(Another Conlusion)

   

Palihim na kumuha ng Buhok si yhuan sa asawa niya at iba pang gamit.

Ayaw niyang malungkot ang yhuna niya kaya di niya sinabi na iniimbestigahan siya ng mga ito.

After one week..

Nakuha na ang results ng DNA at si Yhuan ang unang bumukas.

" ano tol? Positive o negative?? " usisa ng dalawa.

Ibinigay ni Yhuan ang paper at nagulat sa results.

" negative?" pagtataka ni Nathane.

" paanong nangyareng negative?? Di mo naman siguro sinabi sa kaniya diba? " usisa ni Carlos.

" hindi, isa lang ang ibig sabihin non hindi ang asawa ko ang nawawala nilang anak." upo ni Yhuan sa sofa

" back to zero ulit tayo. " bulalas ni Nathane

" mabuti pa pumunta tayo ng Errose! " suggest ni Carlos.

" mabuti pa nga at makakalap ng matibay na ebidensya !" sang ayon ni Yhuan..

Maririnig ang nag uusap na magkaibigang señorita na pababa ng hagdan.

" nakakatuwa ang mga anak mo Mia, parang gusto ko tuloy ipaglihi tong nasa sinapupunan ko! " wikang tuwa ni Yhuna..

" syempre, siguro akong ang ganda-ganda ng magiging baby niyo at magmamana yun sa kasungitan mo!" pabirong tugon ni Mia.

" ikaw talaga! " ani Yhuna..

Mahihinto ang dalawa ng maabutang nakatingin sa kanila ang mga asawa nila.

" Sweetheart! Pupunta kami ng Errose ngayon, ikaw muna ang bahala sa mga anak natin, " paalam ni Carlos sa asawa.

" teka? Kailan ang balik niyo? " usisa ni Mia

" siguro bukas, mag ingat kayo rito Sweetheart! " hug and kiss sa asawa.

Nagpaalam naman si Yhuan sa asawa.

" my yhuna! Uuwi muna ako kasama sina carlos, baka bukas andito na kami! Kailangan lang namin bumalik sa pinangyarihan ng pagdukot, saka mag ingat ka ha! Yan baby natin ingatan mo! " hawak sa tiyan ng asawa at hinagkan.

"ano ka ba, iingatan ko naman yung baby natin saka ikaw dapat ang mag ingat dahil baka tambangan kayo! " paalala sa asawa.

" ikaw talaga,,at sinong tatambang sa amin? Tatlo kaya kami! Sige na my yhuna!" kiss sa asawa.

" mag ingat ka yhuan! " hug sa asawa at nag good bye kiss.

Sa biyahe.

Magkasunod ang kotse ng tatlong ginoo sa pagbabaybay sa kalsada patungong bayang Errose.

Ang bayang sadlak sa krimen at maling gawain ng mga tao.

(on phone call)

" marami na pala ang nagbago dito, " puna ni Nathane

" oo, kuya! Yong mga bawat kalye puno na ng mga checkpoint saka madaming krimen ang nagaganap." tugon ni Yhuan sa kabilang linya..

" sa tingin niyo ba! Nililihis tayo sa totoong nangyare non? O sadyang ito ang gusto ng tadhana?" sabat naman ni Carlos sa kabilang linya.

" well, di natin masabi hangga't wala tayong napapatunayan!" sabat ni Nathane

" guys, ihanda niyo na ang identity Card niyo kasi papasok na tayo ng Errose. " pa alam ni Yhuan na nasa unahan..

Hihinto ang mga sasakyan at Isa-isang tatanungin.

" sir your I.D plz, " hingi sa checkpoint

" interpol." pakita ng I. D ni Yhuan..

" kayo pala sir Yhuan, mga kasama mo ba yong kasunod mong dalawa?" usisa ng ginoong naka unipormeng pang pulis.

" oo, " tugon nito..

Nilapitan ang kotse ni Nathane.

" sir, your I. D plz. " singil nito

" here sir! " pakita nito..

