(Ang pagpapatawad)

Habang nag uusap ang lahat sa sala ng Mansion de Fuentavilla.

" Sir de la Vega, saan na kayo nakarating nang pag iimbestiga? May clue na ba kayo? " usisa ng señore Cashpian.

" señore, nagkalap na kami ng mga news about sa mga past accident at doon namin nalaman na patay na ang ginang na hinahanap niyo! " tugon ni Carlos.

" ibig sabihin non, dala niya ang lahat ng nalalaman tungkol sa sanggol! Nabawi niya kaya ang anak ko? " usisa ng señora na tila nawalan na naman ng pag asa.

Hinawakan ni señore Cashpian IV, ang balikat ng asawa at nagwika."ang tanging pag asa nalang natin ay ang DNA test, mayroon akong nakita online her name is Ms. Yhuna de katapangan, i was shocked dahil kamukhang kamukha niya ang asawa ko! She's so simple alam niyo ba nakikita ko ang mukha niya sa asawa ko! " pa alam ng señore na ikinakaba ni Yhuan.

" señore, kilala namin si Ms. De katapangan!" pagtatapat ni Nathane.

" then, saan siya? I need to talk her, alam niyo bang nagkaroon ako ng pag asa dahil sa kaniya." ani señore..

" señore, naimbestigahan na namin siya!" pagtatapat ni Carlos.

" then kailan? Di ba siya ang anak namin? " usisa nito.

" hindi señore!" malungkot na wika ni Yhuan.

" paano niyo nakilala si Ms. De katapangan? Saan siya nakatira? Baka siya na ang anak ko? Kailangan ko siyang makausap? " usisa ng señora na tila gustong puntahan ang sinasabing babae.

"teka? Paano niyo siya naimbestigahan?Kamag anak niyo ba siya?" usisa ng señore.

" because She's my wife!" sabat ni Yhuan.

" asawa mo siya? Then paano mo nalaman na hindi siya ang anak namin? " pagtataka ng señore.

" señore Cashpian IV at Señora Casheandra, nagsagawa kami ng DNA test ng palihim but sad to say Negative ang result ng DNA." paliwanag ni Carlos..

Nagulumihan na ang lahat "akala namin siya na ang anak ninyo! But we failed kaya kumakalap uli kami ng evidence para mahanap ang anak ninyo señore! " wika ni Nathane.

" hindi namin lubos maisip na magiging negative ang resulta ng DNA test, " dagdag ni Yhuan .

" because I've change it!" sabat ng isang babae sa may pintuan.

Napatayo ang lahat sa kaba ng marinig ang boses sa may pintuan.

" pinalitan ko ang hibla nang buhok na kinuha sa akin ni Yhuan, pinalitan ko rin ang tootbrush niyang kinuha, gusto ko kayong mag suffer ng matagal dahil di niyo ako hinahanap, hindi niyo ako hinanap, hindi," wika ni Yhuna na nakatayo sa harap ng sala ng may pagkagalit.

" my yhuna," dali-daling lapit ni Yhuan sa asawa.

" sabihin niyo nga? Naranasan niyo bang pagkasyahin ang isang daang piso para sa pagkain at allowance sa isang buwan? Malamang hindi? Dahil nandoon kayo sa Europa samantalang ako naghihirap sa pag aaral at pagraraket," iyak ni Yhuna sa harap ng lahat habang nakatitig sa magulang niyang di makalapit sa kaniya.

" tahan na nakakasama yan sa baby natin! " ani Yhuan sa asawa.

" ano? Di kayo makapagsalita? 27 years na ako, ay oo nga pala birthday ko ngayon at 28 years old na ako! Pumunta ako dito dahil sa pakiusap ni Ina, this letter! Heto! Basahin niyo! Ginawa yan ng Inang nag alaga sa akin, 20 years ago may batang babe na nakaligtas sa jeepney na nahulog sa bangin, alam niyo ba mabuti pa yung ang aalaga sa akin, prinotektahan niya ako sa anumang tatama sa ulo ko sa mga oras na iyon, she died because of me! Tapos sabihin niyo hinanap niyo ako? " pabatong salita ni Yhuna sa harap ng parents niya.

Mapapahagulhol ang mommy niya at hindi magawang lapitan ang anak nilang galit na galit at gustong ilabas lahat ng sakit na nadanasan niya.

