Chapter 125

Maya-maya pa ay lumitaw ang may edad na lalaking ito sa isang eskinita kung saan ay walang katao-taong dumaraan dito. Mabilis siyang naglakad-lakad. Bawat huni sa paligid sa lugar na ito ay mabilis niyang naririnig kahit ang huni ng mga insekto sa paligid kagaya ng lumilipad na bubuyog ay rinig na rinig niya. Sinuyod nito ang daang patungo sa kinaroroonan ng branch ng Feathers Guild kung saan ay maraming mga nagtutumpukang mga tao rito.

Mabilis niyang narinig at pinakinggang maigi ang mga usapin ng mga nakikiusyuso sa labas ng nasabing establishimento ng Feathers Guild.

"Alam niyo ba na isang musmos na bata ang lumitaw ang pumasok sa loob ng Feathers Guild?!"

"Nahuli ka na ata sa balita, ito nga ang dahilan kung bakit kami naririto ngayon."

"Hahaha nakakaalarma naman talaga ito. Kailan pa tumatanggap ng customer na edad lima hanggang pito lamang ang batang lalaking iyon."

"Sinabi mo pa, akala ko ay mga martial arts expert lamang ang maaaring tanggapin sa loob.".

"Yun din ang pagkakaintindi ko eh. Hindi kaya anak iyon ng isa sa mga taga-assist ng customers nila?!"

"Malamang sa malamang ay oo. Akala ko pa naman ay bawal magdala ng bata ang mga taga-assist dito."

"Mukhang sinira ata nila ang sarili nilang batas na pinapatupad."

"Hoy ang bibig mo, di pa nga natin nakumpirma ang mga bagay o totoong isyu rito ay gumagawa ka na ng kwento!"

"Oo nga, baka marinig ka pa ng may awtoridad dito at ikaw ay parusahan, naku naku..."

"Huli na talaga kayo ng balita, ngayon ay kinakausap na raw ng Guild Master Branch ang mismong batang paslit na iyon."

"Totoo ba? Ano'ng balita?!"

"Malamang ay wala pa rin. Nasa interrogation Area sila. Kung gusto mong mag-eavesdrop sa kanila ay ikaw gumawa."

"Yoko nga baka maparusahan pa ko, ayoko!"

"Okay lang sana kung simpleng parusa lang aabutin mo dun."

"Oo nga, mabigat pa naman mga parusang ipinapatawa sa mga nakakagawa ng kasalanan dito."

Agad namang naglakad ang may edad na lalaking ito papasok ng Feathers Guild. Tila ba hindi nito alintana ang mga tao sa paligid na ito. Malamang sa malamang ay ayaw nilang madamay sa gulong nangyayari dito o kung ano pa man.

Narinig niya ang lahat ng mga pinag-usapan ng mga ito ngunit karamihan ay wala ding kwenta.

Ang tanging nakakuha ng atensyon niya ay ang nasabing pag-uusap ng Guild Master Branch na si Chen Hui at ang pagpunta nito sa Interrogation Area kung saan naroroon ang batang lalaking hindi pa tukoy ang pagkakakinlanlan.

Medyo nagkaroon siya ng kuryusidad sa nasabing pangyayaring ito. Hindi niya aakalaing ang isang batang lalaking hindi pa tukoy ang pinagmulan ang naglikha ng kakaibang komosyon na ito. Masyado naman ata itong nakakabigla lalo at hindi naman kasi sa lahat ng panahon at pagkakataon ay may nangyayaring ganito.

Agad naman siyang pumasok sa loob ng interrogation Area ng matiwasay. Hindi naman kasi siya kaduda-duda o di kaya ay wala naman sa kaniya ang atensyon ng mga ito.

Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa nasabing Interrogation Area ay mabilis niyang narinig ang boses ng dalawang nilalang na animo'y nagtatalo ito. Kung di siya nagkakamali ay boses ito ng bata at ang isa naman ay boses ng isang medyo may edad na. Kung di siya nagkakmali ay parehong lalaki ang mga ito.

Rinig na rinig niya kasi dahil medyo nakaawang ang pintuan ng nasabing maliit na silid na kung saan ito nagmumula.

Narinig niya ang panghahamak na nakapaloob sa boses ng medyo may katandaan lalaki ngunit kabaliktaran naman ito sa boses ng batang lalaking ito ay mayroon pa ring composure at tila nagpipigil lamang ng inis sa natatanggap nitong mga maanghang na salita mula sa nasabing medyo may katandaang lalaki.

...

Kasalukuyang nasa harap na ang may katandaan na lalaking nakasuot ng puting roba na kasuotan habang nakatingin sa kaniya ang dalawang nilalang na walang iba kundi ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui habang sa kabilang direksyon nito ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui ay tila ba mabanakas ang pangamba at pagiging balisa nito nang makita nito ang pagmumukha nito habang ang batang lalaking si Li Xiaolong ay makikita ang pagliwanag ng pares ng mga mata nito. Parang pamilyar kasi ang mukha ng may katandaang lalaking nasa harap niya.

Tila nag-isip naman ng malalim ang batang lalaking si Li Xiaolong kung saan niya ba ito nakita.

"Saan ko nga ba nakita itong magandang lalaking ito. Bakit pamilyar siya sa akin?!" Tila na-immerse ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang malalim na pag-iisip lalo na at ang pangyayaring ito ay alam naman niyang hindi niya man ito nakikita pa sa personal pero nakita niya ito somewhere else.

"Se-senior G-Guō Chao?! Ano'ng ginagawa niyo rito?!" Tila nahintatakutang sambit ng medyo may katandaang lalaki na si Guild Master Branch Chen Hui habang makikitang may namumuong malapot na pawis sa bandang noo nito. Tila ba namutla ito dahil sa labis na hindi inaasahang pangyayari na ito. Pinipigilan pa nitong mautal habang nagsasalita ito ngunit bigo ito sa kaniyang sariling pamamaraan ng pagsasalita.

Mabilis na tumayo ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui habang mabilis itong napayuko tanda ng paggalang.

"Mabuti at natatandaan mo pa ako. Hindi ko aakalaing sa pagbisita ko rito ay ganito ang maaabutan ko!" Seryosong sambit ng lalaking tinawag ni Guild Master Branch Chen Hui na Senior Guō Chao. Makikita na medyo naningkit ang mata nito sa paraan ng pagsasalita nito.

"Se-senior G-Guō Chao, ma-mali po kayo ng iniisip. Ang batang to ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hindi ko inaasahan na gagawa ito ng malaking komosyon dito." Nanginginig na sambit ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui habang nakayuko pa rin ito. Makikitang labis itong natatakot sa nilalang na nasa harapan niya kundi ang may katandaan na lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao.

Bago pa magsalita ang matandang lalaking si Guō Chao ay mabilis na nagwika ang batang lalaking si Li Xiaolong na kanina pa tahimik.