" sir! " katok sa pintuan ng kotse ni Carlos.

" sorry sir! " sabay pakita ng chapa..

" ok! " sabay hudyat nito.

Papasok na ng bayang Errose ang magkakaibigan.

May mga white flag sa bawat bintana ng mga bahay at sa bawat pintuan ng mga building.

" anong mayron ngayon? Yhuan? " usisa ni Carlos sa kabilang linya.

" ahh, ayon sa entiel ko! Ngayong araw daw isinilang ang nag iisang Heredera ng Errose, kaya naglalagay sila ng white flag sa bawat pintuan at bintana para bigyan ng hustisya ang kanilang nag iisang Heredera." paliwanag ni Yhuan

" teka? Mukhang ang swerte talaga ng Herederang yan at napakahalaga niya, luluhod talaga ako sa harap niya kapag natagpuan natin siya." hanga ni Carlos.

" aba, sali ako diyan carlos, " ani Nathane

" kayo talaga," tawa ni Yhuan sa kabilang linya.

Maririnig ang isang bulletin board na nagbabalita.

" ibinigay ang kaso ng nawawalang Heredera ng Errose sa tatlong magagaling na Interpol, si Agent 012 na mula ng Spanya at kasalukuyang naninirahan sa San de la Vega, si Agent 008 na mula sa San El Vador at si Agent 009 na mula naman ng Errosse ay nagsanib pwersa para imbestigahan at bigyang linaw ang nakakalugmok na pangyayari sa nag iisang Heredera ng Errose, mananatiling nakatutuk, Errose News Bulletin." pagbabalita ng news caster..

" mga tol, mukhang sikat tayo ngayon ah! Baka blow out naman diyan pagkatapos ng mahirap na kasong to! " padinig ni Yhuan.

" basta ayokong uminom baka lunurin na naman ako ni Maria sa malamig na tubig!" lokong tugon ni Nathane.

" oh, sige! Ako na ang bahala basta dalhin niyo ang mga anak niyo para masaya! " sang ayon ni Carlos.

" paano naman ako? Eh nasa sinapupunan pa lang yung baby namin." lokong tugon ni Yhuan.

" may pagkaloko ka talaga tol, " sabat ng kuya niya.

" hayysst, sa wakas nandito na tayo! Welcome to Mansion de Fuentavilla! " wika ni Yhuan.

Papasok na ang sasakyan ng tatlo sa Mansion de Fuentavilla.

Ang malawak na pathway at puno ng luntiang damuhan.

Ang mala Kastilyong Mansiyon na puti na napapaligiran ng bughaw na rosas na hatid ay kapayapaan.

Sasalubungin ang kanilang sasakyan ng mga ginoong tagabukas ng pintuan.

" grabi, ang laki ng bahay mukhang kalahati lang yung sa atin Carlos." wika ni Nathane

" ganun talaga,, multi Bilyoner ang may ari nito,, Mukhang pati na rin ako mapapaluhod kapag nahanap natin yong herederang nawawala " wika ni Yhuan..

" welcome mga sir!! This way plz, kanina pa kayo hinihintay ng señore at señora." salubong ng isang ginoo na naka white suit.

Sumunod na lamang ang tatlong ginoo at bumungad sa kanila ang mga kagamitang milyones ang halaga at kumikinang sa ginto.

" maupo kayo mga ginoo, should I'll say mga mahuhusay na mga interpol. " wika ng señora na pababa ng hagdan.

Namangha si Yhuan ng masilayan ang mukha ng señora .

Ang kutis nito at paglalakad ay mahinhin.

Ang mala morena niyang balat na mabalahibo.

Ang hugis ng kaniyang mga mata at labi ay parang isang dalagang walang anak.

" mga ginoo, anong gusto niyong inumin? Wine? Or anything? " alok ng señora na umupo sa harap nila.

Magkakatinginan ang tatlo na parang iisa ang iniisip.

" wine nalang señora! " tugon ni Yhuan.