" my yhuna! Tama na! You're pregnant remember! " paalala ni Yhuan sa asawa..

Makikitang mahihilo si Yhuna sa mga oras na iyon kaya magpapanic ang dalawang ginoo at paaalalayan siya. " my yhuna naman, baka mapano yung anak natin? " worry ni Yhuan..

" tingnan mo sila Yhuan? Mga magulang ko ba talaga sila? " wika ni Yhuna sa parents niyang hindi maka alis sa kinatatayuan ng mga ito.

Lalapitan ng mommy niyang lumuluha sa saya.

" anak, humihingi ako ng tawad sa dalawang pung pitong taon na hindi kita nakasama, sana mapatawad mo kami ng dad mo! Hinanap ka namin pero hindi ka namin natagpuan, pabalik-balik kami sa lugar ni manang Yna pero ang sabi wala na siya roon, anak! Tatanggapin namin lahat ng parusang ibabato mo pero pakiusap bumalik kana sa amin, pinagdusahan kona gabi-gabi ang pagkawala mo, saksi ang mga interpol na aming pinahawak ng kaso sila ang patunay na lahat ng humahawak ng kaso mo ay pinapapaslang at tinatakot, mahal na mahal ka namin anak, sana maunawaan mo kami." pagluhod ng señora sa harap ng anak niyang matagal ding nawala.

Yhuna Pov's

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya.

Ang hugis ng mukha niya ang mga mata niya at kaniyang mukha.

Ang pilikmata at ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

Gusto ko ba talagang magmakaawa sila sa harapan ko.

Hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko sa kanila.

Nakikita kong papalapit sa dad mula sa kinaluluhuran ni mom .

" anak, alam kong galit na galit ka sa amin kung bakit hindi ka namin hinanap ngunit ang totoo hinanap ka talaga namin, ang mom mo! Siya ang lubos na nasasaktan, she was only 15 nong pinanganak ka niya. Oo, wala kaming nagawa para bawiin ka pero si manang Yna, siya ang tumayo bilang ina mo, alam ko kung bakit ka nagagalit sa amin, ang importante ay nakita ka na namin, sana mapatawad mo kami." luhod ni dad sa tabi ni mom..

Nagkagulatan ang lahat ng makitang nakaluhod ang dalawa sa anak nilang nagpupuyos sa galit. "gusto niyo bang patawarin ko kayo? Ehh bat kayo lumuhod? Gusto niyo bang ipaglihi ko diyan ang baby ko?" wika ng Yhuna sa mga magulang niya.

Nagsitayuan ang mga magulang niya.

" pinapatawad niyo na ba kami anak? " usisa ng parents niya.

" my yhuna, tapusin mona ang nakaraan mo! At magsimula kayong muli." payo ng asawa niya

I was little bit nervous of akward dahil sa sinabi ni Yhuan, how can I start again?

Pinagsalitaan ko sila kanina at di ko mapapatawad ang sarili ko sa mga binitawan kong salita.

Basta aayusin kona to.

Nilapitan ko sila " mom! Tahan na po! " hawi ko ng mga luha niya.

Napatitig siya sa akin at gusto niya akong yakapin.

" I am Yhuna De katapangan y Fuentaverdes, ay humihingi ng tawad sa mga binato kong salita sa harap ng aking mga magulang na hindi ko nakasama 27 years ago, lubos na nagpuyos sa galit ang damdamin ko kanina dahil sa hindi ko kayo naintindihan." paumanhin ni Yhuna na sinabayan ng pagluhod sa harap ng kaniyang mga magulang tanda ng pagpapaumanhin niya sa lahat ng mga salitang binitawan niya.

Hindi pa siya nakakaluhod ng maayos ng pinigilan ng mom niya at niyakap.

" wag kang lumuhod sa aming harap anak, you're my sweet villa, " yakap ng mom niya..

" im sorry anak, sa lahat! Sana mapatawad mo si dad! " yakap naman ng dad niyang may luha sa mga mata.

" dad, parang di kayo lalaki eeh! " hawi sa luha ng dad niya.

Napangiti ang tatlong ginoo sa kinauupuan nila.

Sabay sabay maghuhudyat.

Tatayo si Nathane at Carlos "mukhang resolva na ang kaso, so kailangan naming lumuhod sa nag iisang heredera." padinig ni Nathane.

Malilingat si Yhuna " teka? Bat kayo luluhod?" lapit sa tatlong ginoo.

