(Sa kandungan ng aking ina)

Matapos ang pagpapatawaran ng mag ina sa sala ay nagpadala nang imbetasyon si Señore Cashpian IV, ng bayang Errose sa mga business partner niya mula sa Europa.

Ganun din ang lahat ng karatig bayan ng Errose ay pinadalhan din inbitasyon.

Nasa Mansion de Fuentavilla si Yhuna para doon ay pormal na kilalanin ang sarili at para ipakilala sa party na magaganap.

Ang lahat ay naging abala pati boung bayan ay naghanap ng magarang isusuot para sa engrandeng party na dadaluhan.

Nasa sala si señora Casheandra namimili ng alahas para sa kaniyang pinakamamahal na villa na si Yhuna.

" hindi ko alam kung anong gusto mo? Kaya pinalabas ko itong mga alahas ko! " bukas ng kahon na puno ng kumikinang na mga alahas.

Ibat-ibang istilo at mukhang mahal ang bawat isa "my villa, pumili kana!! At pagkatapos nito ay isusukat ko sayo ang dress na binili ng dad mo!" wika ng señora..

" mom! Hindi ko po kailangan yan! Gusto ko lang mapasaya ko kayo at si dad! " tugon ni Yhuna.

" ayyyy! Napakasimple mo talaga my villa." hawak sa pisngi ng anak.

Niyakap niya ang anak at hinawakan ang kamay.

" lahat ng ito ay para sayo, ikaw ang ang iisang tagapagmana ng lahat," wika niya sa anak.

" mom, kailangan ko ho ng isang ina at hindi alahas mas lalong hindi mana!" tugon ni Yhuna.

" ikaw talaga! May pinagmanahan ka talaga, di bale, ang asawa mo nalang ang papipiliin ko ng alahas na babagay sayong dress, halika sa taas! " yaya niya sa anak..

Iniwan sa sala ang kahon ng alahas at isinara ito ng isang manang at sumunod sa pag akyat sa taas. " alam mo bang mahal ang damit mong susuotin!! Syempre si mommy mo ang may gawa, kaya im sure susuotin mo talaga yun! " wika ng señora sa anak.

" isa po kayong designer? " pagtataka ni Yhuna..

" ano ka ba? Wag ka nang mag po! Saka ,oh my goshh! Nanggigigil pa rin ako sayo! " kurot sa pisngi ng anak.

" alam niyo mom! Mahapdi na ang pisngi ko! " ani Yhuna.

" gusto ko lang kasing panggigilan ka, saka yhuna is not your real name! Because you're my villa, ang pinakamamahal kong bulaklak."

" then what's my real name? " usisa ni Yhuna..

" secret, mamaya na sa party malalaman mo, welcome my villa sayong malakastiyong kwarto." bukas ni mom ng pintuan.

" wow mom! Ang ganda!"

Namangha ako ng masilayan ang malawak na kwarto na magara.

Ang bookshelf na puno ng libro.

Ang kabinet na puno ng mga tedy bear na blue.

Ang bed sheet na kulay puti at may desenyong bulaklak.

Ang magandang view sa window glass na sinasabitan ng pink curtain.

Ang kabinet na puno ng dress na magagara.

Ang malawak na sofa area at may flat screen Tv.

Ang study area na may magandang mesa at upuan.

May clock sa gilid ng bed na nakapatong sa table.

Ang lapag na may red carpet at may cute na malaking tedy bear na nakapatong sa may kabinet.

My flower vase sa center ng table na puno ng mga bulaklak.

Ang ganda ng paligid at pumapasok ang preskong hangin mula sa window na kung saan makikita mo ang ektaryang lupain na puno ng mga bulaklak.

" mom! Ang ganda-ganda ng kwarto ko! "  hug ko sa kaniya.

" syempre namis kita!! Kaya simula ngayon dito na kayo tumira ng asawa mo ha!! Para maging masaya ang bahay na to at dapat punuin niyo rin ng ingay." wika ng mom niya..

" mom naman, saka may trabaho ho si Yhuan, kaya nga lumipat kami ng sentro dahil naroon ang Company na pinamana ng dad niya, " pa alam sa mom niya

" anak, alam mo gustong-gusto kitang panggigilan at yakapin! " pagkasabik niya sa anak.

Hinawakan ko siya sa mukha " ang ganda niyo mom! " titig ko sa kaniya.

" ayyy ang cute mo talaga anak! " kurot sa pisngi ng anak.

" mom naman, " ani ko

" teka? Nandito pala yung susuotin mo my sweet villa." lapag ng kahon sa kama

" mom, pwede bang simple lang ang suotin ko!" pakiusap nito.

" my villa, di pwede ito na kasi ang binili ng dad mo! Saka alam mo bang milyones ang halaga nito! " bukas ng kahon.

Tumambad sa akin ang kumikinang na white dress na makikintab ang tela.

" napakagara nito mom! " aniya ko.

" syempre, si mommy mo ata ang nagdesign nito! Look heto ang pares na shoes, flat lang siya alam ko kasing nagmana ka sa akin at hate mo ang pointed so I'll decided na ito ang ipares." pakita ni mom...

" napakasimple nito mom, " napahikab ako sa sandaling iyon na parang dinadalaw ng antok.

" my sweet villa, halika matulog ka sa kandungan ko! " yaya ni mom sa akin.

" maraming salamat mom!" higa ko sa kandungan niya.

" close your eyes my sweet villa." utos ni mom.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinahaplos ang buhok ko ni mom na siyang ikinadalaw ko ng antok.

Naramdama ko ang bawat haplos niyang kaysarap.

Kahit nakapikit ang aking mga mata ay nararamdaman kong nakatitig siya sa akin habang nakangiti.

Ang puso kong sumasalliw sa haplos ng aking Inang nagbabalik ay natutuwa sa pagkasabik.

Habang nasa kandungan niya ako, ako nama'y parang nasa ulap nakalutang.

Ang sarap ng kaniyang pagmamahal na kaytagal ko ding hindi naranasan.