" so? Anong gusto niyong malaman tungkol sa anak ko? " malumay na wika ng señora.

" mula sa simula señora! " tugon ng tatlo.

" oh sige! Taong 1999, pinganak ko ang isang batang sanggol sa Hospital de Errose, ang ganda-ganda niya at kamukhang kamukha ko mas lalo nong umiyak siya, pero bago yun nakilala ko muna si Cashpian IV, pinagkasundo kami ng mga magulang namin. Simula pagkabata, pinakasalan niya ako noong 14 years old ako at taoong 1999 when my 15 bday, isinilang ko ang sanggol na yun, gaya ng sabi ko ang Cute-cute niya at kamukhang kamukha ko, isang ginang ang nakasaksi ng lahat si Manang Yna, hawak-hawak pa nga niya yong baby ko kasi pinakuha ko sa kabilang dako, nandoon din ang husband ko si Cashpian IV, nasa tabi ko siya at pinanggigilan niya yong baby namin, after a few minutes may narinig kaming putok! Sabi ng nurse kailangan naming tumakas ngunit huli na ang lahat, inagaw nila sa asawa ko ang sanggol at pinagtangkaan ang buhay namin, wala akong nagawa sa mga oras na iyon dahil mahina pa ako sa panganganak but manang Yna, sabi niya babawiin niya ang sanggol, hanggang sa nakarinig kami ng putok ang kawawa kong husband nakahandusay sa sahig at duguan. Hinintay kong bumalik si manang Yna pero di ko na siya nakita.. After non my mom and dad said na kailangan naming bumalik sa Europa para kalimutan ng pangyayare habang umuusad ang kaso. Gabi-gabi akong umiiyak, I've missed my child, lagi-lagi akong nanaginip na umiiyak siya, halos mabaliw ako and now 42 years na ako but di ko pa rin kayang kalimutan ang anak ko, lahat ng humahawak ng kaso ng anak ko ay natatagpuang patay o di kaya'y umaatras para bang may pumipigil sa kanila at nagsasabing wala silang alam."  kwento ng Señora.

" tama na nga yan! Mas lalo ka lang pinahihirapan ng pagkukukwento mo! " sabat ng señore Cashpian IV na puro Kastilang lahi ang nanalaytay sa kaniyang dugo.

Ang señore na galing ng Barcelona, Spain.

Siya ang nag iisang anak ng hari ng Barcelona na pangalawang Kabisera ng Spanya at Kaalyado ng mga magulang ni Mia ng Madrid, Spain.

Magbibigay galang ang tatlong ginoo sa pagdungaw ng señore mula sa labas.

" tama na nga yan!" yakap sa kaniyang señora..

" paano ako magtatahan? Yong anak natin? Di pa siya nahahanap? Paano kung naghirap siya? Paano ko mapapatawad ang sarili ko?" wika ng señora.

" babalik ang anak natin, magtiwala ka! " wika ng señore.

" mga ginoo kapag nahanap ninyo ang anak ko, may naghihintay na isang daang milyong pabuya para sa inyong tatlo mahanap niyo lamang anak ko! " wika ng señora..

" señora, hindi mahalaga ang pera kaya ayos lang sa amin na huwag niyo na kaming bigyan ng pabuya kung sakaling mahanap namin siya. "

Sa bayan ng San de la Vega.

Nasa kwarto si Yhuna at dala-dala niya ang lumang litrato ng ina niya. Niyayakap niya ito habang nangungulila sa ina " ina! Mis na mis kuna kayo, alam niyo ba magiging ina na rin ako, at hindi ko ipaparanas sa kaniya ang mawalan ng magulang. " wika ng señoritang nagdadalangtao. May mapapansin tipak sa lumang litrato at may nakalabas nang nakatuping papel. Hihilahin niya ito papalabas. Isang liham ang bubungad sa kaniya. Tutulo na lamang ang mga luha sa kaniyang mga mata ng mabasa ang lumang liham.