestigador. Pina-embistiga ko sya. Nalalaman ko kung saan saan sya pumupuntang bansa. Nalaman ko ring ang lalaking kausap nya ay si Brits, dati nyang kaklase. Bully!
Nang nasa Hongkong kami. Nag usap kami ni Architect Galveston para sa site na gagawin. Nakahawak pa sa braso ko dahil masakit raw ang paa kaya hinayaan ko na.
Lumipas ang taon. Kapag may offer sakin sa ibang bansa. Tatanongin ko muna sa imbestigador ko kung nasaang bansa ngayon si Rizavin. At nasasabi nya agad. Kung aling bansa ang sinabi nya ay tinatanggap ko ang trabaho don. Nakikita ko sya pero di ako makalapit dahil marami syang kasama. Lalo na't nandon si Brits. Boyfriend na ba nya yon?
"Imbestigahan mo si Brits. Yung lagi nyang kasama." Sabi ko sa imbestigador nang minsang magkita kami.
Lumipas ang tatlong araw at nasabi ng imbestigador na "Si Brits ay isang Piloto. Captain. May kaya sila noon pa man."
"Yon lang? May girlfriend ba?" Tanong ko.
"Ang sabi'y girlfriend nya yong isa sa mga Flight Attendant."
Doon ako pinagbagsakan ng langit at lupa. Akala ko pa naman ako pa rin ang mahal nya. Ang sabi naman ng mga magulang nya wala raw syang boyfriend. Siguro di pa nila alam. Ayaw pang ipaalam ni Rizavin.
Nang minsang nasa eroplano kami. Nakita ko sya. Nagkatinginan kami. Kinausap nya yong bata. Umiwas sya ng tingin at dumiretso papunta sa dulong likod. Matagal bago ako umiwas ng titig sa kanya. Binigyan sya ng tubig ni Brits. Bakit ba yan nandyan? Piloto yan bat nandyan sa pwesto ng nga FA? Tsss... Bakit ganon? Umiiwas sya. May nagawa ba akong masama?
Nalaman kong nass Bar sya. Kumanta ako ron ng paborito nyang kantang 'Statue'. Nakita ko sa mga mata nya ang sakit ng bawat liriko. Nakita ko pa nong papunta syang Cr ay inalalay agad sya ni Brits dahil muntikan na syang mahiga sa sahig. Nag alab ang init saakin. Nakita ko kung paano dumapo sa bewang nya ang kamay ni Brits.
Napatigil ako sa pagkanta nang mabilisan syang lumabas ng Bar. Tumakbo ako palapit sa kanya pero nakapasok na sya sa taxi.
Umuwi sya sa Pilipinas. Naimbitahan ako ng magulang nya lalo na si Carla na panay ang pilit sakin na pumunta sa bahay nila.
Nagpagawa sakin dati ng bahay si Carla. Akala ko para sa kanya. Yon naman pala sa magulang ni Rizavin. Di ko na sana pinabayaran. Buti nalang maganda ang pagkakagawa ko. Lahat naman ng nagawa namin ng mga kasama ko ay maganda at maayos kaya di na ako magtataka. Nalaman ko lang na pinagawa yon ni Rizavin para sa mga magulang nya nong minsang dumalaw ako sa Calabasa at nasabing umalis na raw don. Sakto naman at tumawag ang kanyang Papa sakin na pumunta ako sa bago nilang bahay.
"Ang sabi'y ikaw pala ang nagpatayo nitong bahay, Engineer Gonzaga." Ani ng kanyang Ama.
"Clein nalang po, Papa." Ngumiti ako.
"Masarap sa pakiramdam na tawaging Engineer." Ani ng kanyang Mama.
"Dahil po kay Bb eneng kaya ko nagagawa to." Ngumiti ako.
Nasa eroplano ako pero iba ang seat number kaysa kay Bb eneng. Gusto kong makipagpalit mga ayaw naman. Nakatingin lang ako sa kanya.