" ehh napagkasunduan namin kanina ehh! " tayo ng mga ito at lumuhod.

" tumayo na nga kayo! Remember im pregnant, saka Yhuan!! Isa ka pa! " sumbat sa asawa.

" sorry my yhuna! " tugon nito.

" tumayo na kayo! Gusto ko nang umuwi saka di alam ni Mia na nandito ako! " pagtatapat ni Yhuna..

" ayy, pasaway ka talaga! Mababaliw yong kaibigan mo! Di ka pala nagpaalam! " tayo ni Yhuan at sinundan ng mga kaibigan nito.

Sasali sa usapan si señora Casheandra.

" pwede bang samahan mo kami rito anak? Gusto ko sanang makatabi ka sa pagtulog!" wika ng mom niya.

Sasang ayon ng tingin si Yhuan sa asawa niya " sige ho mom!" upo nito sa tabi ng parents niya.

May tatawagan si señore Cashpian IV, " hello, everything is perfect! Mom and dad! Nakita na namin ang munti naming Villa, we need to celebrate!" balita ng señore sa kausap.

Magpapa alam naman si ang dalawang ginoo.

" señore, señora at nag iisang heredera ng Errose! Magpapa alam na kami!" wika ni Nathane.

" teka? Itatransfer ko nalang sa account niyo ang pabuya! Saka di dahil sa inyo di ko makakasama tong my villa ko! " tugon ng señora.

" ok lang ho yun señora, aalis na ho kami! " paalam ng dalawa.

Naiwan si Yhuan sa kabilang Sofa.

" May I talk to you Mr. Yhuan." wika ng señore.

Sumunod naman si Yhuan sa señore at may pinag usapan ang mga ito.

Habang nag uusap naman ang mag inang lubos ang kaligayahan.

" my villa, sobra kitang na mis! " kiss sa pisngi ng anak.

" mom naman, yong mukha niyo parang hindi 40's parang ka edad ko lang kayo! " puna ng anak niya.

" basta na mis kita!" hawak sa pisngi at niyakap.

" na mis ko din naman kayo ehh! Bat ba kasi magkakulay tayo! " puna ko sa kutis ni mom.

" syempre, alangan namang ipaglihi kita sa dad mo, ang puti-puti kaya non! Teka? Ang haba-haba ng buhok mo my sweet Villa." puna nito.

" alam niyo mom, one month na siya sa sinapupunan ko! " ani ko.

" hello apo, ( hawak ni mom sa tiyan ko) sa paglaki mo! Sigurado akong kasing ganda mo kami o di kaya'y kasing gwapo ka rin ng daddy mo, " wika ni mom..

" mom, naman! Ayokong ipaglihi to sa asawa ko baka magmana sa kalokohan niya! " sabat ko kay mom.

" tingnan mo ngo yong dad mo at asawa mo mukhang nagkakatuwaan na naman! " puna ni mom.

" oo nga ho ehh! I love you mom! " hug ko sa kaniya.

" ay ang sweet-sweet nang villa ko, I love you too my sweet Villa. " hug niya sa akin..

Naramdaman ko na lamang na parang kompleto na ang puso ko.

Ang saya ko ngayon, sobrang saya.

Nayakap kona sila at nahawakan.

Mukhang magiging masaya pa ang mga susunod na araw.

(Breaking news update)

" kanina-nina lang ay may natanggap kaming balita na nagbalik na ang heredera ng Errose. Oo, nagbalik na siya at alam niyo ba maaring nakasalamuha niyo na siya sa paaralan o sa daan. Alam niyo kung anong pangalan niya 27 years ago, Syempre siya lang naman si Ms. Yhuna de katapangan y Fuentaverdes, ang asawa ni yhuan yhune yhang Fuentaverdes II, yong babaeng mahilig makipag compete ng basketball para makakuha at makaipon ng pera, yes! Siya nga yun! Ang babaeng mala morenang kutis at take note nangsasapak ho siya ng kaklase ayon sa mga nakilala naming mga students. Grabi rin pala ang pinagdaanan ng señorita natin, alam niyo bang nakasurvive siya sa pagkahulog sa bangin ng kanilang sinasakyang jeepney, at alam niyo ba magkakaroon ng Thanksgiving party para sa señorita na gaganapin sa Mansion de Fuentavilla, manatiling nakatutok breaking news update." pagbabalita ng news caster.