Chapter 124

Pinili na lamang umalis ng lalaking si Manager Chi sina Guild Master Branch na si Chen Hui at ang batang lalaking si Li Xiaolong. Alam naman niyang hindi maaaring saktan ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch na si Chen Hui ang batang ito dahil sila rin ang malilintikan.

Na-stress out lamang siya rito at parang wala rin siyang ambag sa sitwasyong ito. Mistulang malaking aso at maliit na aso ang dalawang nilalang na ito, walang gustong magpatinag.

Napansin niya ring wala ang presensya ng magandang babaeng si Lu Lan na kani-kanina lamang ay nandito ngunit ngayon ay hindi na niya mahagilap ito.

"Mukhang sinalisihan ako ng babaeng si Lu Lan. Kailangan ko siyang mahanap dahil pakiramdam ko ay gagawa ito ng kalokohan rito." Sambit ng lalaking si Manager Chi habang nasa labas na siya at nag-uumpisa ng maglakad at hanapin ang magandang babaeng si Lu Lan na nawala lamang na parang iglap. Kasalanan niya rin dahil nawili siya kakanood at kakakinig sa usapan ng mga ito.

...

"Sigurado ka bang pumunta ako rito para manloko magloko lamang ng rito. Pumunta ako rito upang gawin ang dapat kong gawin. Gusto kong makausap ang Guild Master ng mismong Feathers Guild." Seryosong saad ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagpipigil sa kaniyang sarili. Naisip niya kung papatulan niya ang panlalait na ito ng nasabing Guild Master ng branch na ito na si Chen Hui ay mas magkakasakitan lamang.

"Sigurado ka ba? Pero sa lagay mo bata ay parang desperado ka na ata sa iyong pagpunta rito. Wala akong tiwala sa inyong mga dukhang mga angkan ng Li Clan. Nakakainis isipin na ang mga mahihirap na katulad niyo ay pumunta sa aking Feathers Guild." Mapanghamak na sambit ng medyo may edad na lalaking Guild Master na si Chen Hui.

Agad namang ikinalma ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaniyang sarili laban sa mapanghamak na salitang sinasabi ng Guild Master na si Chen Hui. Tsaka di naman siya masasaktan na sabihing mahirap ang Li Clan o pamilya dahil mahirap naman talaga sila.

"Oo naman. Wala ka bang tiwala sa batang katulad ko. Sabi nga nila ay ang mga bata ay nagsasabi ng totoo." Sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang nakangiti. Plano niyang inisin ang medyo may edad na lalaking Guild Master Branch na si Chen Hui.

Napangiti na lamang siya sa kaniyang kaloob-looban. Alam niyang ang pagiging bata niya o sa murang edad niysng ito ay maaari siyang mailigtas nito sa ibayong kapahamakan. Sigurado siyang hindi siya sasaktan ni Guild Master Branch Chen Hui dahil sa kaniyang sariling teritoryo nito.

Kung sakali mang magbalak itong saktan siya ay sigurado naman ang batang lalaking si Li Xiaolong na makakaligtas siya rito. Napakalakas ng kaniyang Cultivation Manual na Asura Art of Divinity. Ilan sa mga pages ng nasabing pambihirang libro na ito ay natutunan niya. Marami siyang nakuhang profound understandings kung saan ay makikitang hindi siya natatakot sa anumang gawin sa kaniya ng Guild Master ng branch na ito na si Chen Hui.

"Hmmmp! Bata ka nga ngunit ang mga Li Clan ay mga walang hiya. Ginamit ka pa nila para pumunta rito baka kung ano pa ang gawin ng mga ito laban sa amin. Baka magnakaw ka lang rito o espiya ka lamang nila. Kahit ako nga ay walang kakayahan upang tawagin ng casual ang nasabing Guild Master mismo ng Feathers Guild!" Mapanuyang sambit ng medyo may edad na lalaking Guild Master na si Chen Hui habang makikita ang labis n pagbibintang rito.

Tila makikita namang medyo nainis naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabing ito ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch na si Chen Hui. Magsasalita pa sana siya ng may malakas na tinig siyang nagsalita sa maliit na silid na ito

"Ganito ka ba makitungo sa mga customers niyo Chen Hui?! Hindi ko aakalaing ganito ang isang Guild Master ng Branch na ito!" Malakas na sambit ng isang boses na naglalaman ng kakaibang awtoridad rito.

Ang buong lugar na ito ay nagkaroon ng kakaibang pagbigat ng buong paligid. Dahil sa galit na nararamdaman ng nagsalita ay tila ang bawat salita nito ay naglalaman ng kakaibang enerhiya na nagpi-press down sa kaniya.

"AHHHHHHHHH!!!!!" Malakas na pagdaing ng medyo may edad na lalaking Guild Master Branch na si Chen Hui sa lupa.

Nakaramdam din ng kakaibang pressure ang batang lalaking si Li Xiaolong ngunit masasabing malakas din ito ngunit hindi ito maikukumpara sa lakas ng pressure na nagpress down sa mismong Guild Master Branch na si Chen Hui.

Napangiti na lamang ng palihim ang batang lalaking si Li Xiaolong. Mabilis na nagkaroon ng faint glow ang katawan niya ngunit mabilis din itong nawala. Kasabay nito ang paggaan ng kaniyang pakiramdam.

"Hmmm... Sigurado akong isang malakas na eksperto ito. Kahit ang lalaking si Chen Hui na isang Guild Master Branch ay na-press down ngunit ako? Hindi ako matatakot o masisindak ng simpleng suppression na ito kahit sa kaniya man lang." Sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang palihim pa itong napangiti. Kahit na hindi na siya apektado ng nasabing suppression ay mabilis siyang umaktong parang naapektuhan ng nasabing Suppression.

...

[Bago pa mangyari ang insidente sa loob ng maliit na silid.]

Kasabay ng pagkasunog at pagkaabo ng nasabing talisman na gawa sa papel ay siya namang pagkagising ng isang may edad na lalaking mayroong kulay abo na pares ng mata. Makikita tila hindi nito nagustuhan ang pangyayaring ito.

"Sky Flame Kingdom?! Hmmm... Hindi ko aakalaing ginamit ng Guild Master Branch ang talisman na aking ibinigay sa kaniya." Sambit ng isang may edad na lalaking ito.

Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahimlay niya sa lugar na ito. Tila ba ngayon lamang ito muling nagising mula ng makatulog ito ng ilang araw.

Kahit na medyo may katandaan na ito ay masasabing mayroong kakaibang enerhiyang nakapaloob sa katawan nito at napakalakas pa nito jung titingnan. Maayos naman ang itsura nito at hindi naman ito kapayatan. Nakadamit pa ito ng robang kulay puti na walang bakas ng anumang mantsa o dumi rito.

Mabilis na umihip ang hangin sa kakaibang lugar na kinaroroonan niya kung saan ay kasabay nito ay ang paglaho niya sa lugar na ito.