Umuwi ako sa bahay para magpalit sabay tungo sa kanila di kalayuan saamin. Nagtatawanan ang mga kasama namin. Naunahan ko pa sya makapunta dito. Siguro'y nahirapan pa sa paghanap ng bahay.
Nagtatago kami. Habang sya'y nakadungaw sa loob ng bahay. Tumatawa ang mga kasama namin sa kanya.
Panay ang sulyap ko sa kanya habang kumakain. Sa bawat sagot nya sa mga tanong ng mga kasama namin ay napapasulyap ako sa kanya. Minsa'y nagsasalubong ang tingin namin ngunit nag iiwas rin. Nagpaalam akong papasok lang sa loob.
Maraming tumakbo sa isip ko nang nasa kusina nila ako. Sunod sunod na lagok ng liquor ang nainom ko.
Nagulat ako dahil dumating sya. Kinabahan pa ako baka sabihin nyang hindi nya na ako mahal. Pero hindi. Mahal nya pa ako. Kahit ilang taon na ang nakalipas.
My girlfriend, Flight Attendant Rizavin Ventura - Gonzaga...
1 week leave lang sya sa trabaho. Masaya para samin ang mga kaibigan namin. Alam nila noon pa na may something sa aming dalawa.
Bumalik na sya sa trabaho. Ilang buwan ang nakalipas. Matagal ko nang pinaplano ito. Kinuntyaba ko ang mga kaibigan.
Walang tao sa sasakyan nyang eroplano. Papunta sila ngayon sa Canada. Tanging mga Piloto at mga Flight Attendant lamang ang kanyang kasama. Pumasok ako sa loob at umupo unahang eroplano.
May camera sa paligid. Para makunan ang mangyayari. Nagsimulang tumunog ang paborito nyang kanta.
"Oh yeah, oh yeah
Yeah, ooh, yeah" - panimula ng kumakanta. Nasa unahan.
"What happening? Bakit walang mga tao sa loob?" Narinig kong sinabi nya sa mga kasama. "Favorite song ko yan!".
Napangiti ako sa huli nyang sinabi. Yeah! Favorite mo yan. At mas matutuwa ka pagnakita mo ang kumakanta.
"When a day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest man alive
'Cause so many times I was certain
You was gonna walk out of my life, life
Why you take such a hold of me, girl
When I'm still trying to get my act right?
What is the reason when you really could have any man you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle? (Oh yeah)" .
"My God!" Anya.
Lumipad na pataas ang eroplano.
"I'm Captain Brits. Listen to the song."
"I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful
(Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no
(Stuck like a statue)
Ask myself why are you even with me
After all the shit I put you through?
Why did you make it hard so with me?
It's like you're living in an igloo"
"Wow! Parang si Lil Eddie talaga yong boses!" Ani Bb eneng.
"But baby your love is so warm it makes my shield melt down, down
And every time we're both at war you make me come around
What is the reason when you really could have any man you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle?"- tumayo na ako at sinabayan ang kanta.
Nanlaki ang mata nya. Dumapo ang palad sa napawaang na bibig. Tinulak sya ng mga kasama. Dahilan para mapunta sya sa gitna. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi. Ngumiti sya.
"W-why are you here?" Gulat nyang sinabi.
Tumaas ang dalawa kong kilay "Why? Ayaw mo bang nandito ako? Hmmm..."
Umiling sya "Hindi no! I mean... Bakit ka nandito diba may trabaho ka? Bakit walang tao... Ikaw ba yong nagpapatugtog---" pinigilan ko syang magsalita gamit ang aking hintuturo. Napakurap kurap sya.
"I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful
(Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no
(Stuck like a statue)
And you're so beautiful
(Stuck like a statue)
Don't wanna lose you never
(Stuck like a statue)
Oh, no
Every single day of my life, I thank my lucky stars
God really had to spend extra time when he sculpted your heart
'Cause there's no explanation
Can't solve the equation
It's like you love me more than I love myself".
Kinuha ko ang bouquet of roses sa upuan at inilahad sa kanya. Ngumiti sya at tinanggap yon. Inamoy nya yon at napangiti sa bango.
Lumuhod agad ako sa kanya at binuksan ang maliit na box sa harap nya. Nanlaki ang mata nya sa gulat. Lumunok muna ako bago nagsalita.
"Marry me, Bb eneng. Marry me Rizavin Ventura. My flight attendant..." Ngumisi ako.
"I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words (Statue)
Every time I disappoint you
Baby, it's 'cause I can't believe ('Cause you're my statue)
That you're so beautiful (Girl, you are the reason)
Stuck like a statue (The reason for living)
Don't wanna lose you, no (The reason for breathing)
Stuck like a statue (You're so beautiful)
And you're so beautiful (And I want you to feel it)
Stuck like a statue ('Cause so bad I mean it)
Don't wanna lose you, no (You're the reason for breathing)
Stuck like a statue (You're so beautiful)
Whoa, whoa, whoa, whoa, yeah yeah yeah yeah"
"Alam kong maraming nangyari. Noon pa man mahal na kita. Gusto na kita. Akala ko may hihigit pa sayo. Pero wala. Walang mas humigit sayo. Napakakomportable ko pag ikaw yung kasama ko. At ngayon... Ikaw yung gusto kong makasama habang buhay. Ikaw yung ibinigay saakin na mamahalin ko ng higit pa sa lahat. Dahil sayo, narating ko lahat ng ito... Will you marry me? Will you be my wife. Until the end of the world? Will you accept me as your husband---".
Napatalon syang tumili at sinigaw ang "YES!" sumabog ang confetti. Narinig ko ang palakpakan ng nasa eroplano. Napatayo ako nang isuot ko ang singsing sa kanyang ring finger. Tumatalon pa sya habang nakayakap saakin.
"When the day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
I'm the luckiest man alive...".
"Oh! Lil' Eddie?!" nakatingin sya ngayon sa nagpakitang si Lil' Eddie.
Napatalon talon si Bb eneng sa tuwa. "Sobrang saya ko." Kumalat ang make up nya sa luhang pumatak mula sa kanyang mata.
Tumatawa ako habang niyayakap namin ang isa't isa ng mahigpit. "My childhood friend... Got engaged now." Anya. Tumawa ako.
"I love you so much... I marry you, Engineer Clein Gonzaga...".
"I love you very very much, FA Rizavin Ventura... I want you so bad... i want you permanently, not temporarily.".
Nagleave sya sa trabaho ng limang buwan. Para mapaghandaan ang kasal na magaganap.
Habang nakatayo sa unahang gitnang gilid ng simbahan. Nakatitig ako sa kanya habang naglalakad. Nakangiti sya sakin malayo pa lang.
Nagbeso sakin ang Mama nya at nakipagkamay ang Papa nya. "Alagaan mo yan..." Ani ng Papa nya. Tumango ako.
"I will, Papa." Sagot ko sa ama nya.
Nagsimula ang misa ng kasal.
"Clein Gonzaga, Will you take Rizavin Ventura as your wife?"
"Yes, I do."
"Rizavin Ventura, Will you take Clein Gonzaga as your husband?"
"Yes, I do."
"For this reason, I would like to make a toast. (Bride and Groom), may the future bring you happiness, wisdom, and children so I can be a grandfather! But in all seriousness, I give you my whole hearted blessing and I know you two will last a lifetime. I am so happy that this day has finally come... you may now kiss the bride."
Tinanggal ko ang belo papunta sa likod nya. Ibinahagi ko ang ulo ko para mahalikan sya.
Dumaan ang kuryenteng naramdaman sa aking sistema. Ikaw talaga ang mahal ko. Sayo ko lang to nararamdaman noon pa man.
Ngumiti kami sa isa't isa pagkatapos sa mga tao naman. Picture taking ang sunod nangyari.
Nasa reception na kami. Nandon na rin ang iba. Nahuli pa kami. Binuhat ko pa sya kanina nang ipasok sa limousine car wedding. Tumili pa.
Maraming regalo ang natanggap. Sumayaw pa kami at maraming nagsasabit ng pera sa aming suot. Tumatawa kami dahil budots ang tugtog.
Nag speech sa gitna ang mga magulang namin at kaibigan. Naiyak pa dahil sa mga mensaheng natanggap.
Alas dyes na nang makauwi kami.
"San moko dadalhin? Wala pa naman tayong bahay ah!" Anya.
Ngumisi ako.
Nanlaki ang mata nya "Gago ka!" Sabay hampas nya sakin. Damn! Gustong gusto ko talagang hinahampas nya ko "Sa Hotek ba? Motel?".
Napailing nalang ako at umikot para pagbuksan sya ng sasakyan.
Agad ko syang binuhat papasok sa gate. Bumati pa ang dalawang katulong at isang driver pero di ko na pinansin.
Hinahampas nya ako nang makapasok kami sa loob ng kwarto. Iniupo ko sya sa kama. Napalibot ang tingin nya sa paligid.
"Kanino tong bahay?"
"Satin." Simple kong sagot habang tinatanggal ang suot. Init eh!
"Ha?"
"Satin to. After kong gawan sina Mama ng bahay. Sinunod ko tong atin. Akala ko nga iba ang maiibahay ko dito. Kasi akala ko may iba kana. Yon pala baliw kapa rin sakin hahahaha..."
"Talaga?! Thank you... I love you." Yakap nya sakin mula sa likoran.
Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa labi. "Matulog na tayo. Alam kong pagod ka. Bukas na natin gawin." Ngumisi ako.
Hinampas nya ang braso ko "Planado ampotek!"
"Mahal kita eh..." Ngumisi ako. "Matagal tong nagawa tong bahay na to. Mas pinaganda ko..."
After a weeks. Pinanuod namin ang video nong nag-propose ako sa kanya hanggang sa ikasal kami.
"Love... Manganganak na ata ako!" Anya.
Di ko alam ang gagawin agad kong tinawag ang driver para maihanda ang sasakyan. Inakay ko sya palabas. Hindi namin alam ang gender ng bata dahil gusto namin masorpresa.
Mabilis ang pagdrive ng driver namin papuntang hospital. Dinala na sya sa operating room. Nasa loob rin ako at mahigpit ang hawak nya sa kamay ko habang sya'y umeere. Nailabas na ang bata. Kinuha agad ng nurse.
Nanlaki ang mata naming dalawa nag sinabi ni Doctora na may isa pa. Lalaki at babae ang lumabas. Pawisan sya pagkatapos. Nawalan ng malay.
Naihanda na ang kambal. Nakatulog pala ako sa tabi ni Rizavin nang nasa room na nya kami. Dala ng dalawang nurse ang kambal. Pinakarga saamin. Nagising na rin si Rizavin.
"Anong ipapangalan nyo Mom, Sir?" Tanong ng nurse.
Nagkatinginan kami. Napag usapan namin non na pag lalaki ay Clevin at pagbabae naman ay Rizeina.
"Clevin at Rezeina." Sagot naming dalawa.
"Napakagandang pangalan Mom, Sir..."
"Di ko akalaing kambal, Love..." Ani nya.
Hinalikan ko sya sa sentido "Thank you, Love... I love you. I love you much. Twin pa hahaha..."
"I love you too. Nandyan ka nong nanganganak ako. Masaya akong nanganak kahit nawalan ng malay hahaha..." Anya.
"Mahal kita eh! Nandito lang ako lagi para sayo."
"Noon pa man, ikaw lagi yong nandyan sakin. Ikaw lagi yong nandyan tuwing nabrebreak down ako."
Ngumiti ako at hinalikan sya sa noo.
BLACKxNEON